You are on page 1of 4

Dibisyon ng Iligan

Lungsod ng Iligan
Ikatlong Markahang Pagsusulit
FILIPINO-BAITANG 7
T.P. (2019-2020)

Pangalan: ______________________________Baitang 7- Seksyon:___________________ Iskor: _______


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa patlang.
A B C D
/HA.pon/ /ha.PON/ /BA.ba/ /ba.BA/
1.” Nasugatan ang _____ ng bata . Anong salita sa itaas ang angkop gamitin sa pahayag ?
2. Batay sa kahon A /HA.pon/ na tumutukoy sa araw, ano naman ang ibig sabihin ng salitang nasa
kahon B na /ha.PON/? a. tao b. araw c. buwan d. papel
3. “Si Mary, Ann ang aking matalik na kaibigan”. Ano ang layunin ng taong nagsasalita sa pahayag?
a. nagpapaliwanag c. nangangatwiran
b. nagpapakilala d. naglalahad
4. Ano ang ipinapahiwatig ng pangungusap na “Malakas ang lindol sa Bukidnon.//”
a. sinasabing lumindol sa lugar ng Bukidnon c. sinasabing may lindol
b. sinasabing ang lakas ng lindol sa lugar ng Bukidnon d. sinasabing malakas ang lindol

5.
Ano ang mabubuong salita sa larawan?
a. KAWAyan b. kawaYAN c. kaWAyan d. KAwayan

1 2
Ang di-magbayad mula sa kaniyang pinanggalingan, Ang gawa sa pagkabata,
di-makabababa sa paroroonan dala hanggang sa pagtanda

3 4
Batang makulit , Palaging sumisitsit Narito si Kaka,
Sa kamay mapipitpit sunong-sunong ang dampa

6. Alin sa mga sumusunod ang kaisipang ipinapakita sa kahon 3?


a. malikot ang kamay b. malaki ang kamay c. magaspang ang kamay d. mahaba ang kamay
7. Paano mo mabibigyang kahulugan ang kasabihan na nasa kahon 2?
a. kailangang sundin ang mga payo ng mga magulang
b. kailangang disiniplinahin nang maayos ang anak
c. kung ano ang ginawa sa pagkabata hanggang sa pagtanda ito ay daladala
d.. kung ano ang namulatang ugali ay madadala mo sa iyong pagtanda
8. Alin sa mga sumusunod na kahon sa itaas ang tugmang de gulong?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
9. Suriin ang mga kahon na nasa itaas, anong katangian ang HINDI makikita sa mga karunungang-bayan?
a. taludtod b. tugma c. talata d. talinghaga
10. Anong uri ng komposisyong pangmasa ang karaniwang nababasa sa pampublikong sasakyan?
a. bugtong b. tugmang de gulong c. tulang panudyo d. salawikain
11. Batay sa mga kahon sa itaas, anong kahon ang nangangailangan ng kasagutan?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
12. Batay sa tulang panudyo na “Batang makulit , Palaging sumisitsit, Sa kamay mapipitpit”, ano ang tono na
nangingibabaw sa tula?
a. nalulungkot b. nanunudyo c. nagagalit d. nagsusumamo
13. Alin sa mga sumusunod na karunungang-bayan ang may pagkakatulad ng katangian sa kahon 1?
a. Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising
b. Magbigay ka ng walang bayad, kaibigan ka ng lahat
c. Ang di-magbayad walang problema, sa karma pa lang, bayad ka na
d. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat
14. Ano ang tono ng pahayag na “Kwarta na, naging bato pa?”
a. pagkamangha b. pananabik c. panghihinayang d. pagkamangha
15. Punan ang patlang ng angkop na salitang bubuo sa diwa ng pangungusap.
Bumili si nanay ng ______para ulam namin mamayang gabi.
a. da,ing b. da.ING c. DA/ING d. DA.ing
16. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapahayag ng matinding damdamin?
a. Naku, may sunog! b. Naku, may sunog? c. Naku, may sunog. d. Naku, may sunog,
17. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng pagbati?
a. Sila iyon di ba? b. Kumusta ka? c. Ikaw ba ang kumuha? d. Totoo ba?
18. “Sasama kaya siya?” Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag?
a. nagsasalaysay b. nag-aalinlangan c. nagdududa d. nagdadamdam
19. “May sunog?” ano ang mabubuong antas ng tono sa pahayag?
1- mababa 2- katamtaman 3- mataas
3 3
2
su 2 2 2 nog
a. may nog c. may su
3 3
2 nog 2 su
b. may 1 d. may 1
su nog

