You are on page 1of 13

Filipino 8

1
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 6 Konsepto ng Pananaw
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Carmen Joy G. Bordeos at Ar John Z. Marcial
Tagasuri: Nilalaman/Gramatika: Susan M. Roxas at Jeanet B. Austria
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 8
Ikatlong Markahan
Modyul 6 para sa Sariling Pagkatuto
Konsepto ng Pananaw
Manunulat: Carmen Joy G. Bordeos at Ar John Z. Marcial
Tagasuri: Nilalaman/Gramatika: Susan M. Roxas at Jeanet B. Austria
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 8, Modyul 6 para sa
Aralin Konsepto ng Pananaw!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8, Modyul 6 ukol sa Aralin Konepto ng


Pananaw!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa paghahayag ng konsepto ng
pananaw (ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, iba pa).

MGA INAASAHANG LAYUNIN:


Matapos mong aralin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Naisusulat nang wasto ang isang komentaryong panradyo;
2. Naisusulat ang iskrip ng komentaryong panradyo gamit ang ekspresyon sa
paghahayag ng konsepto ng pananaw;
3. Napipili ang angkop na ekspresyon sa paghahayag ng konsepto ng
pananaw na ginamit sa pangungusap.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Piliin sa kahon ang mga angkop na ekspresyon sa paghahayag ng konsepto


ng pananaw upang mabuo ang pangungusap. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

Ayon sa/kay Ganoon din Batay sa/kay


Sa painiwala ni/ng Sang-ayon sa/kay
Para kay Sa pananaw ni/ng
Akala ko/ni/ng

1. __________________ PAGASA, ang bagyo ay tatama at magla-landfall sa


Pilipinas sa darating na Miyerkules o Huwebes.
2. __________________ nakararami, mas mainam na magtrabaho kaysa mag-
intay ng tulong mula sa gobyerno.
3. __________________ utos ng Pangulong Duterte, ang Metro Manila ay
mananatiling nasa General Community Quarantine hanggang sa katapusan
ng Hulyo.
4. __________________ Lisa, ay wala siyang gaanong tagahanga ngunit nagkamali
siya.
5. __________________ datos ng World Health Organization, nasa 216 na ang mga
bansang mayroong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

6
BALIK-ARAL
Naaalala mo pa ba ang nakaraang aralin sa Filipino? Mula roon
ay nalaman mo ang pagkakaiba ng katotohanan, opinyon at hinuha.
Itanim mo sa isipan ang mga kaalamang ito na iyong magagamit sa pang-
araw-araw na pakikisalamuha sa kapwa.
Naghanda ako ng ilang katanungan upang masukat tunay
bang naaalala mo pa ang ating nakaraang talakayan. Handa ka na ba?
PANUTO: Tukuyin kung KATOTOHANAN, OPINYON o HINUHA ang isinasaad ng
mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

A. Katotohanan B. Opinyon C. Hinuha

______1.Para sa akin, ang mga basurero ang may pinakamahalagang gampanin sa


pamayanan.

______2. Ayon kay Santiago et al., (2002), ang kahirapan ng Pilipinas ay bunga ng
katamaran ng mga Pilipino.

______3. Hinuha ko na uuwi na ang aking mga magulang mula abroad ngayong taon.

______4. Lahat ng tao ay nilalang ng Diyos na may sari-sariling talino at kakayahan.

______5. Para sa mga Pilipino, ang pagwawalis sa gabi ay malas.

ARALIN
Sa bahaging ito lubos mong maunawaan kung ano ang tinatawag na
Konsepto ng Pananaw.

Konsepto ng Pananaw
1. May mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw o
"point of view." Kabilang dito ang ayon/ batay/ para/ sang-ayon
sa/kay, ganoon din sa paniniwala/ pananaw/ akala ko/ni/ng, at
iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o
paniniwalaan ng isang tao. Tulad nito:

Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang


pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at sistema ng
edukasyon.

Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ng


Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na pinamamahalaan
ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan.

