You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Gitnang Luzon-Rehiyon III
Dibisyon ng Bulakan
MATAAS NA PAARALAN NG MALIGAYA
Maligaya, San Miguel, Bulacan

Disyembre 19, 2017

IGG. DANILO DE GUZMAN


Punong Barangay
Bardias, San Miguel, Bulacan

Mahal naming Punong Barangay,

Ang Mataas na Paaralan ng Maligaya ay magdiriwang po ng taunang Christmas


Party sa darating na Disyembre 21, 2017 (Huwebes). May munting salu-salo, mga
paligsahan at kaunting palaro po na inihanda para sa lahat ng guro at kawani ng paaralan.
Layunin po nito na ang lahat ay mabigyan ng kasiyahan at maramdaman ang diwa ng
Kapaskuhan.

Kaugnay nito, kami po ay lumalapit sa inyo upang humingi ng tulong na maaring


magamit na papremyo o maidagdag sa pagsasalu-saluhan. Pauna na po ang aming lubos na
pasasalamat sa ipagkakaloob ninyo sa aming kahilingan. Pagpalain nawa kayo ng Poong
Maykapal. Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

JENEFER M. REYES
Pangulo ng FEA

MYLA E. DE LUNA
Senior HS Focal Person

Pinagtibay:

SHINETH C. NOVERA, Ph.D.


Pang-ulong Guro III/Officer-in-Charge

You might also like