1 2
Si Juan at ang mga Alimango
Si Mayari at Adlaw
1. Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang
1.Si Mayari ang anak na babae ni Bathala sa isang
inang pumunta sa palengke at bumili ng alimangong
babaeng tagalupa. 2.Siya ay kilala bilang ang
kanilang uulamin sa pananghalian. 2. Agad namang
pinakamagandang diyosa sa lahat. Siya ang diyosa ng
tumalima si Juan at nagpatulong sa tinderang
Pakikibaka, Pangangaso, Armas, Kagandahan, Lakas,
pumili ng matatabang alimango. 3. Matapos mamili
Gabi at ng buwan. 3.Kapatid niya sina Tala, ang diyosa
sa palengke ay agad lumisan si Juan dala-dala ang
ng mga Bituin at si Adlaw, ang diyos ng Araw. Si
mga biniling alimango. 4. Habang naglalakad pauwi
Adlaw o Apolaki ay ang tanging anak na lalaki ni
sa bahay nila, kinausap ni Juan ang mga alimango
Bathala. 4.Siya ang diyosa ng Araw, Karunungan at
at pinagsabihang maunang umuwi sa kanilang bahay.
Estratehiya. 5.Siya ang kapatid nina Mayari, ang diyosa
5. Ibinigay niya sa alimango ang daan patungo sa
ng Buwan at ni Tala, ang diyosa ng mga Bituin. 6.Nang
bahay nila. 6. Sa kanyang paglalakad ay nadaanan
namatay si Bathala na walang sinasabi kung sino ang
niya ang isang malaking punongkahoy, nagpahinga
magmamana sa kanyang trono, nagsimulang lumaban
at nakatulog sa lakas at lamig ng ihip ng hangin.
ang magkapatid na si Adlaw at Mayari. 7.Ginusto ni
7. Pagkagising ay umuwi agad ng bahay si Juan at
Adlaw na siya lamang ang mamumuno sa buong
tinanong ng ina kung nasaan ang alimango.
sangkalikhasa habang ginusto ni Mayari na magkaroon
8. Nagtakang sumagot si Juan na ito’y kanya nang
ng pantay na karapatan ang dalawa sa pamumuno.
pinauwi ng bahay. 9. Sinabi ng nanay ni Juan na
8.Dahil sa alitang ito, napagkasunduan nila na
walang utak ang alimango.
magkaroon ng isang labanan at kung sino ang manalo
ay ang masusunod. 9.Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang
pagbabaka, nagawang saktan ni Adlaw si Mayari,
nawalan ng isang mata.

