You are on page 1of 23

[Type here]

Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY
Plaridel St., Centro, Mandaue City

MAIKLING KWENTO
(Paglalayag sa Puso ng Isang Bata)
Para sa Filipino 8
Ikalawang Markahan-Linggo 5

Sariling Linangan Kit


[Type here]

PANIMULA
Magaling, natapos mo nang sagutin ang nakaraang aralin.
Alamin na naman natin ang isang anyo ng panitikan na tiyak
magugustuhan mong basahin, ang maikling kwento.
Ayon sa Ama ng maikling kuwento na si Edgar Allan Poe,
ang maikling kwento, ay isang akdang pampanitikang likha ng
guniguni at bungang-isip na hango sa isang tunay na pangyayari
sa buhay. Taglay nito ang kakaibang katangiang hindi
matatagpuan sa ibang akdang pampanitikan. Mayroon itong
pangunahing tauhan na may mahalagang suliraning kailangang
malutas at nagsasalaysay ng mga makukulay na kaganapan sa
buhay.
Mahahasa mo sa araling ito ang iyong husay sa pagkilala
at paglalarawan sa pangunahing tauhan sa kwento at sa
pagtukoy sa uri ng kanyang pagkatao (bilog at lapad). Sa patuloy
mong pag-aaral ng mga bagong kaalaman, masusubukan din
ang iyong kakayahan sa pagbuo ng mga talatang naglalarawan
gamit ang kayarian ng pang-uri.
Kaya, tara magbasa na tayo upang lalong mapabuti ang
ating pagkatao. Maging kapaki-pakinabang sa sambayanang
Pilipino!
[Type here]

1. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikang lumalaganap sa Panahon ng Amerikano,
Komonwelt at sa kasalukuyan

2. PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
>Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa akda.
(F8PT-IIg-h-27)
>Nakasusulat ng talatang naglalarawan.

3. MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO:
 Naiuugnay ang mga kaisipan sa
akda sa mga kaganapan sa sarili,
lipunan at daigdig.(F8PB-11g-h-27)

Mga Layunin:

 Naibibigay ang kahulugan ng mga


salitang ginamit sa akda
 Naiuugnay ang mga pangyayari sa
akda sa sariling karanasan
 Nakikilala ang pangunahing tauhan
sa kwento

[Type here]

II. PAKSANG ARALIN:


 Panitikan: Maikling Kwento (Uri ng tauhan)
 Paksa: “Paglalayag sa Puso ng isang Bata” ni
Genoveva Edroza Matute
 Mahalagang Mensahe: Pahalagahan ang
pagkatao o sarili.
III. PROSESO SA PAGKATUTO:
Sana magustuhan mo ang sumunod na gawain.
Pagbutihan mo ha.
c

I. ANO ANG NANGYARI

Gawain I: Ilarawan Mo.


Panuto: Suriing mabuti ang larawan. Pagkatapos
sagutin ang mga tanong.

1. Ilarawan ang bata sa


larawan.

____________________
____________________
____________________
2. Naranasan mo ba ito?
Paano mo ito
napagtagumpayan?

____________________
____________________
____________________
____________________
[Type here]

Ii . ANO ANG DAPAT MONG MALAMAN

Magaling! Ipagpatuloy mo ang pagsagot sa sumusunod


pang gawain. Sige, umpisahan mo na. Kaya mo yan!

1. Nakintal na sa kanyang gunita ang


mga payo ng guro.
______________________________
______________________________
______________________________
2. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay
ang pag-aruga nya sa akin.
______________________________
______________________________
3. Madalas niya akong bilhan ng
minindal sa katapat na tindahan.
______________________________
______________________________
4. Bakit kaya siya napopoot kay Ana?
______________________________
______________________________
______________________________
5. Totoong nalulumbay ang bata nang
lumisan ang kanyang Nanay.
______________________________
______________________________
______________________________
[Type here]

