You are on page 1of 28

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODULES
IN GRADE 5
QUARTER 2 – WEEK 6

Page 1 of 28
PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.

1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
PAANO Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
GAMITIN kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
ANG MODYUL? 2 magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.
Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
3 lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.
Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain
at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing

Page 2 of 28
4 tagapagdaloy ng aralin.
Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
5 tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.

Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
6 nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka
o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
7 magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.

8 Sana ay mag-enjoy ka sa paggamit ng iyong natanggap na mga Modyul!


Image: IMGBIN.com LFT/pasaycid2020
PATNUBAY NG MAGULANG/ TAGAPAGDALOY NG ARALIN
SA PAGGABAY SA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang Patnubay na ito ay nilikha para po sa inyong mga magulang, nakatatandang kapatid o kamag-anak ng ating mga mag-aaral. Ito po ay upang
magabayan po ninyo, bilang tagapagdaloy ng aralin, ang mag-aaral sa kanyang paggamit ng Modyul. Sa Modyul po na inyong natanggap nakapaloob ang
mga araling pagaaralan ng mag-aaral sa inyong tahanan. Narito rin po ang mga pagsasanay para sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Naniniwala po kami na napakalaki ng inyong magiging bahagi at impluwensiya sa magaganap na pagpapatuloy ng pagaaral ng inyong kapamilyang
mag-aaral sa inyo mismong tahanan.
Ihanda po muna ang sarili bago simulan ang paggabay sa mag-aaral. Isaisantabi po muna ang iba pang mga
1 gawain upang magkaroon ng pokus at sapat na panahon sa paggabay sa mag-aaral. Siguruhin din pong
PAANO PO KAYO handa na ang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
MAKATUTULONG Tulungan po ang mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng kanyang aralin sa araw na ito na makikita sa unang
SA PAGGABAY pahina ng Modyul. Maaari pong dagdagan pa ninyo ito base sa inyong naging karanasan o pag-aaral.
SA MAG-AARAL 2 Gabayan ang mag-aaral sa pagsusulat sa kwaderno ng mahahalagang impormasyon, terminolohiya,
SA PAGGAMIT depinisyon at iba pang nararapat niyang tandaan sa kanyang aralin sa araw na ito.

NG MODYUL? Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito

Page 3 of 28
3 ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong
naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
4 pagsasanay.

Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
5 noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-
aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
6 ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.

Maraming Salamat po sa inyong paggabay at pagsubaybay sa ating mag-aaral!


Image: freepik.com 7
LFT/pasaycid2020
Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________
PangalanngGuro: ____________________

Module Code: Pasay-F5-Q2-W6-D1

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
Ikalawang Markahan / Ika-anim na Linggo / Unang Araw

A. Layunin : Nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan ng magagandang


tanawin sa pamayanan
.

B. 1. Panimula

Anu-anong magagandang tanawin ang napuntahan mo na?


Kaya mo ba ilarawan ang mga ito?

Basahin Mo
Basahin mabuti ang alamat ng bundok ng Tsokolate. Sagutin ang mga
tanong kaugnay sa alamat na babasahin.

Ang mga bundok ng mga tsokolate ay matatagpuan sa pulo ng Bohol


sa Kabisayaan. Ito ay isa sa mga magagandang tanawin na dinarayo ng
mga banyangang pumupunta sa ating bansa.

Basahin natin kung paano at kung saan nagmula ang mga bundok na ito.

Noong unang panahon sa pulo ng Bohol, ang lupa ay tigang. Namimitak


ang bukirin kapag tag-init. Kung tag-ulan nama`y putikan ito. Sa tagsibol lamang
lumalamig sa paningin mula sa mgatanim na palay ng mga luntian dahon
nito.Ayon sa mga ninuno natin, sa magkabilang ibayo ng pulo ay may
nakatirang higante. Ang isa ay taga timog at ang isa ay taga hilaga. Sa di
inaasahang pagkakataon ang dalawa aynagkatagpo. Ang mga tao ay
nangatakot at lumisan. Nagtungo sila sa ibang dako ng pulo.Ang higanteng
taga timog ay nagwika,;Hoy! Higanteng bobo, Akin ang lugar na ito.;Humanap
kang sariling lupain mo.;Sumagot ang higanteng taga hilaga.;Hindi maari! Ako
ang nauna sa lugar naito.;Kung gustomo, ikaw ang umalis Hindi ako
makapapayag, sagot ng lupain mo.;Sumagot ang higanteng taga hilaga.;Hindi
maari! Ako ang nauna sa lugar naito.;Kung gustomo, ikaw ang umalis Hindi ako
makapapayag, sagot ng higanteng timog sabay padyad. Yumanig ang buong
lupa.;Lalo nanam ako patalon na sigaw ng higanteng hilaga. Nagpalitan sila ng
matitigas at magagaspang na salita Walang ibig sumuko.Dahil katatapos
lamang ng ulan noon ang lupa ay malambot. Dumampot ng lupa si higanteng
hilaga at binato si higanteng timog. Gumanti si higanteng timog. Gumawa ng
bolang putik at ibinato rin nito. Bakbakan umaatikabo! ! Wala sa dalawa ang
gustong sumuko. Patuloy ang pagbabatuhan nila

