You are on page 1of 10

FILIPINO 9-IKALAWANG MARKAHAN/MODYUL 4 |1

PIKIT NATIONAL HIGH SCHOOL

FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO

LAS
(LEARNING ACTIVITY SHEETS)

IKALAWANG MARKAHAN
(MODYUL 4)

___________________________________________________
Pangalan ng Mag-aaral

___________________________________________________
Baitang at Pangkat

___________________________________________________
Guro sa Filipino
FILIPINO 9-IKALAWANG MARKAHAN/MODYUL 4 |2

FILIPINO 9-IKALAWANG MARHAKAN -LAS 1


MAIKLING KWENTO

Kaligiran
Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang
maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad
ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad
ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring
naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Deogracias A. Rosario
ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento". Tinawag rin
itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong
libangan ng mga sundalo.
Ang Pagkukuwento ay matagal nang bahagi ng buhay ng
mga Pilipino. Mapatradisyonal man, may bahid ng elementong
Kanluranin at makabago, lahat ng ito ay nagging bahagi na ng
panitikan sa Pilipinas na nagkaroon ng malaking impluwensya sa
ating kultura at pamumuhay ng bawat Pilipino.
- Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinagurian “Ama ng Maikling
Kuwento”, ang maikling kuwento ay isang akdang
pampanitikan na likha ng guni-guni at bungang isip na
hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.

- Isa itong uri ng akdang pampanitikan na likha ng maguni-


guning imahinasyon na maaring hango sa tunay na buhay o
produkto lamang ng isang mahusay na manunulat batay sa
kanyang malikhain
pag-iisip.
- May taglay itong damdamin na mag-iiwan ng isang
kakintlang
kukurot sa bawat mambabasa. Maaring sa pamamagitan ng
paglalahad ng isang kuwento ng buhay ay mapagagalaw ang
isipan ng bawat mambabasa.
FILIPINO 9-IKALAWANG MARKAHAN/MODYUL 4 |3

Mga Uri ng Maikling Kuwento

1. Kuwento ng Tauhan- Binibigyang-halaga sa kuwentong ito ang


kilos, salita at kaisipan ng isang tauhan. Inilalarawan ang mga
tauhan base sa kanilang pakikipagtunggali at
pakikipagsapalaran para sa ikahuhusay ng kwento.
2. Kuwentong Katutubong Kulay- Namamayani sa ganitong kuwento
ang tagpuan. Binibigyang diin ditto ang kapaligiran at pag-
uugali ng mga tao sa isang kalagayan o lugar.
3. Kuwentong Kaisipan o Sikolohiya- Nais nitong pasukin ang
pagiisip ng tauhan at ilahad ito sa mga mambabasa.
4. Kuwentong Makabanghay- Umiikot ang buong kuwento sa
pagkatagni-tagni ng mga pangyayari mula sa simula patungo sa
saglit na kasiglahan hanggang sa kasukdulan at kakalasan.
5. Kuwento ng Pag-ibig- Ang pangunahing diwa ng kuwento ay ang
pagiibigan ng pangunahing tauhan.
6. Kuwento ng Kababalaghan. Nagtataglay ang kwentong ito ng mga
pangyayaring mahirap paniwalaan sapagkat sumasalungat sa
batas ng kalikasan at makatwirang pag-iisip.
7. Kuwento ng Katatawanan. Magaan ang pagkakalahad ng mga
pangyayari sa ganitong uri ng kuwento at lubhang may hinig
katatawanan.
8. Kuwento ng Talino. Mapanghamon sa katalinuhan ang mga
ganitong uri ng kuwento. Susubukan nitong paiikutin ang
mambabasa, subalit kinakailangang maging maingat ito sa
pagtumbok sa nais palutangin ng may akda.
9. Kuwento ng Kapaligiran. Ito ay naglalarawan ng mga pangyayari o
bagay na mahalaga sa lipunan o pamayanan.
10. Kuwento ng Pagkakataon. Isinulat ito para sa tiyak na
pagkakataon o okasyon tulad ng kaarawan, Pasko, Bagong Taon
at iba pa.
FILIPINO 9-IKALAWANG MARKAHAN/MODYUL 4 |4