Paglalayag sa Puso ng Isang Bata


ni Genoveva-Edroza Matute

Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-


anak. Ito ay kung nakaligtas siya sa nakaraang digmaan…nguni’t ayaw
kong isiping baka hindi. Sa akin, siya’y hindi magiging isang binatang di-
kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin, siya’y
mananatiling isang batang lalaking may kaliitan, may-kaitiman at may
walong taong gulang.
Pagkaraan ng daan-daang tinuruan, mga sumipot, nanatiling
saglit, at lumisan pagkatapos, pagkaraan ng mga taong ang ila’y
nagdumali, ang ila’y nagmabagal at ang ila’y nakintal sa gunita, buhay
na buhay pa sa aking isipan ang kaniyang mukha at ang kaniyang
pangalan. Nguni’t ang buhay sa lahat ay ang isang bagay na itinuro niya
sa akin, isang araw, nang siya ang aking maging guro, at ako ang
kanyang tinuruan.
Isa siya sa pinakamaliliit sa klase. At isa rin sa pinakapangit. Ang
bilog at pipis niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang
iyo’y mahahabag na sa kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya ng
pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang “punto”
na nagpapakilalang siya’y taga-ibang pook.
[Type here]

Nguni’t may isang bagay na kaibig-ibig sa munti’t pangit na batang


ito, kahit sa simula pa lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit
hindi na siya hilingan nang gayon. Tumutulong siya sa mga tagalinis at
siya ang pinakamasipag sa lahat. Siya rin ang pinakahuling umaalis:
naglilibot muna sa buong silid upang pulutin ang mga naiiwang panlinis.
Lihim ko siyang pinamamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa
lalagyan, ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng mga hanay
ng upuan upang tingnan kung tuwid ang bawa’t isa. At sa pintuan, lagi
siyang lumilingon sa pagsasabi ng, “Goodbye, Teacher!”
Sa simula, pinagtakhan ko ang kaniyang pagiging mahihiyain.
Nakikita ko siyang gumagawa nang tahimik at nag-iisa—umiiwas sa iba.
Paminsan-minsa’y nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin upang bawiin
lamang agad ang kanyang paningin. Habang tinatanaw ko siya tuwing
hapon, pinakahuli sa kaniyang mga kasamahan, ay naiisip kong alam na
alam niya ang kaniyang kapangitan, ang kakatuwang paraan ng kanyang
pagsasalita.
Unti-unti kong napagdugtung-dugtong ang mga katotohanan
tungkol sa kanyang buhay. Payak ang mga katotohanan: siya’y isang
munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang
utusan. At kalahating araw siyang pumapasok sa paaralan upang may
makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang panginoon.
Isang mabagal na paraan: ang pag-akit na iyon sa kaniya at ang
pagtiyak na siya’y mahalaga at sa kaniya’y may nagmamahal. Napasuot
na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawa’t bata. Nanukso na
siya sa mga batang babae. Lalo siyang naging malapit sa akin. Lalo
siyang naging maalala at mapagmahal. Maligaya na siya.
Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga
taong nagdaa’y naaamin ko sa sariling ang lahat nang iyo’y aking
kasalanan. Mainit noon ang aking ulo,umagang-umaga pa. At ang hindi
dapat gawin ay aking ginawa— napatangay ako sa bugso ng damdamin.
Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na
aking ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong
galit sa kanya, ang pagsasalita ko sa kaniyang ipinanliit niya sa kanyang
upuan. Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang kaniyang kalumbayan,
ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanyang siya’y
mahalaga at minamahal. Nang hapong iyo’y hindi siya nagpadulas sa
pagitan ng mga hanay ng upuan. Nguni’t siya’y nagtungo sa huling upuan
upang kunin ang aking tsinelas, upang paghiwalayin ang mga iyon at
upang itapat sa aking mga paa.
[Type here]