Page 4 of 28
Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________
PangalanngGuro: ____________________

Module Code: Pasay-F5-Q2-W6-D1

hanggang isa man sa kanila ay hindi maka agapay sa pago kapinsalaan.Kapwa


natimbuwang ng wala ng buhay.Ang naiwanan nila ay ang mga tumpok-
tumpok ng mga bolang putik na pinagbabato nila. Ito aynaging bulubundukin
na kapag tag-araw ayan imo`y tumpok tumpok ng mga tsokolate kapag
pinagmamasdan mula sa himpapawid. Ngunit kung tag-ulan naman ay
bulubunduking luntian na kaayaayang pagmasdan.

Tanong:

1.Ano ang pamagat ng maikling alamat na inyong binasa?


2.Saan matatagpuan ang bundok ng mga tsokolate?
3.Paano/saan nagsimula ang pagkakaroon ng bundok ng mga
tsokolate? Ilarawan ang mga ito.

PAGSASANAY I
Pagyamanin Mo
Panuto: Bilugan ang salitang panglarawan na ginagamit sa pangungusap.
Lagyan ng star sa patlang kung pang-uri at bilog naman kung hindi.
___________ 1. Kay linis-linis ng aming paaralan ngayon.
___________ 2. Mahina na ang katawan ng aking lola.
___________ 3. Mabagal lumakad si Aling Salud.
___________ 4. Magandang magtrabaho ang nakuha kong
pintor.
___________ 5. Ang mga tao ay masunurin sa batas.
___________ 6. Matamang nakinig ang mga tao sa mensahe
ng pangulo.
___________ 7. Tapat na umiibig sa bayan ang kawal.
___________ 8. Tunay na nagmamahal ang ina sa kanyang
mga anak.
9. Ang kanilang mga anak ay mababait
------------------10 Mahiyain naman ang bunso nila na si Jean.

Page 5 of 28
Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________
PangalanngGuro: ____________________

Module Code: Pasay-F5-Q2-W6-D1

Isaisip Mo

Ang pang uri ay maaring naglarawan sa katangian, hitsura o anyo, kulay,


lasa,amoy,tunog, kayarian at hugis ng pangalan at panghalip.Ang uring
ito ng pang- uri tinatawag na Pang-uring Panlarawan.

PAGSASANAY II
Isapuso Mo

Panuto: Basahin mabuti ang pangungusap. Punan ng angkop na pang-uri ang


patlang para mabuo ang pangungusap.

1. Ang Caliraya Lake ay isa sa _____________ tanawin at pasyalan sa Laguna.

2. Ang Pagsanjan Falls ay dinarayo ng mga turista dahil sa taglay niyong


________.

3. __________ ang tubig na dumadaloy sa Balanac Dam sa Magdalena.

4. Kulay _______ ang langit kung pagmamasdan mo ito mula sa tuktok ng Bundok
Ng makiling.

5. Dinarayo ang lalawigan ng Laguna sa taglay nitong _______.

6.Ang Bulkang Mayon ay may hugis na ____________________.

7.Sariwa nag simoy ng hangin sa tabing dagat.

8.Malakas ang ulan sa Metro Manila kahapon.

9.Naghihirap ang mga tao dahil sa lumaganap ng pandemya na Covid 19.

10.maging matipid sa lahat ng pagkakataon.

Page 6 of 28
Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________
PangalanngGuro: ____________________

Module Code: Pasay-F5-Q2-W6-D1

PAGSASANAY III

.Kaya mo ito.
Panuto. Magbigay ng dalawang salitang pang uri sa mga sumusunod na
larawan.

Mall of Asia Rizal Park Manila Bay

Mckinley Park Manila Cathedral

Mckinley Park

IV.PAGTATAYA

Page 7 of 28
Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________
PangalanngGuro: ____________________

Module Code: Pasay-F5-Q2-W6-D1

Panuto: Sumulat ng mga sampung pangungusap gamit ang mga pang-uri upang
ilarawan ang mga magagandang tanawin sa ating bansa..
Creativity
writing,/visual art,

Sanggunian:
https://www.google.com/search?q=alamat+ng+chocolate+hills&oqhttps://www.
google.com/search?q=SAMOT+SARI+PAGSASANAY+SA+PANG+URI
https://www.google.com/search?q=MAGAGNDANG+TANAWIN+SA+LUNGSOD+N
G+MANILA&oq=MA&aqs=chrome
LM in Filipino V
TG in Filipino V

Inihanda ni:
GNG. ANA G. MCKENZIE
Cuneta Elementary School

Page 8 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W6-D2

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
Ikalawang Markahan / Ika-anim na Linggo /Ikalawang Araw

A. Layunin: Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa isang talata at tekstong


napakinggan

B. 1. Panimula

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang


makapagbibigay na ng angkop na pamagat sa isang talata at
tekstong napakinggan.
Sa pagbibigay ng pamagat ng isang talata, alamin mo
muna ang paksang-diwa o paksang pangungusap. Ang mga ito
ay nagbibigay ng ideya sa pagpili ng pamagat.

