You are on page 1of 9

GABI NG PARANGAL

PALATUNTUNAN

VO bago magsimula ang hapunan:

Ama, basbasan mo po ang mga biyayang ipinagkaloob mo sa amin upang aming pagsalu-saluhan.
Ibinabalik po namin sa iyong harapan ang lahat ng kapurihan at nawa’y maging karapat-dapat kami sa
lahat ng biyayang patuloy ninyong ipinagkakaloob sa aming pamilya at sambahayan. Maraming salamat
po, Panginoon sa aming masaganang pamumuhay. Ang iyong kabutihan at kaluwalhatian ay hindi
magkukulang kailanpaman. Amen.

HAPUNAN PROPER

Play kundiman songs

Pagkatapos ng mga ilang minuto kapag lahat ay nakaupo na sa kanilang mga kinauupuan, maaari nang
magsimula ang programa

M1 – Isang maalab na gabi ng pagsalubong sa mga mahuhusay at natatanging lingkod ng ating Parokya.

M2 – Pagbati mula sa ating mga pinagpipitagang mga panauhin at mga pinuno ng ating simbahan— ang
ating mahal na obispo, Most Rev. Honesto Ongtioco DD, ang ating Vicar Forane, Rev. Fr. Arthur
Opiniano, mga kaparian ng Vicariate of St. Joseph, at mga paring relihiyoso na kapiling natin sa gabing
ito.

M3 – Pagbibigay pugay sa mga pinuno ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating mahal na
punong lungsod, Mayor Josefina “Joy” Belmonte, na nirerepresenta na ating mahal na konsehala, Hon.
Irene Belmonte, at ang ating mahal na konseho ng barangay sa pangunguna ng butihing ina ng
pamayanang ito, Hon. Maria Maurina Fulgencio-Magalong kasama ng kanyang masigasig na mga
kagawad.

M4 – Ang gabing ito ay punong-puno ng kagalakan at pasasalamat dahil sa dalawampu’t-limang taong


puspos ng biyaya at pagpapala sa ating Parokya at pamayanan. Sinimulan natin ito kani-kanina lamang
sa pagbubukas ng Jubilee Door at ng Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya.

M1 – Sa gabing ito, hindi lamang pagsasaya ang ating gagawin. Narito na tayo sa bahagi kung saan
kikilalanin ang mga natatanging lingkod ng ating Parokya na naging dahilan kung bakit ito maunlad at
patuloy na lumalago sa tulong ng awa at biyaya ng ating Panginoon.
M2 – Tama! Upang simulan ang ating selebrasyon ngayong gabi, tayo po’y sumabay sa pag-awit ng
Himno ng Barangay Krus Na Ligas.

Himno ng Barangay Krus Na Ligas …..

M3 – Maaari na pong umupo ang lahat.

M4 – Tama ang Himno ng Krus Na Ligas. Ang ating pamayanan ay “Tahanan ng Kulturang Mayaman.”

M1 – Oo nga kapatid, at hindi talaga matatawaran ang ambag at kontribusyon ng bawat isa upang
matamasa natin sa gabing ito ang dalawampu’t-limang taon ng pagpapala– ang pagdiriwang ng ating
Silver Jubilee Anniversary na may temang :

M1/M2/M3/M4 – Tagumpay ng Krus– Gulod, Kapilya, at Parokya

M1 – Upang pormal na buksan ang ating Gabi ng Parangal, tinatawagan natin ang coordinator ng ating
Parish Pastoral Council na siyang nanguna at naging punong abala sa humigit isang linggong mga gawain
ng pagdiriwang ng ating Silver Jubilee. Siya ay walang iba kundi si Sis. Jocelyn “Odith” Francisco. Bigyan
po natin siya ng masigabong palakpakan!

Mensahe – Sis. Odith

M2 – Maraming Salamat, Sis. Odith, sa iyong napakaganda at makabuluhang mensahe sa gabing ito.

