You are on page 1of 2

Sukatin Mo!

Minsan, papunta ng tea house si Mullah. Pinupukpok niya ang pako sa hulihan ng
kabisada ng kaniyang buriko nang may magtanong ng, “Mullah, nasaan ang sentro
ng kalawakan?”

Sagot ni Mullah, “Ang sentro ng kalawakan ay kung saan ko ipinukpok ang pako ng
kabisada ng aking buriko.”

At may sumagot, “Hindi ako naniniwala!”

Lumagok ng tsaa si Mullah at nagwika, “Kung hindi ka naniniwala, sige, sukatin


mo!

Sino ang Iyong Paniniwalaan?

Isang kapitbahay ni Mullah ang nagpunta sa kanilang bakuran. Lumabas si Mullah


para salubungin ang kaniyang kapitbahay.

“Maaari bang ipahiram mo naman sa akin ang iyong buriko, Mullah? May mga
kalakal lang akong dadalhin sa kabilang bayan,” ang tanong ng kaniyang
kapitbahay.

Ayaw ni Mullah na ipahiram ang kaniyang buriko sa kapitbahay niyang iyon,


ngunit para hindi naman siya maging bastos, sinabi niyang “Ikinalulungkot ko,
ngunit naipahiram ko na siya sa iba.”

Maya-maya ay narinig nila ang malakas na atungal ng buriko sa likod ng bakuran.

“Nagsisinungaling ka, Mullah!” pahayag ng kapitbahay. “Nariyan siya sa likod ng


pader!”

“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni Mullah nang may pagsalungat sa sinabi
ng kausap. “Sino ang iyong paniniwalaan, ang buriko o ang iyong Mullah?”
Talumpati

Naimbitahan si Mullah upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming


tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?”

Sumagot ang mga nakikinig, “Hindi.”

Kaya sinabi ni Mullah, “Wala akong panahong magsalita sa harap ng mga taong
hindi alam ang aking sasabihin.” At siya ay umalis.

Napahiya ang mga tao. Inanyayahan siyang muli na magsalita kinabukasan. Nang
tanungin ni Mullah ng kaparehong tanong ang mga tao, sumagot sila ng “Oo.”

At sinabi ni Mullah, “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na
sasayangin ang marami ninyong oras.” At muli siyang umalis.

Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang mga sagot kaya muli nilang
inanyayahan si Mullah. Nang siya ay muling magtanong nang gaya ng mga nauna
niyang tanong, kalahati sa mga tao ay sumagot ng “Hindi” at ang kalahati naman
ay sumagot ng “Oo.”

Muling nagsalita si Mullah, “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya‟t kayo
ang magsasabi sa kalahati na „di alam ang aking sasabihin.” at siya ay lumisan.

You might also like