Si Onsang Oso ay iba sa lahat ng Oso. Siya ay isang mayabang na Oso. Pumapasok siya sa opisina. Sa otel siya nakatira. Maraming ibig makipagkaibigan sa kanya ngunit siya ay suplado. Ultimong obispo ay no pansin sa kanya. Daan muna Onsang Oso , halika na, sumalo ka sa aming miryenda .ang sabi ng mga dalagang Oso. Ayoko ! Ayoko! Hindi ako kumakain ng okra at okoy oras koy mahalaga,hinihintay ako ng aking oto. Sapagkat mayabang , taas noo kung lumakad . Nagkandahulog sa balon sa daan., mga kapwa Oso naman ay nagprisintang tumulong, Di bale, pagmamalaki niya. Kaya kong umahon Nagtiis maghapon sa loob ng balon at init ng araw, sumakit ang likod at ilong biglang-biglay bumuhos ang ulan. Tubig sa balon ay lumalim nang dahan-dahan. Nanginginig sa ginaw, nanginginig sa takot . Malulunod ako ! Saklolo! Saklolo! Salamat na lamang mga Oso ay tumulong. Dinala siya sa ospital dahil sa ubo at sipon. Mula noon, si Onsang Oso ay nagbago. Natuto ng makisama at kumain ng okra at okoy.