• Mrs. MYLYNE A. SUSTENTO(11-HUMSS A) • Mr CLINT D. DATOR (11-HUMSS B) • Mrs. ERNELYN M. LOSBAÑES (11-TVL) Ano ang Modular Distance Learning?
• Ay isang individual na pagbibigay ng
kaalaman sa pamamagitan ng paggamit ng mga mag-aaral sa Self-Learning Modules o SLMs na ipamimigay ng mga guro. Bibigyan ang mga mag-aaral ng mga learning kits, kung saan nakapaloob ang modules, activity worksheets at practice exercises. Ano ang Module? • Kagamitan ng mag-aaral na naglalaman ng isang aralin na isinulat sa paraang madaling maunawaan at magagawa ng mag-aaral kahit wala ang guro sa kaniyang tabi ito ay isinulat para sa distance o remote learning. Sa ilalim ng Modular Distance Learning meron tayong 5P’s
• Ito ay mga Gawain ng mga guro,
magulang/guardian at ng mga mag-aaral. 1. Paghahanda
• Kailangan ihanda ng mga guro ang mga
modules, activity sheets, study guide sheets, at learners query sheets bilang parte ng self- learning modules ng mag-aaral. 2. Pagtungo • Magtutungo ang mga magulang/guardian o kahit na sinong parte ng pamilya na 21-59 taong gulang upang kunin ang printed learning materials sa paaralan sa gabay ng gurong nakatakda sa oras at araw (LUNES). 3. Pag-aaral • Sa gabay ng magulang o guardian, aaralin ng mag-aaral ang modules o mga lessons para sa isang linggo. Kung ang mag-aaral ay may katanungan ay maaari siyang makipag- ugnayan sa guro sa takdang oras lamang sa pamamagitan ng FB, txt o call o personal na pagsulat. 4. Pagbabalik • Ibabalik na ng mga magulang ayon sa takdang araw (Lunes) na itinalaga ng guro o ng paaralan ang mga nasagutang printed learning materials ng bata kasabay nito ang pagkuha ng module para sa linggong iyon. 5. Pagtugon • Ito na ang oras para i-tsek at matugunan ng guro ang mga katanungan ng mga mag-aaral. Maaari niyang sagutin ito sa pamamagitan ng FB, txt, call o personal na sulatan ang mag- aaral para maibalik sa bata sa susunod na pagtungo ng mga magulang. Mga Kakailanganin (Requirements) ng mga Mag-aaral para sa Modular Learning • 1 notebook bawat asignatura (subject) • Pad ng papel para sa activities • Plastic na envelop (long) • Portfolio bawat asignatura (ipasa quarterly) • Learning facilitator Gabay para sa magulang sa paggamit ng Modules/Activity Worksheets 1. Pagpasok at pag-aaral ng mga bata -May itinakdang class program ang mga bata na makikita ang oras na ilalagi ng mga bata sa bawat asignatura (subject). Tingnan ang nakalakip na class program. 2. Mga kagamitan sa paggawa ng portfolio -Kailangan ng isang long white folder- disenyo ng pabalat ayon sa tagapayo (adviser) para sa sisidlan ng activity worksheets at iba pang output ng inyong mga anak sa loob ng isang lingo. Pagsubaybay ng Magulang/Guardian o nakatatandang kapatid o kasama sa bahay • Bawat asignaturang (subject) natapos ng bata sa itinakdang oras ay may kasamang mga Activity Worksheets, Practice Exercises na sasagutan pagkatapos ng aralin. • Alamin kung natapos na ng bata ang pinapagawang Activity o Practice Exercises. • Tingnan ang Individual Learner’s Progress Report at lagyan ng check ang column ng complete o incomplete at maglagda (signature) sa katabi nito na patunay na natapos nang gawin ng inyong anak. HINDI SA LOOB NG MODULES SASAGOT ANG MGA BATA. May itinakdang Worksheets para doon gagawa ng Activity at Practice Exercises. HEALTH PROTOCOLS • NO FACE MASK/FACE SHIELD NO ENTRY • Upon entering the school premises, pls. observe proper health protocols. • Foot baths and hands-free hand washing facilities are located at the small gate entrance of the school. • After washing your hands, approach the guard/utility to check your temperature, please don’t forget to log in on the log book. • Please observe physical distancing upon entering the school and follow the markings. Proceed to your child’s designated grade level classroom. • Step on the footbath before entering the classroom and approach the teacher for sanitation. • Kindly wait for your turn and get your child’s self-learning modules from his/her adviser. • Exit is at the left side of the school passing by the Library and the Teen Center. • Don’t forget to bring your own alcohol, ballpen, and wear face mask/face shield at all times. THANK YOU AND KEEP SAFE!