20. Sino ang tinutukoy na diyosa ng mitolohiya sa kahon 2?


a. Adlaw b. Tala c. Mayari d. Bathala
21. Sa kahon 1, alin sa mga sumusunod na katangian ang sumasalamin kay Juan?
a. katamaran b. kabaitan c. katangahan d.kasabikan
22. Sa anong aspeto magkakatulad ang akdang binasa?
a. ang mga pangyayari ay batay sa totoong buhay c. pinagmulan ng mga bagay-bagay
b. nagtataglay ng kapangyarihan ang mga tauhan d. kapupulutan ng magagandang aral
23. Sa palagay mo, anong katangian ang masasalamin sa pangungusap na “Ginusto ni Mayari na magkaroon ng
pantay na karapatan ang dalawa sa pamumuno” ?
a. ang pagiging ganid sa kapangyarihan c. maging patas sa pagdedesisyon
b. pagkasabik sa posisyon d. maging mabait sa kapwa
24. Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari kung ang lahat ng tao ay katulad mag-isip ni Juan?
a. magiging masaya ang pamumuhay c. malalagay sa panganib ang buhay
b. magiging magulo ang pamumuhay d. hindi uunlad ang buhay
25. Ito ay tumatalakay sa mga kwentong may kinalaman sa mga diyos, diyosa, diwata at mga kakaibang nilalang
na may kapangyarihan. a. alamat b.pabula c.kuwentong-bayan d.mitolohiya
26. Suriin ang pahayag “May isang diwatang nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda at ito ay nalaman ng
mga taga-nayon”. Anong elemento ng kuwento napabilang ang salitang may salungguhit?
a. tauhan b.tagpuan c.kakalasan d.kasukdulan
27. Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng katapusan ng kwento?
a. Upang mapatunayan nagsimula silang hanapin ang dalaga.
b. Noong unang panahon may isang dalagang nakatira sa liblib na pook.
c. Mula noon ang maganda at makulay na munting nilikha ay tinatawag ng mga tao na Paruparo .
d. Sa kasukdulan ng pangyayari natunton nila ang dalaga na puno ng hiwaga.
28. Si Juan ay isang batang may katamaran at may kahinaan ang pag-iisip. Gayunpaman, siya ay palaging
sumusunod sa utos ng nanay niya. Alin sa mga sumusunod na katangian ang sumisimbolo sa katauhan ni
Juan? a. masunurin b. mapagkumbaba c. mapagbigay d. malalahanin
29.”Naku,iho,maaari mo ba akong samahan sa pinakamalapit na center?”Aba opo! Walang atubiling sagot ni
Juan. Anong katangian ang ipinakita ni Juan sa matanda?
a.mapagkumbaba b.matulungin c.masayahin d.maaasahan
30. Kung isasaayos ang mga salitang mahal kita, crush kita, gusto kita ayon sa tindi ng kahulugan, ano ang
tamang ayos ng salita? 1 2 3
a.3,1,2 b.2,3,1 c.1,2,3 d.2,1,3
31. Suriin ang mga sumusunod na salita ayon sa tindi ng kahulugan.
a.ngiti,halakhak,tawa b.tawa,ngiti,halakhak c.halakhak,ngiti,tawa d.ngiti,tawa,halakhak
32.________ ay may magkakapatid na ulila na naninirahan sa isang liblib na baryo sa Malabon. Ano ang angkop
na hudyat ng pagsasalaysay ang akmang gamitin?
a.Isang hapon b. At mula noon c. Makalipas ang ilang araw d. Noong unang panahon
33. Suriin ang pahayag “Mula noon, ang kawal na naging hayop ay tinatawag na tandang” Alin sa mga salita ang
nagbibigay hudyat bilang pangwakas na pahayag?
a.naging b. kawal c. habang d.mula noon
34. Alin ang tamang pahayag na angkop gamitin bilang panimula ng salaysay?
a.Isang hapon ,may isang mangtotroso na nagtungo sa kagubatan.
b.Makalipas ang ilang araw, hindi na nagpakita ang diwata sa mga tao.
c. At mula noon,nagsisi na ang mga tao sa kanilang ginawa sa kagubatan.
d. Naging matapat na ang magtotroso na pinagsabihan ng engkantada.
“Sila’y humingi ng tawad sa diwata at bumalik na ang ganda ng karagatan at muling dumami ang
mga isda”.

