You are on page 1of 7

Archdiocese of Tuguegarao

Tuguegarao Archdiocesan School System


OUR LADY OF VICTORIES ACADEMY
Centro, Amulung, Cagayan

Pangalan: _________________________________________________ Petsa:________________

Taon at Seksiyon:_______________________________ Iskor:________________


I. Maramihang Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang hinihingi ng bawat pahayag. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Sa halip na kumibo ay nag-isip na lang ng ibang paraan ang babae. Ano ang ibig sabihin ng
salitang nakadiin?
a. humuni b. kumilos c. magsalita d. umawit
2. Gayon na lang ang kanyang panggigilalas sa nakitang kakaiba. Ano ang ibig sabihin ng
salitang nakadiin?
a. pagkaasiwa b. pagkagulat c. pagkalungkot d. pananabik
3. Isang matabang usa ang kanyang nadale. Ano ang ibig sabihin ng salitang nakadiin?
a. nadaanan b. nahuli c. naisama d. nakita
4. Lumalabas ang mag-asawa tuwing takipsilim upang mangaso. Ano ang ibig sabihin ng
salitang nakadiin?
a. hatinggabi b. katanghaliang tapat c. madaling-araw d. papalubog na ang araw
5. Gumagamit sila ng bitag upang makaakit ng mga hayop. Ano ang ibig sabihin ng salitang
nakadiin?
a. kampilan b. pagkain c. pana d. patibong
Gayon na lang ang kanyang panggigilalas sa nakitang kakaiba. Ano ang ibig sabihin ng
salitang nakadiin?
a. pagkaasiwa b. pagkagulat c. pagkalungkot d. pananabik
6. Matabang usa ang nahuli ng bitag. Ano ang kasalungat ng salitang nakadiin?
a. malusog b. patpatin c. katamtaman d. malaman
7. Kitang-kita sa kanya ang pagiging tuso. Ano ang kasalungat ng salitang nakadiin?
a. matapang b. maingat c. mabuti d. maamo
8. Tumingala siya at Nakita ang nakasabit na matabang usa. Ano ang kasalungat ng salitang
nakadiin?
a. tumingin b. tumalikod c. yumuko d. nahiya
9. Nagdaramdam siya sa ginagawang pagtrato sa kanya ng asawa. Ano ang kasalungat ng
salitang nakadiin?
a. malumanay b. natutuwa c. nagagalit d. nagtatampo
10. Sinolo ng lalaki ang biyayang natanggap. Ano ang kasalungat ng salitang nakadiin?
a. ibinahagi b. ipinagdamot c. binigay d. pagkamakasarili
11. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan,” ang tahimik niyang naibulong
sa sarili. Mahihinuhang ang babang tulad ni Lokes a Babay ay…
a. matampuhin c. magagalitin
b. mapagtimpi d. masayahin
12. “ Magmula ngayon, lilipat na ako ng tirahan at hindi na kita aabalahin subalit huwag na
huwag mo na rin akong aabalahin,” mahihinuha sa sinabing ito ni Lokes a Babay na…
a. Ang babae,gaano man kabait ay napupuno rin at natututong ipagtanggol ang sarili.
b. Ang babae ay naghahanap na ng kalinga at pagmamahal mula sa asawa.
c. Ang lalaki ay siyang hari sa kanilang tahanan.
d. Ang babae ay maaaring umalis kahit walang matibay na dahilan.
13. Ang mag-asawa sa binasa ay kapwa nabubuhay sa pangangaso. Mahihinuhang ang
kanilang lugar ay…
a. magubat at mapuno c. nasa lungsod
b. nasa tabing-dagat d. nasa kapatagang taniman ng palay
14. . Iniluto ni Lokes a Mama ang matabang usa at ito’y kanyang kinaing mag-isa nang hindi
man lang inaalok ang kanyang tahimik lang at hindi tumututol na maybahay. Mahihinuha sa
pahayag na ito na…
a. Ang lalaki ay pinuno o lider ng sambahayan kaya’t mas nagagaa niya ang nais kaysa sa
babae.
b. Ang lalaki ay siyang tagapagluto at tagapamahala sa kusina.
c. Ang babae ay hindi hinahayaang kumain ayon sa paniniwala.
d. Ang babae ay kailangan munang may mahuli ring hayop bago makakain.
15. Pinabilinan ni Lokes a Babay ang kanyang mga guwardiya na huwag na huwag palalapitin
man lang sa kanyang magarang tahanan ang kanyang asawa. Mahihinuhang si Lokes a Babay
ay…
a. Mapaghiganti at ikinatutuwa ang kapahamakan ng iba tulad ng kanyang asawa.
b. May itinatagong lakas ng kalooban at hindi kasinghina ng inaakala ng kanyang asawa.
c. Mahirap pakisamahan at walang nakakasundong tao.
d. naging masama na rin ang ugali dala ng kinang ng kanyang kayamanan o salapi.
16. Paano lumaganap ang mga kuwentong-bayan?
a.Sa pamamagitan ng pasaling-dila ng ating mga ninuno na napasa sa mga nagdaang
