You are on page 1of 1

SOLICITATION LETTER

Nobyembre 3, 2021

Isang mapagpalang araw po!

Ang Dela Paz-Libutad High School ay patuloy pa rin sa pagtugon ng layunin nito na
mapaunlad ang mataas na karunungan ng mga mag-aaral sa kabila ng pandemyang ating
nararanasan. Ito ay ating nagagawa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng buong komunidad
mula sa mga magulang,mamamayan, namamahala at mga guro ng paaralan.

Sa kasalukuyan, ang Covered Court ng paaralan ay isa sa mga nangangailangan ng


agarang pagpapaayos dahil sa madalas na pagbaha nito tuwing umuulan. Ang amin pong plano
ay maipatambak ito, masementuhan at mapaayos ang drainage system.

Kami po ngayon ay kumakatok sa inyong puso para sa pinansyal o materyal na tulong


upang maisakatuparan ang aming plano patungkol sa Covered Court, na kung loloobin po ng
Maykapal at ninyong may mabuting kalooban ay magiging makatotohanan.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtulong at lubos naming inaasahan ang
inyong pagtugon.

You might also like