You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Divisyon ng Ilocos Sur
Sulvec Integrated School

SUMMATIVE TEST FILIPINO 7

Pangalan : __________________________________________ Petsa: ______ Iskor: ____


I. Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan,” ang tahimik niyang
naibulong sa sarili. Mahihinuhang ang babaeng tulad ni Lokes a Babay ay…
a. Magalitin b. mapagtimpi c. masayahin d.
matampuhin
2. Pinagbilinan ni Lokes a Babay ang kaniyang mga guwardiya na huwag palalapitin sa
kaniyang magarang tahanan ang kaniyang asawa.
Mahihinuhang si Lokes a Babay ay…
a. mahirap pakisamahan at walang nakasusundong tao
b. naging masama na rin ang ugali dala ng kaniyang kayamanan o salapi
c. mapaghiganti at ikinatutuwa ang kapahamakan ng iba tulad ng kaniyang asawa
d. may itinatagong lakas ng kalooban at hindi kasinghina ng inaakala ng kaniyang
asawa
3. Ang mag-asawa sa binasa ay kapwa nabuhay sa pangangaso. Mahihinuhang ang
kanilang lugar ay….
a. nasa gubat c. nasa tabing-dagat
b. nasa lungsod d. nasa kapatagang taniman ng palay
4. Magmula ngayon, lilipat na ako ng tirahan at hindi na kita aabalahin subalit huwag na
huwag mo na rin akong aabalahin.
Mahihinuha sa sinabing ito ni Lokes a Babay na…
a. Ang lalaki ay siyang hari sa kanilang tahanan.
b. Ang babae ay naghahanap ng kalinga at pagmamahal sa asawa.
c. Ang babae ay maaaring umalis kahit walang matibay na dahilan.
d. Ang babae ay gaano man kabait, napupuno rin at natututong ipagtanggol ang
sarili.
5. Iniluto ni Lokes a Mama ang matabang usa at ito’y kaniyang kinaing mag-isa nang hindi
man lang inalok ang kaniyang tahimik at hindi tumutol na maybahay.
Mahihinuha sa pahayag na ito na…
a. Ang babae ay hindi hinayaang kumain ayon sa paniniwala.
b. Ang lalaki ay siyang tagapagluto at tagapamahala sa kusina.
c. Ang babae ay kailangan munang may mahuli ring hayop bago
d. Ang lalaki ay pinuno o lider ng sambahayan kaya’t mas nagawa niya ang nais
kaysa babae.
6. “Mayaman na ako! Mayaman na ako!” Mahihinuhang ang pahayag na ito ay…
a. naiiyak c. nagtataka
b. nalulungkot d. natutuwa
7. Ang tinutukoy na isang mangangaso ay...
a. mag-ama c. mag-ina
b. mag-asawa d. magkapatid
8. “Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa akin.” Mahihinuhang ang pahayag na ito ay…
a. maluhain c. nahihirapan
b. matiisin d. sumusuko
9. Ano ang maraming naipon ni Lokes a Babay na walang kamalay-malay si Lokes a
Mama?
a. ari-arian c. perlas
b. diyamante d. salapi
10. Hindi lang ang lalaking si Lokes a Mama ang nangangaso maging ang asawa niyang si
Lokes a Babay ay nangangaso rin. Mahihinuhang ang pahayag na ito ay...
a. pantay-pantay ang responsibilidad
b. masagana ang buhay ng mag-asawa
c. naghihirap ang mag-asawa
d. pansariling pagsusumikap

II. Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga pahayag. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

11.Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng mga ebidensiyang nakasulat, nakalarawan