M3 – Mapalad ang ating parokya na tayo ay napaunlakan ng ating mga butihing panauhin sa gabing ito
upang magbigay ng mga butil na mga pananalita. Tinatawagan po sa entablado ang masipag at ating
butihing Mayor ng lungsod Quezon, Hon. Josefina “Joy” Belmonte represented by our beloved city
councilor, Hon. Irene Belmonte. Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan.

Mayor Joy Belmonte’s Messsage

M4 - Marami pong salamat, Councilor Irene Belmonte, sa inyo pong pagpapaabot ng makahulugang
mensahe ng ating butihing Mayor Joy Belmonte sa gabing ito.

M1 - Sa gabing ito, kapiling din natin ang ating butihing Punong Barangay kasama ang kanyang konseho.
Pakinggan po natin ang mensahe ng ating pinakamamahal na ina ng ating barangay. Siya ay walang iba
kundi si Hon. Maria Maurina F. Magalong. Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan.

Maria Maurina F. Magalong’s Messsage

M2 - Marami pong salamat, Kapitana Mau Magalong, sa inyo pong makabuluhang mensahe.

M3 – Tunay na makasaysayan ang gabing ito sapagkat sa unang pagkakataon ay ating ipinagdiriwang ang
ating Silver Jubilee Anniversary sa pamamagitan ng pagsariwa ng mga alaalang nagmarka sa puso ng
bawat isa sa atin.

M4 – Mahigit pa sa parangal ang matatanggap ng ating mga awardees. Ang gabing ito ay hudyat ng
marami pang pagkakataon para makita ang kabuluhan ng ambag ng bawat isa sa pagiging GULOD,
KAPILYA at PAROKYA.
M1 – Halina’t alalahanin ang mga mahahalagang kwento ng ating pagkaPAROKYA sa loob ng
dalawampu’t -limang taon!

Audio-visual presentation

M1/M2/M3/M4 – Adblib on the AVP

PAGGAWAD: GULOD

M1 - Sa bahaging ito ng ating palatuntunan ay isasagawa ang paggawad ng plake ng pagkilala. Kalakip
nito ang buong pusong pasasalamat sa mga may mabubuting loob na tagapagtaguyod ng ating
pamayanan. Ang unang pangkat ng pagkilala at parangal ay tatawaging GULOD.

M2 - Ang parangal na ito ay kumakatawan sa mga indibidwal at grupo na may malaking ambag sa
pagsisimula ng pananampalataya ng Baryo Krus Na Ligas.

M3 – Upang tulungan tayong ibahagi ang mga parangal na ito, tinatawagan natin ang ating ating PPC
coordinator, Sis. Jocelyn Francisco, worship coordinator, Sis. Aurea Dimson at ang ating Mahal na Obispo
Most Rev. Honesto Ongtioco D.D.

Awardee 1 AVP
Awardee 1 tatanggap ng plake
Awardee 1 Photo Op sa mga Panauhin

M1 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M2 – Para sa ating ikalawang paparangalan. . . .

Awardee 2 AVP
Awardee 2 tatanggap ng plake
Awardee 2 Photo Op sa mga Panauhin

M1 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M2 – Para sa ating ikatlong paparangalan. . . .

Awardee 3 AVP
Awardee 3 tatanggap ng plake
Awardee 3 Photo Op sa mga Panauhin

M1 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M2 – Para sa ating ikaapat paparangalan. . . .

Awardee 4 AVP
Awardee 4 tatanggap ng plake
Awardee 4 Photo Op sa mga Panauhin
M1 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M2 – Para sa ating huling paparangalan sa kategoryang “GULOD”. . . .

Awardee 5 AVP
Awardee 5 tatanggap ng plake
Awardee 5 Photo Op sa mga Panauhin

M1 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

PAGGAWAD: KAPILYA

M3 - Sa bahaging ito ng ating palatuntunan ay isasagawa ang paggawad ng plake ng pagkilala. Kalakip
nito ang buong pusong pasasalamat sa mga may mabubuting loob na tagapagtaguyod ng
pananampalataya sa ating pamayanan. Ang ikalawang pangkat ng pagkilala at parangal ay tatawaging
KAPILYA.

