You are on page 1of 2

Pangalan: ____________________________________ Baitang at Pangkat: _________________

Asignatura: Filipino 9 Guro: _________________________________ Iskor: _______________

Aralin : Ikalawang Markahan, Ikaapat na Linggo, LAS bilang 2


Paksa : Maikling Kuwento
Layunin : Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento na may katutubong kulay
Sanggunian : SLM Filipino 9 Modyul 4, MELC (F9PB-IIe-f-48)
https://www.facebook.com/246973449327841/posts/niyebeng-itim-ni-liu-hengang-
mga-tauhan-sa-niyebeng-itim-ni-liu-heng-ay-ang-mgas/250903372268182/
Manunulat : Maedyna Gale P. Oro

Tauhan - ang nagbibigay buhay sa kuwento, makikilala sila sa kanilang panlabas na kaanyuan –
pisikal at pananamit, at kilos na magpapahiwatig ng kanilang ugali at diyalogo. Sa akdang
Niyebeng Itim, mabisang inilahad ang pag-uugali ng mga tao, ang kanilang mga kilos o gawi,
mga paniniwala, pamahiin at pananaw sa buhay.
Mga karaniwang pamamaraang ginagamit ng mga manunulat sa paglalarawan ng tauhan:
● paglalarawan ng isipang naghahari sa tauhan
● paglalarawan ng paraan ng pagsasalita ng tauhan
● tiyak na pagsusuri ng kaniyang katauhan
● paglalarawan ng kapaligiran katulad ng tirahan ng tauhan o ng mga kasangkapang kanyang
ginagamit
● paglalarawan ng kanyang mga kilos batay sa mga pangyayaring kanyang kinakaharap
● paglalarawan ng damdaming kanyang ginigising sa mga kasama niyang tauhan

Gamit ang kalakip na pahina na narito,basahin ang kwento. Suriin ang kaugalian at uri ng
pamumuhay ng Tsino na si Huiquan na inilalarawan sa kwento. Gamitin ang grapikong presentasyon
sa pagsagot sa mga katanungan.
Paalala: Babasahin lamang ito, huwag kokopyahin.

Niyebeng-itim ni Liu Heng


Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra
(Buod lamang)

Si Li Huiquan, isang dating bilanggo sa kampo na nakalaya na, ay bilanggo pa rin ang
kaniyang isip at damdamin sa kalungkutan ng nakaraan at sa dating nakasanayan sa kulungan.
Nagpakuha siya ng labinlimang litrato kasama si Tiya Luo na gagamitin para sa aplikasyon ng
lisensya sa kariton at pagtitinda ng prutas. Ngunit hindi ito naaprubahan dahil puno na ang kota.
Mayroon na lamang lisensya para sa tindahan ng damit, sombrero at sapatos. Wala nang pakialam si
Huiquan kung anuman ang maaaring itinda. Ang mahalaga, mayroon siyang magawa.
Paglabas nila mula sa compound ng gobyerno, nakabangga nila ang matabang lalake na si Hepeng
Li. Yumuko si Huiquan, isang ugaling natutunan niya noong nakabilanggo siya sa kampo,bilang
paggalang at pagsunod. Nilibot niya ang buong bayan upang maghanap ng mga parte na kailangan
niya para sasakyan ng kaniyang paninda. Nakahanap siya at nakabuo siya ng natatanging sasakyan
para sa kanyang paninda na naging sentro ng atensyon dahil ito’y kakaiba.
Inimbitahan siya ni Tiya Luo para maghapunan sa bisperas ng Bagong Taon ngunit tinanggihan niya
ito dahil kailangan niyang tapusin ang ginagawa niya bago mag bagong taon. At dahil na rin sa lakas
at ingay ng mga paputok ay iniwan muna niya ang ginagawa at naglasing. Naalala ang mga
sandaling kasama pa niya ang kanyang ina.
At sa ikalimang araw ng bagong taon ay ibinigay na kay Huiquan ang pwesto niya at
nagsimula na siyang magtinda ng mga damit. Isinampay niya ang ilan, inilatag ang iba, at isinuot ang
isa. Nakabenta siya ng dalawampung panlaming na angora sa kanyang unang araw kaya sumigla
siya. At dahil sa wakas ay nagkaroon siya ng kontrol sa isang bagay at pakiramdam niya ay
makapangyarihan siya.
Sa sumunod na araw ay wala siyang masyadong nabenta ngunit isang araw nakapagbenta
siya ng kasuotang pang-army sa apat na karpintero na kababalik lamang sa Beijing mula sa Timog.
Naligtas ang kanilang mga balat ng kasuotang panlamig ni Huiquan at iyon ay nagbigay ng
inspirasyon sa kanya..“Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang
panahon, walang ibubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw,
dahil walang makaaalam kung kailan kakatok ang oportunidad. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon
ay malas ka, hindi ba ?” Nag-iisip si Huiquan.

Aral Ng Kwento:
Di mahalaga kung ano ang iyong nakaraan basta magsumikap ka lamang para sa iyong
kasalukuyan at para sa iyong kinabukasan.

You might also like