You are on page 1of 23

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODULES
IN GRADE 8
QUARTER 3 – WEEK 1

Page 1 of 23
PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.

1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
PAANO Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
GAMITIN kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
ANG MODYUL? 2 magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.
Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
3 lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.
Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain

Page 2 of 23
at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing
4 tagapagdaloy ng aralin.
Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
5 tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.

Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
6 nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka
o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
7 magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.

8 Sana ay mag-enjoy ka sa paggamit ng iyong natanggap na mga Modyul!

Image: IMGBIN.com LFT/pasaycid2020
PATNUBAY NG MAGULANG/ TAGAPAGDALOY NG ARALIN
SA PAGGABAY SA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang Patnubay na ito ay nilikha para po sa inyong mga magulang, nakatatandang kapatid o kamag-anak ng ating mga mag-aaral. Ito po ay upang
magabayan po ninyo, bilang tagapagdaloy ng aralin, ang mag-aaral sa kanyang paggamit ng Modyul. Sa Modyul po na inyong natanggap nakapaloob ang
mga araling pagaaralan ng mag-aaral sa inyong tahanan. Narito rin po ang mga pagsasanay para sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Naniniwala po kami na napakalaki ng inyong magiging bahagi at impluwensiya sa magaganap na pagpapatuloy ng pagaaral ng inyong kapamilyang
mag-aaral sa inyo mismong tahanan.
Ihanda po muna ang sarili bago simulan ang paggabay sa mag-aaral. Isaisantabi po muna ang iba pang mga
1 gawain upang magkaroon ng pokus at sapat na panahon sa paggabay sa mag-aaral. Siguruhin din pong
PAANO PO KAYO handa na ang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
MAKATUTULONG Tulungan po ang mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng kanyang aralin sa araw na ito na makikita sa unang
SA PAGGABAY pahina ng Modyul. Maaari pong dagdagan pa ninyo ito base sa inyong naging karanasan o pag-aaral.
SA MAG-AARAL 2 Gabayan ang mag-aaral sa pagsusulat sa kwaderno ng mahahalagang impormasyon, terminolohiya,
SA PAGGAMIT depinisyon at iba pang nararapat niyang tandaan sa kanyang aralin sa araw na ito.

Page 3 of 23
NG MODYUL? Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito
3 ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong
naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
4 pagsasanay.

Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
5 noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-
aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
6 ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.

Maraming Salamat po sa inyong paggabay at pagsubaybay sa ating mag-aaral!

Image: freepik.com 7
LFT/pasaycid2020
Module Code: Pasay F8-Q3-W1-D1
Pangalan: ______________________________________ Petsa:_____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:____________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikatlong Markahan/ Unang Linggo/ Unang Araw

LAYUNIN: Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa: - paksa, -layon, -
tono. (F8PB-IIIa-c-29)

Paksa: Paksa, Layon at Tono

A. Panimula

Paksa- ito ay yaong pinag-uusapan. Dito umiinog ang lahat ng sinasabi ng nagsasalita.
Ang paksa ay siyang tema ng anumang usapan, maging maliitan man o malakihang
pag-uusap.

Layon- maaring tumutukoy sa mga sumusunod: Intensiyon (intention),

-isang tiyak na layunin ng isang ahente sa pagsasagawa ng isang kilos o mga
serye o magkakasunod na mga galaw, na katapusan

Tono- tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat. May mga may-
akda na nagagawang magaan ang paglalahad sa isang seryosong paksa. Ang tono
ay maaaring mapagbiro o mapanudyo, masaya o malungkot, seryoso at satiriko.

Sanggunian: Makabagong Bararila,

https://study-everything.blogspot.com/2014/06/pagtiyak-sa-damdamin-tono-layunin-at.html

B. Tuklasin
Pananalita sa Social Media for Social Change Forum ng Kabataan Partylist para sa Pagdiriwang
ng World Social Media Day
Infinitea Maginhawa, June 30, 2013

Magandang hapon po at happy social media weekend sa inyong lahat. Kahapon ay nagkita-kita na ang
ilan sa atin. Dumalo ako sa #fwdPH ng TweetUp Manila, at ikinagagalak kong maging bahagi ng social
media forum ng Kabataan Party, na matagal nang nakakapartner sa iba’t ibang gawain ng ngayo’y
lulubog-lilitaw kong Tinig.com, at ng inactive na ring Bloggers Kapihan — na sana’y maibalik natin
ngayong taon.
Ngayong araw, nagsasalita po ako hindi bilang empleyado ng kompanyang aking pinagtatrabahuhan
kundi bilang isang matagal-tagal na ring blogger at isa sa mga naunang sawsawero sa mundo ng social
media.

May 10 taon na mula nang maadik tayo sa Friendster. Naaliw tayo sa pagba-browse ng latest pictures
ng mga kaibigan natin. Para sa mga kaedaran ko rito, hinanap natin at inalam kung ano na ang hitsura
ng mga kaibigan at mga crush natin noong elementary. Excited tayong naghintay, at minsa’y nangulit pa
— na bigyan ng testimonial ng Friendster friends natin. Hanggang sa nailang na tayo sa kakaibang
themes sa Friendster at nakilala natin ang Facebook. Kalaunan, dumating na rin ang Twitter. Sinundan
pa yan ng Google Plus, Instagram, Pinterest, Vine, at iba pa.

Unti-unti na ring nag-evolve ang paggamit natin sa social networking services na ito, na ang nilalaman
ay tinatawag natin ngayon collectively bilang social media. Mula sa pagiging personal journal na venue
para makapagpahayag ng mga angas natin sa buhay — na siya pa rin namang pangunahing gamit nito
para sa marami sa atin — nadagdagan na ito ng iba’t iba pa. Ginagamit na rin ng businesses at brands
ang social media para mai-promote ang kanilang produkto; ng celebrities para maka-connect sa kanilang
fans; ng mga politiko para sa pangangampanya. Pero alam kong bago pa man mauso itong huli,
mayroon nang Kabataan Cyber-Fever noong 2007 ang Kabataan Party. Hindi pa sikat sa atin ang Twitter
noon.

Gayunman, sa kabila ng dumaraming gamit ng social media, hindi tayo dapat magkaroon ng ilusyong
may napakatindi na itong impact sa ating buhay.

