You are on page 1of 28

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODULES
IN GRADE 3
QUARTER 4 – WEEK 1

Page 1 of 28
PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.

1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
PAANO Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
GAMITIN kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
ANG MODYUL? 2 magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.
Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
3 lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.
Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain

Page 2 of 28
at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing
4 tagapagdaloy ng aralin.
Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
5 tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.

Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
6 nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka
o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
7 magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.

8 Sana ay mag-enjoy ka sa paggamit ng iyong natanggap na mga Modyul!


Image: IMGBIN.com LFT/pasaycid2020
PATNUBAY NG MAGULANG/ TAGAPAGDALOY NG ARALIN
SA PAGGABAY SA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang Patnubay na ito ay nilikha para po sa inyong mga magulang, nakatatandang kapatid o kamag-anak ng ating mga mag-aaral. Ito po ay upang
magabayan po ninyo, bilang tagapagdaloy ng aralin, ang mag-aaral sa kanyang paggamit ng Modyul. Sa Modyul po na inyong natanggap nakapaloob ang
mga araling pagaaralan ng mag-aaral sa inyong tahanan. Narito rin po ang mga pagsasanay para sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Naniniwala po kami na napakalaki ng inyong magiging bahagi at impluwensiya sa magaganap na pagpapatuloy ng pagaaral ng inyong kapamilyang
mag-aaral sa inyo mismong tahanan.
Ihanda po muna ang sarili bago simulan ang paggabay sa mag-aaral. Isaisantabi po muna ang iba pang mga
1 gawain upang magkaroon ng pokus at sapat na panahon sa paggabay sa mag-aaral. Siguruhin din pong
PAANO PO KAYO handa na ang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
MAKATUTULONG Tulungan po ang mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng kanyang aralin sa araw na ito na makikita sa unang
SA PAGGABAY pahina ng Modyul. Maaari pong dagdagan pa ninyo ito base sa inyong naging karanasan o pag-aaral.
SA MAG-AARAL 2 Gabayan ang mag-aaral sa pagsusulat sa kwaderno ng mahahalagang impormasyon, terminolohiya,
SA PAGGAMIT depinisyon at iba pang nararapat niyang tandaan sa kanyang aralin sa araw na ito.

NG MODYUL? Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito

Page 3 of 28
3 ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong
naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
4 pagsasanay.

Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
5 noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-
aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
6 ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.

Maraming Salamat po sa inyong paggabay at pagsubaybay sa ating mag-aaral!


Image: freepik.com 7
LFT/pasaycid2020
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D1

Pangalan:___________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 3
Ikaapat na Markahan / Unang Linggo / Unang Araw

A. Layunin : Napagsasama ang mga katinig, patinig upang makabuo


ng salitang klaster (Hal. blusa, gripo, plato)
B.1 Panimula:

• Ang salitang klaster o kambal katinig ay may dalawang


magkatabing katinig na sinusundan ng isang patinig na
mababasa loob ng isang pantig
• Ang salitang klaster ay maaaring makita sa unahan, gitna o sa
bandang hulihan ng salita.
ATING TUKLASIN: Pakinggan ang maikling kuwento at tuklasin natin ang
mga salitang may klaster.

Bakasyon na naman.Sabik na si Glen makauwi sa probinsya


ng kanyang lolo at lola sa Negros. Iba iba ang transportasyon na
kanilang ginagamit para makarating sa bahay nila lolo at lola.
Simula sa kanilang bahay ay ihahatid sila ng kotse papunta
sa istasyon ng tren sa may Tutuban, pagkababa ng tren sa may
Magallanes ay sasakay naman sila ng dyip papuntang NAIA 3,
doon naman ay sasakay sila ng eroplano biyaheng
Negros.Pagbaba ng eroplano ay nakikita niya na isinasakay ang
mga maleta sa trak na nakaabang sa may paliparan. Paglabas
nila sa Paliparan ng Bacolod ay naroroon na ang traysikel ng
kanyang Lolo na maghahatid sa kanilang bahay.
Malayo man ang kanilang biyahe ay masaya naman silang
makita at mabisita ang kanilang lolo at lola minsan sa isang taon
at masaya rin siyang sumakay sa bisikleta papunta sa bukid.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


• Sino ang sabik nang makauwi sa probinsya?
• Sino ang pupuntahan niya sa probinsya?
• Saang probinsya sila uuwi?
• Ano-ano ang mga sasakyan nila para makarating sa bahay
ng kanyang lolo at lola?