Halimbawa:
Ang sepak takraw ay isang laro na binubuo ng dalawang
koponang magkatunggali. Ang bawat koponan ay binubuo ng
tatlong manlalaro. May sariling posisyon ang bawat manlalaro.
Upang makagawa ng puntos, kailangang mapabagsak ang bola
sa lapag ng kabilang panig. Labinlimang puntos lamang ang
kailangan para manalo.

Ano ang angkop na pamagat ng talata?

A. Ang Sepak Takraw


B. Ang Paglalaro
C. Ang Puntos

Kung ang sagot mo ay A. Ang Sepak Takraw.


Mahusay!

2.
Mga Gawain

Gawain 1: ALAMIN MO

A. Panuto: Pakinggan ang talatang babasahin sa iyo ng iyong kasama sa


bahay. Bigyan ng pamagat ang talata. Isulat ang sagot sa iyong papel.

Page 9 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W6-D2

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

Tekong at apit kiri ang tawag sa mga manlalaro ng sepak takraw.


Tekong ang tawag sa manlalarong nagseserbisyo ng bola. Nasa kabilang
panig ng “court” ang apit kiri o manlalarong tagahagis sa tekong sa kaliwang
panig. Kapag ang kanang paa ang ginamit ng tekong sa pagseserbisyo, ang
apit kiri naman sa kanag panig ang tagahagis ng bola.

Ano ang maaaring pamagat ng talata?

A. Ang paglalaro ng Sepak Takraw


B. Ang Manlalaro ng Sepak Takraw
C. Ang Pagpupuntos ng Laro

Gawain 2: SURIIN MO
Panuto: Pakinggan ang babasahin ng kasama mo na tugma, Magbigay ng
angkop na pamagat nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Tulog na, bunso, sa iyong duyan


Babalik agad ang iyong tatay
May uwing kendi at saka tinapay
Mayroon pang magandang laruan.
Ang nais ko’y huwag mong kamtan
Hirap kong tiniis sa buhay
Paglaki mo ikaw ay mag-aaral
Upang mapakinabangan.

Ano ang maaaring pamagat ng tula?

__________________________________________

Gawain 3:
Panuto: Pakinggan ang talata na babasahin ng iyong kasama. Ibigay ang
angkop na pamagat na angkop sa talata. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Kung pupunta ka ng Sagada, ihanda ang iyong sarili para sa mga


pambihirang karanasan. Maliit na bayan ang Sagada ng Lalawigan ng
Mountain Province sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Malayo sa urban na pamumuhay ang Sagada. Malayo sa industriyalisasyon.


Kaya kung nagnanais ka ng payapa, maaliwalas, liblib na lugar, may
sariwang ihip ng hangin, sariwang mga gulay at prutas, sa Sagada ka
pumunta. Sa mga tanawin naman, nariyan ang Kiltepan View, na sa
madaling-araw pinupuntahan ng mga turista sapagkat inaabangan dito ang
pagsikat ng araw, Hanging Coffins, mga kabaong ito na patong-patong na
nakasabit sa limestone karst cliffs, ang Talon ng Bomod-ok, at marami pang
iba.

Ano ang pamagat ng talata?

___________________________________________________________

Page 10 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W6-D2

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

2. Mahalaga ang mga trekking shoes sa gagawing pamamasyal sa Sagada.


Sa gagawin mong pagtaas at pagbaba sa mga lalakarin, masusubok ang
iyong lakas at tibay lalo na’t kung sanay ka sa lungsod na kahit malapit lang
ang destinasyon ay sasakay ka pa. Sa Sagada, mahaharap ka sa
paglalakad. Kapag bibili ka sa tindahan, lalakarin mo ito pababa, kung
maghahanap ka ng makakainan, pupuntahan mo ito, pababa sa
pamamagitan pa rin ng paglalakad. Upang masulit mo ang malinis at
sariwang hangin lalakarin mo ang pataas-pababang mga kalsada. Kung nais
mo ring pumitas ng sariwang mga dalandan, sa bukana lamang ang iyong
sasakyan at maglalakad ka ulit. Sa mga pakikipagsapalaran sa mga kuweba
gaya ng Lumiang Cave, ibayong tibay at lakas ng mga binti at paa ang
kailangan mo sa paglalakad. Napakaesensiyal ng paglalakad sa buhay ng
tao. Nagpapalusog ito ng pangangatawan.

Ano ang pamagat ng talata?

___________________________________________________________

C. Paglalahat

Isaisip Mo

Ang pamagat ang pinakapaksa ng katha. Dito nakatuon ang


lahat ng kaisipan sa isang talata o kuwento.

Maliwanag na ba sa iyo ang aralin? Magaling!