M4 - Ang parangal na ito ay kumakatawan sa mga indibidwal at grupo na nagsimula ng pagpapalaganap


at pagpapasigla ng pananampalatayang Kristiyano sa pamayanan ng Krus Na Ligas.

M3 – Upang tulungan tayong ibahagi ang mga parangal na ito, tinatawagan natin ang ating Assistant PPC
coordinator, Sis. Remedios Pimentel, Finance Head, Sis. Nina Cruz, at ang pinuno ng ating lokal na
pamahalaan sa pangunguna ng ating mahal na punong lungsod, Mayor Josefina “Joy” Belmonte, na
nirerepresenta na ating mahal na konsehala, Hon. Irene Belmonte

Awardee 1 AVP
Awardee 1 tatanggap ng plake
Awardee 1 Photo Op sa mga Panauhin

M4 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M3 – Para sa ating ikalawang paparangalan. . . .

Awardee 2 AVP
Awardee 2 tatanggap ng plake
Awardee 2 Photo Op sa mga Panauhin

M4 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M3 – Para sa ating ikatlong paparangalan. . . .

Awardee 3 AVP
Awardee 3 tatanggap ng plake
Awardee 3 Photo Op sa mga Panauhin

M4 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M3 – Para sa ating ikaapat paparangalan. . . .

Awardee 4 AVP
Awardee 4 tatanggap ng plake
Awardee 4 Photo Op sa mga Panauhin

M4 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M3 – Para sa ating huling paparangalan sa kategoryang “KAPILYA”. . . .

Awardee 5 AVP
Awardee 5 tatanggap ng plake
Awardee 5 Photo Op sa mga Panauhin

M4 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

PAGGAWAD: PAROKYA

M1 - Sa bahaging ito ng ating palatuntunan ay isasagawa ang paggawad ng plake ng pagkilala. Kalakip
nito ang buong pusong pasasalamat sa mga may mabubuting loob na tagapagtaguyod ng
pananampalataya sa ating pamayanan at kinikilala dahil sa kanilang mahuhusay na ambag at
inspirasyon sa ating parokya. Ang huling pangkat ng pagkilala at parangal ay tatawaging PAROKYA.

M2 - Ang parangal na ito ay kumakatawan sa mga indibidwal at grupo na may malaking impluwensiya at
natatanging kontribusyon upang higit na mapagyaman, maitangi, at mabigyan ng higit na pagpapahalaga
ang pananampalatayang Kristiyano na nagsilbing buklod ng pagkakaisa sa Barangay Krus Na Ligas.

M1 – Upang tulungan tayong ibahagi ang mga parangal na ito, tinatawagan natin ang ating Kura Paroko,
Rev. Fr. Jover E. Domanico, kasama ang ating Alay Sa Parokya Coordinator Sis. Zeny Oblifias, Formation
Coordinator, Bro. Daniel Matthew Butardo at Punong Barangay Hon. Maria Maurina F. Magalong.

Awardee 1 AVP
Awardee 1 tatanggap ng plake
Awardee 1 Photo Op sa mga Panauhin

M3 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M4 – Para sa ating ikalawang paparangalan. . . .


Awardee 2 AVP
Awardee 2 tatanggap ng plake
Awardee 2 Photo Op sa mga Panauhin

M2 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M1 – Para sa ating ikatlong paparangalan. . . .

Awardee 3 AVP
Awardee 3 tatanggap ng plake
Awardee 3 Photo Op sa mga Panauhin

M3 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M4 – Para sa ating ikaapat paparangalan. . . .

Awardee 4 AVP
Awardee 4 tatanggap ng plake
Awardee 4 Photo Op sa mga Panauhin

M2 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M1 – Para sa ating ikalimang paparangalan

Awardee 5 AVP
Awardee 5 tatanggap ng plake
Awardee 5 Photo Op sa mga Panauhin

M3 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M4 – Para sa ating ikaanim na paparangalan . . .

Awardee 6 AVP
Awardee 6 tatanggap ng plake
Awardee 6 Photo Op sa mga Panauhin

M2 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M1 – Para sa ating ikapitong paparangalan. . . .


