You are on page 1of 42

Paglalahad ng Opinyon at

Katuwiran: Pagsang-ayon
at Pagsalungat
FILIPINO 8
Alin sa mga sumusunod ang HINDI
tumutukoy sa isang OPINYON?
A. Ito ay damdamin at saloobin ng tao.
B. Mapatutunayan ang opinyon kung tama o
mali.
C. Pinakikinggan kung katanggap-tanggap ang
pangangatuwiran ng isang opinyon.
D.Ang opinyon ay maaaring sang-ayunan o
hindi sang-ayunan ng makaririnig o
makababasa.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI
tumutukoy sa isang OPINYON?
A. Ito ay damdamin at saloobin ng tao.
B. Mapatutunayan ang opinyon kung tama o
mali.
C. Pinakikinggan kung katanggap-tanggap ang
pangangatuwiran ng isang opinyon.
D.Ang opinyon ay maaaring sang-ayunan o
hindi sang-ayunan ng makaririnig o
makababasa.
Ano ang tawag sa pahayag na
naglalahad ng mga katibayan
upang paniwalaan?
A. Pakikipag-usap
B. Paglalahad
C. Pagsasalita
D. Pangangatuwiran
Ano ang tawag sa pahayag na
naglalahad ng mga katibayan
upang paniwalaan?
A. Pakikipag-usap
B. Paglalahad
C. Pagsasalita
D. Pangangatuwiran
Alam mo ba na likas sa ating mga
Pilipino ang makipagtalastasan at
bumuo ng ugnayan sa ating kapwa?
Hindi natin maipagkakaila ang
kagalingan ng ating lahi pagdating
sa paglalahad ng mga mahuhusay at
makabuluhang ideya.
At habang isinagawa natin
ang pagpapalitan ng ideya
at pagbubuo ng mga
ugnayang, bitbit rin natin
ang ating makulay na
tradisyong pagbigkas sa
panitikan.
ANO ANG
OPINYON?
Ang opinyon o katuwiran ay
isang paliwanag batay sa mga
makatotohanang pangyayari.
Ito rin ay maituturing na isang
saloobin at damdamin ng tao
at hindi maaaring
mapatunayan kung tama o
hindi.
Ang paglalahad ng opinyon sa mga
pangyayaring nagaganap o
namamamalas sa ating paligid ay
bahagi na ng pang-araw- araw
na buhay ng tao at hindi naman
lahat ng mga detalye o mensahe
ng pahayag ng taong kausap ay
sinasang-ayunan o tinututulan
natin
Sa pagsasaad ng pag-sang
ayon o pagtutol, mahalagang
maunawaan nang lubos ang
pahayag upang
makapagbigay ng katuwiran
na magpapatibay sa ginawang
pagtutol o pagsang-ayon.
Dagdag nito, ang
pangangatuwiran ay isa ring
pahayag na nagbibigay ng
sapat na katibayan o
patunay upang ang isang
panukala ay maging
katanggap- tanggap o
Sa pagbibigay ng nito,
makakabuti kung tayo ay may
sapat na kaalaman sa paksang
pinag-uusupan upang
masusing mapagtimbang-
timbang ang mga bagay at
maging katanggap-tanggap ang
ating mga opinyon.
Mahalaga ring
matutuhan ang wastong
gamit ng mga salita
upang maging kapani-
paniwala o kahika-
hikayat ang pahayag.
Mga Pahayag sa Pagbibigay
ng Matatag na Opinyon
a.Buong igting kong
sinusuportahan ang…
b.Kumbinsido akong…
c.Lubos kong pinaniniwalaan…
d.Labis akong naninindigan na…
Mga pahayag sa Pagbibigay ng
Neutral na Opinyon
a.Kung ako ang tatanungin…
b.Kung hindi ako nagkakamali…
c.Sa aking palagay…
d.Sa tingin ko…
e.Sa totoo lang…
f.Sa aking pananaw…
PAGSANG-AYON
at
PAGSALUNGAT
Isang paraan ang pagsang-
ayon o pagsalungat upang
maging kapaki-pakinabang
ang pakikilahok sa
anumang usapan o
pagbibigay ng mga opinyon,
ideya o kaisipan.
Sa paraang ito,
mahalagang malaman
natin ang mga
pananalitang dapat
gamitin sa pagpapahayag
ng pagsang-ayon at
Sa pagpapahayag nito,
makabubuting pag-aralan o
pag-isipan ang isang isyu.
Iwasang gumawa ng
desisyong hindi pinag-iisipan
at maaaring dala ng desisyong
itinutulak ng nakararami.
Mga Pahayag na karaniwang nagsasaad ng
Pagsang-ayon
sang-ayon ako…
tama ka…
Oo nga…
iyan ang nararapat…
pareho tayo ng iniisip…
ganyan din ang plagay ko…
naniniwala ako…
Mga Pahayag na karaniwang nagsasaad ng
Pagsalungat
hindi ako sang-ayon...
mabuti sana, ngunit…
ikinalulungkot ko ngunit…
nauunawaan kita pero....
ayaw
hindi
huwag
Dugtong TUGON!
Ibigay ang inyong opinyon
sa mga sumusunod na
linya. Ipahayag ng wasto
ang iyong mga
pangangatuwiran.
Dugtong TUGON!
KRAYTIRYA PUNTOS
Wastong 2
pagpapahayag ng
katuwiran
Nilalaman 2
Wika at Gramatika 1