Page 4 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W1-D1
Pangalan: ______________________________________ Petsa:_____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:____________________________

Nariyan pa rin ang digital divide. Tingnan ang kasalukuyang estimates: out of around 97 million Filipinos,
nasa 33 million pa lang ang may Internet access. Sa 33 milyong online, around 30 milyon ang may Facebook,
10 milyon lang ang may Twitter, at hindi pa natin alam kung ilan ang may Google Plus.

At sa nakalipas na eleksyon, nabigo ang social media na iluklok sa puwesto sina Teddy Casiño, Risa
Hontiveros, Bro. Eddie Villanueva, Jun Magsaysay, Dick Gordon, at iba pang mga kandidatong matunog sa
online social networks. Dinaig sila ni Nancy Binay, na tila hindi ganoon kaningning ang bituin sa online
communities.
Sa kabila nito, hindi maitatangging kailangan nang paghandaan ang pagdating ng panahong halos lahat ng
Pilipino ay nasa social media na. Kung paanong ngayon, halos lahat ng mga Pilipino ay may cellphone na,
maaaring dumating ang panahong halos lahat ng Pilipino ay online na.

Isa sa magiging dahilan nito ang patuloy na pagdami ng smartphones. Ayon sa GFK, isang research firm,
nakapagtala ang Pilipinas nang 146% increase sa sales ng smartphones mula April 2012 hanggang March
2013.

Samantala, habang nagpapatuloy ang kampanya para sa Better Internet sa bansa, unti-unti rin namang
bumababa ang halaga ng access sa Internet.
Kabilang sa paghahanda sa pagdating ng panahong halos lahat ng Pilipino ay online na ay ang pagsisikap
na maipakilala natin — ng mga mamamahayag, ng netizens, ng political at community leaders — sa madla
kung ano-ano ba ang magiging pakinabang natin sa existing social networks na ito.

Sa tingin ko, dalawang level ito: pagtuturo sa mga individual at pagtuturo sa mga institusyon.

Kailangang simulan sa napaka-basic gaya ng ano-ano ba ang kailangan para magkaroon ng Twitter o
Facebook?

Ano-ano ang gamit ng mga ito? Ano ang pagkakaiba ng Twitter sa Facebook o ng Instagram sa Vine? Paano
mag-sign-up? Paano mag-login? Sa ano-anong devices ito maaaring ma-access? Paano i-download ang
app? Paano mag-post, mag-reply, at mag-comment?

Matapos pong pagtuunan ng technical aspect ng social networking sites, yung content naman ang
mahalagang ipaunawa. Sisimulan din sa form ng content — na mahalaga pa ring tama ang English at Filipino
grammar sa posts natin. Dapat hindi jejemon para madaling basahin. Ang posts, dapat hindi all caps — sa
netiquette, o Internet etiquette, ang all caps ay pagsigaw.

Kailangan ding sagutin ang mga tanong gaya ng: OK lang bang i-crosspost ang tweets natin papuntang
Facebook o vice-versa? Mahalagang ipaunawa sa users na bawat social networking sites ay may kaniya-
kaniyang papel. Kaya sa iba, hindi okay ang magpopost ka sa Facebook at automatic na mapupunta sa
.
Twitter with an ugly Facebook link. Or ‘yong tweet mo, including ‘yong my @ replies, mapupunta sa
Facebook. But of course, matter of preference lang ‘yan.

Pero para sa akin, halimbawa, hindi tamang tadtarin mo ng links sa Foursquare logins mo ang Twitter
timeline ng followers mo. Pakialam ko ba kung nasaang lugar ka? Kung gusto kong malaman kung nasaan
ka minu-minuto, halimbawa, eh ‘di ia-add kita sa Foursquare. Ganyan din sa Instagram. Sa tingin ko, maling-
mali na naka-share pa rin sa Twitter feed mo ang bawat Instagram posts mo. Hindi na kasi gaya ng dati na
mapi-preview sa Twitter ang photo. Ngayon, kailangan mo nang i-click ang link para makita ang picture. Eh,
kung gusto kong makita kung ano ang breakfast mo, o kung ano ang hitsura mo sa latest selfie mo, eh di
ipa-follow kita sa Instagram.
Nabanggit ang selfie. Gaano kadalas ang minsan? Gaano ka ka-in love sa sarili mo? Medyo isyu na rin ito
ng etiketa sa Internet.
Samantala, OK lang ba na ipost ang pictures ninyo ng mga kaibigan mo sa public timeline mo sa Facebook
kahit walang permission ng mga kasama mo sa litrato? Paano kung pangit ang kuha nila? Ilan ‘yan sa mga
isyung makakatulong tayo sa paglilinaw.

Balik tayo sa nilalaman ng social media. Laging trending sa Twitter ang KathNiel o ang JuliElmo loveteams.
May mga iba pa bang bagay na maaaring i-tweet ang mga kabataang Twitter users? At least ang My
Husbands’ Lover, na araw-araw ding nagte-trend, kahit paano’y nagdadala sa kamalayan ng publiko sa isyu
ng LGBT community.

Page 5 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W1-D1
Pangalan: ______________________________________ Petsa:_____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:____________________________

Mahalagang maipaalam sa netizens, lalo na sa mga kabataan, na ang social media ay magagamit din para sa
pambansang layunin. Nariyan ang #epalwatch ng mga anti-epal, #sumbongko ng Comelec, #ang #FOInow ng
nga nagsusulong ng transparency sa gobyerno, ang #itsmorefuninthephilippines at #lubak2normal ng gobyerno,
ang #rescuePH na tumutulong sa panahon ng sakuna. Alam ko, ginagamit din ng Kabataan Party ang social
media sa inyong Tulong Kabataan campaign.

Sa kabutihang-palad, may efforts naman mula sa iba’t ibang sektor para tutukan ang pag-i-educate sa publiko
tungkol sa Internet at social media. Ang Bayantel, tinutulungan ni Lola Techie na gawing maaalam sa Internet
ang senior citizens. Ang GMA Network, may Think Before You Click campaign na nagtuturo sa netizens na
maging responsible online.