D. Paglalapat

Panuto: Pakinggan ang talatang babasahin ng iyong kasama. Bigyan ito ng


pamagat pagkatapos. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

Maraming tao samga pasyalan gaya ng Children’s Park at Rizal park sa


Maynila, Eco Park, UP Sunken Garden, Quezon Circle sa Lungsod Quezon
at iba pang pasyalan. Makikita rito ang ama’t ina na masayang
sinusubaybayan ng mga tingin ang mga naglalarong mga anak; ang
magkakaibigan na masasayang nagkukuwentuhan habang kumakain ng
popcorn, mais at anumang kutkutin; ang mga mag-aaral na nag-eensayo ng
sayaw, Iba -ibang tao na may iba’t ibang dahilan ng pagtungo sa park o mga
pasyalan lalo na sa araw ng Linggo.

Page 11 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W6-D2

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

E. Subukin Mo

A. Panuto: Pakinggan ang bawat talata na babasahin ng kasama sa bahay.


Ibigay ang pamagat ng talata. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Mapuputi at mababango ang mumunting bulaklak ng sampaguita. Tinutuhog-


tuhog ang mga ito at ginagawang kwintas ng mga dalaga. Maganda itong pang-
alay sa mga banyagang dumadalaw sa ating bansa. Ginagamit din itong pang-
alay sa mahal na Birhen.

______________________________________________________________

2. Sumasagisag sa Kalayaan ng Pilipinas ang ating bandila kaya dapat natin itong
pag-ukulan ng pagmamahal at paggalang. Tumayo tayo nang tuwid at ilapat
ang ating kanang kamay sa tapat ng ating puso habang inaawit natin ang
Lupang Hinirang kasabay ng pagtaas ng bandila sa tagdan. Kapag ito ay
ibinababa sa tagdan sa hapon, tayo ay dapat ding tumayo nang tuwid bilang
paggalang sa ating bandila.

_____________________________________________________________

3. Nagsimulang sumayaw si Lisa Macuja-Elizaldy sa gulang na siyam na taon.


Nag-aral siya ng ballet sa St. Theresa’s College sa Quezon City. Nang siya ay
labindalawang taong gulang na, napakahusay na niyang sumayaw. Sumali siya
sa Dance Theatre Philippines bilang junior na kasapi ng sumunod na taon.Nang
siya ay labinlimang taong gulang, napanood niya si Yoko Moroshita na
sumayaw ng Swan Lake. Naging idolo at inspirasyon niya si Yoko at ipinangako
niya sa sarili na magiging Yoko rin siya balang araw.

______________________________________________________________

4. Tinatayang libu-libong bahay ang nawasak. Marami sa mga ito ay natanggalan


ng bubong habang ang iba ay halos mga haligi na lamang ang natira. Nalubog
sab aha ang malawak na taniman ng palay at ibang produktong agricultural.
Napakalaki talaga ng pinsala ng dumaang bagyo. Hanggang ngayon,
malaking bahagi ng Gitnang Luzon ay wala pa ring suplay ng kuryente. Hindi
rin makapasok ang iba’t ibang sasakyan dahil maging ang mga pangunahing
tulay at kalsada ay nawasak at napinsala.

_____________________________________________________________

Page 12 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W6-D2

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________
RUBRIK SA PAGBIBIGAY NG PAMAGAT
5 4 3 2 1
NILALAMAN
 pagsunod sa uri at anyong hinihingi
BALARILA
 wastong gamit ng wika
 paglimita sa paggamit ng mga salita
ORGANISASYON
 pagkakaugnay ng ideya
5 – Pinakamahusay 2- Mapaghuhusay pa
4 – Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng pantulong sa pagsasanay
3 – Katanggap-tanggap

Inihanda ni:

ALMA C. BALLENAS
Apelo Cruz Elementary School

____________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1.) Books: Alab Filipino, 2016. p. 44
2.) Books: Sambitla 5, 2010, p. 98
3.) Books: Hiyas sa Pagbasa 4, 2000. pp. 34-35, 48

Page 13 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W6-D3

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
Ikalawang Markahan / Ika-anim na Linggo /Ikatlong Araw

A. Layunin : Nakasusulat ng sulating di-pormal (email)

B. 1. Panimula

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang


makasulat ng sulating di-pormal (email).

Pag-aaralan natin ngayon kung paano sumulat ng isang


sulatin na ipapadala natin sa pamamagitan ng e-mail.

Ang pagsulat ng liham ay isang paraan ng pakikipag-


ugnayan kung saan isinusulat ng isang tao ang kanyang
mensahe o nais sabihin sa isang taong malayo sa kanya. Ang
taong sinusulatan ay maaaring nasa lalawigan o kaya’y nasa
ibang bansa. Sa kabila ng pagsulpot ng makabagong mga
kagamitan sa komunikasyon, gaya ng cellphone at kompyuter, at
sa modernong paraan ng pakikipag-ugnayan, tulad ng texting at
pag-e-e-mail, nananatiling mabisang midyum ng
pakikipagtalastasan ang pagsulat ng liham.

Ang liham-pangkaibigan ang karaniwang uri ng liham na


sinulat ng mga tao. Hindi pormal ang istilo nito kung saan ang
sumusulat ay maaaring gumamit ng anumang salitang
makapagpahayag ng kanyang nararamdaman. Maaari ring sulat-
kamay ang liham-pangkaibigan.

