You are on page 1of 5

MAIKLING KWENTO

Ano ang Maikling Kwento?

Ang maikling kwento ay isang maikling salaysay hinggil sa


isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon
lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad
ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung
ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang
madulang pangyayaring naganap sa buhay ng
pangunahing tauhan. Tinawag rin itong dagli noong
panahon ng mga Amerikano at ginawa itong libangan ng
mga sundalo.
Deogracias A. Rosario
Sino si Deogracias A. Rosario?
Si Deogracias A. Rosario ay isinilang sa
Tondo, Maynila noong 17 Oktubre 1894. Nagsimulang
magsulat noong 1915 sa Ang Demokrasya. Taong 1917
naman ng magsimula siyang sumulat sa Taliba. Naging
Pangulo siya ng Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng
mga Kuwentista at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng
Akademya ng Wikang Tagalog. Siya ang kinilalang Ama
ng Maikling Kuwentong Tagalog. Ayon sa mga kritiko,
siya ang nagbigay ng tiyak na anyo sa maikling katha
bilang isang uri ng kathang pampanitikan. Nakita sa
kanyang mga akda ang palatandaan ng paghihimagsik sa
kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento.
Mga bahagi ng Maikling Kwento:
•Panimula- layunin ng bahaging ito na pukawin ang interes ng
mga mambabasana tapusin ang akda.
•Saglit na Kasiglahan- sa bahaging ito matatagpuan ang
pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari o flashback
.
• Paglalahad ng Suliranin: sa bahaging ito magsisimula ang
balakid ng pangunahing tauhan. Sa suliranin iikot ang mga
pangyayari sa akda.
•Tunggalian: kapana-panabik na bahagi ng akda. masasaksihan
sa bahaging ito ang pakikipagalaban ng pangunahing tauhan sa
sukiranin ng kwento
•Kasukdulan: pinakamasidhing bahagi ng akda. Matatagpuan sa
bahaging ito abg kalutasan sa suliranin ng pangunahing tauhan.

•Wakas/Kakalasan: ang katapusan ng akda

You might also like