Sa level naman ng institutions, pinangungunahan ng pamahalaan ang paggamit ng social media for public
information. Aktibo sina Manolo Quezon ng Malacañang sa paggamit nito. Nakikipag-usap din sila sa NGOs at
media organizations para sa coordination sa public information on social media. Bunga nito ang common
hashtags gaya ng #walangpasok, #floodPH, at iba pa. Noong panahon ni DILG Sec. Jesse Robredo, open siya
sa mga ganyang suggestion. Lumapit ang GMA News sa opisina niya para isulong ang paggamit ng Twitter sa
pag-a-announce ng suspension ng classes at iba pang public announcements kapag masama ang panahon.
Kinalaunan, in-adopt ng gobyeno at ini-endorse ang common hashtag na #walangpasok.

Susunod na kailangang ipaalam sa prospective social network users ang implikasyon ng paggamit ng mga ito
sa kanilang privacy at seguridad.
Mabalik tayo sa Foursquare. Safe ba na i-announce kung nasaan ka lagi? Puwede naman. Dapat lang, sigurado
kang super close kayo ng lahat ng Foursquare friends mo. Kung magbabakasyon nang out of town at walang
tao sa bahay, pigil-pigil muna sa pagpopost ng jumpshot sa beach. Puwedeng makipagkilala online, pero ingat
sa mga impormasyong ibabahagi. May mga nakidnap na sa ganyan.
Para sa Kabataan Party, mahalagang i-consider sa inyong legislative efforts ang pagpapaalam sa mga tao sa
kanilang online security. Siyempre kaagapay ito sa malalaki pang laban gaya ng pagre-review sa Anti-
Cybercrime law.

Bago ko tapusin ito, naalala ko lang ang matagal nang debate ng bloggers vs. journalists. Nagkaroon ng
kontrobersiya noon sa mungkahi ng propesor kong si Luis Teodoro na magandang mag-blog ang journalists at
maging halimbawa ng ethical blogging sa mga bagong bloggers. Kinuwestiyon ng marami ang pakikialam daw
ng mainstream journalists sa bloggers. Pero noon at ngayon, iisa lang naman ang mensahe. Sa pagpopost ng
information na maaabot ng publiko sa alinmang platform, mahalagang maging responsible.

Naniniwala ako na ang mga bloggers at social media users — lalong-lalo na ang mga tumatalakay sa mga
pampublikong isyu — ay dapat maging ethical. Mahalaga ang transparency. Sa panahong andaming
endorsements mula sa influential tweeps, dapat may disclosure.

Sa huli, nais kong isulong ang kahalagahan ng attribution sa social media. Usong-uso ngayon ang viral photos
at videos. Sa kakapasa, napakahirap nang ma-trace ang orihinal na may-ari. Pero kung masanay ang mga
netizen sa attribution, sa tamang pagki-credit sa gawa ng iba, mas madali ang pag-a-identify at pag-i-evaluate
sa original na source ng info.
Makakatulong itong mapigilan ang misinformation at maisusulong ang intellectual honesty. At saka baka sakaling
mabawas-bawasan ang mga estudyanteng magka-copy and paste ng assignment sa Wikipedia at manghihingi
ng talumpati sa bloggers.

Maraming salamat po.

Sanggunian: www.ederic.net/tag/social-media-ethics/
Pluma 8

Gabay na tanong:

1. Ano ang isinasaad ng tektong binasa?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Paano umunlad ang paggamit ng social media sa ating bansa?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Page 6 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W1-D1
Pangalan: ______________________________________ Petsa:_____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:____________________________

Bakit mahalaga ang tamang paggamit ng social media sa at turuan ang mga netizens sa
tamang paggamit nito?
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Bilang isang kabataan at netizen paano mo nagagamit ang social media upang
mapalawak ang iyong kaalaman at social awareness?
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Masasabing mo bang isa kang responsableng netizens?
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
C. Gawain
Panuto: Batay sa tektong binasa ilahad ang paksa, layon at tono
nito sa pamamagitan ng grapikong pantulong at ihambing ito sa
iba pang tektong nabasa na may kaugnayan rito.

Paghahambing sa tektong tinalakay sa ibang pang tektong nabasa batay sa

paksa, layon at tono nito.

________________________________________________________________

_______________________________________________________________

Page 7 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W1-D1
Pangalan: ______________________________________ Petsa:_____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:____________________________

D. Paglalapat
TANDAAN !
Paksa- ito ang pinag-uusapan sa isang akda
Layon – intension/ hangarin ng pagkabuo o pagkasulat ng isang akda
Tono- saloobin ng isang manunulat sa kanyang katha

E. Pagtataya

Panuto: Tukuyin ang tiyak na layon ng teksto batay sa mensaheng isinaad ng

mga pahayag. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

Sa panahon ng information and communication technology, nararapat na maging

malinaw sa isipan ng mga guro na siya ay hindi lamang simpleng tagapaghatid ng
impormasyon kundi isang facilitator na gumagabay at nagsisilbing consultant ng
kaalaman sa klasrum.

A. nagpapabatid C. nagbibigay ng papuri

B. nagpapaalala D. naglalarawan

Mga kabataan, laging isipin na ang paggamit ng makabagong teknolohiya, lalo na

ang Internet, ay may positibo at negatibong epekto sa buhay ng mga kabataan.

A. nangaral C. nagsusuri
nagbibigay babala D. nagtatanong

Sadyang mahuhusay ang mga programang ipinatupad ng pamahalaan upang

ganap na maiayos ang mga problemang kinakaharap ng bansa patungkol sa cyber-
bullying. Karapat-dapat lamang na bigyang- pugay ang taong nagsulong nito.

nagbibigay ng pakilala C. nagpapaalala

nagbibigay ng payo D. nang-uuyam

Huwag kaligtaang maging responsable at ethical sa paggamit ng social media.

Laging isaisip ang mga netiquette na dapat gawin ng bawat netizen.

A.nagtatampo C. nang-uuyam
B.nagbibigay ng payo D. nagtatanong

Sa kasalukuyan, hindi na bago sa atin ang terminong gaya ng information age, e-

class, multimedia at e-mail, online/distance learning education, cybernetics, web
page, hypermedia, at marami pang iba.

nagsasalaysay C. nangangatwiran
naglalarawan D. nagpapaalala

Sanggunian: Pluma 8, ph. 340

Inihanda ni: Glynis Ched U. Malabanan

Filipino 8, Ikatlong Markahan
Pasay City National High School

Page 8 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W1-D2
Pangalan: ______________________________________ Petsa: _____________________
Pangalan ng Guro: _______________________________ Baitang at Pangkat:_______________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikatlong Markahan/ Unang Linggo/ Ikalawang Araw

LAYUNIN: Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa:
-pananaw, - paraan ng pagkakasulat. (F8PB-IIIa-c-29)

Paksa: Pananaw at Paraan ng Pagkakasulat

A.Panimula

Pananaw- (point of view) ito ay tinatawag ding punto de vista. Sa maluwag na pagtuturing,
masasabing ito ay paraan ng pagtanaw ng manunulat sa kanyang akda.

