Professional Documents
Culture Documents
Nais po naming iparating sa inyo ang aming taos-pusong pasasalamat sa suporta at tiwala na
ipinagkaloob niyo sa amin sa pagpadala ng inyong mga kabataan sa nakalipas na Youth Quest 2019 na
may temang, “Ngayon Na.” Salamat po sa inyong pagmamahal sa henerasyong ito at sa inyong mga
hakbang upang mapalapit sila sa ating Panginoon, na tunay nga pong nangusap sa kanila sa
pamamagitan ng mga makalangit na awitin, mga presentasyon, at higit sa lahat, sa pangangaral ng
Kaniyang Banal na Salita upang himukin ang puso ng bawat delegado na magdesisyon para sa Kaniya at
sundin Siya sa kanilang mga buhay.
Kaya naman po ikinagagalak namin na ibahagi sa inyo, kalakip ng liham na ito, ang mga desisyon ng mga
kabataan mula sa inyong iglesia. Nawa’y makatulong po ito sa inyong paghikayat sa kanila na lalo pang
paigtingin ang kanilang pagmamamahal at lumago sa kanilang pananampalataya sa Panginoon.
Sumasainyo,
(pinirmahan) (pinirmahan)
Bro. John Arthur P. Hernan Rev. Gerardo G. Nable
Youth Director Pastor