KABUUANG PUNTOS 5
1."Walang himala! Ang himala
ay nasa puso ng tao, nasa
puso nating lahat! Tayo ang
gumagawa ng himala, tayo
ang gumagawa ng mga
sumpa at ng mga Diyos,
walang himala!“
2. “Ginagawa ko naman
ang lahat eh. Pero bakit
kahit anong gawin ko...
laging kulang? Laging
kulang.”
- Kim Chiu| Paano Na Kaya
3. “Siguro, kaya tayo iniiwanan
ng mga mahal natin, dahil may
darating pang ibang mas
magmamahal sa’tin – ‘yung
hindi tayo sasaktan at
paasahin…’yung magtatama ng
lahat ng mali sa buhay natin.”
-John Lloyd Cruz| One More Chance
4."Kung mahal mo, habulin
mo, ipaglaban mo. ‘Wag mong
hintaying may magtulak sa
kanya pabalik sa’yo. Hilahin
mo. Hanggang kaya mo, ‘wag
kang bibitaw. Sorry, mahal
ko, eh.”
-Angelica Panganiban| That Thing Called Tadhana
Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng tsek (√ )
kung ang pahayag ay nagsasaad ng pagsang-ayon at
ekis ( x ) naman kung pagsalungat.
1. Lubos akong nananalig sa sinabi mong
ligtas tayo rito.
2. Hindi ko gusto ang iyong pananalita.
3. Ayaw kong sumama sa inyong
paglalakbay.
4. Tunay ngang hangga’t may buhay may
pag-asa.
Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng tsek (√ )
kung ang pahayag ay nagsasaad ng pagsang-ayon at ekis
( x ) naman kung pagsalungat.
6. Tama ang iyong sinabi.
7. Hindi dapat mangibabaw ang kasamaan sa
mundo.
8. Pareho tayo ng nais sa buhay.
9. Totoong kailangan ng tagapagligtas ang
mundo.
10. Maling-mali ang pagtapon ng basura sa
dagat.
Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng tsek (√ )
kung ang pahayag ay nagsasaad ng pagsang-ayon at
ekis ( x ) naman kung pagsalungat.
1. Lubos akong nananalig sa sinabi mong
ligtas tayo rito. /
2. Hindi ko gusto ang iyong pananalita. X
3. Ayaw kong sumama sa inyong paglalakbay.
X
4. Tunay ngang hangga’t may buhay may
pag-asa. /
5. Kaisa ako sa inyong adhikain. /
Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng tsek (√ )
kung ang pahayag ay nagsasaad ng pagsang-ayon at ekis
( x ) naman kung pagsalungat.
6. Tama ang iyong sinabi. /
7. Hindi dapat mangibabaw ang kasamaan sa
mundo. X
8. Pareho tayo ng nais sa buhay. /
9. Totoong kailangan ng tagapagligtas ang
mundo./
10. Maling-mali ang pagtapon ng basura sa
dagat.X
Alin sa mga sumusunod ang HINDI
tumutukoy sa isang OPINYON?
A. Ito ay damdamin at saloobin ng tao.
B. Mapatutunayan ang opinyon kung tama o
mali.
C. Pinakikinggan kung katanggap-tanggap ang
pangangatuwiran ng isang opinyon.
D.Ang opinyon ay maaaring sang-ayunan o
hindi sang-ayunan ng makaririnig o
makababasa.
Ano ang tawag sa pahayag na
naglalahad ng mga katibayan
upang paniwalaan?
A. Pakikipag-usap
B. Paglalahad
C. Pagsasalita
D. Pangangatuwiran
Alin sa mga sumusunod ang HINDI
tumutukoy sa isang OPINYON?
A. Ito ay damdamin at saloobin ng tao.
B. Mapatutunayan ang opinyon kung tama o
mali.
C. Pinakikinggan kung katanggap-tanggap ang
pangangatuwiran ng isang opinyon.
D.Ang opinyon ay maaaring sang-ayunan o
hindi sang-ayunan ng makaririnig o
makababasa.
Ano ang tawag sa pahayag na
naglalahad ng mga katibayan
upang paniwalaan?
A. Pakikipag-usap
B. Paglalahad
C. Pagsasalita
D. Pangangatuwiran
Gaano mo naunawaan ang
ating aralin?
Tumilaok na Ngumiyaw na Tumahol na
parang tandang parang pusa kung parang aso kung
kung LUBUSANG NAUNAWAAN. HINDI
NAUNAWAAN. NAUNAWAAN.
OPINYON MO, SULAT MO!
Basahin ang sumusunod na
pahayag. Ibigay ang iyong
sariling opinyon tungkol
dito. Bilugan ang mga
hudyat ng pagsang-ayon o
pagsalungat na ginamit mo
sa iyong sariling pahayag.
OPINYON MO, SULAT MO!
KRAYTIRYA PUNTOS
Wastong 4
pagpapahayag ng
katuwiran
Nilalaman 4
Wika at Gramatika 2