Sa pamamagitan ng pananaw, nakikilala ng mambabasa ang nilikha ng

naglalahad at ng pangyayaring inilalahad, at kung gaano ang nalalaman ng
naglalahad. Ang pananaw na gagamitin sa teksto o akda ay nakadaragdag ng
kawilihan sa pag-unawa nito.

Unang panauhang pananaw – ako, ko, akin, atin, natin, tayo, kami
Ikalawang panauhang pananaw – ikaw, mo, ka, iyo, kanila, kita, kayo, inyo, ninyo
Ikatlong panauhang pananaw – siya, niya, kanya, sila, nila, kanila

Paraan ng pagkakasulat
Impormatibo- ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng impormasyon o kabatiran sa
mga mambabasa.
Halimbawa: Pagsulat ng report ng obserbasyon, mga estadistikang makikita sa
libro at ensayklopidya, balita at teknikal o bisnes report na may layuning
impormatibo.
Ekspresibo- ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala
ideya, obserbayon at kaalaman higgil sa isang tiyak na paksa batay sa
kanyang sariling karanasan o pag-aaral.
Halimbawa: Personal na liham, mga reaksyon, tula ng mga makata, transaksyonal
na ginagamit para sa layuning panlipunan o pakikipag-ugnay sa iba pang tao
sa lipunan o liham pang kalakal.
Naratibo- ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga
pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkasunod-sunod.
Halimbawa: Talaarawan o journal
Deskriptibo- ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng mga katangian,
anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita narinig,
natunghayan at naranasan.
Halimbawa: Maaring naglalarawan sa mga karakter, lugar o kaganapan sa istorya
o babasahin.

Argumentatibo – naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa.

Halimbawa: Dalawang espisipikong paksang pinagtatalunan

Sanggunian: https://www.powtoon.com/
https://study-everything.blogspot.com/

Page 9 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W1-D2

Pangalan: ______________________________________ Petsa: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:_________________________

B. Tuklasin

MGA POPULAR NA BABASAHIN

Masasabing nagpatuloy ang tradisyonal na panitikan sa kabila ng modernisasyong dulot

ng pag-unlad ng teknolohiya. Marahil, nagkaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-
pansin sa kasalukuyan na ang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng komiks,
magasin at dagling latha ay nauulit lamang ang paksa at tema mula sa mga akda sa tradisyunal
na uri ng panitikan. Kung susuriin, naiiba lamang sa estilo, pamamaraan at kaalamang teknikal
ang panitikang popular. Narito ang maikling paliwanag para sa mga popular na babasahing
laganap ngayon sa bansa.

Pahayagan
Tunay na malaki ang ginagampanang papel ng mga balita sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga Pilipino. Upang tayo ay maging bukas at mulat sa napapanahong
pangyayari ay sinisikap ng bawat isa na matutukan ang mga pangyayari sa ating paligid o
lipunan. Bagama’t marami na ang nagbabasa ng mga balita sa Internet ay marami pa rin ang
patuloy na tumatangkilik sa mga pahayagan dahil sa abot-kayang presyo nito. Dahil dito,
itinuturing ang pahayagan na isang uri ng print media na nananatiling buhay at bahagi ng
kultura. Isa sa mga katibayan nito ay ang ay ang nagkalat na tabloid sa mga bangketa araw-
araw. Bagama’t ang ilang mahahalagang balita ay makikita na sa telebisyon at maririnig na sa
radio ay malakas pa rin ang hatak ng print media sa mga tao dahil sa katotohanang hindi naman
naiuulat ang sipi ng pahayagan ay may epekto pa rin sa mga mambabasa ang nilalaman nito.

Magkakaiba ang dahilan ng mga tao kung bakit sila nagbabasa ng diyaryo. May mga
taong gustong magbasa ng balita; may iba naming gusto lamang magbasa ng tsismis, isport at
literature, o ‘di kaya’y sumagot sa palaisipan. Sa pangkalahatan, may dalawang uri ng
pahayagan- ang tabloid at ang broadsheet. Tinaguriang pahayagang pangmasa ang tabloid
dahil nakasulat ito sa wikang Filipino o sa ibang diyalekto bagama’t ang ilan dito ay Ingles ang
midyum. Hindi katulad ng broadsheet na ang target na mambabasa ay mga class A at B. ‘Yon
nga lang, sa tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan kaya’t
tinagurian din itong sensationalized journalism.

Komiks
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang
ihatid ang isang salaysay o kuwento. Ito ay ibinibilang ding isang makulay at popular na
.
babasahin na ang layunin ay magbigay-aliw sa mga mambabasa, magturo ng iba’t ibang
kaalaman, at magsulong ng kulturang Pilipino. Kadalasang naglalaman ang komiks ng kaunting
diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaring maglarawan o
magbigay-kahulugan sa teksto upang higit na mapukaw ang atensyon ng mga mambabasa.

Ang pagiging malikhain ng mga gumagawa ng komiks ang nagpapagalaw maging sa

mga bagay-bagay na walang buhay. Nakikita nila ang mga bagay na hindi nakikita ng iba.
Nakalilikha sila ng mga bagay mula sa wala. Nakagagawa sila ng mga mahika o kababalaghan.
At kahit walang teleskopyo, gamit ang kanilang imahinasyon ay nagagalugad nila ultimong
tuldok sa kalawakan. Nakalilikha sila ng kuwentong bukod sa ating mundo ay may iba pang
mundo, at may iba pa palang uri ng mga nilalang. Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks
at hinangaan nila ang katapangan at kabayanihan ng mga superhero na lumalaban sa mga
hamon ng buhay. Maraming pinaliligaya ang komiks, maraming binibigyang pag-asa, at marami
rin ang napaiibig dahil sa mga mensaheng hatid nito sa mga mambabasa.