Niyebeng-itim
ni Liu Heng Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra
(BUOD)

Si Li Huiquan, isang dating bilanggo sa kampo na nakalaya


na, ay bilanggo parin ang kaniyang isip at damdamin sa
kalungkutan ng nakaraan at sa dating nakasanayan sa kulungan.
Nagpakuha siya ng labinglimang litrato kasama si Tiya Luo na
gagamitin para sa aplikasyon ng lisensya sa kariton at pagtitinda
ng prutas. Ngunit hindi ito naaprobahan dahil puno na ang kota.
Mayroon na lamang lisensya para sa tindahan ng damit, sombrero
at sapatos. Wala nang pakialam si Huiquan kung anuman ang
maaaring itinda. Ang mahalaga, mayroon siyang magawa.
Paglabas nila mula sa compound ng gobyerno, nakabangga nila
ang matabang lalake na si Hepeng Li. Yumuko si Huiquan, isang
ugaling natutunan niya noong nakabilanggo siya sa kampo,bilang
paggalang at pagsunod. Nilibot niya ang buong bayan upang
maghanap ng mga parte na kailangan niya para sasakyan ng
kaniyang paninda. Nakahanap siya at nakabuo siya ng
natatanging sasakyan para sa kanyang paninda na naging sentro
ng atensyon dahil ito’y kakaiba. Inimbitahan siya ni Tiya Luo para
maghapunan sa bisperas ng Bagong Taon ngunit tinanggihan niya
ito dahil kailangan niyang tapusin ang ginagawa niya bago mag
bagong taon. At dahil narin sa lakas at ingay ng mga paputok ay
iniwan muna niya ang ginagawa at naglasing. Naalala ang mga
sandaling kasama pa niya ang kanyang ina. At sa ikalimang araw
ng bagong taon ay ibinigay na kay Huiquan ang pwesto niya at
nagsimula na siyang magtinda ng mga damit. Isinampay niya ang
ilan, inilatag ang iba, at isinuot ang isa. Nakabenta siya ng
dalawampung panlaming na angora sa kanyang unang araw kaya
sumigla siya. At dahil sa wakas ay nagkaroon siya ng kontrol sa
isang bagay at paakiramdam niya ay makapangyarihan siya. Sa
sumunod na araw ay wala siyang masyadong nabenta ngunit
isang araw nakapagbenta siya ng kasuotang pang-army sa apat
FILIPINO 9-IKALAWANG MARKAHAN/MODYUL 4 |5

na karpintero na kababalik lamang sa Beijing mula sa timog.


Naligtas ang kanilang mga balat ng kasuotang panlamig ni
Huiquan at iyon ay nagbigay ng inspirasyon sa kanya. “Tiyaga ang
susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang
panahon, walang ibubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas
mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang makaaalam
kung kalian kakatok ang oportunidad, Hindi naman sa lahat ng
pagkakataon ay malas ka, hindi ba ?” Nag-iisip si Huiquan.

Ang iyong nabasang akdang Niyebeng Itim ay isang uri ng


kwento ng katutubong kulay. Namamayani sa ganitong kwento
ang tagpuan. Karaniwan ay maraming paglalarawan tungkol sa
pook/lugar na pinangyarihan ng kwento-hindi lamang sa pisikal
kundi pati na rin ang mga pangkalahatang pag-uugali ng mga tao,
ang kanilang mga kilos o gawi, mga paniniwala, pamahiin at
pananaw sa buhay. Binibigyang-diin sa Niyebeng Itim ang
kapaligiran, sa isang kalagayan o lugar at pag-uugali ng
pangunahing tauhan na isang Tsino.

