You are on page 1of 6

PAGSUSULIT SA FILIPINO

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 10
TAONG PANURUAN 2018-2019

Pangalan:___________________________Pangkat:___________Marka:______

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Ilagay ang tamang titik ng tamang
sagot. Cupid and Psyche(Mitoholohiya)

Sinasabi nilang kahit si Venus, ang diyosa ng kagandahan, ay hindi makapapantay sa ganda nito.
Nalimot na rin ng kalalakihan na magbigay ng alay at magpuri sa dyosa. Gayundin, ang kaniyang
templo ay wala nang mga alay, naging marumi, at unti-unti nang nasisira. Lahat ng papuri’t
karangalang dapat sa kaniya ay napunta na lahat sa isang mortal. Nagalit si Venus at inutusan niya
si Cupid……..
Sinundan ni Psyche ang asawa subalit paglabas niya, hindi na niya Nakita ang lalaki. Narinig na
lamang niya ang tinig ng asawa. Ipinapaliwanag nito kung sino siyang talaga. “ Hindi mabubuhay
ang pag-ibig kung walang tiwala,” wika niya bago tuluyang lumipad papalayo. “Si Cupid, ang diyos
ng pag-ibig!” ang naisip ni Psyche. “Siya ang asawa ko.

1. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa sinalungguhitang pahayag?


a. Walang pag-ibig kung walang tiwala.
b. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala.
c. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala.
d. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay.
2. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?
V tiniga. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
b. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
c. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.
d. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa.
3. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Psyche at
Cupid? Ginawa ni Venus
a. ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
b. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid.
c. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi.
d. Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw na
asawa.
4.Mas mabuting maging mahiraop na alipin ng dukhang panginoon. Ang salitang may
salungguhit ay nangangahulugang ____________.
a. Amo
b. Diyos
c. Bathala
d. siga
Para sa aytem 5-6

(1) Dinala ni Mercury si Psyche sa kaharian ng mga diyos. (2) Dito iniabot ni Jupiter kay Psyche
ang ambrosia, ang ng mga diyos upang maging imortal.

5.Paano ginamit ang pandiwang nakasalungguhit sa pangungusap 1?


Ginamit ito sa pagpapahayag ng _________.
a. Karanasan
b. Pangyayari
c. Aksyon
d. proseso
6. Ano ang kahulugan ng nakasalungguhit na salita sa pangungusap 2?
a. Nanaig ang pagkaiingit
b. Pagkain ng diyos-diyosan
c. Walang katapusan
d. nahikayat
Para sa aytem 7-8
Suriin ang gamit ng pandiwang nakasalungguhit sa pangungusap.
7. Dahil sa paghihirap natukso siyang tumalon.
a. Pangyayari
b. Karanasan
c. Aksyon
d. Proseso
8. Nalungkot si Bantugan s autos ng hari kaya minabuti niyang lumayo na lamang.
Suriin ang gamit ng sinalungguhitang pandiwa sa pangungusap.
a. Proseso
b. Aksyon
c. Karansan
d. pangyayari
Sanaysay (Alegorya ng Yungib)
Para sa aytem 9-12
Alina ng angkop gamiting ekspresiyon sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw o
ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa o pananaw ng bawat pahayag
upang mabuo ang Konseptong pananaw sa bawat bilang.