Page 4 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D1

Pangalan:___________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:______________________________________

• Ano ang napansin ninyo sa mga salitang initiman?


• May mga nakita ka bang salitang may kambal-katinig?
• Ano ano ano ang mga ito?

Basahin natin:

Glen trak

probinsya tren

bisikleta dyip

eroplano kotse

traysikel transportasyon

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN.


A. MGA GAWAIN

Gawain 1: Pagkilala sa Kambal-katinig

Panuto: Salunggguhitan ang salita na may kambal-katinig sa bawat


pangungusap. Isulat sa patlang ang kambal-katinig.

_____ 1. Sobra ang sukli ng tindera.

_____ 2. Mataas ang singil ng drayber.

_____ 3. Buksan mo ang gripo sa lababo.

_____ 4. Siya ang pinili ng mga kaklase mo.

_____ 5. Kanino ang tsinelas na kulay pula?

_____ 6. Hinog na ang mga prutas sa kusina.

_____ 7. Mabagal ang daloy ng trapiko kanina.

_____ 8. Umupo ang prinsipe sa kanyang trono.

Page 5 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D1

Pangalan:___________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:______________________________________

Gawain 2: Ano ako?

Panuto:Iayos ang mga letra at isulat ang tamang baybay ng tinutukoy


na salita sa pangungusap sa loob ng kahon.

1.Pangunahing sasakyan
sa ating bansa.
pidy

2.Ito ay sasakyang
pahimpapawid,ginagamit
upang makarating nang plaerono
mabilis sa malayong
lugar.

3.Isang mahaba at
dugtong dugtong na
nr e t
sasakyan

4.Isang maliit na
sasakyan na kadalasan
estok
ginagamit ng buong
pamilya

5. Isang malaking
sasakyan na kadalasan
r a k t
ay kinakarkahan ng
mabibigat na bagay

6. Isang sasakyang may


tatlong gulong, pag
traykelsi
tumakbo napakaingay

7. May dalawang gulong


at gamit ng mga siklista
biletaksi

8.Kadalasang gamit ng
mga naghahatid ng
lotormosik
pagkain

Page 6 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D1

Pangalan:___________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:______________________________________

PAGLALAHAT:
Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…
DAPAT NATING TANDAAN
• Ang salitang klaster o kambal katinig ay may dalawang
magkatabing katinig na sinusundan ng isang patinig na
mababasa loob ng isang pantig
• Ang salitang klaster ay maaaring makita sa unahan, gitna o sa
bandang hulihan ng salita.

TARA ITULOY NATIN…

Gawain 3: Pagkilala sa Kambal-katinig

Panuto : Basahin ang mga salita na nasa loob ng kahon at bilugan


ang salita na may kambal-katinig sa bawat bilang.

1. ugat puno troso gubat

2. trumpo bola lobo saranggola

3. dentista nars ospital klinika

4. kutsara tinidor baso mangkok

5. ahas dragon buwaya halimaw

6. kalsada manibela gulong grasa

7. Hunyo Hulyo Agosto Setyembre

8 blusa sapatos daster sando

Page 7 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D1

Pangalan:___________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:______________________________________

Pagtataya

Panuto: Basahin ang talata. Piliin at bilugan ang walong salitang klaster
na nasa pangungusap.