7
Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang
kanilang plano.
Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar
na ito.

2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng


paksa at/ o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayon man,
mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino
ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng
pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:

Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang
matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.

Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapagisip ka


nang husto.

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1.
PANUTO: Piliin sa HANAY B ang ekspresiyong bubuo sa pahayag sa HANAY A
upang mabuo ang konsepto ng pananaw.

HANAY A HANAY B
1. ___________ Counsels on Diet and Food, na ang
mga tinapay na tatlong araw nang nakaimbak
ay mas mabuti sa ating katawan kung
ihahambing sa bagong luto at mainit na A. Sa ganang akin
tinapay.
binanggit
2. ___________ na ang pagkapanalo ni Manny
Pacquiao sa sunod-sunod niyang laban ay B. Batay sa
nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni C. Ayon sa
Pacquiao ang kaniyang karera sa pagboboksing.
D. Sa tingin ng
3. ___________, ang mga Pilipino ay higit na
E. Paniniwalaan ko
magiging mapanuri sa mga proyekto ng
pamahalaan matapos mabatid ang matinding mamulat
korapsiyon ng isang politiko.

4. ___________ Department of Social Welfare and


Development, mapanganib sa mga bata ang
paglalaro ng mga marahas na internet game
lalo na't nasa developmental stage pa lamang
ang isang bata.

8
5. ___________ mga makakalikasan, kailangang
kahit na ang pinakabatang miyembro ng
komunidad sa posibleng epekto ng climate
change sa sangkatauhan upang magkaroon ng
kamalayan sa tamang pangangalaga ng mundo.

Pagsasanay 2.
PANUTO: Gamitin ang mga sumusunod na salita na nasa loob ng kahon sa
paglalahad ng iyong pananaw tungkol sa napapanahong isyung pandaigdigan.

Ayon sa Sa palagay ko Sa kabilang banda


Batay sa Sa ganang akin Sa kabilang dako
Sang-ayon sa Sa tingin ko Samantala

KAHIRAPAN EDUKASYON

Pananaw Pananaw
____________________ ____________________
____________________ ____________________
KARAPATANG
____________________ ____________________
PANTAO
_____________ _____________

Pananaw
KALUSUGAN CHILD LABOR
____________________
____________________
Pananaw ____________________ Pananaw
____________________ _____________ ____________________
____________________ ____________________
____________________ ____________________
_____________ _____________

Pagsasanay 3.

PANUTO: Sumulat ng komentaryo tungkol sa napapanahong isyu gamit ang


ekspresiyon sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw.
Isaalang-alang ang gamit ng pamanatayan sa ibaba.

Gumawa ka ng isang komentaryong tumatalakay sa


isang napapanahong isyu gaya ng Cyber Bullying, Child
Protection Policy at Kalagayan ng Edukasyon sa bansa.
Gawin ito ayon sa hinihinging pamantayan.

9
Rubriks sa Pagsulat ng Iskrip
PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY (3) UMUUNLAD NAGSISIMULA
(4) (2) (1)
Masaklaw na Komprehensib Masaklaw, Makabuluhan May
paglalahad o at makabuluhan at makabuluhan
ng napapana- makabuluhan at napapana- napapanahon at
hong ang hon ang mga ang mga napapanahong
impormasyon napapana- impormasyong impormasyong mga
hong mga inilalahad sa inilalahad sa impormasy
impormasyong materyal materyal ong inilahad
inilalahad sa alinsunod sa alinsunod sa sa materyal
materyal paksang paksang ukol sa
alinsunod sa itinatampok. itinatampok paksang
paksang ngunit may itinatampok
itinatampok. mga detalyeng ngunit
hindi nailahad limitado ang
na higit na mga ito.
makatutulong
sa
pagtatanghal
Masining at Natatangi ang Masining at Masining at Masining na
maingat na paggamit ng maingat na maingat na ginamit ang
paggamit ng wika ng nagamit ang nagamit ang wika ng
wika kabataan nang wika ng wika ng kabataan sa
higit pa kabataan sa kabataan sa karamihan ng
sa inaasahang kabuuang karamihan ng pahayag sa
pamamaraan pagpapahayag pahayag sa nabuong
sa materyal. sa nabuong nabuong materyal
materyal materyal. ngunit hindi
maingat ang
paggamit.
Pagkaprak- Ang mga Malinaw at Makabuluhan May mga
tikal ng inilahad na kapaki- ang rekomenda
rekomendas- rekomendas- pakinabang karamihan sa syong inilahad
yon yon ay para sa lahat inilahad na ngunit hindi
nagmumun ang inilahad rekomenda malinaw ang
gkahi ng na rekomenda syon. inimumung
kaisipang syon. kahing mga
pangmatagalan kaisipan.
sa kamalayan
ng madla

