You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Division of Science City of Muñoz
Muñoz National High School-Main Junior High School
Bantug West, Bantug, Science City of Muñoz, Nueva Ecija

October 16, 2021

HON. RODELIO S. PEREZ


Punong Barangay
Barangay Bakal II
Talavera, Nueva Ecija

Mahal na Punong Barangay:

Magandang araw po!

Bilang pagtugon sa panawagan ng DepEd na nakapaloob sa Memorandum No.


048, s.2021 (Brigada Pagbasa) o ang pagpapatupad ng Reading Remediation
bilang bahagi ng Brigada Eskwela, para sa mga batang hirap sa pagbasa, ang
MNHS-Main, Junior High School ay nagsagawa ng pagtataya sa pagbabasa o
“reading assessment” sa mag-aaral ng Grade 8 noong September 20-30, 2021. Sa
isinagawang gawain, natuklasan namin na may ilang mag-aaral ang may suliranin
sa pagbabasa. Dahil dito, nais po naming hingin ang inyong pahintulot at gabay
upang mabigyan ng solusyon ang suliraning nabanggit.

Upang matulungan ang mga batang may suliranin sa pagbasa, ang mga guro ng
Grade 8 ay naglunsad ng interbensyon sa pagbasa na pinamagatang Project REAP
(Reading Enhancement Adaptive Program in Time of Covid-19 Pandemic). Layunin
ng programang ito na matulungan ang mga mag-aaral na maging mahusay sa
pagbasa at upang makasunod at makasabay sa lahat ng asignatura.

Kami ay buong kababaang loob na lumalapit sa inyong opisina upang


maisakatuparan ang layunin ng DepEd na “Bawat Bata ay Bumabasa”. Hinggil
dito, aming inihihingi ang tulong ng Sangguniang Kabataan (SK) upang maging
katuwang sa pagtuturo ng pagbasa sa ilang bata ng inyong barangay at
mapahintulutan na ang Barangay Hall o Gymnasium ang maging venue ng
pagkatuto ng mga bata. Ang mga reading materials na gagamitin sa pagtuturo ng
pagbasa ay ibibigay ng mga gurong nakatalaga sa inyong barangay.

Dahil sa limitadong kilos ng mga guro dulot ng pandemya, naniniwala kami na sa


tulong ng inyong barangay at sa serbisyong maibibigay ng Sangguniang Kabataan
bilang “instructional assistants” ng mga guro ay matutugunan natin ang suliranin
ng mga bata sa pagbasa. Positibo ang aming grupo na mapagbibigyan ang aming
panawagan at kahilingan para sa ikabubuti ng ating mga kabataan.

Maraming salamat at patuloy nawa tayong ingatan at pagpalain ng ating Diyos.

Muñoz National High School-Main Junior High School


Brgy. Bantug, Science City of Muñoz, Nueva Ecija 3119
Contact No.: 09062756571
Email: munoz_nhs@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Division of Science City of Muñoz
Muñoz National High School-Main Junior High School
Bantug West, Bantug, Science City of Muñoz, Nueva Ecija

Lubos na gumagalang,

MARINELA D. SERNA PRINCESS CATHERINE B. ZAMBALE


Grade 8 Reading Coordinator Grade 8 Teacher

MABEL V. VILLA KATHERINE S. VITE


Grade 8 Teacher Grade 8 Teacher

ARLENE R. VILORIA CHRISTIAN LEE R. ROQUE


Grade 8 Teacher Grade 8 Teacher

Binigyang-pansin:

ANN CHRISTIAN A. FRANCISCO


Head Teacher III
English Department
MNHS-Main (JHS)

Iminungkahing Pagtibayin:

EMMANUEL D. ALVAREZ, PhD


Principal IV
MNHS-Main (JHS)

Pinagtibay:

HON. ROLANDO S. DELA CRUZ


Punong Barangay
Barangay Bakal III

Copy furnished:
Joshua A. Bondoc
SK Chairperson

Muñoz National High School-Main Junior High School


Brgy. Bantug, Science City of Muñoz, Nueva Ecija 3119
Contact No.: 09062756571
Email: munoz_nhs@yahoo.com

You might also like