You are on page 1of 2

Diocese of San Pablo

LICEO DE CABUYAO
Unang Markahaang Pagsusulit sa Filipino 8
Taong Panuruan 2019-2020
Pangalan: Petsa:
Seksyon: Bb. Joy Ann B. Canlas

I.Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Ikahon ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang maikling kathang binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay,na may balangkas at
layunin.
a. pangungusap b. parirala
c. talata d. taludtod
2. Ito ay tumutukoy sa pagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng kabuoan ng isang bagay kundi
pati na rin ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t isa.
a. paghahambing b. pagbibigay depinisyon
c. pagsusuri d. pagtatambis
3. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na magkatulad ay pinaghahambing upang mapalitaw tiyak na
katangian ng isang paksa.
a. pagsusuri b. paghahawig
c. pagtatambis d. pagbibigay katuturan
II. Panuto: Basahin at unawain ang bahagi ng epikong Bantugan, at sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Isulat ang sagot sa patlang. (10 puntos)

Nang mamatay ang kanilang ama, ang kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali ang
hinirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta sa mga nasa ranggo. Nais nilang si Prinsipe Bantugan ang
mas karapat-dapat maging hari sa dalawang prinsipe.

“Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas kaya naman kaya niya tayong pritektahan laban sa mga
kaaway!” sabi ng isang matanda sa pamilihan.

“Sang-ayon ako sa iyo”, sagot ng matandang lalaki. Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan. Alam
niya na ang kanyang kapatid ang karapat-dapat na tagapagman ng trono dahil si Prinsipe Madali ang
panganay sa kanilang dalawa. Siya mismo ang nagpatunay sa kanyang kapatid.

“Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-aralan na niya kung paano
magpatakbo ng gobyerno”, sinabi niya sa kapwa niya sundalo at mga ministro sa kaharian. “Alam niya
kung paano ang pamamalakad sa ugnayang panlabas. At marami siyang magandang ideya upang
mapaganda ang buhay ng bawat mamamayan”.

1. Anu-ano ang magagandang katangian ni Bantugan ang masasalamin sa binasa? Ipaliwanag.

.
2. Anu-ano ang kultrang Pilipino ang masasalamin sa binasang bahagi ng kwento?

.
3. Bakit kaya pinili pa ni Bantugan na maging prinsipe gayong siya ang pinakamagaling at gusto ng
mga taong maging bagong hari?

.
4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Prinsipe Bantugan, magpaparaya ka rin ba sa iyong kapatid?
Bakit?

.
5. Ano ang mahalagang aral ang natutunan mo sa binasang bahagi ng kwento?

III. Panuto: Salungguhitan ang mga hudyat na salita na nagpapahiwatig ng sanhi at bunga. Isulat sa
patlang ang S kung ito ay sanhi at B naman kung ito ay bunga. (2 puntos)

1. Nagkaroon tuloy ng buwan at bituin sa gabi nang magkahiwalay sina Adlaw at Bulan.
2. Sapagkat siya ay hindi naatim ni Bulang, pumayag siya sa nagging pasya ng asawa.
3. Minahal nang husto ni Jose si Maria kaya’t pinakasalan niya ito.
4. Naging maganda ang pagsasama ng magkasintahan kaya’t tumagal sila at sila ay nagkatuluyan.
5. Naging mabigat para kay Aling Nena ang pagkakaroon ng maraming problema, kaya naman
mabilis siyang namayat at nagkaroon ng malubhang sakit.

IV. Panuto: Magbigay ng mga kataga, salita o parirala na maaaring iugnay sa pamagat ng tulang
tinalakay. Isulat ang iyong sagoy sa mga oblong na nakalapigid sa puso. (10 puntos)

Pag-ibig sa
Tinubuang
Lupa

You might also like