Magasin
Ang magasin ay isa ring uri ng babasahing popular na kinahuhumalingan ng mga Pilipino
dahil sa aliw na hatid nito at mga impormasyong makukuha rito. Hindi nawawala ang Liwayway
kung ang pag-uusapan ay ang paglaganap ng magasin sa Pilipinas.

Page 10 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W1-D2

Pangalan: ______________________________________ Petsa: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:_________________________

Naglalaman ito ng maikling kuwento at mga nobela na naging instrumento upang umunlad
ang kamalayan ng marami sa kulturang Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa mga
kabahayan ng pamilyang Pilipino. Ang pagkahilig ng maraming pamilya sa pagbabasa ng
Liwayway ay nakatulong nang malaki upang higit na tumibay ang samahan o relasyon ng
bawat pamilya.

Dahil sa mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting himina ang produksiyon ng

Liwayway.Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang mapasukan ang iba’t ibang
magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, naririto ang nangungunang mga magasin
na tinangkilik ng maraming Pilipino:

1. Candy – tinatalakay nito ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan.

2. Cosmopolitan – isang magasing pangkababaihan na nagsisilbing gabay upang
maliwanagan ang mga kababaihan tungkol sa kalusugan, kagandahan, kultura at iba
pa.
3. Entrepreneur – naglalaman ng mga artikulo tungkol sa negosyo at nais magtaglay
ng negosyo.
4. FHM (for Him Magazine)- magasing para sa mga kalalakihan na naglalaman ng mga
artikulong nais pag-usapan ng kalalakihan tulad ng mga isyung may kinalaman sa
buhay, pag-ibig at iba pa.
5. Good Housekeeping – magasin para sa mga ilaw ng tahanan, tumatalakay ng mga
artikulong makakatulong sa kanilang responsibilidad at sa pagiging maybahay.
6. Men’s Health – karaniwang tinatalakay rito ang tungkol sa mga isyu ng kalusugan
tulad ng pamamaraan sa pag-eehersisyo, pagbabawas ng timbang at pisikal at
mental na kalusugan.
7. Metro – magasin na tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu
hinggil sa kagandahan.
8. T3- magasin patungkol sa gadget. Tinatalakay ang mga pinakahuling pagbabago sa
teknolohiya at kagamitan nito.
9. Yes! - patungkol sa balitang showbiz.

Kontemporaryong Dagli
Ang dagli ay isang anyong pampanitikang maituturing na maikling-maikling kuwento.
Bagama’t walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa
unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano. Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba
para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang
hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kuwento. Kabilang sa kilalang mga manunulat ng
dagli ay sina Iñigo Ed. Regalado na may bansag na Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus,
Rosauro Almario (Ric A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Lacsamana, at Lope K. Santos

Sa kasalukuyan, sinasabing nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap na

pahina ng mga pahayagan hanggang maging nakakahong kuwento sa mga tabloid o tampok
na kuwento (feature story) sa mga kulom, pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at
telebisyon. Sa kasalukuyan, nagkaroon na nga bagong kahulugan ang dagli. Hindi na ito
tinatawag na dagli kundi nagkaroon na ito ng ibang lehitimong pangalan at katawagan-
anekdota, spice-of-life, day-in-the life, at iba pa.

Sanggunian: Deped K to12- Filipino Lerners Module

Pluma 8

Mga gabay na tanong:

1. Ano ano ang mga sinasabing popular na babasahin?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Page 11 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W1-D2

Pangalan: ______________________________________ Petsa: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:_________________________

2. Paano naiiba ang mga popular na babasahin sa isa’t isa?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Bakit masasabing patuloy paring nananatli at tinatangkilik ang tradisyonal na
panitikan sa kabilang ng modernisasyon at teknolohiya?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. Alin sa mga nabanggit na popular na babasahin ang higit na nakakaimpluwensiya
sa buhay, pag-uugali at pag-iisip ng mga Pilipino?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, paano nakaka impluwensiya at nakakatulong ang mga popular
na babasahin sa isang kabataang katulad mo? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

C. Gawain
Panuto: Tukuyin kung ano ang hinihingi sa bawat bilang at isulat
ang mga tamang kasagutan sa kahon.

B. Pumili ng isang popular na babasahin at ilahad ang pananaw at paraan ng

pagkakasulat nito. (5 puntos)

Popular na babasahin - ______________________________________________

Pananaw -
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Paraan ng pagkakasulat -

Page 12 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W1-D2

Pangalan: ______________________________________ Petsa: _____________________

Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:_________________________

D. Paglalapat

TANDAAN !

Sa pamamagitan ng pananaw, nakikilala ng mambabasa ang nilikha ng

naglalahad at ng pangyayaring inilalahad, at kung gaano ang nalalaman ng
naglalahad. Ang pananaw na gagamitin sa teksto o akda ay nakadaragdag ng
kawilihan sa pag-unawa nito. May tatlong uri ang papanaw at ito ay ang unang
panauhan, ikalawang panauhan at ikatlong panauhan.

Sa paraan ng pagsusulat ay binubuo ng limang halimbawa o paraan. At

bawat paraan ay may iba’t ibang layunin. Ang limang uri ng paraan ng
pagsusulat ay ang mga sumusunod: impormatibo, ekspresibo, naratibo,
deskriptibo at argumentatibo.

Sanggunian: https://www.powtoon.com/
https://study-everything.blogspot.com/

E. Pagtataya

Panuto:
Tukuyin ang mga pananaw o punto de vista at paraan ng pagkakasulat
na ginagamit sa bawat popular na babasahin.

Popular na babasahin Pananaw o punto de vista Paraan ng pagsulat

1. 5.
Pahayagan

2. 6.
Komiks

3. 7.
Magasin

4. 8.
Kontemporaryong Dagli

Inihanda ni: Glynis Ched U. Malabanan

Filipino 8, Ikatlong Markahan
Pasay City National High School

Page 13 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W1-D3
Pangalan: ______________________________________ Petsa: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:___________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikatlong Markahan/ Unang Linggo/ Ikatlong Araw

LAYUNIN: Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa:
- pagbuo ng salita, pagbuo ng talata,- pagbuo ng pangungusap. (F8PB-IIIa-c-29)

Paksa: Pagbuo ng salita, Pagbuo ng talata at Pagbuo ng Pangungusap.

