You are on page 1of 6

SALINUNGAN NATIONAL HIGH SCHOOL

San Mateo, Isabela


UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 7
S.Y. 2023-2024
PANGALAN_______________________ Iskor:___________
Antas at Seksyon___________________

MARAMIHANG PAGPIPILIAN Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakahilig


ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa katapat na numero.

1. Lumalabas ang mag-asawa tuwing takipsilim upang mangaso.


a. hatinggabi c. madaling araw
b. katanghaliang tapat d. papalubog na ang araw
2. Gumagamit sila ng bitag upang makaakit sa mga hayop.
a. kampilan c. pana
b. pagkain d. patibong
3. Isang matabang usa ang kanyang nadale.
a. nadaanan c. naisama
b. nahuli d. nakita
4. Sa halip na kumibo ay nag-isip na lang ng ibang paraan ang babae.
a. humuni c. magsalita
b. kumilos d. umawit
5. Makikitang nakaputong sa ulo ni Pingkaw ang isang basurang korteng korona.
a. nakadikit c. nakasabit
b. nakapatong d. nakabitin
6.Punit-punit ang mga kasuotan ng mga batang naglalaro sa kalsada.
a. gulagulanit c. lukot-lukot
b. kusot-kusot d. luma
7.Ang mga nakasaksi sa kanyang ginagawa ay wala man lang naitulong.
a. nakapansin c. nakahula
b. nakakita d. nasilip
8.Bumabalani sa pandinig ang kanyang magandang boses.
a. tumutunog c. nakaririndi
b. umaakit d. nakabibingi
9. Sinalat ni Pinkaw ang noo ng anak na may sakit.
a. hinawakan c. hinaplos
b. dinampian d. sinagi
10. Wala na siyang alam na gawain kaya’t siya ay naging namumulot ng basura.
a. basurero c. pulubi
b. naghahalukay ng basura d. walang trabaho

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.

Mikrobyong Sanhi ng Sakit


Ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay tumutukoy sa kumpol ng mga
kaso ng viral pneumonia na naganap sa Wuhan, Hubei Province, mula pa
noong Disyembre 2019. Ayon sa pagsisiyasat ng mga awtoridad sa kalusugan
ng Mainland, isang nobelang coronavirus ay natagpuan na ahente ng sanhi.
Mula sa https://www.chp.gov.hk
11. Paano nagbibigay ng mga patunay ang talatang nabasa?
a. Pinatutunayan ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga ebidensiyang nakasulat at mga larawan.
b. Pinatutunayan ito sa pamamagitan ng paglalahad sa kahulugan ng COVID-19.
c. Pinatutunayan ito sa pamamagitan ng paglalahad ng mga detalye tungkol sa COVID-19 at pagbanggit
sa isang pag-aaral.
d. Pinatutunayan ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng sapat na ebidensiya tungkol sa COVID-19.
12. Batay sa iyong ginawang pagsusuri, ano ang ginamit na paraan ng pahayag sa pagbibigay ng isang patunay?
a. Taglay ang matibay na kongklusyon c. Nagpapakita
b. May dokumentaryong ebidensiya d. Pinatunayan ng mga detalye
13. Bakit kinakailangang masuri ang mga detalye?
a. upang maging matibay ang ebidensiya
b. upang makita ang katotohanan sa pahayag
c. upang makapanghikayat sa mambabasa
d. upang maging mabisa ang panghihikayat

Mga Klinikal na Katangian


Ayon sa impormasyong ibinigay ng mga awtoridad sa kalusugan ng Mainland, ang
mga sintomas ng mga kaso ay may kasamang lagnat, pananamlay, ubong matigas
(o dry cough) at pangangapos ng hininga. Ang ilang mga kaso ay nasa malubhang
kondisyon. Ang mga taong nasa nakatatandang edad o nagkakaroon ng
pangunahing sakit ay nasa mas mataas na peligro na lumala sa malubhang
kondisyon.
Mula sa https://www.chp.gov.hk