henerasyon hanggang sa kasalukuyan
b. Sa pamamagitan ng pahayagang nabasa ng ating mga ninuno
c. Sa pamamagitan ng pag-uukit sa mga kahoy, bato at iba pa.
d. Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng damdamin sa mga kapwa tao.
Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng kuwentong-bayan?
a. Nasa anyong tuluyan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan
ito nagsimula at lumaganap
b. Pumapaksa sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari tulad ng ibong nangingitlog ng ginto o
kaya’y nilalang na may pambihirang kapangyarihan tulad ng mga diyos at diyosa,mga anito,
diwata, engkantada,sirena,siyokoy at iba pa.
c. Anyo ng panitikan na naging bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa man
dumating ang mga Espanyol.
d. Nagsasalaysay ito ng mahahalagang pangyayari na maaaring nangyayari sa tunay na buhay.
17. Bakit sinasabing nakalilibang ang pagbabasa o pakikinig ng kuwentong-bayan?
a. Sapagkat kapupulutan ito ng mahahalagang aral sa buhay
b. Sapagkat sa pagbabago sa banghay o pagdaragdag ng mga tauhan
c. Sapagkat nananatili ang mga pangunahing tauhan at ang tagpuan kung saan naganap ang
kuwentong-bayan
d. Sapagkat binabago ng tagapagkuwento ang mga detalye na nagdudulot ng ibang bersiyon
18. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng kuwentong-bayan?
a. Nasa anyong tuluyan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan
ito nagsimula at lumaganap
b. Pumapaksa sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari tulad ng ibong nangingitlog ng ginto o
kaya’y nilalang na may pambihirang kapangyarihan tulad ng mga diyos at diyosa,mga anito,
diwata, engkantada,sirena,siyokoy at iba pa.
c. Anyo ng panitikan na naging bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa man
dumating ang mga Espanyol.
d. Nagsasalaysay ito ng mahahalagang pangyayari na maaaring nangyayari sa tunay na buhay.
19. Ipinakikita ng salitang ito na ang mga ebidensya, patunay, at kalakip na ebidensya ay
kapani-paniwala at maaaring makapagpatunay.
a. nagpapahiwatig c. kapani-paniwala
b. nagpapakita d. katunayan
20.Isang katunayang pinalalakas ng ebidensiya, pruweba, o impormasyon na totoo ang
pinatutunayan. Anong pahayag ang dapat gamitin sa pagbibigay ng patunay?
a. nagpapakita c. pinatutunayan ng mga detalye
b. nagpapatunay d. taglay ang matibay na kongklusyon
21. Taong madaling makadama ng lamig.
a. malamig c. nanlalamig
b. lamigin d. nagpapalamig
22. Nararamdaman ng mga tao kapag ang panahon ay malamig.
a. nilalamig c.lamigin
b. malamig d. nagpapalamig
23. Tumutukoy ito sa uri ng panahong nararanasan.
a. lamigin c.nilalamig
b. malamig d. nanlalamig
24. Nagiging asal ng tao na nagpapakitang ayaw na sa isang relasyon.
a. nilalamig c. nanlalamig
b. malamig d. lamigin
25. Ginagawa ng tao para guminhawa ang pakiramdam kapag mainit.
a. lamigin c. malamig
26. Isang baboy-ramo ang nakatago sa malalabay na sanga kaya’t hindi ito Nakita ni Pilandok
dahil sa malalagong dahong tumakip dito. Ano ang kasingkahulugan ng salitang
nasalungguhitan?
a. malalago c. nakatago
b. maninipis d. namuuo
27. Mabuti na lang at nakalundag si Pilandok palayo dahil hindi naman nakatalon ang mabigat
at malaking buwaya. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nasalungguhitan?
a. nakatalon c. nakalakad
b. nakatakbo d. nakatago
28. Sinagpang ng buwaya ang kanyang paa subalit hindi siya nagpahalatang nasaktan kahit pa
sinunggaban siya nito. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nasalungguhitan?
a. sinaktan c. inabangan
b. sinunggaban d. sinuyo
29. “Ang matikas na baboy-ramong tulad mo ay nababagay lamang kumain ng isang
matipunong tao.” ang pambobola ni Pilandok sa baboy-ramo. Ano ang kasingkahulugan ng
salitang nasalungguhitan?
a. malinis c. matipuno
b. guwapo d. matapat
Mabuti na lang at nakalundag si Pilandok palayo dahil hindi naman nakatalon ang mabigat at
malaking buwaya. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nasalungguhitan?