Nagpunta sa palengke sina Nanay


Brenda at Tatay Brando, kasama rin si
Kuya Clarence. Namili sila ng iba’t ibang
prutas na ipasasalubong nila kay Ate
Tricia. Bago inihain ay hinugasan muna ni
Nanay nang mabuti ang plato at platito
na kanilang gagamitin.
Masaya silang nagkuwentuhan at
nagplanong mamasyal sa darating na
Linggo.

Inihanda ni:
ROWELA R. CADAYONA
Timoteo Paez Elementary School

Page 8 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D2

Pangalan:___________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 3
Ikaapat na Markahan / Unang Linggo / Ikalawang Araw

A. Layunin : Napagsasama ang mga katinig at patinig upang


makabuo ng salitang may diptonggo
B. Panimula:
• Ang mga diptonggo ay iw, iy, ey, ay, aw, oy at uy. Ito ay
tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig (a,e,i,o,u) at
isang malapatinig (w,y) sa loob ng isang pantig.

• Ang W at Y ay tinatawag na malapatinig o semi-vowel dahil ang


tunog nito ay "parang patinig o vowel

ATING TUKLASIN: Subukin nating bumuo ng mga diptonggo.

patinig malapatinig diptonggo halimbawa

a w aw araw

i w iw sisiw

a y ay gulay

e y ey keyk

i y iy kami’y

o y oy baboy

u y uy baduy

Page 9 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D2

Pangalan:___________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:______________________________________

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKIN NATIN.


A. MGA GAWAIN

Gawain1: Pagkilala sa mga salitang diptonggo

Panuto: Ikahon ang salita na may diptonggo sa bawat bilang.

1. sunog sabog init apoy

2. puno anahaw kubo dahon

3. tubig buhok suklay shampoo

4. paksiw prito sinigang pesa

5. tinapay kape tsokolate asukal

6. keyk pansit sorbetes suman

7. kalapati baboy aso pusa

8. kuting tuta sisiw guya

Page 10 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D2

Pangalan:___________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:______________________________________
Gawain 2: Diptonggo sa pangungusap

Panuto: Bilugan ang salitang diptonggo sa bawat pangungusap.

1. Naubos ng apoy ang mga kabahayan.

2. Magdala ka ng pamaypay at sobra ang init.

3. Napakagaling sumayaw ng anak ng kapitan.

4. Sumakay ang pamilya sa Reyes sa malaking bus.

5. Masarap ba ang keyk na binili ng iyong kapatid?

6. Matakaw ang kanyang alagang mga alagang itik.

7. Iba’t-ibang kulay ang mga watawat na nasa museo.

8. Mahina ang daloy ng tubig sa mga talon kapag tag-init.

Page 11 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D2

Pangalan:___________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:______________________________________

PAGLALAHAT:
Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain…
DAPAT NATING TANDAAN
Ang diptonggo ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang
patinig (a,e,i,o,u) at isang malapatinig (w,y) sa loob ng isang pantig.
Ngunit kapag ang /y/ o /w/ ay napapagitan sa dalawang patinig,
ito ay napapasama na sa sumusunod na patinig, kaya‟t hindi na
maituturing na diptonggo. Ang “iw”, halimbawa, sa “aliw” ay
diptonggo. Ngunit sa “aliwan” ay hindi na ito maituturing na isang
diptonggo sapagkat ang “w” ay napagitnaan na sa dalawang
patinig. Ang magiging pagpapantig sa “aliwan” ay a-li-wan at hindi
a-liw-an.
TARA ITULOY NATIN…

Gawain 3: Alin-alin ang diptonggo?


Panuto: Piliin ang salitang diptonggo. Lagyan ng tsek ang kahon kung
ito ay diptonggo at ekis naman kung hindi.

sayaw sayawan

bahay bahayan

aliwin aliw

gulay gulayan

Page 12 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D2

Pangalan:___________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:______________________________________

Pagtataya:
Panuto: Ano ang salitang may diptonggo ang tinutukoy? Iayos ang
mga letra na nasa loob ng panaklong upang mabuo ang
tamang sagot.