Mga Uri ng liham-pangkaibigan:


1. Liham ng Pagbati
2. Liham Paanyaya
3. Liham ng Pasasalamat
4. Liham Pagbabalita
5. Liham Pakikiramay

Page 14 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W6-D3

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

2.
Mga Gawain

Gawain 1: Liham Pagbabalita

Panuto: Basahin ang liham pangkaibigan. Alamin ang mga bahaging


ginamit dito.

722 E. Rodrigues Street,


Malibay, Pasay City
Setyembre 6, 2020

Mahal kong Bessy,

Kamusta na ang mahal kong kaibigan? Matagal na rin tayong hindi


nagkikita, may isang taon na rin siguro. Natanggap ko ang sulat mo noong isang
araw.
Namasdan kong mabuti ang larawang ipinadala mo. Aba! Mas
matangkad ka na sa akin ngayon at lalo ka pang gumanda. Kamusta ang pag-
aaral mo? Siguro ikaw pa rin ang nagunguna sa klase mo. Hanga ako sa iyo
dahil sa taglay mong ganda at talion. Mabait pa.
Nasisiyahan naman akong mag-aral nang mabuti kasi ang mga guro ko
ay mabait at magaling lahat. Naeengganyo kaming mag-aral lahat.
Hanggang dito muna ang liham ko. Kailangan ko pang gawin ang aking
takdang-aralin sa Filipino. Pinapasulat kasi kami ng tula.
Hayaan mo, ipapadala ko sa iyo ang kopya kapag natapos ko.

Ang iyong pinsan,


Dolly

Tanong:
Kanino galling ang liham?
Sino ang pinapadalhan ng liham?
Ano ang kanilang pinag-usapan?
Ano ang unang isinusulat sa itaas ng liham?
Ano naman ang sumunod na isinusulat?
Paano tinapos ni Dolly ang kanyang liham?
Ano ang pinakamabilis na paraan para Mabasa agad ng padadalhan ang
liham?

Page 15 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W6-D3

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

Gawain 2: Buuin Mo
Panuto: Ayusin ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng pagsulat ng liham.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Nagmamahal,
Sammantha

2. Mahal kong Alma,

3. Masaya kong ibabalita sa iyo na napili akong umawit sa ika-45


anibersaryo ng aming paaralang Apelo Cruz. Ito ay gaganapin sa Enero
29. Sana mapasaya ko ang mga manonood.

4. Kalye E. Rodriguez
Malibay, Lungsod ng Pasay
Setyembre 7, 2020

Gawain 3:
Panuto: Gumawa ng liham paanyaya.

________________________
________________________
________________________

______________________,

_________________________________________________________
____________________________________. __________________________
_______________________________________________________________
_________________________________________. _____________________

______________________,
______________________

Page 16 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W6-D3

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

C. Paglalahat

Isaisip Mo

Sa tulong ng internet, napapadali ang pagsasaliksik at


pakikipag-usap sa ibang tao. Ang e-mail o
electronic mail ay isang mabilis na paraan upang
makipag-ugnayan sa isang tao kahit nasa
malayong lugar. Sa pagpapadala ng e-mail
isaalang-alang ang sumusunod:
 Sa kahon ng “To,” ilagay ang e-mail address
ng susulatan.
 Sa kahon ng “Subject,” ilagay ang paksa ng
iyong e-mail.
 Isulat ang iyong mensahe.
 I-click ang “Send,” upang ipadala ang iyong
e-mail.

Mga Paalala sa Wastong Paggamit ng E-mail

1. Baybayin nang buo ang bawat salita. Gumamit ng bantas at malalaking


letra kapag kailangan.
2. Maging magalang sa iyong pagsusulat. Gumamit ng bating panimula at
bating pangwakas
3. Hindi pribado ang e-mail kaya mag-ingat sa iyong mga sasabihin.
4. Iwasang magbukas ng e-mail mula sa taong hindi mo kilala. Ipakita ito
sa guro o magulang.
5. Iwasan ang pag-click o pagbubukas ng mga link mula sa taong hindi
mo kilala. Ipakita ito sa guro o magulang.
6. Kapag may natanggap na e-mail, tumugon sa lalong madaling
panahon.
.

D. Paglalapat

Panuto: Gumawa ng liham pagbati. Isulat ang sagot sa papel.

E. Subukin Mo

Panuto: Sumulat ng e-mail para sa isang kapamilyang gusto mong makasama


sa isang bakasyon. Gumamit ng mga pang-uri upang ilarawan ang inyong
mga pupuntahan at gagawin. Ilarawan din ang pag-uugali ng mga tao sa
lugar, kilalang mga pagkain, at iba pang makahihikayat sa kaniya na sumama
sa inyong pamilya. Huwag kalimutang maglagay ng bating panimula, bating
pangwakas, at lagda. Dahil ito ay ipadadala bilang e-mail, hindi na
kailangang ilagay ang petsa at pamuhatan.