a. nakatalon c. nakalakad
b. nakatakbo d. nakatago
30. Ipinagbunyi ng mga hayop ang pagkapanalo ng isang munting hayop laban kay Pilandok
subalit lalo nilang ipinagdiwang ang narinig na pagbabago ni Pilandok. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang nasalungguhitan?
a. iginiit c. iwinagayway
b. ipinagdiwang d. ipinaalala
31. Paano ipinakita sa akdang Pagislam ang pagpapahalaga ng mag-asawang Ibrah at Aminah
sa kanilang tradisyon at paniniwala?
a. Sa pamamagitan ng paghahanda ng limang kambing bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng
suplingat pati na ang masasarap na pagkain para sa panauhin.
b. Sa pamamagitan ng pananalangin sa Allah.
c. Sa pamamagitan ng pag-imbita sa Imam para sa seremonyang dapat isagawa sa bagong
silang na anak.
d. Sa pamamagitan ng pagtaliwas sa kanilang tradisyon at paniniwala.
32. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa seremonyang Pagislam?
a. Ginagawa ilang oras pagkapanganak ng isang sanggol at binabasahan ng Imam ng dasal
ang tainga ng sanggol.
b. Penggunting o paggunting ng Imam sa buhok ng sanggol at inilalagay ito sa mangkok na
may tubig.
c. Ginagawa ang seremonya kapag kaarawan ng isang sanggol.
d. Pagislam o seremonya ng pagtutuli
33. Ang kapatid ni Ibrah sa akdang Pagislam na nagdala ng baro-baruan sa silid ng sanggol ay
________________.
a. Aminah c. Imam
b. Tarhata d. Pandita
34. Kinatay upang ihanda sa pagdiriwang ng penggunting ang ___________________.
a. limang baboy c. limang kalabaw
b. limang kambing d. limang baka
35. Ang huling yugto ng Pagislam sa buhay ng sanggol ay naganap sa kanyang
_______________.
a. ikapito hanggang ikasampung taon c. ikaanim na taon
b. ikalabing-isang taon d. ikawalong taon
36. Ito ay maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
a. kasukdulan c. banghay
b. kakalasan d.wakas
37. Sa bahaging ito unti-unting nabibigyang-solusyon ang suliranin at dito malalaman kung
magtatagumpay ba nag pangunahing tauhan o hindi.
a. kasukdulan c. banghay
b. kakalasan d.wakas
38. Pag-uugnay ng mga lipon ng salitang nagbibigay-katwiran o nagsasabi ng kadahilanan.
a. Pagbibigay sanhi c. paglalahad ng bunga
b. Pamukod d. pagsalungat
39. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pang-angkop sa pangungusap na Ang pusong
maunawain ay madaling makapagpatawad?
a. ang c. madali
b. -ng d. makapagpatawad
40. Ang matapat na pinuno ay mahal ng taong-bayan.
Ano ang pang-angkop sa pangungusap na nasa itaas?
a. na c. ang
b. mahal d.pinuno
II. Tama o Mali
Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Ilagay ang TAMA sa patlang kung ang
isinasaad ay tama at isulat ang tamang sagot kung ang isinasaad ay mali.
_________________41. Ang aral ng Islam ay nakapaloob sa “Limang Haligi ng Katotohanan.”
_________________42. Masjid ang tawag sa paniniwalang walang ibang Diyos kundi si Allah
at Mohammed ang propeta ng Diyos.
_________________43. Koran ang tawag sa banal na aklat ng Muslim.
_________________44. Zakat ang tawag sa pagbibigay-limos sa mahihirap.
________________45. Binubuo ng 115 na surah na nasa anyong patula sa wikang Arabiko
ang Koran.
________________46.Tibag ang tawag kapag inilalarawan ang simula ng lahat -ang paglalang
kay Eba at Adan,ang pagsilang kay Jesus, ang kanyang kamatayan at muling pagkabuhay.
________________47. Moriones ang tawag sa dulang panrelihiyong ginaganap sa mga
lansangan sa lalawigan ng Marinduque at Mindoro tuwing mahal na araw.
________________48. Dulang panlansangan at panrelihiyon kung saan isang marangyang
parada ng mga sagala at konsorte ang nagaganap sa Santakrusan.
________________49. Isinasagawa ang Panunuluyan tuwing sasapit ang bagong taon.
________________50. Itinatanghal bilang isang serye ang Senakulo muls Lunes Santo
hanggang Sabado de Gloria.

Inihanda ni: Iniwasto ni:


MIRIAM D. MANUEL, LPT CHRISTOPHER B. LLORIN,LPT
GURO SA FILIPINO ACADEMIC COORDINATOR
Inaprubahan ni:
VOLTAIRE ALBERT Q. MALAMUG, MST
PUNUNGGURO

You might also like