14. Paano nagbibigay ng mga patunay ang talatang nabasa?


a. Pinatutunayan ito sa pamamagitan ng paglalahad ng isang impormasyong galing sa eksperto na nagpapahiwatig ng
mga ebidensiya.
b. Pinatutunayan ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga nakalap na larawan.
c. Pinatutunayan ito sa pamamagitan ng isang matibay na kongklusyon.
d. Pinatutunayan ito sa pamamagitan ng mga salitang nakapanghihikayat sa mga mambabasa.
15. Ano ang ginamit na paraan ng pahayag sa pagbibigay ng isang patunay?
a. Nagpapahiwatig
b. Nagpapakita
c. Pinatutunayang detalye
d. Kakaibang kongklusyon
16.“Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan,” ang tahimik niyang naibulong sa sarili.
Mahihinuhang ang babaeng tulad ni Lokes a Babay ay…
a. Magalitin b. mapagtimpi c. masayahin d. matampuhin
17.Pinagbilinan ni Lokes a Babay ang kaniyang mga guwardiya na huwag palalapitin sa kaniyang magarang tahanan
ang kaniyang asawa. Mahihinuhang si Lokes a Babay ay…
a. mahirap pakisamahan at walang nakasusundong tao
b. naging masama na rin ang ugali dala ng kaniyang kayamanan o salapi
c. mapaghiganti at ikinatutuwa ang kapahamakan ng iba tulad ng kaniyang asawa
d. may itinatagong lakas ng kalooban at hindi kasinghina ng inaakala ng kaniyang asawa
18.Ang mag-asawa sa binasa ay kapwa nabuhay sa pangangaso. Mahihinuhang ang kanilang lugar ay….
a. nasa gubat c. nasa tabing-dagat
b. nasa lungsod d. nasa kapatagan
19.Magmula ngayon, lilipat na ako ng tirahan at hindi na kita aabalahin subalit huwag na huwag mo na rin akong
aabalahin. Mahihinuha sa sinabing ito ni Lokes a Babay na…
a. Ang lalaki ay siyang hari sa kanilang tahanan.
b. Ang babae ay naghahanap ng kalinga at pagmamahal sa asawa.
c. Ang babae ay maaaring umalis kahit walang matibay na dahilan.
d. Ang babae ay gaano man kabait, napupuno rin at natututong ipagtanggol ang sarili.
20.Iniluto ni Lokes a Mama ang matabang usa at ito’y kaniyang kinaing mag-isa nang hindi man lang inalok ang
kaniyang tahimik at hindi tumutol na maybahay. Mahihinuha sa pahayag na ito na…
a. Ang babae ay hindi hinayaang kumain ayon sa paniniwala.
b. Ang lalaki ay siyang tagapagluto at tagapamahala sa kusina.
c. Ang babae ay kailangan munang may mahuli ring hayop bago
d. Ang lalaki ay pinuno o lider ng sambahayan kaya’t mas nagawa niya ang nais kaysa babae.
21.Tumutukoy ito sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.
a.sanhi c. epekto
b.bunga d. resulta
22.Tumutukoy naman ito sa kinalalabasan o dulot ng isang pangyayari?
a.bunga c. dahilan
b.sanhi d. ugat
23. Itinakbo sa ospital ang bata sapagkat nahimatay siya sa pagod. Ano ang pang-ugnay na ginamit sa
sanhi at
bunga?
a.sa c. pagkat
b.sapagkat d. ang
24. Pumutok ang gulong ng sasakyan ni Jovanie kaya napatigil siya sa daan. Ano ang bungang
ipinapahiwatig sa
pangungusap?
a.pumutok ang gulong c. gulong ng sasakyan
