You are on page 1of 3

Alamat ng Pusang itim

Noong unang panahon, sa nayon ng lao tzu sa bansang china. May isang diwata daw na kayang ibigay
ang lahat ng iyong hihilingin. Sinasabing ang diwatang ito ay nag- aanyong pusa na kulay puti at
nagpapakita lamang ito sa mga mabubuting puso. Ang kwento ay agad na pinaniwalaan ng mga
mamamayan ng lao tzu. Ang mga matatanda ay palaging nangangaral na maging mabait para daw
magpakita sakanila ang sinasabing pusa.

“kaya kayo, maging mabait kayo ha? Para matupad ang mga hiling nyo” paalala ng isang matanda na
nakaupo sa putol na sanga ng kahoy . Sya si mang khazou. Malimit syang magkwento ng kung ano-ano
sa mga bata lalo na kapag hapon.

“opo! Magpapakabait po ako!”

“ako rin!”

“di ko na aawayin si jiang para matupad na yong hiling ko!”

Sunod sunod ns sagot ng mga bata. Sa sulok naman ay tahimik na nakikinig lamang si huan ho. Malimit
syang magsalita ngunit malambing. Tapos na ang kwento ng matatanda kaya naman ay nagsiuwian na
ang ibang bata at pati na rin si huan ho. Isang maliit na kubo lamang ang tirahan ni huan ho. Kasama nya
rito ang kanyang lolo. Singkwenta anyos na ito kaya naman bihira ng gumalaw kaya naman ang batang si
huan ho ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Ulila na sya sa ama at ina kaya naman ang kanyang lolo
ang kasama nya sa araw araw. Hindi maalis sa isip nya ang kwento ng matanda. Ilang beses nya man ito
narinig ay umaasa sya makikita nya ang pusang puti na syang tutupad ng kanyang kahilingan.

“lolo, sa tingin nyo po ba….magpapakita sa akin ang diwata?”

“Ang puting pusa ba kamo?”

“opo”

“alam mo apo,alam kong mataas ang pangarap mo pero, talagang ganto ang buhay…maging kuntento
na tayo sa kung anong meron tayo…”

Tumango na lamang ang bata. Alam nya ang tinutukoy ng kanyang lolo. Mahirap lang kasi ang kanilang
buhay. Kaya naman ay sinisikap nitong pagbutihin ang kanyang pag-aaral para maiahon nya sa hirap ang
kanyang lolo.

Isang tahimik na gabi ang nabasag ng makarinig si huan ho ng kaluskos mula sa bintana. Malapit kasi ang
kanyang tinutulugan sa bintana kaya rinig na rinig nya ang kaluskos na talagang nakapagpapatayo ng
kanyang balahibo. Agad nyang hinila ang kanyang kumot at ikunumot sa kanyang buong katawan.

“krrrsssssssssshhhhhhhhh..”
Ang ingay ay mas lalong lumakas at animoy papalapit sakanya kaya naman ang batang huan ho ay agad
na sumilip sa labas ng kumot. Napatakip sya ng kanyang mata ng maaninag sa kanyang harapan ang
napakalaking liwanag. Sobrang liwanag.

“s-sino ka?”

“hindi mo ba ako kilala”

Malambing at maganda ang boses nito. Tila isang dalaga. Ang liwanag ay unti-unting nawala at lumabas
ang napakagandang binibini. Nakaputi ito at nababalutan ng puting tela na may nga rosas.

“kaya kong tuparin ang anumang gusto mong hilingin”

“t-talaga?”

“alam kong may ginuntuan kang puso kaya bibigyan kita ng tatlong kahilingan… tawagin mo lang ako at
ako’y magpapakita”

Unti-unting nawala ang dalagang diwata at hindi makapaniwala ang batang si huan ho kung totoo nga ba
ang kanyang nakita.

Nagpatuloy ang mga araw…nagamit na nya ang kanyang dalwang kahilingan. Nagging mayaman sila
huan ho kasama ang kanyang lolo. Ang dating kubo nila ay nagbago. Mala-palasyo ito sa ganda kaya
naman ay kilalang kilala sila. Ang pangalwa nyang kahilingan ay madadagan ang kanyang tatlong
kahilingan ngunit hindi ito pinayagan ng diwata bagkus binawas na ito sa kanyang tatlong kahilingan.
Isang hiling nalang ang natitira.

“p-pero..bakit? Gusto ko pang madagdagan ang kahilingan ko!”

“sobra-sobra na ang lahat huan ho. Ngayon, isa nalang ang natitira.. ano ito?

“sige na nga! Ang huling kahilingan ko ay maging tulad mo! Tulad mong makapangyarihan! Mas malakas
pa sa iyo! Pinakamalakas sa lahat para kung ano man ang hilingin mo ko ay matutupad!

Halos pasinghal nya itong sinabi.

“kung gayon, matutupad na ang iyong kahilingan..”

Biglang lumiwanag ang buong paligid. Pati ang katawan ni huan ho ay lumiwanag. Lumutang sya at maya
maya lang ay nawala na ang diwata at ang batang huan ho ay nagging pusa ngunit kulay itim.
Kabaliktaran sa diwata ay imbes na matupad ang gusto nyang hilingin ay hindi ito nangyayari bagkus
kabaliktaran rin ang nangyayari. Simula nun ay gumala na ang batang si huan ho na isang itim na pusa at
nilalayuan ng mga tao dahil sya raw ay malas. Naging kwento-kwentuhan narin na kaya kulay itim ito ay
dahil pinaparusahan daw ito dahil sakim at masama. Hindi raw ito nakuntento. At hanggang ngayon ay
pinapaniwalaan kapag may dumaan dawn a pusang itim ay mamalasin ka.
Performance Task
In
Filipino
James Faderanga

Angelo Montalban

You might also like