1.Pula, asul, dilaw. Ito ay mga (ulaky)

2.Pambansang hayop (wabkala)

3.Sitaw, ampalaya at talong (galuy)

4.Anak ng manok (wisis)

5.Pabansang dahon (wahana)

6.Ginagamit para umayos ang buhok (laysuk)

7.Tirahan ng pamilya (hayab)

8.Lutong ulam na may suka (iwspak)

Inihanda ni:

ROWELA R. CADAYONA
Timoteo Paez Elementary School

Page 13 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D3

Pangalan:___________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY
MODYUL SA FILIPINO
Ika-Apat na Markahan / Unang Linggo / Ikatlong Araw

Layunin: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggan usapan.

ANG ARALIN MO NGAYON:


Ano ba ang kahulugan ng usapan?
Ang usapan ay pakikipagtalastasan o pakikipag-ugnayan
sa kapwa upang makapagbahagi ng impormasyon. Ito ay
nagsisilbing daan upang tayo ay magkaroon ng ugnayan sa ating
kapwa. Tumutulong ito para maibahagi ang mga bagay o kaalaman
na gusto natin iparating. Kadalasan para makapukaw ng atensyon
ng mga mambabasa gumagamit ng mga anyo ng lobo sa usapan.

Ang lobo ng usapan ay ang pinagsusulatan ng mga


tauhan ng kanilang diyalogo o usapan. Ito ay may ibat-ibang anyo
batay sa tema ng kanilang usapan o diyalogo.
Halina at sabay sabay natin basahin at unawain ang ibat- ibang
usapan at maging handa sa pagsagot tungkol sa mga napakinggan
usapan.

Page 14 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D3

Pangalan:___________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:______________________________________

ATING TUKLASIN

Isang gabi sabay na nanood ng balita sa telebisyon ang


magkapatid na Agatha at Nicka tungkol sa pandemya na
nararanasan ng buong mundo.

Agatha : Nakalulungkot naman ang balita na patuloy ang pagtaas


ng bilang ng mga tinamaan ng sakit na Covid-19.
Nicka : Oo nga, tignan mo isang buong pamilya na may pitong
miyembro lahat nagkasakit.
Agatha : Kaya ugaliin natin na kapag lalabas tayo ng bahay mag
suot ng face mask at face shield.
Nicka : Dapat din natin sundin ang social distancing
Agatha : Tama ka kapatid, maghugas lagi ng kamay at magbaon din
ng alcohol kapag nasa labas.
Nicka : Kung makikiisa ang lahat at susunod sa gabay para sa kalig
tasan ng kalusugan at tiyak na makakaiwas tayo sa pagkalat
ng virus.

Mga tanong:

1. Sino ang magkapatid na nanood ng balita?

2. Ano ang kanilang pinanood?

3. Bakit nalungkot si Agatha sa balita?

4. Ano-ano mga gabay sa kalusugan ang dapat natin gawin upang


makaiwas sa sakit na Covid 19?

5. Ano ang mangyayari kapag tayo ay sumunod sa mga gabay ng


kaligtasan?

Naunawaan mo na ba mga bata? Tayo na at sabay sabay natin


basahin ang iba pang usapan o diyalogo, unawain at sagutan ang
mga tanong.

Page 15 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D3

Pangalan:___________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:______________________________________

GAWAIN 1

PANUTO: Basahin ang maikling usapan at sagutin ang mga tanong.

Ang Paanyaya

Sabado ng hapon habang sumasagot ng module si Andie, bilang


tumunog ang kanyang telepono. Si Echai ang kanyang kamag-aral
pala ang nasa kabilang linya.

Echai : Magandang hapon Andie, naistorbo ba kita?

Andie : Hindi naman halos patapos na ang pagsagot ko sa modules


Bakit ka napatawag?

Echai : Aanyayahan sana kita sa darating na Linggo dito sa aming


bahay dahil kaarawan ko.

Andie. Magpapaalam muna ako sa aking nanay at kapag pumayag


siya tatawagan kita agad.

