You are on page 1of 5

SUMMATIVE TEST

Unang Markahan
Filipino 10

PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot, isulat ang napiling letra sa sagutang papel.

1. Ang _____ay ang sinaunang kuwentong may kaugnayan sa paniniwala o pananampalataya at


nagtataglay ng tauhan ng karaniwang diyos o diyosa na may kapangyarihang hindi taglay ng
pagkaraniwang mortal.
A. Mitolohiya B. Alamat C. Nobela D. Tula

2. Bakit napagdesisyunan nina Wigan at Bugan na magtungo sa tahanan ng mga diyos?


A. para lamang mamasyal
B. Magpaturo ng ritwal na bu-ad
C. upang magmakaawa na bigyan sila nito ng anak
D. Upang maawa ang mga diyos at mabigyan sila ng anak
3. Bakit gayon na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche?
A. Galit si Venus sa mga mortal.
B. Ninakaw ni Psyche ang ganda ni Venus.
C. Nagalit si Venus dahil inibig ng kanyang anak si Psyche.
D. Lahat ng pagpupuri ay napunta kay Psyche dahil sa taglay nitong ganda
4. Anong ritwal ang itinuro kina Wigan at Bugan upang magkaroon ng masaganang pamumuhay?
A. ritwal na bu-ad
B. ritwal na pagluluksa
C. ritwal na pasasalamat
D. ritwal para sa masagan na ani
5. Aling pangungusap ang may pandiwa na gamit ay karanasan?
A. Naawa ang buwaya kay Wigan.
B. Binigyan ni Venus ng pagsubok si Psyche.
C. Naglakbay si Wigan patungo sa mga Diyos.
D. Labis na kalungkutan ang nadarama ng mag-asawa sapagkat wala silang anak.
6. Ito ay salitang nag bibigay-buhay sa pangungusap dahil nagsasaad ito ng kilos o galaw ng tao,
hayop, o bagay.
A. Pandiwa
B. Pangungusap
C. Panlapi
D. Salitang-ugat
7. Pinapahayag ng pandiwang ito ay patungkol sa nararamdaman o damdamin ng actor o ng
tagaganap.
A. Aksyon
B. Karanasan
C. Pangyayari
D. Panlapi
8. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa?
a. Dula b. Tula c. Sanaysay d. Maikling kwento
9. Isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa.
a. Anyo at estruktura b. Tema c. kaisipan d. diwa
10. Sa bahaging ito madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan o ng may-akda at kung bakit
mahalaga ang paksang tinatalakay.
a. Panimula b. Gitna b. Katawan d. Wika at Estilo
Para sa bilang 11-12, punan ng angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ang bawat
patlang.
11. _______________ Counsels on Diet and Food ay binanggit na ang mga tinapay na tatlong
araw nang nakaimbak ay mas mabuti sa ating katawan kung ihahambing sa bagong luto at mainit
na tinapay.
a. Batay sa b. Sa palagay ng c. pinaniniwalaan ko d. Ayon sa

12. ______________ maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao sa sunod-sunod