A.Panimula
Paraan ng Pagbuo ng Salita

May iba’t ibang kayarian ang mga salita. At batay sa kayarian, ang mga salita ay mauuri
sa payak, maylapi, inuulit at tambalan.

1. Payak – ang salita kung ito ay salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit, at
walang katambal na ibang salita.
Mga halimbawa:
bahay ganda
aklat takbo

2. Inuulit – Inuulit ang salita kung ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito sa
dakong unahan ay inuulit. At batay sa kung anong bahagi ng salita ang inuulit, may
dalawang pangkalahatang uri ng pag-uulit: (a) pag-uulit na ganap at (b) pag-uulit na
di- ganap.
Halimbawa: Pag-uulit na ganap
Salitang-ugat Pag-uulit
1. araw araw-araw
2. sama sama-sama
3. sabi sabi-sabi

Pag-uulit na di ganap
Salitang-ugat Pag-uulit
1. basa babasa
2. awit aawit
3. ikot Iikot

3.Maylapi – ay mga salitang binubuo ng ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi.

Ang paglalapi ay ang pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng pagsasama ng

panlapi at salitang-ugat. Ang isang salitang-ugat ay nagkakaroon ng iba’t ibang anyo at
kahulugan sa pamamagitan ng iba’t ibang panlapi.

Mga Uri ng Panlapi

1. unlapi – ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat.

Halimbawa:

Panlapi Salitang -ugat Salitang Maylapi

um- asa umasa
mag- basa magbasa
i- sulat isulat

Page 14 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W1-D3
Pangalan: ______________________________________ Petsa: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:___________________________

2. Gitlapi- inilalagay o inisingit sa pagitan ng unang katinig at kasunod nitong patinig.

Nagagamit lamang ang gitlapi kung ang salitang- ugat ay nagsisimula sa katinig.

Halimbawa:
Panlapi Salitang -ugat Salitang Maylapi
-um- basa bumasa
-in- sulat sinulat

3. Hulapi – ikinakabit sa hulihan ng salitang -ugat.

Halimbawa:
Panlapi Salitang -ugat Salitang Maylapi
-an gupit gupitan
-hin takbo takbuhin
-han una unahan

4. Tambalan- ang dalawang salitang pinagsama para makabuo ng isa lamang salita.

May dalawang pangkat ng tambalang salita: (1) yaong nananatili ang

kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal (tambalang ganap) at (2)
yaong nagkakaroon ng kahulugang iba sa kahulugan ng mga salitang
pinagsasama (tambalang hindi ganap)

Halimbawa:
1. Tambalang di-ganap o yaong nananatili ang kahulugan ng dalawang
salitang pinagtambal.

a. Naglalarawan:
Asal-hayop kulay- dugo
b. Layon:
Ingat-yaman pamatid-uhaw
c. Gamit:
Bahay-ampunan silid-tanggapan
d. Pinaglalagian o pinagmulan:
Batang-lansangan habing-iloko
. e. Pagtitimbangan:
Urong-sulong lumubog-lumutang

2. Tambalang ganap o yaong nagkakaroon ng kahulugang iba sa kahulugan

ng mga salitang pinagsasama.

basag + ulo = basagulo

hampas + lupa = hampaslupa

Paraan ng Pagbuo ng Talata

1. Dapat na may indensyon sa pasimula ng talata. Ang indensyon ay isang pulgada mula sa
palugit (margin) kung sulat kamay o limang espasyo kung makinilyo.
2. Dapat din may espasyo sa gawaing kanan ng papel, hindi sagad sad ulo, kalahati ng sukat
ng palugit sag awing kaliwa hindi kasama ang pook o indensyon.
3. Sa bahagaing may tuwirang sinabi (direct quotation), nararapat itong ihiwalay sa punong
talata.

Page 15 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W1-D3
Pangalan: ______________________________________ Petsa: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:___________________________

4. Nababatay ang haba ng talata sa haba ng sulatin at kahalagahan at pagiging

masalimuot ng paksa.
5. . Maaring sulating isang talata ang punong kaisipan at ang haba nito ay naayon na
sumusulat sapagkat siya ang makapagpapasya sa kahalagahan ng talata.

Pagbuo ng Pangungusap

Pangungusap- kapag pinagsama-sama ang mga salita, maaring makabuo ng isang

diwa. Ang mga pinagsama-samang mga salitang ito ang maaring maging batayang
yunit ng pagpapakahulugan ng isang pahayag. Bagamat itinuturing na makabuluhan
ang isang morpema, wala itong kabuluhan kung hindi maisasama sa iba pang mga
salita o kataga para makabuo ng isang diwa o kaisipan

Ang pangungusap ay maaring isang salita o kataga o lipon ng mga salita na

nagpapahayag ng isang diwa o kaisipan.
Halimbawa:

Isang salita:
Opo Aray! Umaambon
Talaga? Naku! Ano?

Lipon ng mga salita:

Masaya ang mga bata.
Dumating na ang panauhin.
Si Don ay masipag na mag-aaral.

Pangungusap ayon sa Pagkakabuo

May apat na kayarian o pagkakabuo ng pangungusap.
1. Payak o Simple – nagpapahayag ng iisang diwa o kaisipan.
a. Si Maria ay magaling sumayaw.
b. Ang mga Pilipino ay matitiyaga.
2. Tambalan o Kompound – kung ito ay may dalawa o higit pang diwa o kaisipang
ipinapahayag na pinagdugtong ng pangatnig.
a. Nag-aral siyang umarte saka siya sumali sa mga audition.
b. Masusugpo ang kahirapan kung mawawala na ang mga kurap sa lipunan.
3. Hugnayan o Komplex - ito’y binubuo ng dalawang sugnay na ang isa ay
makapag-iisa at ang sugnay na ito ay pinangungunahan ng pang-abay,
pangatnig, o panghalip pamanggit.
a. Tutungo siya sa ibang bansa kapag wala na ang pandemya.
b. Tumaas ang kaso ng mga sakit palibhasa’y naging kampante ang mga tao.
4. Langkapan – ang pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit sa dalawang
sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang sugnay na di makapag-iisa. Ito ay
pinagsamang tambalan / compound at hugnayan o komplex.
a. Pangalagaan mo ang iyong karangalan saka ang pangalan ng iyong pamilya
nang maging huwaran ka sa iba.
b. Kapag ikaw ay nakatapos ng iyong pag-aaral, maghanap ka nang maayos na
trabaho nang makatulong naman sa iyong mga magulang.
Sanggunian:
Makabagong Balarilang Filipino
https://www.slideshare.net/allanortiz/talata-updated
Filipino 1 Komunikasyon sa Akademikong Filipino