Echai : Sige aasahan ko na papayagan ka at makakarating ka sa


aking kaarawan.

Andie : Sige at Salamat sa inyong paanyaya.

Echaie Walang Anuman at aasahan ko ang iyong pagdalo.

Basahin at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

___________1. Sino ang tumawag kay Andie?


A. Ellie B. Echai C. Ella D. Elias

___________2.Anong oras nakatanggap ng tawag si Andie?

A. hapon B. umaga C. gabi D. madaling araw

_______3. Ano ang kanyang ginagawa nang makatanggap ng tawag


sa telepono?

Page 16 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D3

Pangalan:___________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:______________________________________

A. naglalaro B. nanonood ng T.V.


C. sumasagot sa modules D. natutulog

_______4. Ano ang dahilan ng pagtawag ni Echai kay Andie?


A. manghihiram ng aklat
B. magpapaturo ng takda
C. makikipaglaro
D. nang iimbita sa kanyang kanyang kaarawan

________5. Ano ang dapat gawin kapag ikaw ang nakatanggap ng


Imbitasyon?
A. magpaalam sa magulang
B. tumakas kasama ang mga kaibigan
C. huwag pansinin ang imbitasyon
D. pabayaan na lamang ang imbitasyon

BAGO NATIN IPAGPATULOY ANG MGA GAWAIN


DAPAT NATIN TANDAAN

Ang usapan ay pakikipagtalastasan o pakikipag-


Ang usapan ay pakikipagtalastasan o pakikipag-
ugnayan sa kapwa upang makapagbahagi ng
ugnayan sa kapwa
impormasyon. upang
Nararapat makapagbahagi
lamang ng
na maunawaan
impormasyon
natin ang nilalaman ng usapan upang masagot
natin ang mga katanungan.

GAWAIN 2
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at buuin ang usapan sa
bawat sitwasyon.

Sitawsyon 1
Nakasalubong ni Edgar ang kanyang guro isang hapon pauwi na
siya sa kanilang bahay.
Edgar : Magandang hapon po Gng Santos.

Guro : _________________________________________________

Sitwasyon 2
Nanalo si Luna sa paligsahan sa kanilang paaralan. Binati siya ng
kanyang mga kamag-aral.

Page 17 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D3

Pangalan:___________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Pangalan ng Guro:______________________________________

Kamag-aral : ____________________________________________________

__________________________________________________________________

Luna : Maraming Salamat sa inyong lahat.

Sitwasyon 3 Hihingi ng paumanhin si Keith sa kanyang kaibigan dahil


nasira niya ang laruang hiniram niya sa kaibigan.

Keith : __________________________________________________________

________________________________________________________________
Kaibigan : Pinapatawad na kita.

PAGTATAYA

Basahin mo ang sitwasyon , pumili ng isang panig na bibigyan mo ng


isang maikling usapan.

Kung kayo ang papapiliin sa paraan ng pag -aaral sa


panahon ng pandemya, ano ang pipiliin mo?

Ang pipiliin ko ay
Ang pipiliin ko ay
Face to Face Modular
dahil

(Isulat ang sagot sa papel)

Inihanda ni:
JOANNA J. SOLIGAM
Padre Zamora Elementary School

Page 18 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D4

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 3
Ikatlong Markahan / Ikalimang Linggo / Ikaapat na Araw

Layunin : Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng


pagbubuo ng mga bagong salita mula sa salitang-ugat.

A. Panimula

ANG ARALIN MO NGAYON:

Pagpapayaman ng talasalitaan sa pamamagitan ng pagbubuo ng


mga bagong salita mula sa salitang-ugat.