9. _____Counsels on Diet and Food ay binanggit na ang mga tinapay na tatlong araw nang
nakaimbak ay mas mabuti sa ating katawan kung ihahambing sa bagong luto at mainit na
tinapay.
a. Sa aking pananaw
b. Sa tingin ng
c. Batay sa
d. inaakala
10.______maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Paquiao sa sunod-sunod niyang laban
ay nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Paquiao ang kaniyang karera sa
pagboboksing.
a. Ayon
b. Sa paniniwala ng
c. Sa kabilang dako
d. samantala
11.________ ang mga Pilipino ay higit na magiging mapanuri sa mga proyekto ng pamahalaan
matapos mabatid ang matinding korapsiyon ng ilang politiko.
a. Samantalang
b. Ayon sa
c. Inaakala ko
d. Pinaniniwalaan kong
12. _________ Department of Social Welfare and Development,mapanganib din sa mga bata
ang paglalaro ng mga marahas na internet game lalo’t nasa development stage pa lamang ang
isang bata.
a. Sa aking pananaw sa
b. Ayon kay
c. Batay sa
d. Inaakala ng
13. Ang pagbili ng kalakal ng isang bansa mula sa ibang bansa gaya ng langis at mga kaugnay
na produkto ay tinatawag nap ag-aangkat o import.______, masasabing mahalaga ang pag-
aangkat para sa isang maunlad ng bansa.
a. Sa ganang akin
b. Sa aking palagay
c. Sa isang banda
d. Sa paniniwala
Parabula ( Ang Tusong Katiwala)
14. Alin ang hindi katangian ng parabulang “ Ang Tusong Katiwala” ayon sa kakanyahan nitong
makapagturo ng pamantayang moral?
a. Itinuturo nitong maging isang taong mapagkakatiwalaan sa lahat ng panahon at
pagkakataon.
b. Itinuturo nitong magkaroon ng wastong paggamit sa makamundong yaman.
c. Itinuturo nitong magkaroon ng pag-bis sa pamilya.
d. Itinuturo nitong hindi tayo pwedeng makapaglingkod nang sabay sa Diyos at
kayamanan.
15. “At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba,sino ang magbibigay sa inyo
ng talagang para sa inyo? Ano ang damdaming angkop sa pahayag?
a. Pagtataka
b. Awa
c. Lungkot
d. Pag-aalinlangan

Para sa aytem 16-20

May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala

16.

Para sa bilang 20 at 21
Ayaw ni Okonkwo sa mahihina. Sa ganoong paraan niya pilit na iwinawaksi ang
tumatak na pagkatao ng kaniyang amang si Unoka sa kanilang pamayanan. Tamad, baon sa
utang, mahina, at walang kuwenta sapagkat ni isang laban ay walang naipanalo ang kaniyang
ama. Mag-isang hinubog ni Okonkwo ang kaniyang kapalaran. Nagsumikap maiangat ang
buhay, nagkaroon ng maraming ari-ariang sapat upang magkaroon ng tatlong asawa, titulo
sa mga laban, at higit sa lahat pagkilalamula sa mga katribo.

Hango sa Paglisan (Buod) Isinalin ni Juliet U. Rivera

20. Batay sa binasang akda.Ano ang katangian ni Okonkwo sa kaniyang mga desisyon sa
buhay?
a. mapaghiganti c. puno ng hinanakit
b. b. may iisang salita d. may determinasyon sa buhay
21. Sa iyong palagay, bakit gusto ni Okonkwo na makilala siya ng mga katribo?
a. Mahina ang kaniyang ama
b. Gusto niyang maghiganti sa kaniyang ama
c. Dahil walang kuwenta ang kaniyang ama
d. Gusto niya ng karangalan, pangalan at katanygan
22. Paano ang dapat na pagsusuri sa akda bilang isang salin?
a. Maayos ang pagkakasalin
b. Malaya at madaling maunawaan
c. Nauunawaan ang nais ipabatid ng isinalin
d. Ang lahat ng wika ay may sariling bias at kakayahan sa pagpapahayag ng kulturang
Pilipino at ng ibang bansa
23. Sa pagsasalin, anong pinakamahalagang hakbang ang dapat na isaalang-alang?
a. Muling isalin
b. Magdagdag at magbawas ng salita
c. Ihambing sa iba ang ginawang salin
d. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal

Para sa bilang 24 at 25
Minsan kadudulog pa lamang ni Lieblings, isang tanyag na musikero, sa hapag kainan
may isang panauhing dumating.
“Naririto si Ginoong X, na inyong kaibigan,” pagbabalita ng utusan.
Gayon na lamang ang pagkayamot ng naabalang musiko at padarag na sinabi,
“Napakaalanganin naman ng oras ng dalaw na iyan. Dalhin mo siya sa sala upang di mainip.”
Matapos ang isang masaganang hapunan, tinungo ni Liebling ang kinaroroonan ng
kaibigan.
“Naku, dinaramdam ko napaghintay kita, pero laging eksaktong alas syete an gaming
hapunan.”
“Alam ko, ang tuyot na pakli ni Ginoong X, “katunayan, iyan ang sinabi mo sa akin
nang anyayahan mo akong maghapunan dito sa inyo ngayong gabi.”