Page 16 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W1-D3
Pangalan: ______________________________________ Petsa: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:___________________________

B. Tuklasin
Panuto: Buuin ang payak na salita sa pamamagitan ng pag-uulit at paglalagay
ng panlapi rito.

Payak na salita Inuulit Maylapi

sulat 1. 6.(-an)
likha 2. 7.(-in)
sabi 3. 8.(-hin)
putol 4. 9.(-um-)
ulit 5. 10.(-in)

C. Gawain
A. Panuto: Balikan ang dalawang tekstong binasa sa mga
nakaraang aralin. Ihambing ang bawat isa batay sa pagbuo
ng salita, pagbuo ng talata at pagbuo ng pangungusap.

Ang Dapat Mga Popular

Ipabatid sa mga
Social Media User na babasahin

Batay sa Pagbuo
ng salita

Batay sa Pagbuo
ng Talata

Batay sa Pagbuo
ng Pangungusap

Page 17 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W1-D3
Pangalan: ______________________________________ Petsa: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:___________________________

D. Paglalapat

TANDAAN !

• Sa pagbuo ng salita ay may tatlong paraan: payak, inuulit at maylapi.

• Sa pagbuo ng talata ay may mga hakbang na dapat tandan

1. Dapat na may indensyon sa pasimula ng talata. Ang indensyon ay isang pulgada

mula sa palugit (margin) kung sulat kamay o limang espasyo kung makinilyo.
2. Dapat din may espasyo sa gawaing kanan ng papel, hindi sagad sa ulo, kalahati ng
sukat ng palugit sagawing kaliwa hindi kasama ang pook o indensyon.
3. Sa bahaging may tuwirang sinabi (direct quotation), nararapat itong ihiwalay sa
punong talata
4. Nababatay ang haba ng talata sa haba ng sulatin at kahalagahan at pagiging
masalimuot ng paksa.
5. Maaring sulating isang talata ang punong kaisipan at ang haba nito ay naayon na
sumusulat sapagkat siya ang makapagpapasya sa kahalagahan ng talata.

• Sa pagbuo ng pangungusap ay may apat na dapat tandan: payak o simple,

tambalan o compound, hugnayan o complex at langkapan

E. Pagtataya

Panuto: Gamit ang apat na kayarian ng pangungusap, bumuo ng isang

pangungusap o talata ng pangungusap batay sa mga salitang ibinahagi sa bawat
bilang. (10 puntos)

Salita: Edukasyon

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Salita: Aklat

Salita: Klase
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Inihanda ni: Glynis Ched U. Malabanan

Filipino 8, Ikatlong Markahan
Pasay City National High School

Page 18 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W1-D4
Pangalan: ______________________________________ Petsa: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:_____________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikatlong Markahan/ Unang Linggo/ Ikaapat Araw

LAYUNIN: Nabibigyang kahulugan ang lingo/termino na ginagamit sa mundo ng multimedia

F8PT-IIIa-c-29

Paksa: Lingo / termino na ginagamit sa mundo ng social multimedia.

A.Panimula

Mga lingo o terminong ginagamit sa social media

1. Social Media- ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao

nakung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon
at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing
na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at
teknolohikal na pundasyon ng web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan
ng nilalaman na binuo ng gumagamit.

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng:

• Pakikipag-ugnayan
• Nagbabahagi
• Nakikipagpalitan ng impormasyon

Ang Social Media ay may interaktibong platform:

• Magbahagi
• Lumikha
• Tumalakay o baguhin/dagdagan ang nilalamang binuo ng gumamit.

2.Netiquette - ay kumakatawan sa kahalagahan ng wastong kaugalian at pag-uugali

sa online. Sa pangkalahatan, ang netiquette ay ang hanay ng mga propesyonal at
panlipunang mga etika na isinagawa at nagsusulong sa komunikasyon sa elektronik sa
anumang network ng computer. Kasama sa mga karaniwang patnubay ang pagiging
magalang at tumpak, at pag-iwas sa cyber-bullying. Dinidikta din ng netiquette na dapat
sundin ng mga gumagamit ang mga batas sa copyright at maiwasan ang labis na pag-
agaw sa mga emoticon.

Ang netiquette ay isang maikling anyo ng etika sa network o etika sa Internet.

3. Blogger - ay isang serbisyo sa pag-publish ng blog na nilikha ng Pyra Labs at pag-

aari ng Google mula noong 2003. Inilunsad noong 1999, ang Blogger ay isa sa mga
unang nakatuon na tool sa pag-publish ng blog. Dahil nakuha ito ng Google, ang
platform ng Blogger ay isinama sa iba pang mga teknolohiya ng Google tulad ng
Google Toolbar, Google Adsense at Google Docs. Ang mga blogger ng blog ay
naka-host ng Google sa ilalim ng domain ng blogspot.com.

Ang terminong blogger ay maaari ring magamit nang mas pangkalahatan upang
sumangguni sa isang tao na nagpapanatili ng isang weblog.

Page 19 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W1-D4
Pangalan: ______________________________________ Petsa: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:_____________________

4. Hashtag - ay isang uri ng tag na ginamit upang ilarawan ang mga paksa sa mga social
networking website, lalo na ang Twitter. Ang mga Hashtags, tulad ng lahat ng mga tag,
ay isang uri ng metadata (data tungkol sa data)

Halimbawa: #tech, #Cloud computing, #FightClub

5. Netizens - ay pinaghalong mga salitang Ingles na Internet at citizen na literal na

nangangahulugan bilang "citizen of the net" o "mamamayan ng net." Sinasalarawan nito
ang isang tao na aktibong sumasali sa mga pamayanang online o ang Internet sa
pangkalahatan.