ATING TUKLASIN:
Salitang-ugat ay maikling salita. Ito ang mga salitang kinakabitan ng
panlapi.Maaaring ikabit ang panlapi sa unahan,gitna o hulihan.
Panlapi ay tunog o pantig na ikinakabit sa unahan,sa gitna , sa hulihan
o magkabilaan ng mga salitang- ugat upang makabuo ng isang
panibagong salita.
Halimbawa:
Unlapi - panlaping ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat tulad ng ma,
na, nag at mag
Halimbawa: saya – masaya tulo-natulog
Gitlapi - panlaping ikinakabit sa gitna ng salitang-ugat tulad ng um,in .
Halimbawa: takbo-tumakbo kain-kinain
Hulapi - panlaping ikinakabit sa hulihan ng salitang-ugat tulad ng
in,an,han,hin
Halimbawa: suklay-suklayin kaba-kabahan
bantay-bantayan basa-basahin
Kabilaan-kapag ang isang pares ng panlapi ay ikinakabit o makikita sa
unahan at hulihan ng salita tulad ng; mag,an, pa,in, ka,an, ka,han
Halimbawa:
mag-awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan

Page 19 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D4

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________

Salitang- Salitang-Ugat Panlapi Uri ng Panlapi


Maylapi
pasyalan pasyal an hulapi
mag-aral aral mag unlapi
tumawa tawa um gitlapi
nanood nood na unlapi

ginising gising in gitlapi

kaibigan ibig ka,an kabilaan


binasa basa in gitlapi

Naunawaan niyo na ba ang ating aralin?


Subukan mong sagutin ang mga kasunod na gawain.

Gawain 1
Panuto:Basahin ang mga salita.Isulat ang U kung ang ginamit na
panlapi ay unlapi, G kung gitlapi, H kung hulapi at K kung kabilaan.

_______ 1. Tumakbo
_______ 2. Isipin
_______ 3.nag-ani
_______ 4. Kasiglahan
_______ 5. sumayaw
_______ 6. kaligayahan
_______ 7. naglaba
_______ 8. sabihin

Page 20 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D4

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________

Gawain 2
Panuto:Bumuo ng bagong salita gamit ang panlaping nasa loob ng
panaklong.
1.luto (nag) ____________________
2.ibig (in) ____________________
3.walis (an) ____________________
4.saya (mag) ____________________
5.lakad (mag) ____________________
6.awit (um) ____________________
7.dakila (ka,an) ____________________
8.sagana (ka,an) ____________________

Bago natin ituloy ang susunod na mga gawain….


DAPAT NATING TANDAAN

Ang isang paraan upang mapagyaman ang ating talasalitaan ay


sa pamamagitan ng pagbubuo ng panibagong salita mula sa salitang-
ugat. Salitang-ugat ay maikling salita. Ito ang mga salitang
kinakabitan ng panlapi.
Panlapi ay tunog o pantig na ikinakabit sa unahan,sa gitna , sa
hulihan o magkabilaan ng mga salitang- ugat upang makabuo ng
isang panibagong salita.
Unlapi - panlaping ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat tulad ng
ma, na, nag at mag.
Gitlapi - panlaping ikinakabit sa gitna ng salitang-ugat tulad ng
um,in.
Hulapi - panlaping ikinakabit sa hulihan ng salitang-ugat tulad ng
in,an,han,hin .
Kabilaan-kapag ang isang pares ng panlapi ay ikinakabit o makikita
sa unahan at hulihan ng salita tulad ng; mag,an, pa,in, ka,an, ka,han.

Page 21 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D4

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________

TARA ITULOY NATIN……

GAWAIN 3
Panuto:Lagyan ng panlapi ang salita sa loob ng panaklong upang
mabuo ang pangungusap. Isulat ang nabuong bagong salita sa guhit.

1. Umuwi si Ginoong Reyes na (lungkot) _________________ dahil


nawalan siya ng trabaho.

2. Siya ay (hanap) __________________ ng bagong trabaho para sa


kaniyang pamilya.

3. Ngunit siya’y (bigo) _________________ sa unang pagkakataon.

4. Napilitan na siyang (uwi) _________________ at ipagtapat sa


kaniyang asawa ang katotohanan.