Nagtungo siya sa tindahang katapat upang ibili ako ng minindal at


nagpaiwan siya upang likumin ang mga kagamitan sa paglinis at upang
ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay rin niya
ang mga upuan sa bawa’t hanay, gaya nang kanyang kinamishasnan.
Nguni’t hindi siya tumingin sa akin minsan man lamang nang hapong
iyon.
Naisip ko: Napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso’y
kinapopootan niya ako ng pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na
iniukol niya sa akin nitong mga huling buwan. Ang isa mang batang
namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-iisa’t kawalan ng
pagmamahal ay makadarama rin sa kawalan ko ng katarungan. Ngayo’y
paalis na siya, ang naisip ko nang may kapaitan sa puso.
Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may
binubuong kapasiyahan sa kaniyang loob.
Nagtungo siya sa pintuan at ang kaniyang mga yabag ay mabibigat
na tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon
lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, “Goodbye, Teacher.”
Lumabas siya nang tahimik at ang kaniyang mabibigat na yabag ay
lumayo nang lumayo.
Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang
itinanong ko nang paulit-ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin. At ito’y
sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili.
Bukas… Marahil, kung pagpipilitan ko bukas…
Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata’y nakita ko sa
pintuan. Ang mga mata niyang nakipag-salubungan sa aki’y may
nagugulumihanang tingin. “Goodbye, Teacher,” aniya. Pagkatapos ay
umalis na siya.
Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.
Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo ay hindi ko na
magunita ngayon. Ang tangi kong nagugunita’y ang pagpapakumbaba ko
sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan
ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging guro.

https://varsitarian.net/filipino/20100831/paglalayag_sa_puso_ng_isang_b
ata
[Type here]

Gawain III: Kasanayang Pampanitikan. Sagutin


Mo ako!
Panuto: Basahin at saguting mabuti ang sumusunod
na mga tanong.

1 .Ilarawan ang batang pinag-uusapan sa kwento. Ano ang kanyang kalagayan


sa buhay?
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

2. Paano naging malapit ang guro at bata?


__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
________________________________________

3. Ano ang nagawa ng gurong nagpabago sa kilos at damdamin ng bata?


__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________________
[Type here]

1. Kung ikaw ang bata sa kwentong binasa, paano mo kaya


haharapin ang mga matitinding kalungkutan sa buhay?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

2. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa mga


batang nakaranas ng mga masasakit na pagsubok?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
[Type here]

Gawain IV: Pagkilala sa Tauhan


Panuto: Sa pamamagitan ng grapikong
presentasyon, kilalanin ang pangunahing tauhan.

Pangunahing Kalagayan sa Mga Pagbabagong Kinahinatnan/


naganap sa Sarili
Tauhan Buhay Resulta
[Type here]

INPUT
Ang binasang kuwento ay nasa uri ng kwentong
tauhan. Gusto mo bang magkaroon ng
karagdagang kaalaman tungkol dito? Basahin ang
nasa ibaba.

Alam mo ba…...
Ang binibigyang-diin sa kwento ng tauhan ay ang pangunahing tauhan
o mga tauhang gumagalaw sa kwento. Tulad ng kanilang pag-uugali, pagkilos,
pananalita, at iba pang katangian. Sa pamamagitan ng tahasang
paglalarawan o kaya ay pagpapahiwatig sa pamamagitan ng usapan ng mga
tauhan at sa ikinilos ng mga iyon
URI NG TAUHAN
1. Ang tauhang lapad (plain character) ay uri ng tauhan sa anumang
anyo ng panitikan na Hindi nagbabago ang katauhan sa loob ng
kwento. Ibig sabihin mula umpisa ng pelikula hanggang wakas, ang
kanyang pagkatao ay ganoon pa rin. Halimbawa sa novelang Noli Me
Tangere, Hindi nagbago ang katauhan ni Tiya Isabel sa kabuuan nito.
Siya ay mahinhing babae, masunirin na kapatid at mapagmahal at
maalahaning tiyahin. Bilang ang kanyang kilos at tipid siya sa
pananalita. Ang mga katangiang ito ay taglay pa rin niya hanggang sa
katapusan ng novela at walang nagbago sa kanyang katauhan sa
kabuuan nito--- ibig sabihin Hindi nagbago ang kanyang katauhan at
lapad ang kanyang pagkatao sa kabuuan ng panitikan. Ngunit bibjhira
ang ganitong uri ng tauhan sa mga kwento.