b.napatigil siya sa daan d. sasakyan ni Jovanie
25. Ang mga damit sa sampayan ay agad na natuyo pagkat sobrang matirik ang sikat ng araw. Ano ang
sanhing
isinasaad sa pangungusap?
a.ang mga damit sa sampayan c. agad natuyo
b.matirik ang sikat ng araw d. ang sikat ng araw
26.Nakapagtapos siya ng pag-aaral kaya umasenso ang kaniyang buhay. Ano ang bungang ipinapahiwatig
sa
pangyayari?
a.umasenso ang kaniyang buhay c. kaya umasenso
b.nakapagtapos siya ng pag-aaral d. siya
27. Maraming naghirap sa panahon ng krisis kasi tumaas ang presyo ng mga bilihin.Ano ang sanhing
isinasaad sa
pangyayari?
a.maraming naghihirap c. sa panahon ng krisis
b.tumataas ang presyo ng mga bilihin d. ang presyo ng mga bilihin
28.Tumataas ang kaso ng COVID-19 dahil sa kakulangan ng disiplina ng mga tao . Alin sa mga paliwanag
ang angkop na sanhi?
a. dahil sa kakulangan ng disiplina ng mga tao c. kakulangan ng pamillya
b.kakulangan ng salapi d. lahat ng nabanggit
29.Si nanay ay nagkaroon ng sakit sa baga. Alin sa mga paliwanag ang angkop na sanhi?
a.naliligo araw-araw c. labis na pag-inom ng alak
b.nakababad sa araw d. nakatutok sa kompyuter
30.Si Jovern ay nagsikap sa pag-aaral. Alin sa mga paliwanag ang angkop na sanhi?
a.maraming salapi c. may trabaho
b.sa labis na kahirapan d. gustong may gantimpala
31. Ang binyag ng mga Muslin ay nahahati sa____
a. apat na seremonya b. talong seremonya c. dalawang seremony d.limang seremonya
32. Ang ikatlo at huling seremonyas sa pagbibinyag ay tinatawag na
a. bulong b. penggunteng c. pagislam d. pandita
33. Ang nanguna sa seremonya ng penggunteng at bang sa sanggol ay ang _____
a. Imam b. Abdullah c. Allah d. Amirah
34. Ang katawagan ng mga muslim para sa Diyos o Panginoon
a. Ama b. Allah c. Abdullah d. Imam
35. Ang seremonya ng pagbibigay ng pangalan at paggupit sa buhok ng sanggol at paglalagay nito sa
mangkok
na may tubig.
a. bulong b. penggunteng c. pagislam d. pandita
36. Ang makisig na ama ng sanggol
a. Imam b. Abdullah c. Allah d. Amira
Para sa bilang 37-45. Pagsunod-sunurin ang pangyayari sa kwentong “ Si Pinkaw”
1.Nagkasakit ang mga anak ni Pinkaw dahil nakakain ng sirang pagkain mula sa tambakan.
2. Nagising ang kapitbahay na siyang tagapagsalaysay sa ingay ng mga batang sumusunod na nanunukso kay
Pinkaw.
3. Namatay ang tatlong anak ni Pinkaw na siyang naging sanhi ng pagkawala ng kanyang katinuan.
4. Habang pinagmamasdan si Pinkaw ay naalala at isinalaysay ng kapitbahay ang naging buhay ni Pinkaw
bago siya nabaliw.
5. Paghahalukay ng basura ang naging hanap buhay ni Pinkaw.
6. Sa kabila ng mahirap niyang buhay ay masaya pa rin si Pinkaw at nagsabing hindi niya iaasa ang buhay sa
gobyerno.
7. Sinaway ng kapitbahay ang mga bata sa ginagawa nila kay Pinkaw
8. Walang tumulong sa mag-iina kahit nakita na nilang naghihingalo na ang mga bata.

