You are on page 1of 1

LIHAM PABATID

Ika-7 ng Marso, 2019

Sa mga Magulang:

Malugod po naming ipinababatid na ang paaralan ay magkakaroon ng outreach program na


lalahukan po ng iba’t ibang seksyon sa bawat strand.

Ang seksyon po ng Humss 11 Job at H.E 12 Galatians ay naitalaga na isagawa ang outreach
program sa darating na ika-9 ng Marso, 2019 araw ng sabado, na gaganapin sa Children’s Joy
Foundation, Inc na matatagpuan sa 7 Kamantigue Street, LEDC Subdivision, Calamba,
Laguna.

Dahil po sa nasabing gawain, hinihiling po ang presensya ng mga mag-aaral simula sa ika-2
hanggang ika-4 ng hapon bilang pagsuporta sa nasabing gawain.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

__________________
G. Edwin T. Casila
Punungguro

Pagtanggap:

G. Casila:

Ito po ay bilang pagpapatunay na ang liham na ito ay aking natanggap at nauunawaan.

Gumagalang,

______________________________ ______________________________
Lagda ng Magulang Lagda ng Mag-aaral
Sa ibabaw ng LIMBAG na Pangalan sa ibabaw ng LIMBAG na PANGALAN

You might also like