35. Alin sa mga pahayag ang mabubuong wakas gamit ang angkop na hudyat ng pagkasunod-sunod ng
pangyayari?
. a.Sa una sila’y humingi ng tawad sa diwata at bumalik na ang ganda ng karagatan at muling dumami ang
mga isda.
b.Pagkatapos sila’y humingi ng tawad sa diwata at bumalik na ang ganda ng karagatan at muling
dumami ang mga isda.
c. Mula noon ,sila’y humingi ng tawad sa diwata at bumalik na ang ganda ng karagatan at muling
dumami ang mga isda.
d. Pagdaan ng ilang araw, sila’y humingi ng tawad sa diwata at bumalik na ang ganda ng karagatan at
muling dumami ang mga isda.
“Kahalagahan ng Pag-aaral o Edukasyon Tungo sa Pag-unlad ng Bansa”
ni:Yolanda Panimbaan
1.Edukasyon…. susi ng tagumpay.2.Ang tanging yaman na kahit kailan ay hindi makukuha lalong-lalo ng
hindi manakaw ng kahit na sino man dito sa mundo.
3.Sa buhay natin ay hindi lahat nakukuha ng walang paghihirap at pagsisikap ganoon din sa pag-aaral
dadaan ka muna sa butas ng karayom at ika nga bago ka makakatapos sa pag-aaral kailangan malakas ang loob
mong harapin ang kahit na ano mang hadlang o suliranin dahil kung lahat ng hadlang ay kaya mong lampas ,
siguro may maliwanag na bukas ang maghihintay sa iyo.
4.Malaki ang tulong ng edukasyon sa ating mga buhay lalo na kung nakatapos ka ng iyong pag-aaral.
5.Nakatapos ka na sa pag-aaral at nakakuha ka nang magandang trabaho, gaganda na ang takbo ng buhay mo.
36.Ano ang mahihinuha sa tekstong binasa?
a.makakamit lamang ang edukasyon sa mga taong may kaya
b.ang edukasyon ang susi sa magandang kinabukasan
c. ang edukasyon ang daan sa pagkakaroon ng maraming kaibigan
d. ang edukasyon ang nagbibigay ng kasaganaan sa buhay
37. “Siguro may maliwanag na bukas ang maghihintay sa iyo”. Anong nais ipahiwatig ng pahayag?
a.Siguradong may magandang bukas na naghihintay sa kanya
b. Siguradong magtagumpay siya
c. Maaring makamit niya ang magandang kinabukasan
d.Siguradong mabigo siya sa kanyang pangarap
38. Sa palagay ko ang pagkalulong sa paglalaro ng computer ay dahilan ng pagkawala ng gana sa pagkain
at pag-aaral ng isang bata. Mula sa pahayag, anong hudyat na salita ang ginamit sa paghihinuha?
a. siguro b.tila c.sa palagay ko d.dahilan
39. Ang tunay na pag-ibig maharil sa materyal na bagay ay nakabubulag sa katotohanan.
Ano ang magiging kahihinatnan ng isang taong mahilig sa materyal na bagay?
a. walang kakuntentuhan b. walang totoong kaibigan c.walang kaligayahan d. maraming totoong kaibigan
Si Miss Phathupats
ni :Juan Crisostomo Solo
Punong-puno ng kolorete ang mukha ng dalagang si Miss Yeyeng. Sabi nila, ipinanganak ang kaniyang mga
magulang sa Sulok ng Pampanga.Dahil dito Pilipina si Miss Yeng mula ulo hanggang paa.
Mahirap lang sila,kaya pagtitinda ang ikinabuhay ng pamilya.Nakikita si Miss Yeyeng na sunog ang ginataan o
kaya bitso-bitso na inilalako niya sa mga sugalan.Nagdalagang walang pagbabago sa buhay nitong binibini.
Natapos ang rebolusyon nagbukas ng paaralan ang pamahalaang military ng Amerika at dito pinagturo ang mga
sundalong Amerikano. Nangyari si Miss Yeyeng pa noon walang ibang suki ang sundalo. Inakit ng sundalong mag-aaral
ang dalaga sa paaralang kaniyang pinagtuturuan upang magkaintindihan sila.
40. Inakit ng sundalong mag-aaral ang dalaga sa paalarang kaniyang pinagtuturuan upang magkaintindihan sila.
Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng pangyayaring nabanggit?
a.gusto ng sundalo na matuto ang dalaga sa pakikipag-usap
b.may gusto ang sundalo sa dalaga dahil magandang Pilipina
c.gusto ng sudalo na tulungan ang dalaga sa paglalako ng kanyang paninda
d.gusto ng sundalo na mag-aaral si Miss Yeyeng upang magkikita sila araw-araw
41. Sa kabutihang ginawa ng sundalo kay Miss Yeyeng ,ano ang maaaring gawin ni Miss Yeyeng upang
masuklian ang kabutihang ginawa ng sundalo sa kanya?
a.pagbubutihin niya ang kanyang pag-aaral at ipapakita sa sundalo na kaya niya
