You are on page 1of 3

PAUNANG PAGTATAYA PARA SA MGA KASANAYAN

ARALING PANLIPUNAN I

PANUTO: Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

_______ 1. Tinanong si Ana ng kaniyang guro kung ano ang buo niyang pangalan, kung ikaw si Ana, ano
ang isasagot mo?
A. Ako po si Ana.
B. Ako po si Ana Marie A. Samson
C. Ang tawag po sa akin ay An-An.

_______ 2. Pumunta si Lisa sa palengke kasama ng kaniyang ate, pero nawalay siya dito, lumapit siya sa
pulis upang magpatulong. Ano ang dapat sabihin ni Lisa, sa pulis upang malaman kung saan siya
nakatira?
A. Pangalan ng iyong kalaro
B. Adres kung saan ka nakatira
C. Lugar kung saan ka madalas maglaro

_______ 3. Alin sa mga pahayag ang HINDI tumutukoy sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino?
A. May mga Pilipinong kulot ang buhok
B. Magkatulad ang anyo ng bawat Pilipino
C. Karaniwang kulay kayumanggi ang balat ng mga Pilipino.

________ 4. Ang ama ni Lito ay Ilocano at ang ina niya ay Tagalog. Si Lito ba ay isang batang Pilipino?
A. Marahil po!
B. Hindi po!
C. Opo!

_______ 5. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng pangunahing pangangailangan


ng isang tao?

A. B. C.

______ 6. Ito ay nagpapakita o nagsasaad ng pagbabagong nagaganap sa buhay simula


pagkasilang hanggang sa kasalukuyang edad.
A. Larawan
B. Timeline
C. Yugto

_______ 7. Ayusin ang larawan sa ibaba upang maipakita ang wastong pagbabago na nagaganap
sa buhay mula sanggol hanggang sa kasalukuyang edad?

V W X Y

A. W, X, Y, Z
B. X, V, W, Y
C. Y, X, W, V
_______ 8. Gusto ni Jose na magpagaling ng may mga sakit, nais niya na magtrabaho sa ospital
malapit sa kanilang tinitirahn? Ano ang pangarap ni Jose?
A. Arkitekto
B. Doktor
C. Pulis

________ 9. Ano ang dapat mong gawin upang matupad ang iyong pangarap?
A. Mag-aral nang mabuti
B. Manuod ng telebisyon maghapon
C. Magbabad sa paglalaro ng computer games

_______ 10. Alin sa mga sumusunod ang gusto mong makamit para sa iyong sarili balang araw,
MALIBAN sa isa?
A. Maging isang mahusay na guro
B. Maging isang sikat na mang-aawit
C. Maging isang tambay sa bahay sa loob ng bahay

_______ 11. Alin sa mga sumusunod ang bumubuo sa karaniwang pamilya?


A. Ama, ina
B. Ina, Mga anak
C. Ama, Ina, Mga anak

_______ 12. Siya pinaka kinagigiliwan ng boung pamilya. Siya ay si?...


A. Ate
B. Bunso
C. Pamangkin
_______ 13. Alin sa mga pahayag ang nagsasabi ng DI-WASTO tungkol sa kasapi ng pamilya?
A. Lahat ng kasapi ng pamilya ay mahalaga para sa ikakatibay nito.
B. Ang batang nasa Unang Baitang ay wala pang kayang gawin para sa pamilya.
C. Bawat kasapi ng pamilya ay may kani-kaniyang gawain tungkulin na ginagampanan

_______ 14. Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng pagtutulugan sa loob ng pamilya?
A. Panay utos si kuya sa nakababatang kapatid niya.
B. Tumutulong si ate sa pag-aalaga sa nakakababatang kapatid habang nagluluto si ina.
C. Maghapong nanunuod ng telebisyo si ama, samantalang si ina ang naghahanapbuhay
para sa pamilya.

_______ 15. Alin ang nagsasaad ng hakbang upang magkaroon ng mabuting ugnayan sa ibang pamilya.
A. Makipagkaibigan sa bagong lipat na pamilya sa inyong lugar.
B. Igalang ang alituntunin sa pamilya at ipagwalang-bahala naman ang sa iba.
C. Pagpili ng kalaro na pareho ng antas sa buhay ng pamumuhay na iyong pamilya.

II. Itapat ang kasapi ng pamilya na gumaganap ng mga tungkuling nakasaad sa bawat pahayag.
Isulat ang sagot sa patlang.

_______ 16. Ama Katuwang ng ina sa mga gawaing-


A bahay

Ang pinakabatang kasapi ng


pamilya. Nakakagawa ng mga
gawain ayon sa kanyang kakayahan.
B
________ 17. Ina

Nagtatrabaho para sa
C pangangailangan ng pamilya.
_________ 18. Kuya

D Pangunaging nag-aasikaso ng
mga gawain sa tahanan.
________ 19. Ate

Katuwang ng ama sa mga pag-kukumpunin ng mga


E gamit sa
________ 20. Bunso
tahanan.

You might also like