o naka-video?
a. Nagpapahiwatig c. Dokumentaryong ebidensiya
b. Nagpapakita d. Nagpapatunay / Katunayan
12.Mga salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinapahayag.
a.Kapani-paniwala c. Pinatunayan ng mga detalye
b.Nagpapatunay / Katunayan d. Dokumentaryong edidensiya
13.Tumutukoy sa hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo na mga ebidensiya.
a. Nagpapahiwatig c. Kapani-paniwala
b.Pinatutunayan ng mga detalye d. Nagpapakita
14.Isang pahayag ng pagbibigay ng patunay na kung saan makikita mula sa mga detalye
ang mga patunay.
a. Pinatutunayan ng mga detalye c. Dokumentaryong ebidensiya
b. Taglay ang matibay na kongklusyon d. Nagpapakita
15.Isang katunayang pinalalakas ang ebidensiya o impormasyon at totoo ang kongklusyon.
a. Pinatutunayan ng mga detalye c. Kapani-paniwala
b. Taglay ang matibay na kongklusyon d. Nagpapakita
16.Mga salitang naglalahad na ang isang bagay na pinatutunayan ay totoo o tunay.
a. Nagpapahiwatig c. Nagpapakita
b. Taglay ang matibay na kongklusyon d. Nagpapatunay / Katunayan
17.Nakasaad sa mga salitang ito na ang mga patunay ay kapani-paniwala o
makapagpapatunay.
a. Nagpapakita c. Nagpapahiwatig
b. Nagpapatunay / Katunayan d. Kapani-paniwala
18.Ang mga sumusunod ay ang mga pahayag sa pagbibigay ng patunay, maliban sa...
a.Dokumentaryong ebidensiya c. Pinatutunayan na detalye
b.Kakaibang Kongklusyon d. Kapani-paniwala
19.Alin sa mga sumusunod na mga pahayag sa pagbibigay ng patunay na nagsasabi na
mahalagang masuri ang mga detalye para makita ang katotohanan sa pahayag?
a.Pinatutunayan ng mga detalye c. Kapani-paniwala
b.Nagpapakita d. Dokumetaryong ebidensiya
20.Ito ay mga ebidensiyang makikita o mahahawakan na magpapatunay sa isang bagay.
a.Kapani-paniwala c. Pinatutunayan ng mga detalye
b.Nagpapatunay / Katunayan d. Dokumentaryong ebidensiya

III. Maghinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa akdang napakinggan.


Isulat ang titik ng tamang sagot.
21.Kapag nalaman ng ibang hayop ang sanhi ng pagkamatay ang baboy-ramo dahil sa
panlilinlang ni Pilandok, ano kaya ang kanilang gagawin?
a. Sasaktan o gaganti sila kay Pilandok.
b. Pupurihin nila si Pilandok sa kaniyang asawa.
c. Iiwas sila at hindi na makikipagkaibigan o lalapit kay Pilandok.
d. Kakaibiganin nila sa Pilandok.

22.Hindi kinain ng baboy-ramo ang mangangaso. Bakit kaya?


a. dahil mabilis nitong napaputok ang dalang riple at natamaan ang baboy-ramo
b. dahil tumalon ito kaagad sa batis at lumangoy
c. dahil kinaibigan niya ang baboy-damo
d. dahil mabilis itong tumakbo papalayo
23.Naisahan na naman ni Pilandok ang buwaya. Ano kaya ang mangyayari sa susunod
na magkrus uli ang landas ng dalawa?
a. Hindi na pakakawalan nang buhay ng buwaya si Pilandok.
b. Iiwas na lamang ang buwaya kay Pilandok.
c. Magiging magkaibigan na si Pilandok at ang buwaya.
d. Muli na namang maiisahan ni Pilandok ang buwaya.
24.Sa palagay mo, bakit kaya pumayag ang suso na makipagkarera kay Pilandok?
a.dahil alam niyang matatalo lamang siya
b.dahil alam niya kung gaano katuso si Pilandok
c. dahil may nakahandang plano na ang mga suso
d. dahil gusto ng suso na mapagod si Pilandok
25.Ano kaya ang mangyayari kung hindi nagpalinlang ang buwaya kay Pilandok?
aNakain ng buwaya si Pilandok.
b.Naging magkaibigan ang buwaya at si Pilandok.
c.Naging magkasabwat ang buwaya at si Pilandok.
d.Silang dalawa ang magkakarera.
26.Nagbunyi ang ibang hayop nang matalo ng isang munting suso si Pilandok.
Ano kayang mensahe ang ipinaabot ng mga hayop kay Pilandok?
a.Pumusta kami kay Suso kaya sa pagkatalo mo ay mayroon kaming
matatanggap na premyo.
b.Tama lang na nangyari iyan sa’yo para malaman mo kung ano ang nadarama
ng kapwa mo kapag ikaw naman ang nalilinlang sa kanila.
c.Ang galing mo talaga Pilandok! Ikaw ang iniidolo namin.
d.Kawawa ka naman Pilandok.
27.Biglang binitiwan ng buwaya ang kagat-kagat na paa ni Pilandok. Bakit kaya?
a.dahil sinabi ni Pilandok sa buwaya na patpat lang ang kagat-kagat niya
b.dahil natakot ang buwaya kay Pilandok
c.dahil tinadyakan niya ang buwaya
d.dahil itinulak ang buwaya ni Pilandok
28.Ano kayang katangian ang makikita kay Pilandok nang tinanggap niya ang kanyang
pagkatalo at nangakong magbabago na ito?
a.Hindi marunong magpakumbaba si Pilandok.
b.Masipag din pala si Pilandok at gagawin ang makakaya para makatulong sa
kapwa hayop.
c.Mahusay talagang makisama at maaasahan ng maraming hayop ang mabait
na si Pilandok.
d.Marunong ding tumanggap ng pagkatalo at alam ni Pilandok kung kailan siya
magpapakumbaba.
29.Pagkatapos ng pagkatalo ni Pilandok sa suso at nangangakong magbabago na, ano kaya
ang mangyayari?
a.Muling manlilinlang si Pilandok ng hayop kapag siya ay nagipit.
b.Iiwas na si Pilandok na manlinlang o manloko ng ibang hayop.
c.Hindi na ipakikita o ipaalam ni Pilandok sa iba kapag siya’y nanloko uli ng
kapwa niya.
d.Hindi na siya magpapakita kailanman sa ibang hayop.
30.Kung mayroon kang taong kakilala katulad ni Pilandok, paano mo siya matutulungang
magbago?
a. Papayuhan at aawatin ko ang kaniyang maling gawain.
b. Hahayaan na lamang siya sapagkat iyon ang kaniyang gusto.
c. Aawayin at isusumbong ko sa iba.
d. Hindi ko siya papansinin at iiwasan ko siya.

