You are on page 1of 8

PIKIT NATIONAL HIGH SCHOOL

FILIPINO 9
PANITIKANG ASYANO

LAS
(LEARNING ACTIVITY SHEETS)

UNANG MARKAHAN
(MODYUL 2.2)

___________________________________________________
Pangalan ng Mag-aaral

___________________________________________________
Baitang at Pangkat

___________________________________________________
Guro sa Filipino

1|FILPINO 9 -UNANG MARKA HAN/MODYUL 2.2

FILIPINO 9-UNANG MARHAKAN LINGGO 4-LAS 1

Pangalan: ______________________________________ Petsa: _________________

Baitang at Pangkat: ___________________________ Guro____________________
NOBELA
KALIGIRAN
Sa nakaraang modyul ay napag-aralan na natin ang katuturan ng
nobela. Ito ay kakikitaan ng maraming tauhan, maraming tagpuan, kawing-
kawing na mga pangyayari at mga tunggalian. May mga elemento tulad ng
tauhan, tagpuan, tema at paksa, damdamin, simbolismo at banghay.
Marami ring makikitang tunggalian sa nobela kagaya ng tao vs. tao,
tao vs. sarili, tao vs. lipunan at tao vs. kalikasan. Binigyan natin ng pokus
ang tunggaliang tao vs. sarili na kung saan ang kalaban ng tao ang kanyang
sariling kahinaan, gaya na lamang ng selos, kawalan ng tiwala sa sarili, takot
at marami pang iba.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Napapanood ang isa sa nobela ni Bob-Ong na isinapelikula. F9PS-Ic-d42

Panimulang Gawain: Panuto: Magbahagi ng isang masayang karanasang

hindi makakalimutan sa isang guro mo noong nasa ikawalong baitang sa
hayskul.
__________________________________________________________________________

Sa pagkataong ito, nakapagbalik-tanaw ka sa masayang karanasan mo

kasama ang iyong guro noong ikawalong baitang. Bakit ko nga ba pinasariwa
ito sa iyo? Alamin natin ang mga karanasan ni Roberto at kanyang mga
kaibigan sa pelikulang AbnkkbsnplAko?! na isang nobela ni Bong Ong na
isinapelikula ng direktor na si Mark Meily at pinagbibidahan nina Jericho
Rosales, Meg Imperial, Andi Eigenmann at Vandolph.

2|FILPINO 9 -UNANG MARKA HAN/MODYUL 2.2

Tandaan: Ito ay mapapanood sa youtube
https://www.youtube.com/watch?v=KT1Qe-Z3gEo at Netflix

Gawain: Mga gabay na tanong.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa pinanood?
Sagot:____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Ilarawan si Roberto bilang isang estudyante.
Sagot:____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Saan-saan ang mga tagpuan sa pinanood?
Sagot:____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
4. Bakit pinili ni Roberto na maging guro?
Sagot:____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
5 . Paano nalagpasan ni Roberto ang pagsubok sa kanyang pag-aaral sa
kolehiyo?
Sagot:____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
REPLEKSYON
Bilang isang mag-aaral, nakikita mo ba ang iyong sarili sa katauhan
ni Roberto? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3|FILPINO 9 -UNANG MARKA HAN/MODYUL 2.2
FILIPINO 9-UNANG MARHAKAN LINGGO 4 -LAS 2

Pangalan: ____________________________________Petsa: ____________________

Baitang at Pangkat: ___________________________ Guro: ___________________

Mga Pahayag sa Pagbibigay-Opinyon

Pamagat
KALIGIRAN
Ano nga ba ang opinyon?
*Ito ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo
pero puwedeng pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na
mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong
kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento.
*Ito ay palagay, kuro-kuro o haka-haka lamang ng isang tao na
hindi pa napapatunayan.
Maaaring gamitan ng sumusunod na salita ang opinyon gaya ng mga:
Sa aking palagay… Sa aking pananaw…
Sa tingin ko… Sa totoo lang…
Para sa akin… Kung ako ang tatanungin…
Ang paniniwala ko ay… Ang akala ko ay…
Sa ganang akin… Sumasang-ayon ako…
Hindi ako sumasang-ayon… Kumbinsido akong…
Lubos kong pinaniniwalaan… Labis akong naninindigan…
Buong igting kong sinusuportahan…

Mga halimbawa sa pangungusap

a. Sa aking palagay mabisa talaga ang hakbang na ginawa ng ating
gobyerno laban sa pandemic na nararanasan natin ngayon.
b. Hindi ako sumasang-ayon na tanggalin ang asignaturang Filipino
sa kolehiyo.
c. Kung ako ang tatanungin mahalaga sa magkakaibigan ang tiwala
sa isat-isa.
d. Sa tingin ko, si Meya ay nagsisinungaling.

