You are on page 1of 26

Ang maikling kwento ng Dalawang Anghel ( Bunny )

August 13, 2011 at 11:13am

May Dalawang Anghel na naglalakbay. Sa kanilang paglalakbay sila ay ginabi at


naghanap ng matutuluyan. May nakita silang malaking bahay.
"Doon tayo! Makiusap tayo baka tayo ay patuluyin nila!!!" sabi ng nakababatang
anghel.
"tok.. tok.. tok.."
Bumukas ang pinto at isang matandang lalaki ang nagbukas ng pinto. Ang leeg niya ay
nakakasilaw dahil sa gintong kuwintas na kanyang suot.
"Kami po ay ginabi sa paglalakbay, maaari po ba kaming makituloy...." sabi ng
nakatatandang anghel.
Hindi agad nakasagot ang matanda at tinitigan sila. Nagaalinlangan ang matanda
sapagkat sila'y nakabalatkayo at hindi alam na sila ay mga anghel. Ngunit dahil sa
pakiusap ng mga anghel na nagbalatkaong tao sila rin ay pinatuloy. Sila ay pinatulog
sa isang masikip na kuwarto na may maatigas na higaan. Hindi sila inalok ng makakain
kahit na alam ng matandang mayaman na sila ay nangangatog na sa gutom. Nung sila
ay matutulog na, nakita ng nakatatandang anghel na may butas ang dingding ng
kuwarto. Inayos niya iyon at isinarado ang butas. Nakatingin amang ang
nakababatang anghel sa mga nangyari. Kinabukasan, sila ay nagpasalamat at umalis
na. Naglakbay nanaman sila at napunta sa isang bukid.
"Gutom na talaga ako!" sabi ng nakababatang anghel.
"O sige teka lang... sa banda roon ay may maliit na kubo... tingnan natin at tayo ay
magtanong sa kanila.."
Nung sila ay malapit na sa kubo nakita nila ang magasawang matanda. Makikita sa
kanilang tindig ang hirap ng buhay.
"Magandang hapon sa inyo, kayo ba ay naligaw?" sabi ng matandang lalaki.
"Ginabi na po kami at kami po ay nagugutom... Nakakahiya po ngunit manghihingi kami
ng pabor na kung may konti kayong tinapay ay manghihingi po kami para kami ay
makaraos sa gabing ito.." Sabi ng nakatatandang anghel...
"Oo meron kami dito at gabi na rin masyado para kayo ay maglakbay, kaya dto na kayo
magpalipas ng gabi!" sabi ng matandang babae.
Gutom man hindi pa rin masyadong nakakain ang nakababatang anghel sapagkat
napansin niyang ang ibinigay sa kanila ay ang tanging pagkain ng mag-asawa. Inalok
niya subalit ipinilit ng mga matatanda na sila ay kumain sapagkat sila ay malayo apa

ang alakbayin kinabukasan. Maliban doon, pinatulog sila ng mag-asawa sa kanilang


higaan, at ang mga matanda ay natulog sa sahig.

Kinabukasan, nagising ang nakababatang anghel sa isang malakas na iyak. Lumabas


siya at nakita ang matandang babae na umiiyak habang tinitignan ang asawang
inaasikaso ang namatay na baka na tangi nilang kayamanan. Bumalik sa loob ng kubo
ang nakababatang anghel na may galit. Hinarap ang isang anghel at sinabing
"bakit mo ito ginawa? iyong mayamang matapobre hindi tayo inasikaso pero inayos mo
pa ang dingding ng bahay niya. Pero itong mga matatandang halos lahat ng mayroon
sila ay inalay sa atin.. hinayaan mo pang mamatay ang baka nila... Bakit???"
"Naiintindihan ko ang ngitngit mo, munting anghel... Pero nung nandun tayo sa
mansyon ng matndang matapobre na sinasabi mo..... nakita ko na may kayamanan sa
butas ng dingding.. Hindi pa niya iyon nakikita.. At dahil sa masama ang ugali niya
tinakpan ko iyon.... Kagabi naman, dumating ang anghel ng kamatayan.... kinukuha ang
matandang babae... pero dahil mabait sila sa atin.. ang kanilang baka ang aking
ibinigay...."
"Sa ating buhay, maraming ganitong kwento... Kadalasan nauuna ang ating
panghuhusga... Pero ang ating nakikita ay maaaring hindi tulad ng ating inaakala..
Tayo ay binibiyayaan sa paraang madalas ay hindi natin alam...."