5. Dahil sa kaniyang (bigo) _________________ naisip niya na wala


siyang silbi.

Page 22 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D4

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________

PAGTATAYA

Panuto: Dagdagan ng panlapi ang salitang-ugat upang makabuo ng


bagong salita na kukumpleto sa pangungusap.

1. Suklay___ ___ mo nang mabuti ang iyong buhok.

2. Natiklop ko na ang ___ ___ linis na damit.

3. Maaliwalas na ang langit.___ ___ kita mo ba?

4. ___ ___ tuwa si nanay sa aking mga marka.

5. Tulungan mo akong ___ ___ ___ dilig ng halaman.

6. Nais kong ___ ___ ___ simba nang maaga bukas.

7. Sipi ___ ___ ang mga tanong sa iyong kuwaderno.

8. Maaari mo ba akong __ sama sa palengke?

Inihanda ni:
Nieva R.Jerusalem
Timoteo Paez Elementary School

Page 23 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D5

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 3
Ikatlong Markahan / Ikalimang Linggo / Ikalimang Araw

Layunin: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa (balita).

A. Panimula

ANG ARALIN MO NGAYON:


Ang balita ay tungkol sa mga mahahalagang pangyayari sa ating
lipunan na maaaring mapanood sa telebisyon,mapakinggan sa radio at
mabasa sa mga pahayagan.

B.ATING TUKLASIN:
Mahalagang basahin natin ng mabuti at unawain ang nilalaman
ng balita upang masagot ang mga tanong tungkol dito.
Halimbawa:
Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III kahapon na
naibaba na sa “moderate risk” ang buong Metro Manila dahil sa
patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Duque na ito ay dahil sa naitalang pagbaba ng growth
rate at attack rate sa bawat 100,000 populasyon sa parehong petsa.
Ibig sabihin nito bumabagal na yung pagdagdag o paglaki ng
kaso,”paliwanag ni Duque.
Sa kabila naman ng pagbaba sa general community quarantine
with heighted restrictions ng Metro Manila,lalawigan ng
Bulacan,Cavite,Laguna at Rizal ,hinikayat ni Duque ang mga lokal na
pamahalaan na magpatupad ng localized lockdowns kung
kinakailangan.
Mga Tanong:
1.Tungkol saan ang balita?
2.Sino ang nagkumpirma na naibaba na sa “moderate risk” ang Metro
Manila?
3.Ano-anong pinagbasehan ni Secretary Duque upang ibaba sa
moderate risk ang buong Metro Manila?
Naunawaan mo na ba ang ating aralin?

Page 24 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D5

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________

Subukin mong sagutin ang mga kasunod na gawain.

Gawain 1
Panuto:Basahin at unawain ang teksto. Pagkatapos sagutin ang mga
tanong.
Pinag-aaralan na ng Commission on Higher Education (CHED) na
alisin ang moratorium sa mga nursing courses sa ibang mga eskwelahan
sa bansa.
Ito ay dahil lumalaki na ang pangangailangan ng mga nars sa
maraming ospital dahil sa pandemya.
Sinabi ni CHED Chairman Prospero De Vera III,may mga ilang
lugar na silang tinitingnan para payagan na uli ang mga State
Universities and Colleges na magbukas ng kursong Nursing ngayong
darating na pasukan.
Ilan sa mga lugar na bubuksan muli ang nursing courses ay ang
mga government facilities na nangangailangan ng dagdag na health
care workers.

Tanong:
1.Ano ang pinag-aaralang alisin ng Commission on Higher Education?
______________________________________________________________________
2.Bakit aalisin na ang moratorium sa nursing courses?
______________________________________________________________________
3.Sino ang nagsabi na may ilang lugar na silang tinitingnan na payagan
muli ang pagbubukas ng nursing courses?
______________________________________________________________________
4.Anong mga paaralan ang papayagan nila na muling magbukas ng
nursing courses sa darating na pasukan?
______________________________________________________________________
5.Tama ba na payagang muli ng CHED ang pagbubukas ng nursing
courses sa mga State Universities at Colleges? Bakit?
______________________________________________________________________

Page 25 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D5

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________

Gawain 2

Panuto:Basahin at pag-aralan ang teksto.