Page 17 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W6-D3

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

________________________
________________________
________________________

______________________,

___________________________________________________
_______________________. ____________________________________
______________________________________________.

____________________,
____________________

RUBRIK SA PAGSULAT NG E-MAIL


5 4 3 2 1
NILALAMAN
 pagsunod sa uri at anyong hinihingi
 lawak at lalim ng pagtalakay
BALARILA
 wastong gamit ng wika
 paglimita sa paggamit ng mga salitang hiram
HIKAYAT
 paraan ng pagtalakay sa paksa
 pagsunod sa tiyak na panutong ibinigay ng guro
kaugnay ng gawain

5 – Pinakamahusay 2 – Mapaghuhusay pa
4- Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong na
3 – katanggap-tanggap pagsasanay

Inihanda ni:

ALMA C. BALLENAS
Apelo Cruz Elementary School

____________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1.) Books: Alab Filipino, 2016. p. 106-107
2.) Sambitla sa Filipino 5, 2010, ph. 210 – 219
3.) Google search: scribd
4.) Google search: slideshare

Page 18 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W6-D4

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
Ikalawang Markahan / Ika-anim na Linggo /Ikaapat na Araw

A. Layunin: Naisasalaysay ang mga pangyayaring naobserbahan sa paligid

B. 1. Panimula

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang


makapagsasalaysay ng mga pangyayaring naoberbahan sa
paligid.
Paano ba magsasalaysay ng iyong karanasan?
Sa pagsulat ng komposisyon ay binubuo ng mga talata.
Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga
pangungusap na naglalahad ng mga pangyayari o ideya.
Panimulang talata- ito ay una at kung minsan hanggang sa
ikalawang talata ng komposisyon.Sinasabi rito kung ano ang
ipinapaliwanag, isinasalaysay, ang ilalarawan o bibigyang
katuwiran. Kung maikli ang komposisyon,ito’y isang maikling
talata rin. Subalit kung mahaba ang akda, maaaring ang
panimulang talata ay buuin ng mahigit isang talata.
Ang karanasan ng isang tao ay hindi ang naganap ng
pangyayari sa kanya kundi kung ano ang ginawa niya sa
pangyayari sa kanyang buhay upang siya’y magtagumpay na
malutas ang kanyang suliranin.

2.
Mga Gawain

Gawain 1:

Panuto: Isalaysay ang iyong naging obserbasyon ngayong panahon ng


pandemya. Maaari mong dugtungan ang aking nasimulan.Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

Pandemyang Covid-19

Nagulat ang mga tao hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong


mundo dahil sa pagtama sa atin ng virus na Covid. Hindi nakapaghanda ang
lahat. Hanggang sa dumami ang mga taong tinamaan ng virus.

Page 19 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W6-D4

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

_________________________________________________________

___________________________. __________________________________

_______________________________________. ______________________

______________________________________________________________.

______________________________________________. __________

____________________________. _________________________________.

Integrated the Development of the following Learning Skills:


A. Communication
1. Understanding of Words/vocabulary
2. Following instructions/directions
B. Critical Thinking
C. Creativity

Gawain 2: Alalahanin Mo
Panuto: Tingnan ang larawan. Isalaysay ang mga pangyayaring naobserbahan
sa paligid batay sa larawan. Isulat ang iyong talata sa papel.

__________________________________________________

______________________________. _________________________

________________________________________________________

______________. _________________________________________.

Page 20 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W6-D4

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

Integrated the Development of the Following Learning Skills:


A. Communication Skills
1. Following instructions/vocabulary
2. Understanding messages
B. Critical Thinking
C. Creativity

Gawain 3:
Panuto: Pagmasdan ang dalawang larawan. Piliin sa larawan ang
pangyayaring iyong naobserbahan. Isalaysay ang pangyayari sa
pamamagitan ng pagsulat nito sa papel.

A. B.

__________________________________________________.

_________________________. _____________________________.

_______________________________________________________.

______________________________. ___________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________.

Integrated the Development of the Following Learning Skills:


A. Communication Skills
1. Following instructions/vocabulary
2. Understanding messages
B. Critical Thinking
C. Creativity

Page 21 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W6-D4

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

C. Paglalahat

Isaisip Mo

Dapat tandaan:
Sa pagsasalaysay ng pangyayaring naobserbahan sa
paligid, mas mainam kung ito ay sariling karanasan mo. Dahil maipapahayag
mo nang maayos ang iyong obserbasyon ng walang pag-aalinlangan.

D. Paglalapat

Panuto: Isalaysay ang pangyayaring iyong naobserbahan sa iyong paligid.


Isulat ito sa iyong papel.

___________________________________________________.

___________________________________________________________.

______________________________. ____________________________

___________________________________________________

___________________________________. _______________________.

Integrated the Development of the Following Learning Skills:


A. Communication Skills
1. Following instructions/vocabulary
2. Understanding messages
B. Critical Thinking
C. Creativity

E. Subukin Mo

Panuto: Pumili sa mga larawan na gagamitin sa pagsasalaysay ng iyong


naobserbahan sa iyong paligid. Isulat ang iyong salaysay sa papel.