1. Kuwento ni mabuti - Genoveva Edroza-Matute


Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating
pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan ng sa kanya. Sa isa sa
mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat
hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang
estero. Naroon pa siya't nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng
isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang natutuhan. Lagi ko siyang inuugnay sa
kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang
tunog kaya, nakikita ko siya at ako'y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa
kanyang anyo. at sa kanyang buhay. Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon.
Walang sinumang nag-ukol sa kanya ng pansin. Mula sa pananamit hanggang sa
paraan ng pagdadala niya ng mga pananagutan sa paaralan, walang masasabing
anumang pangkaraniwan sa kanya. Siya'y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung
siya'y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita.
Iyon ang mga pumalit sa mga salitang hindi niya maalala kung minsan, at nagiging
pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin.

Sa isang paraangalirip, iyon ay nagging salaminan ng uri ng paniniwala sa buhay.


"Mabuti," ang sasabihin niya," ngayo'y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama't
umabot tayo nsa bahaging to Mabuti Mabuti!" Hindi ako kailanman magtatapat sa kanya
ng anuman kung di lamang nahuli niya akonginsangt lumuluha nang hapong iyon'y
iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin. Noo'y magtatakipsilim na at
maliban sa pabugso-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay ng mga
manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silidaklatan,pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.
"Mabuti't may tao pala rito," wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig.
"Tila may suliranin mabuti sana kung makakatulong ako." Ibig kong tumakas sa kanya
at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan, ay ibinilang kong kahihiyan
at kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa
gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda
ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan. "Hindi ko alam na may tao
rito"..naparito ako upang umiyak din." Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig
ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya
pa'y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi. Tinanganan niya ang aking mga
kamay at narinig ko na lamang ang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo'y
siyang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa
pangyayaring iyo'y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa
gayong kamusmos na bagay. Ngunit siya'y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam
ko na ang pagmamalasakit niya'y tunay na matapat. Lumabas kaming magkasabay sa
paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nng bigla kong
makaalala. "Siyanga pala, Ma'am, kayo? Kayo nga pala? Ano ho iyong ipinunta niyo sa
sulok na iyon nainiiyakan ko?" Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang
iyon; "ang sulok na iyon na . . . iniiyakan natin. . . nating dalawa." Nawala ang
marahang halakhak sa kanyang tinig:"sanay'y masabi ko sa iyo, ngunit ang suliranin.
.kailanman. Ang ibig kong sabihin ay . . maging higit na mabuti sana sa iyo ang. .
.buhay." Si Mabuti'y nagging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa
pagsasalita niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at
mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglkalim ng kunot sa noo niya sa kanyang
pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silidaklatan. Ang sulok na iyon,.. "Iniiyakan natin," ang sinabi niya nang hapong iyon. At
habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo'y hinuhulaan ko
ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan.
Hinuhulaan ko kuing nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong. . .aming
dalawa. At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula
akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang mga sinsabi.
Ngunit, sa tuwina, kasyahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan.
Pinuno nya ng maririkit na guni-guni an gaming isipan at ng mga tunog ang aming mga
pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay.
Bawat aralin naming sa panitikan ay nagging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa
kagandahan at ako'y humanga. Wala iyon bdoon kanina, ang masasabi ko sa aking
sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming

aralin. At hindi nagging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos lamang
ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan. Ang pananalig niya sa kalooban ng Maykapal, sa
sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling
ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng
kagandahan sa mga bagay na kiaraniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan.
Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buonmg panahon ng
pag-aaral naming sa kanya, Ngunit bumabanggit siya tungkol sa kanyang anak na
babae, sa tangi niyang anak.. .nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin
kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming
ang nakababatid na siya'y hindi balo. Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at
pangarap niyang maririkit ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang
katabilan niyon. Ang paglaki ng mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon
niyang baka siya ay hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban
sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang
sa mga bagay na "pinagtitiisang" pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon.
Sa akin, ang bawat pagbanggit niyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa
man ay nabubuo na sa akingt isipan ang isang hinala.
Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang
anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga
kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya'y anim na
taong gulang na. Sa susunod na taon niya'y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng
guro naming maging manggagamot ang kanyang anak at isang mabuting
manggagamot. Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa
aking likuran ang bumulong: "Gaya ng kanyang ama!" Narinig n gaming guro ang
sinabing iyon ng batang lalaki. At siya'y nagsalita. "Oo, gaya ng kanyang ama," ang
wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang isang
pilit na ngiti sa kanyang labi. Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang
tungkol sa ama ng batang may kaarawan. Matitiyak ko noong may isang bagau ngang
mali siya sa buhay niya. Mali siya nang ganoon na lamang.
At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa
kanya, kumirot ang pusoko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang
mga kamay gaya ng ginawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at
hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin
kung may mapagtatapatan siyang isang tao man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa
pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng walang anumang
malasakit sa kanyang sinasabing, "Oo, gaya ng kanyang ama," habang tumatakas ang
dugo sa kanyang mukha. Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimtan
kailanman. Tiningnan niya ako ng buong tapang na pinipigil ang pagngionig ng mga labi
at sinabi ang ganito: "Mabuti.. mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-iyon lamang
nakararanas ng mga lihim na kalkungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na
kaligayahn. Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin" Natiyak ko noon, gaya ng
pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at
ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mgan lihim

na kalungkutan ay nakakilala ng mga lihim na kaligayahan. At minsan pa, nang


umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng mukha niya,muli
niyang ipinamalas sa amin ang mga natatagong kagandahan sa aralin naming sa
Panitikan. Ang kariktan ng katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang
kulay ng buhay. At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan
ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng mbatang iyon
marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol ng
dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng
kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa
buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat.
2. Walang panginoon - Deogracias rosario
Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa
mayamang asenderong si Don Teong. Si Don Teong ang kontrabida sa buhay ng
pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama,
dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita,
anak ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay galit
kay Don Teong, kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo
si Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng
pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao. Sina
Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito'y
kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol
ang kanilang karapatan, napipilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari. iyan
ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang
punung-puno ng sama ng loob kay Don Teong na matagal nilang pinagsilbihan. Lalong
sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang ahilan ng
pagkamatay ng kaniyang kasintahang si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong
si Anita na siyang ikinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa
buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot
na tunog ng kampana. Hidni pa aman humuhupa ang galit niya, siya namang pagdating
ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinaaalis na sa kanilang tahanan, ngayon
pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong
pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang
lupang kanilang tinitihan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay
kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong. Dahil sa galit na
nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano siya
makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong at kaniyang
pinahihirapan ang kaniyang paboritong alagang kalabaw. Ginawa niya iyon upang
magalit ang kalabaw sa imahe ni Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang
bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong nag
hapong iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin
ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa
bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang
balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na
tunog ng kampana, hindi tulad ng dati na ayaw na ayaw niya itong marinig. Sa halip na

ipanalangin niya ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang
kaniyang matapang na kalabaw.
3. Mabangis na lungsod - Efren R. Abueg
Sadyang may mga taong malupit at mapang-api. Kung sino pa ang mahina at aba, siya
pang kinakaya-kaya.
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't maliliit na
lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may
bagong lunas na walang bias. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng
dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali.
Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa
kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang gabi
ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi'y naroroon,
hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng
Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung
naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang
nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang
mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi'y mailaw at mabawasan ang mga
taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang
marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek,
ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. As sa mga hanay na
iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang
mga hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may
puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad.
Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga
piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan.Kangina pa siyang tanghali sa loob ng
marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kanyang mga bisig sa wala pang
tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang
ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na
waring higad na gumagapang sa kanyang katawan.
"Mama... Ale, palimos na po."
Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga
kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng
pagmamadali ng pag-iwas.
"Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!"
Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap,
pandidiri, pagkasuklam. "Pinaghahanapbuhay 'yan ng mga magulang para maisugal."
madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na
iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa
dakong liwasan ng simbahan.
At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling
Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang

paghindi sa kanya ng limang piso, sa lahat. Walang bawas.