Awardee 7 AVP
Awardee 7 tatanggap ng plake
Awardee 7 Photo Op sa mga Panauhin

M3 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M4 – Para sa ating ikawalong paparangalan. . . .

Awardee 8 AVP
Awardee 8 tatanggap ng plake
Awardee 8 Photo Op sa mga Panauhin

M2 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M1 – Para sa ating ikasiyam na paparangalan. . . .

Awardee 9 AVP
Awardee 9 tatanggap ng plake
Awardee 9 Photo Op sa mga Panauhin

M3 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M4 – Para sa ating ikasampung paparangalan. . . .

Awardee 10 AVP
Awardee 10 tatanggap ng plake
Awardee 10 Photo Op sa mga Panauhin

M2 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M1 – Para sa ating ikalabing-isang paparangalan. . . .

Awardee 11 AVP
Awardee 11 tatanggap ng plake
Awardee 11 Photo Op sa mga Panauhin

M3 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M4 – Para sa ating ikalabingdalawang paparangalan. . . .

Awardee 12 AVP
Awardee 12 tatanggap ng plake
Awardee 12 Photo Op sa mga Panauhin

M2 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M1 – Para sa ating ikalabintatlong paparangalan. . . .

Awardee 13 AVP
Awardee 13 tatanggap ng plake
Awardee 13 Photo Op sa mga Panauhin

M3 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M4 – Para sa ating ikalabing-apat paparangalan. . . .

Awardee 14 AVP
Awardee 14 tatanggap ng plake
Awardee 14 Photo Op sa mga Panauhin

M2 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M1 – Para sa ating huling paparangalan sa kategoryang “PAROKYA”. . . .

Awardee 15 AVP
Awardee 15 tatanggap ng plake
Awardee 15 Photo Op sa mga Panauhin

M3 – Maraming Salamat, _______________. Masigabong Palakpakan!

M4 – Tunay ngang pinagpala ang ating Parokya sa mga tagapaglingkod nating tumanggap ng pagkilala!

M1 – Sila ay buhay na patotoo na ang kahusayan at kabutihan para sa Diyos, sa kapwa, at pamayanan ay
laging naghahari. Ito ay nagbunga ng isang mayabong na Parokya at maunlad na ugnayan sa pagitan ng
simbahan at pamayanan.

M2 – Muli bigyan natin ng masigabong palakpakan ang mga tumanggap ng pagkilala at tayong lahat na
nakibahagi sa pagdiriwang na ito.

M3 – At upang ipinid at wakasan ang ating programa sa gabing ito, ating tinatawagan ang kasalukuyang
ama ng ating Parokya— ang masipag at maaasahan sa lahat— ang ating pinakamamahal na kura paroko,
REV. FR. JOVER E. DOMANICO. Masigabong Palakpakan!

Mensahe – Fr. Jover

M4 – Maraming Salamat po, Fr. Jover! Muli isang masigabong palakpakan!

FINALE
M1: Ang salitang salamat ay hindi sapat upang masuklian ang lahat ng pagpapagod, pagsasakrispisyo, at
paghihirap upang mabigyang kulay ang pinapangarap nating parokya. Kaya’t marapat lamang na
magbigay-pugay sa mga totoong bayani ng ating Parokya at pamayanan na walang hinihinging kapalit
kundi ang makapaglingkod ng taos sa puso.

M2: Nais po naming pasalamatan ang mga tao sa likod ng matagumpay na pagdaraos ng GABI NG
PARANGAL, ang gabi ng paggawad ng pagkilala at parangal sa mga natatanging lingkod ng Parokya sa
nakalipas na dalawampu’t-limang taon!

M1/M2/M3/M4 - Kami ang inyong mga guro ng palatuntunan,

______________________________, ________________________________, ____________________

M1/M2/M3/M4 - Maraming-maraming salamat at isang mapagpalayang gabi sa ating lahat!!!

Pangwakas na Awit: Awit ng Dakilang Saya : Gulod, Kapilya, at Parokya.

You might also like