niyang laban ay nangangahulugang naipapatuloy pa ni Pacquiao ang kanyang karera sa
pagboboksing.
a. Batay sa b. Sa palagay ng c. pinaniniwalaan ko d. Ayon sa
13. Makikita sa kanilang mga museo at mga lumang gusali ang mayamang kasaysayang nag-
uugat pa sa malayong nakaraan. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
a. naglalagi b. nagtataglay c. nagmumula d. naiiwan
14. Ang paa ng mga mananayaw ay singgan ng hangin at hindi halos lumalapat sa sahig. Alin sa
pagpipilian ang kahulugan ng salitang lumalapat?
a. lumalakad b. sumasayad c. sumasayaw d. lumilitaw
15. Ano ang nais patunayan ng katiwala ng bawasan niya ang utang ng mga tao na may
obligasyon sa kanyang amo.
a.may sariling intensyon c. takot na mawalan ng trabaho
b. baka sesantihin ng amo d. isa siyang mandaraya
16. Paano makakatulong sa buhay ng isang tao ang mga aral na nabatid sa parabula?
a. naging inspirasyon c. nagkaroon ng direksyon ang buhay
b. aral sa buhay d. nagkaroon ng pag-asa
17. Sa pagbasa ng isang uri ng parabula anong katangian mayroon ito?
a. may hawig sa tunay ng amo
b. nangyayari sa buhay ng bawat isa
c. mabuting balita mula sa Panginoon
d. nangyayari sa buhay ng mga katiwala
18. Ano ang katangian ng parabula sa iba pang akda?
a. may aral c. may misteryo
b. hango sa Bibliya d. wala sa nabanggit
19. Alin sa sumusunod ang tagpuan ng binasang parabula?
a. Syria sa Timog Kanlurang Asya c. Syria sa kasalukuyang panahon
b. Plipinas bago dumating ang mga Espanyol d. Rehiyon ng Mediterranean, kalagitnaang siglo
20. Ano ang kasukdulan o pinakamataas na pangyayari sa akda?
a. Nang matanggal sa trabaho ang tusong katiwala
b. Nang binawasan niya ang mga may utang sa kaniyang amo
c. Nang pinuri siya ng kaniyang amo
d. Nang pinagkatiwalaan siya ng kanyang amo
21. Anong kakanyahan o katangian ang lutang na lutang sa akda?
a. Ito’y isang akdang nagbabalita. c. Ito’y isang akdang naglalarawan.
b. Ito’y isang akdang nangungumbinsi. d. Ito’y isang akdang nagsasalaysay
22. Sa kasalukuyan, ang daigdig ay dumanas ng nakagigimbal at nakakahawang sakit na kung
tawagin ay COVID-19. Magpahanggang ngayon wala pang makatutukoy ng gamot sa sakit na
________. Anong panghalip ang angkop na isulat sa patlang ng pangungusap?
a. iyan b. ito c. dito d. doon
23. Ito ay mga reperensiya na kalimitan ay panghalip na nagbibigay panuring sa mga ngalan ng
tao o bagay na nabanggit sa unahan ng teksto o pangungusap.
a. Panghalip na Panao b. Panghalip na Pamatlig c. anapora d. katapora
24. Ito naman ay pamalit o pagpapatungkol sa pangngalang ginamit sa hulihan nito.
a. Panghalip na Panao b. Panghalip na Pamatlig c. anapora d. katapora
25. Ilang beses nang inalok at sinubukang hikayatin ni Chicot si Magliore upang payagang bilhin
ang ___________ lupa ngunit kadalasang tinanggihan ni Magliore si Chicot. Ano ang angkop na
panghalip ang maaaring isulat sa patlang?
a. kanilang b. aming c. kanyang d. aming
26. Ang mga pangungusap o sugnay na ito bagaman magkakahiwalay ay pinagdugtong o pinag-
uugnay ng mga gamit na _____________________.
a. pang-ukol c. pangatnig
b. pang-ugnay o kohesyong gramatikal d. pantukoy
27. Ito ay bahagi ng pananalitang inihahalili o ipinapalit sa pangngalan.
a. Pandiwa b. Panghalip c. Pang-uri d. Pang-abay
28. Nagpunta sa bahay si Nanay Magloire bilang pagtugon sa isang paanyaya ni Chicot. Ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. pagdalo b. imbitasyon c. piging d. pagpayag
29. Madalas nakikitang sumusuray ang matanda o kaya’y nakalupasay sa kanyang kusina. Alin
ang hindi kabilang sa kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
a. nakalatag b. nakahiga c. nakaupo d. nakadapa
30. Iniisip ng matanda na isang patibong ang inihanda sa kanya. Ibigay ang kahulugan ng salitang
patibong.
a. paalala b. bitag c. bala d. panganib
31. Kinabukasa’y muling dumalaw si Chicot dala-dala ang isang munting bariles na may nakasabit
pang munting bakal sa palibot. Ano ang ipinakahulugan ng salitang munting bariles?
a. isda b. alak c. tinapay d. patatas
32. Bakit ganoon na lamang ang pagnanasa ni Chicot na mapunta sa kanya ang lupain ng matanda?
a. mataba ang lupain at magandang pagtamnan
b. pag-aari na niya ang lahat ng katabing lupa maliban sa lupa ng matanda
c. nandidiri siya sa matanda kaya gusto niyang mapaalis ito sa kanilang lugar
d. gusto niyang matulungan ang matanda na umangat sa buhay
33. Ano tunay na layunin ni Chicot at nagbigay siya ng maraming alak kay Nanay Magloire?
a. nais niyang masira ang reputasyon ng matanda
b. nais niyang mapasaya ang mapatanda
c. nais niyang mapadali ang buhay ng matanda upang mapunta na sa kaniya ang lupa
d. bilang pasasalamat sa matanda dahil pumayag itong ipagbili ang lupa
34. Bakit ganoon na lamang ang pagnanasa ni Chicot na mapunta sa kanya ang lupain ng
matanda?
a. mataba ang lupain at magandang pagtamnan
b. pag-aari na niya ang lahat ng katabing lupa maliban sa lupa ng matanda
c. nandidiri siya sa matanda kaya gusto niyang mapaalis ito sa kanilang lugar
d. gusto niyang matulungan ang matanda na umangat sa buhay
35.Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari? Ang Epikong Ingles ay nagsimula sa Beowulf. Samantalang marami rin ang nasa
Anglo-Norman na ang karamihan ay hindi na nababasa ngayon.
a. nagsimula b. samantala c. marami d. ngayon
36. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at
gabi. Sa huli, pinapatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala. Alin sa
loob ng pangungusap ang nagpapakita ng hudyat ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari?
b. Pinagluksa b. pitong araw c. gabi d. sa huli
37. Ang pangkalahatang layunin ng tulang epiko, samakatuwid ay gumising sa damdamin upang
hangaan ang pangunahing tauhan. Alin sa pangungusap ang nagpapakita ng pananda sa
mabisang paglalahad ng pahayag?
b. Pangkalahatan b. samakatuwid c. gumising d. upang
38. Kung ikaw si Gilgamesh at namatay si Enkido, ano ang iyong mararamdaman? Bakit?
a. malungkot dahil nawalan ako ng matalik na kaibigan na kasa-kasama sa anumang hamon ng
buhay
b. malungkot dahil wala ng kaibigang magtatanggol sa akin
c. malungkot dahil wala ng kaibigang magsisilbi sa akin
d. malungkot dahil hindi ako mabubuhay ng walang kaibigan
39. Bakit kaya pinili nalang ni Enkido na isakripisyo ang buhay para kay Gilgamesh?
a. Dahil tapat siyang kaibigan at handang ibuwis ang buhay alang-alang sa kanilang
pagkakaibigan
b. Dahil naging mabuting siyang alipin kay Gilgamesh
c. Dahil taglay ni Enkido ang kalinisan ng puso
d. Dahil may masamang balak si Gilgamesh sa kanya
40. Kung ikaw si Enkido, nanaisin mo bang maging kaibigan ang isang tulad ni Gilgamesh? Bakit?
a. Oo, dahil isa siyang hari ng lungsod at Diyos
b. Hindi, dahil mayabang siya hari at abusadong pinuno
c. Oo, dahil may npambihira siyang kapangyarihan
d. Oo, dahil gusto kong baguhin ang kanyang paraan ng pamumuno
41. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang epiko maliban sa;
a. May supernatural na kapangyarihan ang bida/tauhan.
b. Nagpagtatagumpayan ang mga suliraning kinakaharap.
c. Nagsasaad ng kabayanihan.
d. Nagpapabatid ng mga impormasyon.
42. Hari ng Uruk na kilala bilang mayabang at abusado.
a. Enlil b. Gilgamesh c. Etana d. Siduri

43. Ipinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaibigan at sa huli ay ipinagtayo niya ito ng
_________.
a. bahay b. paaralan c. estatwa d. monument
44. Ang epiko ni Gilgamesh ay mula sa Mesopotamia ay kinikilala bilang kauna-unahang dakilang
likha ng panitikan. Ang Mesopotamia ay nangangahulugang _______________.
a. Sa pagitan ng dalawang lawak c. sa pagitan ng dalawang nayon
b. sa pagitan ng dalawang bundok d. sa pagitan ng dalawang ilog
Labis na pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala siyang isinilang siya
sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi. May
taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan. Ipinaghihinagpis
niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan, ang nakaaawang anyo ng mga dingding, ang
mga kortinang sa paningin niya ay napakapangit.
45. Kung ikaw si Mathilde, ano ang dapat mong gawin upang matupad ang iyong mga pangarap
sa buhay?
a. Hihiwalayan ko ang aking asawa at maghahanap ng lalaking maaaring makapagbigay sa akin
ng masaganang buhay.
b. Titiisin ko na lamang ang kahirapang ito at makokontento na sa kung ano ang kayang ibigay sa
akin ng aking asawa.
c. Maghahanap ako ng trabaho upang matulungan ang aking asawa na gumaan ang aming
buhay.
d. Ipamumukha ko sa aking asawa na hindi ako masaya sa uri ng buhay na kaya niyang ibigay
upang lalo siyang magsumikap.