b.pagbubutihin niya ang kanyang pag-aaral at mahalin ang sundalo
c.pagbubutihin niya ang kanyang pag-aaral at alukin ang sundalo ng kasal
d.tatanggihan ng dalaga ang alok ng sundalo dahil hindi niya ito kilala
42. Punong-puno ng kolorete ang mukha ng dalagang si Miss Yeyeng, ano ang ibig sabihin ng salitang
kolorete sa pangungusap? a.palamuti b.alahas c.make-up d.pampaputi
43. Nagdalaga walang pagbabago sa buhay nitong binibini. Alin ang tamang kahulugan ng binibini batay
sa pangungusap? a. dalaga b. tiyahin c. ina d.biyuda
44. Si Casey ay mabait at matalinong bata. Siya ang maaasahan sa loob ng klase. Sino ang tinutukoy sa
panghalip na siya? a. Cass b.Casey c. bata d. kaklase
45. Isa siyang ekonomista kaya alam ng dating Pangulong Arroyo kung paano muling sisigla ang turismo
sa Pilipinas, anong uri ng pananda ang ginamit ? a. anapora b.katapora c.paghihinuha d.kataga
46. Malungkot si Jose tuwing magkukuwento siya tungkol sa kanyang magulang. Alin ang tamang pangungusap
na nasa anyong katapora ang gamit ng pananda?
a.Siya ay malulungkot kapag magkukwento si Jose tungkol sa kanyang magulang
b.Tuwing magkukwento siya tungkol sa kanyang magulang kaya malungkot si jose.
c.Magkukwento si Jose tungkol sa kanyang magulang malulungkot siya.
d.Tuwing magkukwento si Jose tungkol sa kanyang magulang ay malulungkot siya.
Thank you all Filipinos!’ Pinoy surfer sinagip ang atletang Indonesian sa peligro
ABS-CBN News (Posted at Dec 06 2019 07:52 PM | Updated as of Dec 07 2019 07:36 PM)
Ang Pilipinong surfer na si Roger Casogay ang nagbigay-ehemplo ng pagmamalasakit matapos niyang isuko
ang oportunidad na manalo ng medal sa pagsagip sa kaniyang kalaban na Indonesian sa Southeast Asian Games
men's longboard competition sa bayan ng San Juan, La Union nitong Biyernes.
Naputol kasi ang leg rope ni Arip Nurhidayat sa kanilang head-to-head match, kaya't napasugod si Casogay sa
kaniya para matulungan.Makikita sa video na ito na sinamahan ni Casogay si Arip pabalik sa pampang.
“Tinulungan ko na siya. Ina-announce na kasi na malayo na siya,” ani Casogay.
Bago ang insidente, nakakuha na ng mataas na puntos si Casogay mula sa mga hurado, na magbibigay sana sa
kanya ng kalamangan sa third qualifying round sa longboard category. Kung sinumang manalo sa round na iyon
ay makakapasok ng finals para sa gold o silver medal.
“It’s more than surfing. Malaki ’yung alon. Kahit na kalaban natin ’yun, ang No. 1 na goal pa rin natin dito is
safe and have a good and friendly competition kahit na at stake ’yung gold, silver, bronze,” ani Landrigan.
Nagpasalamat at pinuri ng Indonesian surfing team si Casogay para sa kaniyang tulong.
47.Sinong Pinoy surfer ang sumagip sa atletang Indonesian sa peligro?
a.Roger Moore b.Roger Cabasag c. Roger Casogay d.Roger Cruz
48.Si Roger Casogay ay nagbigay ehemplo ng pagmamalasakit sa kapwa. Ano ang mabubuong kahulugan sa
salitang sinalungguhitan sa pangungusap? a. huwaran b. batayan c. sandigan d. saksi
49. Naputol kasi ang leg rope ni Arip Nurhidayat sa kanilang head-to-head match, kaya't napasugod si Casogay
sa kaniya para matulungan. Kung susuriin ang pahayag ,anong bahagi ng pahayag ang sasagot sa katanungan
na paano nangyayari?
a. natanggal ang rope ni Roger Casogay sa kanilang head to head match
b. naputol kasi ang leg rope ni Arip Nurhdayat sa kanilang head to head match
c. nagmamadaling tumulong ang mga Pilipino sa atletang Indonesian
d. napasugod ang Pinoy na atleta upang tulungan ang kapwa atleta na nasa peligro
50. Sa ipinakitang kabayanihan ni Roger Casogay, alin ang tamang saloobin na dapat tularan ng mga kabataan?
a. Dapat lamang tumulong sa mga taong nangangailangan kahit walang kapalit.
b. Tutulong tayo dahil may kapalit na gantimpala o medalya.
c. Kailangan tumulong upang sisikat at maibabalita sa buong mundo ang ginawang kabayanihan.
d. Upang matulungan ka rin sa panahon na ikaw ang nangangailangan.

You might also like