Halaw sa Little Boom of Music Anecdote Ni Helen Kauffman

24. Batay sa binasang anekdota, tama baa ng naging pasiya ng musikero na ipinagpatuloy ang
kaniyang hapunan bago harapin ang panauhin?
a. Oo, sapagkat hindi siya dapat malipasan ng gutom.
b. Hindi, sapagkat hindi mainam na paghintayin ang panauhin.
c. Hindi, sapagkat baka maaaring mahalaga and sadya ng panauhin.
d. Oo, sapagkat ang pagkain ng hapunan sa ganap
25. Batay sa binasang anekdota.Anong aral ang iyong napulot?
a. Tanggapin nang maayos ang mga panauhin.
b. Iwasan ang pagbabalat-kayo, ito’y hindi mabuting gawa.
c. Hindi mabuting unahin ang pansariling pangangailangan.
d. Tulungan nang taos-puso ang nangangailangan.

Para sa bilang 26-29


Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa kaniyang sarili. Nang mawala ang
aming ama, ganoon na lamang ang pag-aalala naming sa kaniya. Inaakala ko na manghihina
ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa
Diyos.

26. Anong damdamin ang namamayani sa nagsasalaysay sa talata?


a. Pagkalungkot b. Pagkabalisa c. Paghihinakit d. panghihinayang
27. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa
sa kaniyang sarili?
a. Gagawin ng magulang ang lahat para sa mga anak.
b. Alam ng magulang kung ano ang makabubuti sa mga anak.
c. Ibinibigay ng magulang ang mga luho ng anak para sa sarili nitong kapakanan.
d. Ibibigay ng magualng ang mga pangangailangan ng mga anak.
28. Sa binasang talata,Anong uri ng ina ang masasalamin dito?
a. Malulungkutin subalit matatag
b. Nangungusinti sa kakulangan ng mga anak
c. Mapagbigay para sa pangangailangan pisikal ng mga anak
d. Inang mapagmahal sa mga anak at nagpapahalaga sa Diyos.
29. Ano ang maging bunga sa pagkakaroon ng paniniwala sa Diyos ng isang ina?
a. Katatagan ng buong pamilya
b. Panghihina ng espiritwal na aspekto
c. Pamumuhay ng masaganang material
d. Maraming pagsubok sa bawat miyembro ng pamilay
30. Magtanong ang iyong kaibigan kung ano ang kulang sa kanyang isinulat na kuwento,Alin
sa sumusunod na pahayag ang iyong gagamitin?
a. Parang may kulang pang detalye
b. Ilagay mo ang detalye ng pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
c. Mas mabuti kung ilalagay mo ang ilang detalye ng pakikipagsapalaran ng pangunahing
tauhan.
d. Maari ring maiangat mong ilagay ang detalye tungkol sa pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan.
31. Tinatapos moa ng huling saknong ng isinusulat na tula. Anong matatalinghagang pananalita
ang iyong ilalapat kung nais mong ipahiwatig ang salitang masipag?
a. Bukas-palad b. Kapos-Palad c. Sawimpalad d.makapal ang palad
32. Anong simbolo ang tamang ilapat sa dalawang tulang nabasa batay sa talinghaga ng mga
ito?
Unang Tula Ikalawang Tula
Samakatuwid, ako’y minahal. At kung ako’y iyong nahambing sa iba na
Samakatuwid, ako’y lumigaya. di nagkaisip na layuan siya, disin ako
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay. ngayo’y katulad nila nawalan ng buhay at
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal. isang patay na.