Kasanayang Pampagkatuto:

TOPICS

Pagsasanay:
Sagutin ang mga gabay na tanong. 1. Sino ang mga tauhan sa kuwento? 2. Ilarawan ang tagpuan ng kwento. Sa
iyong palagay, anong panahon naganap iyo? 3. Ano ang tema ng kwentong binasa? 4. a. Paano sinimulan ng
may-akda ang kwento? b. Ano ang suliraning taglay ng pangunahing tauhan? c. Paano hinarap ni Huiquan ang
kanyang problema? d. Paano sinikap ni Huiquan na malutas ang kanyang suliranin? e. Ano ang mga hakbang na
FILIPINO 9-IKALAWANG MARKAHAN/MODYUL 4 |6

kaniyang isinagawa? f. Ano ang kinalabasan ng mga hakbang na ito? 5. Paano winakasan ng may akda ang
kwento? Inaasahan kong malinaw na sa iyo ang mga pangy

Pagsasalaysay
Ang maikling kuwento ay isang halimbawa ng pagsasalaysay. Ang
pagsasalaysay ay isang uri ng pagpapahayag na may layuning
ikuwento ang mga kawil na pangyayari na maaaring pasalita o
pasulat. Ito ay isa sa mga pinakagamitin sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan ng tao sa kanyang kapwa. Ang pagsasalaysay ay
maaaring ibatay sa sariling karanasan, nasaksihan o napanood,
napakinggan o nabalitaan, nabasa at maaari ring likhang isip lamang.
Ang karanasan at nakikita sa kapaligiran ay maaring pagmulan ng
pagsasalaysay ng isang tao.
Mga Katangian:
1. May Maganda o Mabuting Pamagat- Ito ay dapat na maging
maikli lamang, hindi katawa-tawa at lumilikha ng pananabik.
2. May Mahalagang Paksa o Diwa- Kinakailangang ito ay
kapupulutan ng aral at maging kapaki-pakinabang sa bansa. Ito rin ay
dapat na nagbibigay ng mga bagong kaalaman sa mga babasa o
makikinig o kaya naman ay naiuugnay sa kanilang karanasan o
kalagayan na makatutulong sa pag-unlad ng kanilang pagkatao.
3. May Wasto o Maayos na Pagkakasunod ng mga Pangyayari-
ang karaniwang pagsasalaysay ay nag-uumpisa sa simula ng mga
pangyayari na sinusundan ng mga gitnang pangyayari at pagkatapos
ay wakas ng pangyayari.
4. May Kaakit-akit na Simula- Ang unang pangungusap ng
salaysay ay dapat na makalikha ng pananabik sa babasa o makikinig
upang makuha ang atensyon at interes nito hanggang sa matapos niya
ang pagbabasa o pakikinig.
5. May Kasiya-siyang Wakas- Kinakailagang ang wakas ay
nagkikintal ng isang impresyon sa isip ng babasa upang magkaroon
ito ng bias. Sa kabuoan, ang isang talatang nagsasalaysay ay dapat
magtaglay ng sumusunod na katangian upang ito ay maging mabisa:
1. Kinakailangang ang mga kaisipan nito ay nagtataglay ng
kaisahan.
FILIPINO 9-IKALAWANG MARKAHAN/MODYUL 4 |7

2. Kinakailangang ito ay nagbibigay-diin sa mahahalagang


pangyayaring isinasalaysay.
3. May paglalarawan upang magkaroon ng kulay at buhay ang
mga pangyayari.
4. May kasukdulan na siyang lumilikha ng pananabik sa
bumabasa o nakikinig.
Uri ng Pananaw o Paningin: Dito nababatid kung sino ang
naglalahad o nagsasalaysay ng mga pangyayari sa kuwento.
1. Unang Panauhang Pananaw (First Person Point of View)-ang
naglalahad o nagsasalaysay ng mga pangyayari ay gumagamit ng
unang panauhan o ng panghalip panaong “ako”. Maaaring ang
nagsasalaysay na gumagamit ng ako ay isa sa mga tauhan ng kuwento
o maaari ring ang awtor mismo.
2. Ikatlong Panauhang Pananaw (Third Person Point of View)-
ang tagapagsalaysay ng mga pangyayari ay gumagamit ng panghalip
panaong “siya”. Sa ganitong uri ng pananaw ay limitado lamang sa
nakikita ng tagapagsalaysay ang kanyang nailalahad. Hindi niya kasi
mababsa ang iniisip ng tauhan gayundin ang damdaming taglay ng
mga ito.
3. Mala-Diyos na Pananaw (Omnipotent Point of View)- ang
tagapagsalaysay ng mga pangyayaring gumagamit din ng panghalip
panaong “siya” o “sila” subalit sa pagkakataong ito, hindi lamang
limitado ang kanyang pagsasalaysay sa nakikitang panlabas na kilos
ng mga tauhan. Maari rin niyang mabasa ang isipan at matukoy ang
damdamin ng mga tauhan.
FILIPINO 9-IKALAWANG MARKAHAN/MODYUL 4 |8