37. Unang pangyayari sa kwento ay matatagpuan sa bilang____


a. 2 b. 1 c. 3 d. 4
38. Ang ikalawang pangyayari sa kwento ay matatagpuan sa bilang____
a. 2 b. 7 c. 4 d. 6
39. Ang ikatlong pangyayari sa kwento ay matatagpuan sa bilang___
a. 5 b. 7 c. 4 d. 6
40. Ikaapat na pangyayari sa kwento ay nasa bilang ____
a. 5 b. 7 c. 4 d. 6
41. Ikalimang pangyayari sa kwento ay matatagpuan sa bilang ____
a. 1 b. 7 c. 3 d.6
42. Ikaanim sa pangyayari sa kwento ay mababasa sa bilang _____
a. 1 b. 7 c. 3 d.6
43. Ikapitong pangyayari sa kwento ay nasa bilang ika-____
a. 8 b. 7 c. 3 d.6
44. Ang huling pangyayari ng kwento ay nasa bilang_______
a. 2 b. 1 c. 3 d. 4
45.Ang maikling kwentong Pinkaw ay isinulat ni___
a. Jose Rizal b. Isabelo S. Sobrevega c. Miklat d. Casinova

Piliin sa loob ng kahon ang titik ng wastong pang-ugnay na dapat gamitin upang mabuo ang
diwa ng pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

a. Para sa b. at c. na d. kapag e. bagkus


f. alinsunod g. tunay h. subalit i. dahil sa j. kung

46. Si Alden ay masunurin at mabait _______ bata.


47. Sa kabila ng mabibigat na pagsubok, ________ ngang tayong mga Pilipino’y hindipatitibag.
48.____________ mga kautusan at panuntunan sa pagpapatupad General Community
Quarantine (GCQ) sa ating lungsod, papatawan ng kaukulang parusa ang sinumang lalabagnito.
49.________ mga mamamayan, bayaning maituturing ang mga frontliner kaya idinadalanginnila ang kaligtasan
ng mga ito.
50.Hindi matatapos ang krisis ng ating bansa _______ patuloy tayong magmamatigas at magrereklamo.
51.May pagtingin siya sa iyo __________ nahihiya siyang ipakita sa iyo.
52.Maraming mga tahanan ang nasira _________ malakas na bagyo.
53.Ang ating kalusugan ay huwag nating pabayaan _______ ito ay ating pangalagaan.
54.Masarap kumain _____ salo-salo ang buong mag-anak.
55 Sina Ana _____ Amy ay mabait, magalang at masunuring mga bata.
56. Saang bahagi ng travel brochure makikita ang paglalarawan sa lugar ukol sa kasaysayan?
a.Introduksyon o panimula b.Lokasyon ng mga prominente
c. Lugar ng kainan d. Halaga ng transportasyon
57. Makikita ba sa travel brochure ang mga halaga ng pamasahe sa lugar na pasyalan?
a.Hindi lahat b.Oo makikita
c. Siguro makikita d. Wala sa pinagpipilian
58. Paraan sa paggawa ng proyektong panturismo na ginagamitan ng larawan at mga piling salita.
a.Poster at Slogan b.Blog
c. Travel Blog d. Travel Bag
59. Ito ay naglalaman ng mga lugar na nais dalawin ng mga turista.
a.Brochure b.Personal Blog
c. Travel Brochure d. Time Travel
60. Ito ay isang paraan ng proyektong panturismo na nakalagay ang mga mahalagang impormasyong nais ibahagi sa
iba.
a.Audio-Visual b.Blog
c. Audio Presentation d. Video Presentation
Inihanda ni: Iwinasto ni: Pinagtibay ni:

MARICEL S. CARIAGA MARICRIS M. GAMBOA DENNIES M. LINTAO, EdD


Guro sa Filipino MT- II P-IV

SUSI SA PAGWAWASTO
FILIPINO 7

1 D 11 C 21 A 31 B 41 D 51 H
2 D 12 A 22 A 32 C 42 A 52 I
3 B 13 B 23 B 33 A 43 A 53 E
4 C 14 A 24 B 34 B 44 C 54 D
5 B 15 A 25 B 35 B 45 B 55 B
6 A 16 B 26 A 36 B 46 C 56 A
7 B 17 D 27 B 37 A 47 G 57 B
8 B 18 A 28 A 38 B 48 F 58 A
9 C 19 D 29 C 39 C 49 A 59 C
10 B 20 C 30 B 40 A 50 J 60 B

You might also like