Tatlumpong Porsiyento Lang ng Pinoys ang Gustong Magpabakuna


(Malou Escudero)

Nasa tatlumpong porsiyento lang ng populasyon ang gustong


magpabakuna laban sa COVID-19 kaya balak ng gobyerno na gawing
kondisyon sa mga benepisyaryo ng 4P’s ang pagpapabakuna.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isang malaking
hamon sa kanila ang mababang porsiyento ng mga gustong
magpabakuna.
Iyong mga pag-aaral po nagpapakita na mayroon pong
tinatawag na vaccine hesitancy…siguro pwede nating pag-aralan
kung isama natin doon sa kondisyon para sa 4P’s na puro
mahihirap,marami ang mababakunahan.
Balak na rin isama ang pagbabakuna kapag nagkaroon ng
Bayanihan 3 kung magkakaroon ng ayuda.Siguro iyong mga
makakatanggap ng ayuda ikakabit na natin doon sa pagbabakuna
upang masiguro na mas marami sa ating mga kababayan.
Nilinaw naman ni Roque na hindi ito sapilitan at ibibigay lang sa
mga gustong tumanggap ng ayuda.

Sagutin ang mga tanong:


1.Tungkol sa ano ang balita?
Sagot:___________________________________________________________

2.Sino ang sumulat ng balita?


Sagot:___________________________________________________________

3.Anong balak ng gobyerno sa mga benepisyaryo ng 4P’s?


Sagot:___________________________________________________________

4.Sino ang nagsabi na malaking hamon ang mababang porsiyento ng


mga gustong magpabakuna?
Sagot:___________________________________________________________

5.Paano masosolusyunan ng gobyerno ang hamon ng mababang


porsiyento ng gustong magpabakuna kung sakaling magkakaroon ng
Bayanihan 3?
Sagot:__________________________________________________________

Page 26 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D5

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________

Bago natin ituloy ang susunod na gawain ……..


DAPAT NATING TANDAAN:
Mahalagang basahin at unawain ang nilalaman ng teksto
upang masagot ang mga tanong tungkol dito.Maibibigay rin ang
mahahalagang detalye ng teksto sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong na sino,ano,saan,kalian,bakit, at paano.

PAGTATAYA
Panuto:Basahin ang teksto.Piliin ang letra ng tamang sagot.
Dumagsa ang pumila matapos na mag-allot ang
Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng may 900 bakuna ng Pfizer-
Ntech sa mga kuwalipikadong indibidwal,habang mahigpit naman
ang ginagawang pagbabantay ng Manila Police sa pagpa-
patupad ng health protocols.

1. Tungkol sa ano ang balita?


A. Dumagsang pumila
B. Dumagsang kumain
C. Dumagsang nanood

2. Saan dumagsa ang pumila?


A. sa Lungsod ng Pasay
B. sa Lungsod ng Makati
C. sa Lungsod ng Manila

3. Ano ang ginawa ng Pamahalaang Lungsod ng Manila?


A. Nag-allot ng may 900 na bakuna ng Pfizer-BioNtech.
B. Nag-allot ng may 800 na bakuna ng Pfizer-BioNtech.
C. Nag-allot ng may 700 na bakuna ng Pfizer-BioNtech.

Page 27 of 28
Module Code: PASAY-F3-Q4-W1-D5

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________

4. Sino ang mahigpit na nagbabantay sa pagpapatupad ng health


protocols?
A. Pasay Police
B. Taguig Police
C. Manila Police

5. Kung ikaw ay nakatira sa Maynila, pipila ka rin ba?


A. Opo
B. Hindi po.
C. Pag-iisipan ko.

Inihanda ni:
Nieva R.Jerusalem
Timoteo Paez Elementary School

Page 28 of 28

You might also like