2. Samantalang, ang tauhang bilog (round character) naman ay


kabaligtaran ng tauhang bilog. Nagbabago ang katauhan ng isang
tauhang bilog sa loob ng kwento. Halimbawa, sa Noli Me Tangere
ipinakilala si Ginoong Crisostomo Ibarra bilang isang taong tahimik at
mapagtimpi. Ngunit nabasa ang kanyang katahimikan at pagkamatimpi
sa ikatatlumpung kabanata. Sinunggaban niya si Padre Damaso at saka
tinutukan ng kutsilyo sa leeg. Ibig sabihin, mayroong pagbabago sa
kanyang katauhan habang tumatakbo ang kwento. Ang dati'y
mapagtimpi ay sumabog at Hindi na maawat na Tao. Si Ibarra ay
halimbawa ng isang tauhang bilog.
https://www.answers.com/Q/Ano_ang_tauhang_bilog_at_tauhang_lapad
[Type here]

Gawain V: Suriin Mo Sila!


Panuto: Ilarawan mo ang mga tauhan sa binasang
kwento mula sa simula hanggang sa wakas.
Lagyan ng tsek ang kolum sa angkop na uri.

Katangiang Katangiang
Tauhan ipinakita sa ipinakita sa Tauhang Tauhang
simula ng katapusan Lapad Bilog
kwento ng kwento

Bata

Guro
[Type here]

Pagpapalalim: Basahin ang tekstong nasa ibaba.

ANG PUNONG KAWAYAN


(Kwentong Bayan/ Folktale)

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang


katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang
Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay
naroroon ang payat na Kawayan.
Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.
“Tingnan ninyo ako,” wika ni Santol. “Hitik sa bunga kaya mahal ako ng
mga bata.”
“Daig kita,” wika ni Mangga. “Mayabong ang aking mga dahon at hitik
pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.”
“Higit akong maganda,” wika ni Kabalyero. “Bulaklak ko’y marami at
pulang-pula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.”
https://pinoycollection.com/ang-punong-kawayan/
[Type here]

“Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at
mabunga,” wika ni Niyog.
“Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang
bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang
nagmumukhang kaawa-awa.”
Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong
Kawayan.
Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas
niya nang pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay
nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno
ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si
Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at
di nasalanta.

Aral:
•Ang kayabangan ay nagpapababa sa dangal ng tao. Kaya huwag maging
mayabang.
•Maging tulad ng kawayan na mapagpakumbaba. Bagaman hindi siya kasing
gaganda at kasing-tikas ng ibang mga puno, siya naman ay higit na matatag
sa oras ng pagsubok.
https://pinoycollection.com/ang-punong-kawayan/

Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa kwento.


Iyan ay mga salitang nasa iba’t-ibang kayarian ng Pang-uri.
Tandaan Natin!
Ang mga pang-uri ay nakatutulong sa paglalarawan ng tao,
bagay, lunan o pangyayari.
[Type here]

Apat na kayarian ng Pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:


Payak – binubuo ng salitang-ugat lamang, walang panlapi,
hindi inuulit, at walang katambal na ibang salita. Halimbawa:
Anim, dilim, tapang, langis, tapat, linis.
Maylapi – binunuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi.
May limang paraan ng paglalapi ng salita; Inuunlapian,
Ginigitalipan, Hulapi, Kabilaan, Laguhan. Halimbawa:
Maganda, malapit, mabango, luntian, maawain, matiisin.
Inuulit – ang kabuuan o isa higit pang pantig sa dakong
unahan ay inuulit. Dalawang uri; Pag-uulit sa Ganap, Pag-uulit
sa Parsyal. Halimbawa: Pag-uulit na ganap: puting-puti,
malakas na malakas, tuwang-tuwa. Pag-uulit na parsyal:
matutuwid, matatangos, mababangis, mapuputi.
Tambalan – binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para
makabuo ng isa lamang salita. May dalawang uri ng
Pagtatambal: Malatambalan o Tambalang Parsyal at
Tambalang Ganap. Halimbawa: bantay-salakay, kapit-tuko, di-
mahulugang karayom, balat-sibuyas, mala-Diyosa.
[Type here]