1. 2.

Page 22 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W6-D4

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

3. 5.

4.

RUBRIK SA PAGSASALAYSAY
5 4 3 2 1
NILALAMAN
 pagsunod sa uri at anyong hinihingi
 lawak at lalim ng pagtalakay
BALARILA
 wastong gamit ng wika/salita
 baybay, bantas, estruktura ng mga pangungusap
ORGANISASYON
 lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga ideya
 pagkakaugnay ng mga ideya
5 – Pinakamahusay 2 – Mapaghuhusay pa
4 – Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong na
3 – Katanggap-tanggap na pagsasanay

Integrated the Development of the Following Learning Skills:


A. Communication Skills
1. Following instructions/vocabulary
2. Understanding messages
B. Critical Thinking
C. Creativity

Inihanda ni:

ALMA C. BALLENAS
Apelo Cruz Elementary School

____________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1.) Books: Alab Filipino, 2016. p. 95
2.) https://www.slideshare.net
3.) https://www.scribd
4.) https://www.PhilStar

Page 23 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q2-W6-D5

Pangalan: ___________________________________Baitang at Pangkat:___________________


Pangalan ng Guro:_____________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
Ikalawang Markahan / Ikaanim na Linggo/ Ikalimang Araw

A. Layunin: Nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan ng mga hayop


na exotic.
B. 1.Panimula

● Pang-uri- Ito ang salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa isang


pangngalan o panghalip. Nagsasaad din ng uri o katangian
ng tao,bagay,hayop,pook o pangyayari.
● Kaantasan ng pang-uri
1. Lantay - ito ang pinakasimpleng paraan ng paglalarawan sa
katangian.
Halimbawa: maliit , malambot
2. Pahambing – Pinaghahambing ang katangian ng dalawang
pangngalan o panghalip.
a. Kapag magkapareho ang katangian,di ng mga nadagdag a
unlaping magkasing,sing,o kasing.
Halimbawa: magkasing liit, kasing haba
b. Kapag hindi magkapareho ang katangian,ginagamit ang mga
salitang mas,higit na, o di-gaano.
Halimbawa: higit na mahaba , mas mabilis
3. Pasukdol – ang katangian ay namumukod o katangi-tangi sa
lahat.
● Ginagamit ang mga unlaping pinaka, napaka, o kay-.
Halimbawa: pinakamaliit , napakalaki
● Maaari ding idagdag ang mga salitang: ubod ng, walang kasing,
hari ng, nuno, sakdal, reyna.
Halimbawa: ubod ng tapang, walang kasing galing
● Maaari ding ulitin ang pang-uri upang ipahayag ang pasukdol.
Halimbawa: kamangha-mangha, kilalang-kilala

Tuklasin Mo
Bakit tinawag na exotic ang ilang hayop sa bansa?
Tingnan ang mga nasa larawan. Ano ang masasabi ninyo?
Kilala nyo ba ang mga ito?
Page 24 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q2-W6-D5

Pangalan: ___________________________________Baitang at Pangkat:___________________


Pangalan ng Guro:_____________________________

2. Mga Gawain
Gawain 1: Basahin Mo

Mga Exotic na Hayop sa Pilipinas


Sa bawat bansa, may mga natatanging bagay na ipinagmamalaki,pinananatili at
pinahahalagahan, Isa na rito ang ating mga natatangi at exotic na mga hayop na
nagtataglay ng mga kakaiba at natatanging katangian kagaya ng Tarsier, Mindoro
Forest Mouse at Pilandok.
Ang Tarsier ay may naiibang pisikal na anyo,ito ay dahil sa maliit na katawan at
malalaking mata. Sobrang malambot at kulay tsokolate ang balahibo nito maliban sa
mga kamay at paa.
Sa Mindoro naman matatagpuan ang Mindoro Forest Mouse. Isang
napakalaking daga na may malalaking paa,higit na mahaba ang buntot at pahabang
nguso. Mabalahibo at matingkad na tsokolate ang kulay nito.
Isa pa sa exotic na hayop sa Pilipinas ang Pilandok na isa sa pinakamaliit na
hoofed na hayop. Wala pang isang piye ang sukat nito kapag nakatayo.

Gawain 2: Pagyamanin Natin


Ano-anong mga salita ang ginamit upang mailarawan ang mga eksotikong hayop na ito?
Pansinin ang mga salitang may salungguhit.
A
Maliit na katawan
Malalaking mata
Malambot at kulay tsokolate ang balahibo
Malalaking paa
Mabalahibo at matingkad na kulay
B
Higit na mahaba ang buntot
C.
Napakalaking daga
Pinakamaliit na hoofed na hayop

Ano ang tawag natin sa mga salitang may salungguhit? Ano ang binibigyang-turing
ng mga ito?
Ang mga salitang may salungguhit ay tinatawag na pang-uri. May iba’t ibang kaantasan
Ang pang-uri.

Page 25 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q2-W6-D5

Pangalan: ___________________________________Baitang at Pangkat:___________________


Pangalan ng Guro:_____________________________

Ang mga pang-uri sa titik A ay nasa kaantasang lantay.


