You are on page 1of 5

.

Republic of the Philippines Department of Education– Region IV-Calabarzon


Tayabas City
St. Bosco College of TayabasInc.
Tayabas City
FIRST QUARTER EXAMINATION IN FILIPINO 8

PANGALAN: __________________________________ NAKUHA:____________


GURO: Mrs.Cozette C. Atendido PETSA: _____________

I. PANITIKAN

A. Tukuyin kung saang kuwento/tula/epiko nagmula ang sumusunod na pahayag. Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot.

A. Karunungan ng Buhay
B. Pinagmulan ng Marinduque
C. Bantugan
D. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

________1. kalakip din nitoy pag-ibig sa bayan ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal.
________2. Ang unang tanda na siya ay magiging sundalo ay nang mapatay niyang mag-isa ang isang malaking
buwayang pumatay sa
Sa ilang taong bayan.
________3. Sa kanyang paglalakbay ay nagkaroon aiya ng matinding sakit at inabot siya ng kamatayan sa ointuan ng
kaharian ng
Lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat.
_________4. Pagkatapos niyang magtagumpay sa labanan ay dinalaw niya lahat ang mga kaharian karatig ng Bumbarn
at
pinakasalan ang lahat ng prinsesang kanyang katipan at umuwi sila sa Bumbaran.
_________5. Pag nagtanim ng hangin bagyo ang aanihin
_________6. marami siyang taga hanga kabilang dito si si Datu Bagal at si Datu Sagwil.
_________7. “Hindi po ako pangahas.Hinfi ko po masuway si mutya Marin.”
_________8. Nasa diyos ang Awa nasa Tao ang Gawa.
_________9. Si Garduque at si Mutya Marin ang pangunahing tauhan sa kwento.
_________10. Ubos-Ubos ang biyaya bukas ay nakatanga.

B.Panuto: Basahin at unawain ang bahagi ng epikong Bantugan, at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
sagot sa patlang. (5 puntos bawat tanong)

Mga Pamantayan PUNTOS NAKUHA

Ang kasagotan ay may kaugnayan sa


2
paksang nakasaad.

Wasto ang ginamit na mga salita at


2
pagkakabuo ng pangungusap.

Malinis at maayos ang pagkakasulat 1

KABUUAN: 5
Nang mamatay ang kanilang ama, ang kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali ang hinirang na
bagong hari. Nagkaroon ng protesta sa mga nasa ranggo. Nais nilang si Prinsipe Bantugan ang mas karapat-dapat
maging hari sa dalawang prinsipe.

“Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas kaya naman kaya niya tayong pritektahan laban sa mga kaaway!”
sabi ng isang matanda sa pamilihan.

“Sang-ayon ako sa iyo”, sagot ng matandang lalaki. Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan. Alam

niya na ang kanyang kapatid ang karapat-dapat na tagapagman ng trono dahil si Prinsipe Madali ang panganay sa
kanilang dalawa. Siya mismo ang nagpatunay sa kanyang kapatid.

“Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-aralan na niya kung paano magpatakbo
ng gobyerno”, sinabi niya sa kapwa niya sundalo at mga ministro sa kaharian. “Alam niya kung paano ang
pamamalakad sa ugnayang panlabas. At marami siyang magandang ideya upang mapaganda ang buhay ng bawat
mamamayan”.

1. Anu-ano ang magagandang katangian ni Bantugan ang masasalamin sa binasa? Ipaliwanag.

.
2. Anu-ano ang kultrang Pilipino ang masasalamin sa binasang bahagi ng kwento?

3. Bakit kaya pinili pa ni Bantugan na maging prinsipe gayong siya ang pinakamagaling at gusto ng mga taong
maging bagong hari?

4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Prinsipe Bantugan, magpaparaya ka rin ba sa iyong kapatid? Bakit?

5. Ano ang mahalagang aral ang natutunan mo sa binasang bahagi ng kwento?

II. Sanhi at Bunga. Panuto: Salungguhitan ang mga hudyat na salita na nagpapahiwatig ng sanhi at bunga. Isulat
sa patlang ang S kung ito ay sanhi at B naman kung ito ay bunga. (2 puntos)

1. Nagkaroon tuloy ng buwan at bituin sa gabi nang magkahiwalay sina Adlaw at Bulan.

2. Sapagkat siya ay hindi naatim ni Bulang, pumayag siya sa nagging pasya ng asawa.

3. Minahal nang husto ni Jose si Maria kaya’t pinakasalan niya ito.

4. Naging maganda ang pagsasama ng magkasintahan kaya’t tumagal sila at sila ay nagkatuluyan.

5. Naging mabigat para kay Aling Nena ang pagkakaroon ng maraming problema, kaya naman mabilis siyang
namayat at nagkaroon ng malubhang sakit.

III. Karunungang Bayan ( salawikain, Sawikain, Kasabihan,Bugtong, Palaisipan,)

Panuto: Magbigay ng tig dalawang halimbawa ng mga nabanggit na karunungang-Bayan sa itaas.

Salawikain 1.
2.

Sawikain 1.

2.

Kasabihan 1.

2.

Bugtong 1.

2.

Palaisipan 1.

2.

IV. Pagbibigay o Paglalahad ng Sanhi at Bunga ng isang pangyayari. Pumili ng 2 paksa na nais mong
talakayin sa loob ng kahon.

Mga Pamantayan PUNTOS NAKUHA


May kaugnayan sa paksang nakasaad. 8
Wasto ang ginamit na mga salita at
5
pagkakabuo ng pangungusap. (balarila)
Malinis at maayos ang pagkakasulat 2
KABUUAN: 15

A. Paglaganap ng Covid-19 virus sa


Buong Mundo
B. Pre-marital Sex
C. Korupsyon sa ating bansa

You might also like