FILIPINO 9-IKALAWANG MARHAKAN -LAS 2

TITLE

Kaligiran

TOPICS.

Pagsasanay:

PAGTATAYA

Pangalan: ________________________________ Petsa: _____________________


Baitang at Pangkat: _________________________ Guro: __________________

Basahin at unawain ang bawat tanong na ibinigay upang masukat natin


ang antas ng iyong kaalaman. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang
bago ang bilang.

____1. Ito ay isang bansa na matatagpuan sa Silangang Asya kung


saan kilala ito sa larangan ng animation at maunlad sa
teknolohiya at ekonomiya.

A. China B. Japan C. Mongolia D. South Korea

____2. Anong akdang pampanitikan ang tinutukoy ng manunulat


na si Inigo Ed Regalado sa kaniyang pahayag na,
FILIPINO 9-IKALAWANG MARKAHAN/MODYUL 4 |9

“nagbibigay diin ito sa kagandahan, diwa, katas, larawan at


kabuuan ng tamang kariktang makikita sa silong ng alin
mang langit”?

A. Alamat C. Maikling Kuwento


B. Bugtong D. Tula

____3. Tulang mula sa Japan na binubuo ng 31 na pantig.

A. Ambahan B. Haiku C. Tanaga D. Tanka

____4. Tulang mula sa Japan na binubuo ng 17 na pantig.

A. Ambahan B. Haiku C. Tanaga D. Tanka

____5. Ito ay isang uri ng sinaunang tula ng mga Pilipino na


binubuo ng apat na taludtod na tugmaan, may sukat na
pitong pantig ang bawat taludtod at nagpapahayag ng isang
buong diwa.

A. Ambahan B. Haiku C. Tanaga D. Tanka

____6. Ito ay mahalagang tunog na tumutulong upang malinaw na


naipahahayag ang damdamin, saloobin at kaisipang nais
ipahayag ng nagsasalita.

A. Ponemang malayang nagpapalitan


B. Ponemang segmental
C. Ponemang suprasegmenta
D. Ponemikong segmental

____7. Paano naiiba ang tanaga sa Pilipinas at ng tanka mula sa


Japan?

A. May tugma sa tanaga, sa tanka ay wala.


B. Mas mahaba ang tanka kaysa tanaga.
C. Malalim ang kahulugan ng tanka, ang tanaga’y
mababaw.
F I L I P I N O 9 - I K A L A W A N G M A R K A H A N / M O D Y U L 4 | 10

D. Ang paksa ng tanaga at tungkol sa pag-ibig, ang tanka


ay sa panahon.

____8. Tumutukoy ito sa lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig


sa pagbigkas ng isang pantig sa salita.

A. Antala C. Diin
B. Tono D. Wala sa nabanggit

____9.Isang maikling awitin na puno ng damdamin na


nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Pagbabago, pag-ibig
o pag-iisa ang karaniwang paksain nito.
A. Ambahan C. Tanaga
B. Haiku D. Tanka

____10. Hindi maganda ang tubo ng halaman kaya namatay.


Paano binibigkas ang salitang nasalungguhitan sa
pangungusap?
A. /tu.boh/ C. /tu.bo?/
B. /TU.bo/ D. /tu.BO/

Ibalik ito ng maayos at malinis sa inyong mga guro.


Hangga’t maaari , iwasan ang pagbubura.

Maraming salamat!

You might also like