You are on page 1of 3

SARSUWELA

Sa araling ito ay matutunghayan natin ang sarsuwelang “Walang Sugat” na isinulat ni Severino Reyes.
Ito ay isang melodrama o komedyang binubuo ng tatlong yugto at tungkol sa damdamin ng tao tulad ng pag-
ibig, galit, paghihiganti, kalupitan, paghihimagsik o kaya’y mga suliraning panlipunan at pampolitika noong
Panahon ng Español . Ang kathang pantanghalang ito ay naiiba sa mga dramang napapanood mo sa kasalukuyan
dahil may mga bahagi o diyalogong inaawit dito.

Noon, isang mabisang kasangkapan sa pagpapahayag ng isipin at damdaming makabayan ang sarsuwela.
Isinisigaw nito ang pagmamahal sa bayan at paghihimagsik laban sa mga mananakop na dayuhan, tulad ng
akdang babasahin mo na pinamagatang “Walang Sugat” ni Severino Reyes. Sa bahaging ito, tatalakayin natin
ang tungkol sa sarsuwela. Bukod dito, pagaaralan natin ang kaantasan ng pang-uri upang masagot mo kung
masasalamin ba sa sarsuwela ang kalagayang panlipunan sa panahon ng Amerikano? Narito ang mga gabay na
tanong na iyong sasagutin.

Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang sarsuwela?
2. Bakit ito kinagiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano?
3. May sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Patunayan.
4. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang sarsuwela?
5. Masasalamin ba sa Sarsuwela ang kulturang Pilipino? Ipaliwanag.
Simulan natin ang pag-aaral ng Sarsuwela sa pamamagitan ng pagpili sa sumusunod na mga pangalan na
nakilala bilang manunulat at ang kanilang mga akdang naisulat.

Alam mo ba …
Si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola Basyang ay itinuturing na Ama ng Sarsuwela. Isa siyang mahusay na
direktor at manunulat ng dula. Nang itinatag ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang patnugot
nito. Siya rin ay nagsilbing pangulo ng Aklatang Bayan at ginawang kasapi ng Ilaw at Panitik, kapwa mga samahan
ng mga manunulat. Kinalaunan, si Reyes ay naging kilala sa mga kuwentong isinulat niya tungkol kay Lola
Basyang. Nagsimula ang Lola Basyang noong siya ay naging punong-patnugot sa Liwayway. Nang sinabihan siya
ng kaniyang mga patnugot na wala ng natitirang materyales upang punuin ang isang maliit na espasyo sa isang
pahina ng magasin, kinailangan niyang magsulat ng isang kuwento upang umabot sa takdang oras. Matapos na
maisulat ang kuwento, nag-isip siya ng ibang pangalan na maaaring ilagay bilang may-akda kuwentong ito.
Naalala niya ang matandang babae na kapitbahay ng kaniyang kaibigan sa Quiapo, Maynila. Ang
pangalan ng babae ay Gervacia Guzman de Zamora o mas kilala sa Tandang Basyang. Tuwing alas-4 ng hapon,
magsasama-sama ang mga kabataan sa kanilang lugar at makikinig sa mga kuwento ni Tandang Basyang. Kaya
naman, matapos nito, ang mga kuwento na naisulat ni Reyes ay may pirma na Lola Basyang . Unang nailathala
ang kuwento ni Lola Basyang sa Liwayway noong 1925. Siya ay nakasulat ng 26 na Sarsuwela.
Ang Sarsuwela ay isang anyo ng dulang musikal na unang umunlad sa España noong ika-17 siglo. Binubuo
ito ng mga pagsasalaysay na sinamahan ng mga sayaw at tugtugin at may paksang mitolohikal at kabayanihan.
Hinango ang taguring Sarsuwela sa maharlikang palasyo ng La Zarzuela na malapit sa Madrid, España. Sa
Pilipinas, dinala ito ni Alejandro Cubero noong 1880 kasama ni Elisea Raguer. Itinatag nila ang Teatro Fernandez,
ang unang grupo ng mga Pilipinong Sarsuwelista sa Pilipinas.
Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong panahon ng Español ay namulaklak noong Panahon ng
Himagsikan at ng Amerikano sa pamamayani nina: Severino Reyes na kilala sa taguring Lola Basyang sa kaniyang
“ Walang Sugat” , Hermogenes Ilagan “ Dalagang –Bukid” , Juan K. Abad “ Tanikalang Ginto” , Juan Crisostomo
Sotto “ Anak ng Katupunan” , at Aurelio Tolentino “ Kahapon, Ngayon, at Bukas.”
Ang Sarsuwela o dula ay isang uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.
Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang tungkol sa isang dula sa pamamagitan ng
panonood. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Gaya ng ibang
panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang
dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na
dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula
ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.
Mga Elemento ng Sarsuwela
1. Iskrip o nakasulat na dula – Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa
dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.
2. Gumaganap o aktor – Ang mga aktor o gumaganap ang magbibigaybuhay sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng
diyalogo, at nagpapakita ng iba’t ibang damdamin.
3. Tanghalan – Anumang pook na pinagpasyahang pantanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan.
Maaaring hindi lamang entablado ang tanghalan ang daan, sa loob ng siid-aralan, at iba pa ay nagiging tanghalan
din.
4. Tagadirehe o Direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nagpapasya sa itsura ng
tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay
dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.
5. Manonood – Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa galing at husay ng nagtatanghal.
Pinanonood nila nang may pagpapahalaga ang bawat tagpo , yugto at bahagi ng dula.
6. Eksena at tagpo- Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo
nama’y ang pagpapalit ng tagpuan.
KATOTOHANAN AT OPINYON
May mga pagkakataong ang tao ay nagbibigay ng kaniyang sariling opinyon o haka- haka sa mga paksang
pampolitika o maging sa pangyayaring nagaganap sa lipunan o kahit sa mga pang-araw-araw na
pakikipagtalakayan. At may pagkakataon din namang kailangang maglahad ng katotohanan. Mahalagang mauri
ang mga pahayag na maririnig kung ito ba ay opinyon o katotohanan.
OPINYON
Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang batay sa mga totoong pangyayari. Ang
opinyon ay mga impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga ito sa magkakaibang
pinagmumulan ng impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung totoo o hindi.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking palagay, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako
a ng tatanungin, para sa akin, sa ganang akin atbp.
Halimbawa:
1. Kung ako ang tatanungin , mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa.
2. Sa aking palagay , mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos.
KATOTOHANAN
Ang mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang sinusuportahan ng pinagkunan. Ang katotohanan ay mga
impormasyon na maaaring mapatunayang totoo. Bihira itong magbago mula sa isang pinagmumulan ng
impormasyon sa iba pa.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa , resulta ng, pinatutunayan ng, pinatutunayan ni,
sang- ayon sa, mula kay, tinutukoy na, mababasa na atbp.
Halimbawa:
1. Batay sa tala ng D e p a r t m e n t o f E d u c a t i o n , unti-unti ng nababawasan ang mga out-of school youth.
2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting umuunlad ang turismo ng
ating bansa.

TANDAAN:

KATOTOHANAN OPINYON
Parehong uri ng impormasyon
1. Maaaring mapatunayan na totoo 1.Base sa mga saloobin at hindi maaaring mapatunayang totoo.
2. Bihirang magbago sa pinagmumulan 2. Madalas nagbabago sa mga pinagmulan

You might also like