4|FILPINO 9 -UNANG MARKA HAN/MODYUL 2.2

Ano ang Katotohanan?
*nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng
lagat ng tao.
*hindi nagbabago at maaaring mapatunayan.
*sinusuportahan ng pinagkunan
Ito ay ginagamitang ng mga salita o parirala tulad ng:
*pinatutunayan ni
*mula kay
*tinutukoy sa/ni
*mababasa natbp.
Mga halimbawa sa pangungusap.
a. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan
ang out of school youth.
b. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na
unti-unting umuunlad ang turismo sa ating bansa.
c. Ayon sa Bibliya at Qur-an, masama ang pagsisinungaling
d. Si Marian Rivera ay isang sikat na artista.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Nagagamit ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay opinion.
F9WG-Ic-d-42
Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa pinanood na nobela na
isinapelikula. F(PB-Ic-d-40
Gawain 1. Panuto: Magbigay ng dalawang opinyon na masasabi mo sa
pinanood na pelikula o sa binasang akda na AbnkkbsnplAko?!
Opinyon
1_________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Opinyon
2_________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

5|FILPINO 9 -UNANG MARKA HAN/MODYUL 2.2

Gawain 2. Sagutin ang mga sumusunod na tanong upang mas lalo mo pang
maunawaan ang iyong pinanood at ang mga pahayag sa pagbibigay-opinyon.
Pagsusuri sa pelikulang AbnkkbsnplAko?!
Magbigay ng tig-iisang sitwasyong kakikitaan ng mga sumusunod na
tunggalian.
Halimbawa: Tao vs. Sarili- nangopya si Roberto sa pagsusulit
Tao vs Sarili
Sagot:____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Tao vs Tao
Sagot:____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

REPLEKSYON
Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pagbibigay-opinyon sa pang-
araw-araw na pamumuhay?
_____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Sanggunian :
Romulo N. Peralta et al., Panitikang Asyano 9 Modyul ng Mag-aaral
sa Filipino. (Pasig City: Vibal Group, Inc., 2014)
Filipino 9 Panitikang Asyano- Self-Learning Module (SLM) Module 1
Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Inihanda ni:
RAYHANA M. TAHA
Guro sa Filipino

6|FILPINO 9 -UNANG MARKA HAN/MODYUL 2.2

FILIPINO 9 UNANG MARKAHAN –LINGGO 4 (MODYUL 2.2)

PAGTATAYA

Pangalan: ________________________________ Petsa: __________________

Baitang at Pangkat: _________________________ Guro: _______________

Basahin at unawain ang bawat tanong na ibinigay upang masukat natin ang
antas ng iyong kaalaman. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang bago ang
bilang.
_____1. Ito ay binubuo ng maraming tauhan, maraming tagpuan at
masalimuot na mga pangyayari.
A. nobela B. dula C. sanaysay D. tula

_____2. Ito ay naglalaman ng sariling saloobin, kuro-kuro at paniniwala ng

tao.
A. pandiwa B. opinyon C. katotohanan D. pang-uri

_____3. Siya ang may-akda ng AbnkkbsnplAko?

A. Julieta Rivera C. Francisco Baltazar
B. Lualhati Bautista D. Bob Ong

_____4. Siya ang may-akda ng nobelang Noli Me Tangere.

A. Jose Rizal C. Juanito Lopez
B. Francisco Baltazar D. Apolinario Mabini

_____5. Ang sumusunod na akda ay mga nobela, maliban sa_________.

A. Noli Me Tangere C. Ang Ama
B. El Filibusterismo D. Bata, Bata, Paano ka Ginawa?

B. Isulat sa patlang ang O kung ang pangungusap ay nagsasaad ng

opinyon at K naman kung katotohanan.
_____1. Lubos kong pinaniniwalaan na ang edukasyon ang susi sa
magandang buhay.

7|FILPINO 9 -UNANG MARKA HAN/MODYUL 2.2

_____2. Talagang maganda tumira sa probinsya.
_____3. Kung ako ang tatanungin mas matalino si Jayson kaysa kay Bert.
_____4. Si Bob Ong ang sumulat ng ‘ABNKKBSNPLAko?’.
_____5. Si Roberto ang pangunahing tauhan sa ‘ABNKKBSNPLAko?’.
_____6. Ang magaling na aktor na si Jericho Rosales ang gumanap bilang
Roberto sa Pelikula.
_____7. Para sa akin, ang basurero ang pinakamahalagang katulong sa
pamayanan
_____8. Ayon kay Santiago et al., (2000), ang kahirapan ng Pilipinas ay
bunga ng katamaran ng mga Pilipino.
_____9. Ang konsensiya ay nakamamatay.
_____10. Lahat ng tao ay mamatay.
_____11. Sa palagay ko si Ana na ang mananalo sa patimpalak na ito.
_____12. Para sa mga Pinoy ang pagwawalis sa gabi ay malas.
_____13. Mas masayang kasama ang mga kaibigan kaysa sa mga magulang.
_____14. Sa pagkakaalam ko karamihan sa mga lalaki ay manloloko.
_____15. Lahat tayo ay ginawa ng Diyos na may sari-sariling talento at
kakayahan.

8|FILPINO 9 -UNANG MARKA HAN/MODYUL 2.2

You might also like