"May reklamo?" ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito'y nanlilisik
kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.
At ang mga kamayy ni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masakim na
palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa,
ngunit kailan man ay hidni nakarating sa kanyang bituka.
"Maawa na po kayo, Mama.. Ale.. gutom na gutom na ako!"
Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng
lupa. Ang mga tao'y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng
karukhaan.
Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali,
narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba
sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng
hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang
paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa mga taong sa
kanyang kinaroroonan.
"Malapit nang dumating si Bruno..." ani Aling Ebeng na walang sino mang
pinatutungkulan. Manapa'y para sa lahat na maaring makarinig.
Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang
nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman
at nagpapantindig sa kanyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo
ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang mga taon
malamig, walang awa, walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na
apoy sa kanyang kalooban. Aywan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya
matapos mapawi ang kanyang gutom at pangamba. Kungng ilang araw na niyang
nadara iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa't waring umuuntag sa kanya na
gumawa ng isang marahas na bagay.
Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat ang
mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang
mga kamay lamang na maninipis ang malinis, dali-daling inilagay ni Adong ang mga
barya sa kanyang lukbutan. Ilan pang barya ang nalaglag sa kanyang palad. At sa
kaabalahan niya'y hindi na napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa
simbahan, makita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga
kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng
nagmamadaling pag-iwas.
"Adong... ayun na si Bruno" narinig niyang wika ni Aling Ebeng.
Tinanaw ni Adong ang iniguso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na
katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora.
Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At
ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kanyang mga ugat. Ngunit ang
lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya sa kangina
pa ay mamamatay. Mahigpig niyang kinulong sa kanyang palad ang mga baryang
napagpalimusan.
"Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!" mabilis niyang
sinabi sa matanda.
"Ano? naloloko ka na ba. Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!"

Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatulog pa rin sa paglalakad, sa


simula'y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahad ay
pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa
pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad. At
akala niya'y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita.
Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan
ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng
isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng
paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa makatunghay na simbahan, sa
kabangisang sa mula't pa'y nakilala niya at kinasusuklaman. Muling dinama niya ang
mga barya sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing.
"Adong!" Sinunsan iyon ng papalapit na mga yabag.
Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang
tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni
Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas
na nagkakaroon ng kapangyarihang maghimadsik laban sa gutom, sa pangamba at
kabangisan.
"Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" Naisigaw na lamang ni Adong.

Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang
niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang
sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang
kumandong sa kanya.

4. Banyaga - Liwayway Arceo


MUKHANG ARTISTA! Artista nga ba? Artista?
Mula nang dumating is Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang tanong na
iyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit sa isang
taon - kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O napakadalang nga iyon, bulong niya
sa sarili. At maging sa mga sandaling ito na wala nang kumukibo sa tumitingin sa kanya
ay iyon din ang katanungang wari ay nababsa niya sa bawat mukha, sa bawat tingin, sa
bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap.
At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang
likuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang
kanyang buhok. Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa
sa buhok niya bago iyon sinuklay. Nandidilat si Nana Ibang nang ulitin ang tanong.
"Serbesa ba 'kama, bata ka, ha?"
Nguniti siya kasabay ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo
nito, idinigtong niya ang paliwanag. "Hindi masama'ng amoy, Nana."
Ngayon, sa kanyang pandinig ay hindi nakaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sa
kanyang suot. Sa leeg ng kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng
kanyang balikat at tila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na

dibdib. Sa kanyang baywang na lalong pinalantik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan


naito na may gilit upang makahakbang siya.
"Ibang-iba na ngan ngayon ang...lahat!" at nauulinigan niya ang buntung-hiningang
kumawala sa dibdib ng matandang ale.
Napangiti siya. Alam niyang iyonm din ang sasabihin ng kanyang ina kung
nakabuhayan siya. Pati ang kanyang ama na hindi naging maligoy minsan man, sa
pagkakaalam niya, sa pagsasalita. Iyon din ang narinig niyang sabi ng kanyang Kuya
Mente. At ang apat niyang pamangkin ay halos hindi nakahuma nang makita siya
kanginang naka-toreador na itim at kamisadentrong rosas. Pinagmasdan siya ng
kanyang mga kanayon, mula ulong may taling bandanna, sa kanyang salaming may
kulay, hanggang sa kanyang mag mapulang kuko sa paa na nakasungaw sa step-in na
bukas ang nguso.
"Sino kaya'ng magmamana sa mga pamangkin mo?" tanong ngayon ng kanyang Nana
Ibang. "Ang panganay sana ng Kua mo...matalino..."
"Sinabi ko naman sa Inso...ibigay na sa 'kin papapag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisan
naman ako. Ang hirap sa kanila...ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang
gusto ni Inang...noon...kung natakot ako sa iyakan..." Tumigil siya sa pagsasalita. Alam
niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang
dibdib.
"Tigas nga naming iyakan nang lumawas ka..." ayon ni Nana Ibang.
"Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon. Sasali ba 'ko sa
timpalak na 'yon kung hindi ako nakasisigurong kaya ko ang eksamen?" Malinaw sa isip
ang nakaraan.
Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumaping panyolito sa
kanyang batok. "Pinapawisan ka an, e. Ano bang oras ang sabi no Duardo na
susunduin ka?"
"Alas-tres daw. Hanggang ngayon ba'y gano'n dito?" at napangiti siya. "Ang alas-tres, e,
alas-singko? Alas-kuwatro na, a! Kung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko na rito
ang kotse ko. Ako na ang magmamaneho. Sa Amerika..."
"Naiinip ka na ba/" agaw ni Nana Ibang sa kanyang sinabi.
"Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ng salitaan. Bakit ay gusto kong makabalik din
ngayon sa Maynila."
"Ano? K-kahit gabi?"
Napatawa si Fely. "Kung sa Amerika...nakapunta ako at nakabalik nang nag-iisa, sa
Maynila pa? Ilang taon ba 'kong wala sa Pilipinas? Ang totoo..."
Boglang nauntol ang kanyang pagsasalita nang marinig niya ang mahinang tatat ni
Aling Ibang. At nang tumingin siya rito ay nakita niya ang malungkot na mukha nito. At
biglang-bigla, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo nito nang makita siya
kangina.
Ang pinipigil na paghanga at pagtataka sa kanyang anyo. Ang walang malamang
gawing pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa
kanyang mga pamangkin. Ibinukod si ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at
malinis na mantel. Hindi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas
siya ng kamay. Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang
pamangking sa pangaln at larawan lalo niyang kilala sapagkat patuloy ang kanyang
sustento rito buwan-buwan. Iba ang may dala ng platitong kinalalagyan ng sabong

mabangong alam niyang ngayon lamang binili. Nakasampay sa isang bisig nito ang
isang tuwalyang amay moras. At napansin niyang nagkatinginan ang kanyang mga
kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya.
"Ayan naman ang kubyertos...pilak 'yan!" hiyang-hiyang sabi ng kanyang hipag. " 'Yan
ang uwi mo...noon...hindi nga namin ginagamit..."
Napatawa siya. "Kinikutsara ba naman ang alimango?"
Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi. Napansin niyang lalong nahapis ang
mukha ng kanyang Nana Ibang. Abot ang paghingi nito ng paumanhin. Kung hindi ka
ba nagbago ng loob, di sana'y nilitson ang biik sa silong, kasi, sabi...hindi ka darating...
Wala nga siyang balak na dumalo sa parangal. Ngunit naisip niya - ngayon lamang
gagawin ang gayon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School.
Waring hindi niyan matatanggihan ang karangalang iniuukol sa kanya ng Samahan ng
mga Nagtapos sa kanilang paaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik
ng liham ng pangulo ng samahan. Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa
kanila.
Napakislot pa si Fely nang marinig ang busina ng isag tumigil na sasakayan sa harapan
ng bahay. Alam na niya ang kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid siya
sa bayan, sa gusali ng paaralan. Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na
mataas at payat ang takong.
"Sa kotse n," ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya masabi: Baka ako
masilat...baka ako hindi makapanaog sa hagdang kawayan.
Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputin ang kanyang sapatos ay naunahan siya
ng matanda. Kasunod niya ito na bitbit ang kanyang sapatos. Sa paligid ng kotse ay
maraming matang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaki, na
nang mapagsino niya ay bahagya siyang napatigil. Napamaang.
"Ako nga si Duardo!"
Pinigil niya ang buntung-hiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupo na
siya ay iniabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Yumuko ito at dinampot naman ang
tsinelas ba hinubad niya. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito
naupo.
"Bakit hindi ka rito?" tanong niya. Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. "May
presidente ba ng samahan na ganyan?"
"A...e..." Hindi kinakailangang makita niyang nakaharao si Duardo. Napansin niya sa
pagsasalita nito ang panginginig ng mga labi. 'A-alangan...na 'ata..."
Nawala ang ngiti ni Fely. Sumikbo ang kanyang dibdib. Si Duardo ang tanging lalaking
naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang
kanilang pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagtapos.
"Natutuwa kami at nagpaunlak ka..." walang anu-ano'y sabi ni Duardo, "Dalawampu't
dalawang taon na..."
"Huwag mo nang sasabihin ang taon!" biglang sabi ni Fely, lakip ang bahagyang tawa.
"Tumatanda ako."
"Hindi ka nagbabago,' sabi ni Duardo. "Parang mas...mas...bata ka ngayon.
Sayang...hindi ka makikita ni Menang..."
"Menang?" napaangat ang likod ni Fely.
"Kaklase natin...sa apat na grado," paliwanag ni Duardo. "Kami ang..." at napahagikhik
ito. "Kamakalawa lang isinilang ang aming pang-anim...'