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay Ang Matanda at ang Batang Paruparo


Salin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora Rafael Palma

a. araw at gabi c. halakhak at luha


b. diyamante d. puti at itim

Para sa bilang 33
“Ika’y magtino, munting bata, baka pagliyabin ko ang iyong mga paa, dahil ako ang
pula’t mainit na baga.”
“Datapuwat ako, ako ang ulan na papawi sa baga: Ako ang malakas na agos na
tatangay sa iyo.”
“Ako ang makapangyarihang sutlang-puno ng bulak na matayog sa ibang puno.”
“At ako ang nananakal na baging na gagapang sa tuktok ng higanteng kagubatan.”
“Huston na ang pangangatuwirang ito. Hindi mo mapapasakamay ang Mali.”
“Tandaan, walang silid para sa dalawang hari sa isang reyno Soumaoro;
Pahintulutan mo akong agawin ang iyong puwesto.”
“Magaling, sapagkat digmaan ang iyong ninasa ika’y hindi ko uurungan subalit itimo
mong siyam na hari ang aking pinugutan ng ulo at inadorno sa aking silid. Tunay na kaawa-
awa, ang iyong ulo’y matatabi sa kapwa mo pangahas.”
“Ihanda moa ng iyong sarili Soumaoro, ang delubyo’y mananalasa, sasalpok at bubura
sa iyo sa lupa.”

Hango sa “Sundiata: Epikong Sinaunang Mali”


Salin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
33. Batay sa tunggalian ng dalawang tauhan sa epiko, kaninong kilalang personalidad ng
kasaysayan sa bansa sila maihahambing?
a. Benigno Aquino II at Ferdinand Marcos
b. Ferdinand Magellan at Lapu-Lapu
c. George W. Bush at Sadam Hussein
d. Nelson Mandela at Oliver Tambo

Para sa bilang 34 at 35
Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang interpreter
na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ng mga taga-Mbanta.
Ipinaliwanag niya sa mga ito na ang kanilang pagsamba sa diyos-diyosan ay isang malaking
kasalanan. Hindi naman munawaan noon ng mga taga-Mbanta kung paanong ang Tatlong
Persona ay naging iisang Diyos katulad ng ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat
na pagsamba sa iisa lamang na panginoon. Layunan naman ng mga misyonero na dalhin ang
Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni
Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga
taga-Mbanta. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng
Lupa, hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa
espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinuog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang
simbahang itinayo nina Rev. Smith.
Hango sa Pagsalin(Buod) Isinalin ni Juliet U. Rivera
34. Ano ang paniniwala ng mga misyonero tungkol sa pananampalataya?
a. Palaganapin ang Kristiyanismo
b. May tatlong persona sa iiisang Diyos
c. Mabuti ang pagsamba sa mga diyos-diyosan.
d. Dapat magkaroon ng seremonya tungkol sa pagsamba sa Bathala.
35. Ano ang nangyari habang isinasagawa ang taunang seremonya ng pagsamba sa Bathala
ng Lupa?
a. Nagkasakit si G. Brown
b. Sinunog ang tahanan ni Enoch.
c. Sumanib ang isang masamang espiritu
d. Hinablot ni Enoch ang takip sa mukha sa pagsamba sa Bathala.
36. Ang mitolohiyang LIONGO,ay mula sa bansang?
a. Kenya b. Africa c. Persia d. Iran
37. Ang mitong LIONGO ay isinulat ni?
a. Roderic Urgelles c. Mullah Nasse Reddin
b. Virginia Hamilton d. Consolation Conde
38. Ito ang anekdota na isinulat ni Consolation Conde.
a. Akasya o kalabasa c. Akasya o Saging
b. Akasya o Repolyo d. Akasya o Talong
39. Ito ay’ tala ng buhay’ ng isang tao,pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao mula sa
wakas.
a. Nobela b. Anekdota c. Alamat d. Tula
40. Ito ay isang tula na hango mula sa bansang UGANDA.
a. Hele ng isa sa kanyang panganay c. Ako ang Daigdig
b. Ang Ama d. Gabi

You might also like