IV. Basahing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

30.Tumutukoy ito sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.


a.sanhi c. epekto
b.bunga d. resulta
31.Ano ang kinalalabasan o dulot ng isang pangyayari?
a.bunga c. dahilan
b.sanhi d. ugat
32.Itinakbo sa ospital ang bata sapagkat nahimatay siya sa pagod. Ano ang pang-ugnay na
ginamit sa sanhi at bunga?
a.sa c. pagkat
b.sapagkat d. ang
33.Pumutok ang gulong ng sasakyan ni Jovanie kaya napatigil siya sa daan. Ano ang
bungang ipinapahiwatig sa pangungusap?
a.pumutok ang gulong c. gulong ng sasakyan
b.napatigil siya sa daan d. sasakyan ni Jovanie
34. Ang mga damit sa sampayan ay agad na natuyo pagkat sobrang matirik ang sikat ng
araw. Ano ang sanhing isinasaad sa pangungusap?
a.ang mga damit sa sampayan c. agad natuyo
b.matirik ang sikat ng araw d. ang sikat ng araw
35. Nakapagtapos siya ng pag-aaral kaya umasenso ang kaniyang buhay.
Ano ang bungang ipinapahiwatig sa pangyayari?
a.umasenso ang kaniyang buhay c. kaya umasenso
b.nakapagtapos siya ng pag-aaral d. siya
36. Maraming naghihirap sa panahon ng krisis kasi tumaas ang presyo ng mga bilihin.
Ano ang sanhing isinasaad sa pangyayari?
a.maraming naghihirap c. sa panahon ng krisis
b.tumataas ang presyo ng mga bilihin d. ang presyo ng mga bilihin
37. Tumataas ang kaso ng COVID-19. Alin sa mga paliwanag ang angkop na sanhi?
a.kakulangan ng disiplina ng mga tao c. kakulangan ng pamillya
b.kakulangan ng salapi d. lahat ng nabanggit
38. Si nanay ay nagkaroon ng sakit sa baga. Alin sa mga paliwanag ang angkop na sanhi?
a.naliligo araw-araw c. labis na pag-inom ng alak
b.nakababad sa araw d. nakatutok sa kompyuter
39.Si Jovern ay nagsikap sa pag-aaral. Alin sa mga paliwanag ang angkop na sanhi?
a.maraming salapi c. may trabaho
b.sa labis na kahirapan d. gustong may gantimpala
40..Ano ang kinalalabasan o dulot ng isang pangyayari?
a.bunga c. dahilan
b.sanhi d. ugat

V. Gamit ang sanhi at bunga, sumulat ng sariling karanasan kaugnay sa pandemyang kinakaharap ng
bansa. (10 puntos)

41-50.

Inihanda ni: Binigyang-pansin:


MARITA C. CACABELOS LARNIE D. MOLINA, Ed.D.
Guro III Punongguro IV

You might also like