You are on page 1of 1

PROSESO SA PAGSASAGAWA NG MODULAR DISTANCE LEARNING (MDL)

1. Pagtiyak sa nilalaman ng learning kit

Ang paaralan ay maglalaan ng envelope na naglalaman ng mga kagamitan para sa MODULAR


DISTANCE LEARNING na kinapapalooban ng mga sumusunod;
 modyul bawat subject,
 home weekly learning plan,
 worksheet at pahina ng talasagutan para sa mga mag-aaral.
2. Pamamaraan ng pagkuha at pagbabalik ng learning modules
 Ang pagkuha ng modyul sa paaralan ay tuwing Lunes ng umaga batay sa nakalaang oras.
 Ang mga magulang o tagapag-alaga lamang ang pupunta sa paaralan at hindi na
kailangang isama ang kanilang mga anak. Kailangang sundin ang minimum health and
safety protocols sa tuwing pupunta sa paaralan ( pagsusuot ng face mask, pagkuha ng
temperatura, physical distancing, paghuhugas at pag-sanitize ng kamay, pagtatala ng
impormasyon sa health form)
 Pagkatapos makuha ang learning tool sa mga gurong tagapayo ay siyasatin kung
kumpleto ang nilalaman ng kit.
 Lumagda sa log book matapos masiyasat kung kumpleto ang learning kit.
 Katuwang ang barangay sa paghahatid ng modyul kung hindi ito makukuha ng magulang
o tagapag-alaga.
 Ang pagsasagot sa modyul ay mula Lunes hanggang Biyernes o batay sa nakatakdang
gawaing nakapaloob sa home weekly learning plan.
 Pagsapit ng Lunes ng sumunod na linggo ay kinakailangan maibalik ng mga magulang o
tagapag-alaga ang buong set ng modules sa paaralan upang ito ay maiwasto at
markahan ng guro sa bawat asignatura.
 Ang mga magulang at mag-aaral na madalas na tumugon sa pagkuha at pagbalik ng mga
modyul ay makakatanggap ng parangal mula sa paaralan.
3. Proseso ng Pamamahala ng Pag-aaral
 Pagkatapos makuha at maiuwi ang mga modyul sa bahay ay babasahin, pag aaralan at
sasagutan ng mga mag-aaaral ang mga nakatakdang activity sa bawat asignatura.
 Maaaring gabayan ng mga magulang ang mga mag-aaral sa pagsagot ng modyul.
 Maaaring magtanong ang mga mag-aaral sa kanilang mga guro sa pamamagitan ng text,
chat o tawag.
 Sisiguraduhin ng mga magulang na ang bawat activity sa modyul ay nasasagutan.
 Malaya ang bawat magulang upang sa tuwi-tuwina ay makipag-ugnayan sa mga guro
para sa paggabay sa pagsasagawa ng MODULAR DISTANCE LEARNING.
 Ang mga guro ay inaasahang maisagawa ang paminsanang pagbisita sa mga mag-aaral
upang matiyak na nasusunod ang pamamaraang
4. Pagsasagawa ng feed backing o pagpupulong ng mga magulang at tagapangalaga ng mag-aaral
 Pag-uulat ukol sa progreso ng pagkatuto ng mag-aaral
 Pagtalakay sa mga suliraning nasumpungan sa pagpapatupad ngf proseso ukol sa MDL
 Pagbalangkas ng mga solusyon at rekomendasyon

You might also like