Sa titik B, ay nasa kaantasang pahambing.
Sa titik C, pasukdol ang tawag sa antas ng pang-uri nito.

Gawain 3: Pagsikapan Natin


Panuto: Ibigay ang kaantasang pahambing at pasukdol ng sumusunod na pang-uri. Isulat ang
sagot sa puwang.Magsimula sa pangalawang bilang.

Lantay Pahambing Pasukdol


1. maliit magkasingliit pinakamaliit
2. mahaba
3.mabigat
4.mabalahibo
5.mabilis
6. mabangis
7. malaki
8. maamo
9. magaan
10.matutulis

Gawain 4: Gawin Mo

Panuto: Basahin at salungguhitan ang mga pang-uri sa bawat pangungusap. Kilalanin kung
Lantay, pahambing,o pasukdol. Isulat ang sagot bago ang bilang.

____________1. Ang tarsier ay may mabalahibong katawan na kulay tsokolate.

____________2. Halos kasing laki lamang ito ng daga na tumitimbang ng humigit-kumulang


60 hanggang 160 gramo.
____________3. Kapansin-pansin sa hayop na ito ang malalaki at listo nitong mga mata at
taenga.
____________4. Ang espasyo ng eye socket nito ay higit na Malaki kumpara sa sisidlan
ng utak at tiyan.
____________5. Kung ikukumpara, higit na mas malaki ang babaeng tatsier kaysa sa mga
lalake.
____________6. Ang pangalan ng tarsier ay hango sa isa pa nitong katangian,ang pagkaka-
roon ng mahahabang tarsus bone o bungkos ng buto na matatagpuan sa
pa ana siyang nakakatulong sa pagkilos nito.
____________7. Maliban sa kulisap,kumakain din ito ng maliliit na hayop gaya ng butiki,ibon,
at paniki.

Page 26 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q2-W6-D5

Pangalan: ___________________________________Baitang at Pangkat:___________________


Pangalan ng Guro:_____________________________

____________8. Piniling manirahan ng tarsier sa mapupunong lugar upang madaling maka-


angkop ang kanyang maliliit na katawan.
____________ 9. Ang tarsier ang isa sa pinakamaliit na mamalyang hayop na nagpapasuso
sa mga anak.
____________10. Pinakatanyag ang mga uri nito na makikita sa Indonesya at Pilipinas.

. Gawain 5: Pagtulungan Natin


Panuto: Suriin ang mga larawan. Magpatulong sa kasama sa bahay.Bumuo ng isang
pangungusap na may pang-uri sa kaantasang Lantay, pahambing o pasukdol. Isulat ang
sagot sa ibaba ng bawat larawan.
a. Lantay

_______________________________________________________________________

b.Pahambing

_____________________________________________________________________

b.Pasukdol

____________________________________________________________________

Page 27 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q2-W6-D5

Pangalan: _________________________________Baitang at Pangkat:__________________


Pangalan ng Guro:_____________________________

Tandaan:
Ang pang-uri ay ay salitang naglalarawan sa pangngalan at
panghalip.
Nagagamit ito sa paglalarawan ng mga eksotikong hayop.
Ang pagkakaiba-iba ng mga katangian ay tinatawag na
kaantasan ng pang-uri. May tatlong kaantasan ang pang-uri.
Ito ay ang lantay, pahambing at pasukdol.

C.Pagtataya:

Panuto: Gamitin at isulat sa patlang ang wastong antas ng pang-uri na naaangkop


sa paglalarawan ng mga eksotikong hayop sa pangungusap.

1. _______________( bilis) ang usa kung tumakbo.

2. Ang tarsier at Mindoro forest mouse ay__________________ (haba) ang buntot.

3. Ang Mindoro forest mouse ay isa sa _________________(laki) daga na may malalaking paa.

4. Isa sa exotic na hayop sa Pilipinas ang pilandok na isa sa ________________(maliit) na


hoofed na hayop.

5. Sa Mindoro lamang makikita ang Tamaraw. __________________ (maikli) ang sungay nito
kung ihahambing sa kalabaw.

6. Ang pigeon Luzon heart ay may kulay pulang balahibo sa gitnang dibdib bilang
__________________ (maganda) bahagi.

7. Ang Philippine eagle ay may _______________( laki ) tuka,pinagsamang kulay abo at


tsokolate ang katawan at kulay asul ang mga mata.

8. Si Lolong ang ___________________ (malaki) buwaya sa mundo.

9. Walang kamandag ang karamihan sa sa mga ahas sa bansa. Tanging ang cobra lamang
ang _________________. (makamandag)

10. Ang butanding bagamat dambuhala o Malaki hindi dapat katakutan ng tao dahil ito ay
_________________(bait)

Inihanda ni:
AGNES F. VILLAFUERTE
VILLAMOR AIR BASE ELEM. SCHOOL
_____________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1. Alab Filipino 5 p108-112
2. Kislap ng Wika 5 p 146-149

Page 28 of 28

You might also like