46. Sa kasalukuyan, ang daigdig ay dumanas ng nakagigimbal at nakakahawang sakit na kung


tawagin ay COVID-19. Magpahanggang ngayon wala pang makatutukoy ng gamot sa sakit na
________. Anong panghalip ang angkop na isulat sa patlang ng pangungusap?
a. iyan b. ito c. dito d. doon
47. Sa kabila ng kinakaharap ng mga bansa sa kasalukuyan dahil sa COVID-19 hindi pa rin
napigilan ang digmaan ng dalawang bansang India at China. Anuman ang nangyayari sa daigdig
sa kasalukyan walang pakialam ang mga bansang ito. Anong uri ng reperensiya ang ginamit sa
pangungusap?
a. Panghalip na Panao b. Panghalip na Pamatlig c. anapora d. katapora

48. Anong reperensiya ang ginamit sa kasunod na pangungusap ng salitang may salungguhit?
Anumang pag-aaral ang ginawa ng mga dalubhasang siyentista para sa lunas ng nakahahawang
sakit na COVID-19 ay hindi pa rin nila ito matutukoy.
a. Panghalip na Panao b. Panghalip na Pamatlig c. anapora d. katapora

49. Ano ang dahilan kung bakit lahat ng pagsususpetsa at pag-iingat ng matandang babae ay
nawalan ng kabuluhan?
a. dahil nahalina siya sa ibinigay sa kanya ni Chicot na tabako
b. dahil nakapasok siya sa bitag ni Chicot sa pamamagitan ng pag-inum ng alak at siyay nalulong
sa bisyo
c. dahil natakot siya sa mga pagbabanta sa kanya ni Ginoong Chicot
d. dahil nangangailangan siya ng pera kaya tinanggap na lamang niya ang alok sa kanya

50. Ano tunay na layunin ni Chicot at nagbigay siya ng maraming alak kay Nanay Magloire?
a. nais niyang masira ang reputasyon ng matanda
b. nais niyang mapasaya ang mapatanda
c. nais niyang mapadali ang buhay ng matanda upang mapunta na sa kaniya ang lupa
d. bilang pasasalamat sa matanda dahil pumayag itong ipagbili ang lupa

You might also like