KABUUANG PUNTOS 10
Basahin ang sumusunod na pahayag. Ibigay ang iyong
sariling opinyon tungkol dito. Bilugan ang mga hudyat ng
pagsang-ayon o pagsalungat na ginamit mo sa iyong sariling
pahayag.
1. Marami sa ating mga Pilipino na kapag may
problema o kahit anong emosyon na
nararamdaman ay agad-agad nagpo-post sa
mga online media platform lalo na sa
Facebook. Ang iba gusto lamang ipagmalaki
kung anong mayroon sila ngunit ang iba
naman ay ginagamit ang facebook upang
maglabas ng galit at kung minsan ay
nakakapanakit at nakakasira na sa ibang tao.
Basahin ang sumusunod na pahayag. Ibigay ang iyong
sariling opinyon tungkol dito. Bilugan ang mga hudyat ng
pagsang-ayon o pagsalungat na ginamit mo sa iyong sariling
pahayag.
2. Dahil sa kahirapan at gutom marami sa
ating mga Pilipino ang nakikipagsapalaran sa
ibang bansa upang kahit kaunti ay
matustusan ang pang-araw-araw na
pangangailangan ng kanilang pamilya. Ngunit
ito rin ang nagiging dahilan ng pagkawalay nila
sa kanilang pamilya. Sa halip na ang sariling
pamilya ang alagaan ay sa banyagang pamilya
nakalaan.
Basahin ang sumusunod na pahayag. Ibigay ang iyong
sariling opinyon tungkol dito. Bilugan ang mga hudyat ng
pagsang-ayon o pagsalungat na ginamit mo sa iyong sariling
pahayag.
3. Ano ba ang brand ng iyong damit,
sapatos, at bag? Marami kasi sa atin na
mas pinipili na bilhin ang may nakasulat
na NIKE, ADIDAS, PRADA, LEVI’S,
LACOSTE, CHANEL, LV, atbp. Tila
iniilingan na lamang ang mga Star Mobile,
Yourphone, atbp. Dapat tangkilikin natin
ang mga produkto na sariling atin.

You might also like