Gawain VI: Halika, Sagutin mo Ito!


Panuto: Suriin ang mga salitang may salungguhit
sa binasang teksto. Itala mo ang mga ito sa ilalim
ng angkop na kayarian ng pang-uri.

Payak Maylapi Inuulit Tambalan

Magaling, naunawaan mo na ang kayarian ng


pang-uri at uri ng tauhan. Maghanda upang
ilapat ang inyong natutuhan, Simulan mo na.
[Type here]

Sitwasyon:
Ang buhay mo ay nakaranas ng matitinding mga problema,
Nakahiwalay ka sa iyong Pamilya. Hindi kaaya-aya ang iyong
mukha, at palaging tinutukso ng iba. Pinagsabihan ka ng
kaklase mong awayin ang mga nang-aapi sa iyo.

Ano ang iyong gagawin? Magagalit ka ba o hindi? Bakit?


__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________

Ang galling mo naman! Kahanga-hanga.


Ngayon, subukin mong ipakita ang iyong husay
sa pagsulat ng isang talatang naglalarawan.
Simulan mo na, kaya mo ‘yan!
[Type here]

(Larawan mula kay Juanito Comparativo Jr. kinuha sa Malaysia at


Lapulapu City.)
Isulat ang talata sa ibaba:
______________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
[Type here]

Ikinagagalak kong matagumpay mong nasagot


ang gawaing ito. Ngayon, sagutin mo naman ang
mga tanong sa bahaging pagtataya.

1. __________ ang COVID’19.


2. Si Edna ay may __________ugali.
3. Ang matandang iyon ay __________.
4. __________ang sinag ng buwan.
5. Kulay __________ ang kapaligiran.
6. Masarap kainin ang prutas na __________.
7. Gusto kong puntahan ang mga __________ lugar
sa Batanes.
8. __________ ang kanilang lupain.
9. __________ gulay ang inilalako nila araw-araw.
10. Minamahal ng mga tao ang kanilang
[Type here]

(Isulat ang islogan dito)

Mahusay! Madali mong naisagawa ang mga


gawain. Talagang naunawaan mo ang kabuuan
ng ating aralin. Maghanda para sa susunod
nating paksa. Ingat!

Ipasa ang Self-Learning Kit sa


susunod na pagkikita. Sikaping
nasagutan mo ang mga gawain ha.
[Type here]

Susi sa Pagwawasto
[Type here]

DEPARTMENT OF EDUCATION REGION VII

SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

NIMFA D. BONGO, Ed.D., CESO V


Schools Division Superintendent

ESTELA B. SUSVILLA, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

JAIME P. RUELAN, Ed.D


Chief, Curriculum Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE, Ph.D


Education Program Supervisor – (LRMDS)

FELICITAS C. MAGNO
Education Program Supervisor- (FILIPINO)

FERMORAH F. COMPARATIVO
Writer

JAYFEMME HANNAH F. COMPARATIVO


Illustrator & Lay-out Artist

DEPARTMENT OF EDUCATION REGIONAL OFFICE

SALUSTIANO T. JIMENEZ, Ed.D. JD, CESO VI


Regional Director

DR. EMELIANO B. ELNAR, JR.


Chief, Curriculum and Learning Management Division

MAURITA F. PONCE
LRMDS-Education Program Supervisor

DR. ELAINE PERFECIO


Filipino Regional Education Program Supervisor

You might also like