You are on page 1of 2

Mga Dapat Tandaan sa Pagbubukas ng Klase

1. Ang ating mode ng pagkatuto ay MODULAR DISTANCE LEARNING, ibig


sabihin ang mga bata ay mag-aaral sa pamamagitan ng self-learning modules na
sasagutan sa pag gabay ng mga magulang at guro.
2. Bisitahing mabuti ang mga laman ng Navobox, Buksan ang envelope na nasa loob
nito at i-tsek kung ito ay naglalaman ng mga sumusunod: weekly home learning plan,
parents guide, learners guide, repleksyon para sa mag-aaral at magulang, modules at
libro.
3. Makikita sa WEEKLY HOME LEARNING PLAN kung ano ang mga subject na
dapat sagutan kada araw sa module. Naroon din ang skedyul/petsa at oras ng mga
Gawain mula day1 hanggang day5. Ito ang magiging gabay ng pagkakasunod sunod ng
pagkatutuo ng mga mag aaral sa isang buong linggo.
NOTE: HINDI PO SASAGUTAN ANG MODULE NG ISANG SAGUTAN
LAMANG, SUNDIN PO ANG WEEKLY MODULE, MODULE 1 LAMANG
PARA SA OCT.5 HANGGANG OCT.9.
4. Sa LEARNERS GUIDE makikita ng mga bata kung anu- anong bahagi sa module
ang kailangang sagutan. Mayroon din itong gabay mula day1 hanggang day5
5. May PARENTS GUIDE din po na kasama para nasusundan ninyo ang mga Gawain
ng mga bata, Nakasaad po dito kung ano ang maari ninyong gawin na pag gabay sa bawat
araw.
6. Ang REPLEKSYON NG MAGULANG AT MAG-AARAL ay sasagutan din po,
mangyaring maghintay laman ng go signal ng guro kung kelan ito sasagutan sa isang
malinis na papel.
NOTE: HINDI PO ITO SUSULATAN MISMO SA PAPEL NA BINIGAY SA
INYO!!! MANGYARING IDIKIT PO ITO KAHIT SA LUMANG FOLDER AT
BALUTAN NG PLASTIC COVER DAHIL GAGAMITIN PO ITO NG PANG
MATAGALANG PANAHON.
7. Sa likod ng module ay may KEY TO CORRECTION. PAKIUSAP PO!!! Huwag po
nating ituro ang sagot sa ating mga anak. “HONESTY IS THE BEST POLICY” Ito po ay
gabay niyo lamang upang malaman kung wasto ba ang pagkakatuto ng inyong mga anak
mula sa inyong paggabay, kung kaya hanggat maari ay itabi o itago po ninyo sa mga bata
ang bahaging may sagot ng module.
8. Hindi po susulatan ang modules, UULITIN KO ULIT, MODULE 1 lamang ang ating
pag aaralan para sa unang linggo, Hindi po kayo dito susulat ng sagot, gagamit po kayo
ng notebook. ACTIVITY NOTEBOOK 1 po ang inyong susulatan ng sagot.
9. Ihanda ang mga sumusunod na kagamitan:
***3 notebook para sa pagsagot ng MODULES ,Malaki man o maliit, balutan ito ng
dilaw na colorpaper at lagyan ng title na ganito :
ACTIVITY NOTEBOOK 1, NAME, GRADE & SECTION, ADVISER
ACTIVITY NOTEBOOK 2, NAME, GRADE & SECTION, ADVISER
JOURNAL NOTEBOOK, NAME, GRADE & SECTION, ADVISER
***1long folder with fastener (kulay dilaw sana) lagyan ng title cover na ganito:
MY PORTFOLIO, NAME, GRADE & SECTION, ADVISER

***4 na expanded folder with fastener, kulay dilaw, hintayin ang ipapasa ko na
cover page na ilalagay mismo sa sa harapan ng bawat folder

***ballpen (blue or black) ang gagamiting panulat, wag po lapis.

***ART MATERIALS- bond paper, coloring materials, pencil

10. Mag uumpisa po ang pagsagot ng mga module simula Oct. 5, 2020 lunes, unag araw
ng aralan.
11. Magkakaroon ng Project Feng tuwing LUNES, na kasama sa activity ng MAPEH.
kung saan ang mga mag aaral ay sasabay sa isang maliksing pagsayaw bilang exercise,
ito ay panimula sa bawat araw. Maari ninyong iupload ang video ng exercise, physical
fitness, or sayaw ng mga bata sa fb group ng Division of Navotas-Project FENG.
12. Ugaliing bisitahin ang ating WEEKLY HOME LEARNING PLAN para sa schedule
ng pag aaral araw araw.
13. Alas 2:00 hanggang alas 3:00 ang oras ng ating ONLINE
KAMUSTAHAN/TANUNGAN tungkol sa isang buong araw na ginawa ng mga bata at
kung may mga bahagi silang kinahirapan. Ito ay sa pamamagitan ng GC or FB group ng
Grade 5Pslams.
14. Kung may ibang katanungan, mag message lamang po sa akin, o sa ating GC.
15. Salamat sa pakikibahagi sa NEW NORMAL na pag-aaral ng inyong mga anak. Sa
pamamagitan ng inyong pagsubaybay at kooperasyon sa aming mga guro, malalagpasan
din po natin ang hamon na ito, alang alang sa mga bata at sa kanilang pagkatuto,
MAGTULUNGAN PO TAYO!!!

You might also like