You are on page 1of 3

WORDS OF GRATITUDE

Alam kong masyado pang maaga para sabihin to pero congrats sa


ating lahat pero wag muna tayong magpakampante kasi may 2 taon pa tayo
sa high school.
Magandang umaga sa ating lahat… sa mga estudyante, magulang,
teachers at bisita natin ngayong araw na’to para sa moving up ceremony
naming mga G10. Andito po ako upang magbigay ng words of gratitude sa
mga teachers, mga kaibigan, at lalong-lalo na sa mga magulang.

Unang-una ay ang mga teachers. Sa lahat po ng teachers na naririto


thank you po dahil gumigising po kayo ng maaga para po turuan kami araw-
araw. Salamat po dahil nagsilbi po kayong pangalawa naming mga
magulang. Ginagabayan, tinuturuan, inaalagaan, at iniintindi niyo po kami
kahit po minsan… minsan nga lang ba? Matitigas yung ulo namin, maiingay
at makukulit po kami, pasensya na po ganyan lang po talaga ugali naming
pero deep down mahal na mahal po namin kayong lahat.
Salamat po dun sa teacher na palaging nanghihingi ng RISPITU pero
mas mahal niya pa yung G8 kaysa sa amin, Salamat po dun sa teacher na
may dugo ni Andres Bonifacio kaya siguro ayaw niyang nagpapatalo,
Salamat po dun sa teacher na di mo alam kung bumubulong o nagpapatulog
ng bata pero sumisigaw na pala, Salamat po dun sa teacher na ubod ng ganda
kaso mapang-asar, Salamat po dun sa teacher na kapag may nag-aaway
laging wala, Salamat po dun sa teacher na nagpapagawa ng activities tapos
dadaldalin kami kaya di matutuloy, Salamat po dun sa teacher na akala mo
lagging tulog pero singkit lang pala siya, at Salamat po dun sa teacher na
nawala noong CLRAA tapos pag balik nagpa-research kaagad. At salamat
din sa mga naging practice teachers naming akala mo bubuga ng apoy kasi
laging galit yung mukha. Salamat din po sa mga naging adviser ko noong
G8 at G9 na sina mam Ellen at mam Rhia…Thank you po. At syempre
salamat din po dun sa ibang mga teachers na kagaya kong pumuputi yung
buhok sa sobrang dami ng ginagawa. Kaya habang naririto pa tayong lahat
wag nating kakalimut ang pasalamatan sila.
Pangalawa naman ang ating mga kaibigan. Maraming salamat sa mga
kaibigan natin kasi ginawa nilang worth it ang pag-iistay natin sa school
na’to. Sa 3 taon ko dito sa SMNHS napakarami kong natutunan sa mga
teachers at sa aking mga kaibigan. Salamat sa mga kaibigan ko dahil marami
akong naranasang bagay mula sa kanila, tulad nalang ng matulog at gawing
higaan yung mga lamesa sa room at maglaro ng uno tapos pag natalo
uutusan ng kung ano-ano. At eto… eto yung masakit naranasan niyo na bang
mafriend zone ng crush niyo yung tipo bang pipilitin ka ng mga kaibigan
mong tanungin kung mahal ka niya tapos yung sagot sayo ‘oo as a friend’…
diba ansakit. Kaya pasalamatan natin yung mga kaibigan natin kasi kung
wala sila di natin mararanasan yung mga naranasan natin. Kaya thank you
sa mga kaibigan ko. At ito last na naranasan niyo na bang mag-group study
pero magkokopyahan rin lang naman pala. Kaya wag niyong kakalimutang
pasalamatan yung naging source niyo ng sagot.
At syempre salamat sa mga naging kaklase natin. Kaya ako
nagpapasalamat ako sa seksiyong Garnet na parang pangalawa ko nang
pamilya at syempre thank you sa adviser naming si mam Ruvy Ann dahil
pinagtiya-tiyagaan niyo po kami kahit na makukulit at maiingay kami.
At para naman sa lahat sa lahat ng G10 dito… Wag kayong mag-alala
kasi maghihiwa-hiwalay lang naman tayo pero kahit anong mangyari
magkakaibigan parin tayo.

At last but not the least ang ating mga magulang… Sila yung mga
taong responsable sa araw-araw nating pamumuhay. Sila yung nagbibigay
ng mga pangunahin nating pangangailangan tulad nalang ng pera, pagkain,
at moral support, dahil sa mga suporta na ibinibigay nila ay nakakayanan
natin yung mga pagsubok sa buhay natin. Pwede bang humingi ng pabor sa
inyong lahat… Habang naririto pa tayo ba’t di niyo sila puntahan, yakapin,
pasalamatan, at sabihan ng I love you. At ako di naman ako pwedeng
bumaba kaya dito ko na sasabihin. Salamat sa pamilya ko kahit na minsan
matigas yung ulo ko ay inaalagaan niyo parin po ako. Salamat po sa mga
sakripisyo at paghihirap niyo po. Wag po kayong mag-alala ilang taon
nalang ako na ang mag-aalaga sa inyo. Mahal na mahal kop o kayong lahat.
Maraming salamat sa lahat ng ala-alang nabuo nating lahat, wag
nating kalimuutan ang lahat ng natutunan natin at wag na wag nating
kakalimutang tuparin ang mga pangarap nating lahat. Ayaw kong magsabi
ng paalam kaya ang sasabihin ko nalang hanggang sa muli nating pagkikita.
Muli magandang umaga at congratulations sa ating lahat.

You might also like