6. Trending - ay kadalasang ginagamit sa internet, lalo na sa Twitter. Ang trends ay ang

mga kasalukuyang pinag-uusapan ng madla, ang sikat, ang uso. Naging isang batayan
na rin ito ng kasikatan. Kapag trending ka, sikat ka, o di kaya'y kontrobersyal

7. Jejemon - ay sinasabing nagmula sa mga tagagamit ng internet na nagta-type ng

“hehehe” bilang “jejeje” marahil dahil ang “jeje” ay nanggaling sa Kastila na ang mga
nagsasalita ay ginagamit ang salita bilang pantawa o dahil ang mga titik ng “h” at “j” ay
katabi ang isa’t-isa at ang sinasabing “-mon” ay nanggaling sa Hapones na anime na
Pokémon. Ang “-mon” ay nangangahulugan bilang “halimaw” (monster) at dito nagmula
ang mga “jeje monsters”.

Sanggunian: Pluma 8
Scribd.com
https://tl.icyscience.com/netiquette
https://tl.icyscience.com/blogger
https://tl.icyscience.com/hashtag

B. Tuklasin

Panuto: Sagutin ang mga tanong na makikita sa ibaba bilang pagtataya kung
gaano ka kadalas gumamit ng mga makabagong teknolohiya at ng social media
sa loob ng isang araw. Isulat ang iyong mga sagot sa mga linya.

. Ang mga kabataan sa kasalukayang panahon ay nabubuhay na sa panahon ng digital

age- kung saan sa bawat click nila ng mouse o pag-touch sa screen ng iPad, laptop, o cell
phone ay agad nilang nakukuha o nababasa ang mahahalagang impormasyong kanilang
kinakailangan. Dahil dito ay kinakailangang mong sagutin ang mga katanungan.

1. Mayroon ka bang Facebook o Twitter account? _____________________________

Kung mayroon gaano kadalas mo ito bisitahin sa loob ng isang araw?
___________________________________________________________________

2. May computer o laptop ka ba? __________________________________________

Ilang oras mo ito ginagamit sa loob ng isang araw?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Page 20 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W1-D4
Pangalan: ______________________________________ Petsa: __________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:__________________

3. May cellphone ka ba? ______________________________________________

Mga ilang text message ang naipadala mo sa loob ng isang araw?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. Mayroon ka bang iba pang account sa social media? _______________________

Gaano mo kadalas ginagamit o binibisita ang mga ito?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

5-6. Bilang pagsusuri sa inyong mga naging sagot sa apat na tanong na nasa itaas,
masasabi mo bang malaki ang impluwensiya ng teknolohiya at social media sa iyong
buhay? Bakit oo o bakit hindi?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

7-8. Ano ang naidudulot ng social media sa iyo? May maganda at masamang
naidudulot ba ito sa mga kabataan? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

9-10. Ano-ano ang maipapayo mo sa mga kabataang nauubos o nasasayang ang

oras dahil sa labis o maling paggamit ng teknolohiya at social media sa kanilang
buhay?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

C. Gawain

Panuto: Ang mga salitang nakasulat nang may riin sa mga pahayag
sa hanay A ay mga salitang ginagamit sa mundo ng media. Bigyang
kahulugan ang mga ito sa pamamagitan ng pagpili ng kahulugan
nito sa mga salitang nakasulat sa hanay B. Letra lamang ang isulat
sa kahon.

Hanay A

1. Epekto ng social media

2. Mga gawain ng blogger

3. Paggamit ng hashtag

Page 21 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W1-D4
Pangalan: ______________________________________ Petsa: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:_____________________

4. Reponsableng netizens

5. Paggamit ng jejemon

6. Mahalaga ang netiquette sa paggamit ng social media.

7. Trending ang post o status

Hanay B
a. Salita o pariralang imunpisahan gamit ang simbolong # na nakatutulong upang
mapagsama-sama sa isang kategorya ang mga tweet sa Twitter o maging ang
posts sa Facebook.
b. Sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao kung saan sila ay lumilikha,
nagbabahagi, at nakikipagpalitan ng impormasyon at ng mga ideya sa isang
virtual na komunidad at network.
c. Nagsusulat o gumagawa ng mga sulatin, larawan, tunog, musika, video, at iba
pa gamit ang isang tiyak na website.
d. Malawakang nabanggit o napag-usapan sa Internet partikular sa social media
websites.
e. Tamang kaasalan o pag-uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng Internet o
social media.
f. Tumutukoy sa mga tao lalo na sa mga kabataang mahilig gumamit ng mga
simbolo at mga kakaibang karakter (titik o simbolo) sa pagtetext na kadalasan
ay nagdudulot ng kalituhan; isang paraan ng pakikipagtalastasan ng mga
kabataan sa kasalukuyan.
g. Isang uri ng pagkatuto at pagtuturo sa pamamagitan ng elektronikong paraan.
h. Taong aktibong gumagamit ng Internet; taong eksperto sa paggamit ng social
network.

B. Bakit mahalagang malaman ang kahulugan at kahalagahan ng mga

termino/lingo na ginagamit sa social media?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Sanggunian: Pluma 8

Page 22 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W1-D4
Pangalan: ______________________________________ Petsa: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:_____________________

D. Paglalapat

TANDAAN !

• Ang netiquette ay isang maikling anyo ng etika sa network o etika sa

Internet.
• Ang terminong blogger ay maaari ring magamit nang mas pangkalahatan
upang
• sumangguni sa isang tao na nagpapanatili ng isang weblog
• Ang katawagang netizen ay pinaghalong
mga salitang Ingles na Internet at citizen na literal na nangangahulugan
bilang "citizen of the net" o "mamamayan ng net."
• Ang social media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga
tao nakung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng
impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.

E. Pagtataya
Panuto: Batay sa paksang tinalakay pumili ng limang (5) mga lingo o terminong
ginagamit sa multimedia/ social media at bigyan ito ng sariling
pagpapakahulugan.

1. Termino/ Lingo: ___________________________

_______________________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

2. Termino/ Lingo: ___________________________

_______________________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

3. Termino/ Lingo: ___________________________

_______________________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

4. Termino/ Lingo: ___________________________

_______________________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

5. Termino/ Lingo: ___________________________

_______________________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Inihanda ni: Glynis Ched U. Malabanan

Filipino 8, Ikatlong Markahan
Pasay City National High School

Page 23 of 23

You might also like