10
PAGLALAHAT

Buuin ang pahayag.

Ang Broadcast Media ay nakatutulong sa ating pang-araw-araw na


pamumuhay sapagkat ___________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Sagutin ang bawat katanungan.


 Paano nakatutulong ang broadcast media sa pagpapalaganap ng kulturang
popular?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
 Paano nagagamit ang radyo sa pagpapaigting ng kamalayang
panlipunan ng mga mamamayan ng isang bansa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
 Paano nakatutulong ang ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng
pananaw sa pagbibigay ng pagkokomento sa isang isyu?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
PANUTO: Sagutin ang katanungan at ilagay sa kwaderno ang iyong sagot.

Naging madali ba para sa iyo ang paggawa ng isang iskrip panradyo? Paano
nito naimulat ang iyong isipan sa katotohanan ng buhay? Ipaliwanag

SAGOT:
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

11
PANAPOS NA PAGSUSULIT
PANUTO: Punan ng angkop na ekspresiyon ang bawat pahayag. Piliin
ang titik ng tamang sagot.
1. ______________ Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang
pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino.
A. Alinsunod sa
B. Ayon sa
C. Batay sa
D. Sang-ayon sa
2. ______________ ang edukasyon ay kailangan ng ating kabataan sapagkat ito
ang kanilang magiging sandata sa pagharap sa kanilang
kinabukasan.
A. Sa aking akala
B. Sa aking pananaw
C. Sa aking paningin
D. Sa aking paniniwala
3. ______________ dapat pagtuunan ng panahalaan ang isyu tungkol sa
lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.
A. Inaakala kong
B. Iniisip kong
C. Pinagtitibay kong
D. Pinaniniwalaan kong
4. ______________ tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, "Habang may
sariling wika ang isang bayan, talagay nito ang kalayaan."
A. Alinsunod sa
B. Ayon sa
C. Batay sa
D. Sang-ayon sa
5. ______________ , mabuti na ngang nalalaman ng mga mamamayan
ang mga anomalya sa kanilang pamahalaang lokal nang gayo'y masuri
nila kung sino ang karapat-dapat na ihalal para mamuno rito.
A. Sa isang banda
B. Sa ganang akin
C. Sa kabilang dako
D. Samantala

12
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian

Elektroniko:
https://www.slideshare.net/MaicaAmbida/pagtukoy-sa-opinyon-at-
katotohanan- sa-isang-teksto
https://brainly.ph/question/485131
http://www.clker.com/cliparts/8/p/O/f/S/y/pen-and-paper -md.png
https://www.coursehero.com/file/p3u647g/Pagsasanay-2-Punan-ng-angkop-
na-
e k s p re s i y o n - a n g - b a w a t - p a h a y a g - u p a n g - m a b u o - a n g
/?fbclid=IwAR1k9ZYv4DYyVklPytxPZ9zt73bjLWM7q8-EDZXdZnYxKWQ-
bDZUE4vm1rs
https://www.wattpad.com/150646216-lectures-in-filipino-for -g10-students-
ekspresiyong
Aklat/Modyul:
K+12 Modyul sa Filipino

13

You might also like