"Congratulations!" pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang naalinsanganan.
Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan.
"Magugulat ka sa eskuwela natin ngayon," patuloy ni Duardo nang hindi na siya
kumibo. "Ibang-iba kaysa...noon..."
"Piho nga," patianod niya. "Hindi naman kasi 'ko nagagawi sa bayan tuwing uuwi ako.
Lagi pa 'kong nagmamadali..."
"Pumirmi na nga rin kami sa bayan kaya hindi naman tayo nagkikita..."
Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang
mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita ang mga nakamasid sa kanya. Isinuot niya
ang kanyang salaming may kulay. Tila hindi niya matatagalan ang nakalarawan sa
mukha ng mga sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga, pagkasungyaw. Aywan
niya kung alin.
At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtimunig
ang kahungkagang nadarama sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at
hindi na rin siya makilala pa ng pook na binalikan niya.
5.Ang Kalupi - Benjamin Pascual
Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na
barung-barong upang mamalengke. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at
umakmang hahakbang na papasok ay siyang paglabas na humahangos ng isang
batang lalaki, na sa kanilang pagbabangga ay muntik, na niyang ikabuwal. Ang siko ng
bata ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib.
"Ano ka ba?" bulyaw ni Aling Marta. "kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung
lumabas!"
"Pasensya na kayo, Ale," sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos. -tigbebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. "Hindi
ko ho kayo sinasadya. Nag mamadali ho ako, e."
"PASENSYA!" sabi ni Aling Marta.
Agad siyang tumalikod at tuloy- tuloy na pumasok. . Dumating siya sa tindahan ng
tuyong paninda at bumili ng isang kartong mantika. Pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng
kanyang bestido upang magbayad. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang
kanyang anyo.
"Bakit ho?" anito.
"E. . .e, nawawala ho ang aking pitaka,"
"Ku, e magkano ho naman ang laman?"
"E, sandaan at sampung piso ho."
Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang
kanyang nakabangga. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang
tindahang maliliit. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya
ay tumatawad. Maliksi siyang lumapit at binatak ang kanyang liig.
"Nakita ring kita!" ang sabi niyang humihingal. "Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano?
Huwag kang magkakaila!" "Ano hong pitaka?" ang sabi, "Wala ho akong knukuha sa

inyong pitaka"
May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na
umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang
pulis, na tanod.
"Iho ano ang pangalan mo?" ang tanong niya sa bata.
"Andres Reyes po."
"Saan ka nakatira?" ang muling tanong ng pulis.
Sa bahay ng Tiyang Ines ko sa Blumentritt, kapatid ng nanay ko rito sa Tundo.
Inuutusan lang ho niya "kong bumili ng ulam, para mamayang tanghali." Naalala ni Aling
Marta ang kanyang dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na
sa pag hihintay.
"Tinamaan ka ng lintik na bata ka!" Sabi niyang pinanginginigan ng laman. Angbisig nito
ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod.
"Napahiyaw ang bata sa sakit."
Halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matigas na
bisig ni Aling Marta. Siya ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang
habas na tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwag na daan.
Bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang
humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong paligid.
Wala siyang makita kundi ang madidilim na anino ng mga mukang nakatunghay sa
kanyang lupaypay at duguang katawan. Hindi siya makapag- angat ng paningin.
Pagdating ng pulis, ayaw pa muling nag mulat ito ng paningin at ang mga mata ay
ipinako sa maputlang muka ni Aling Marta.
"Maski kapkapan nyo ako, e wala kayong makukuha sa akin." sabing pagatul-gatol na
nilalabasan ng dugo sa ilong." Hindi ko kinuha ang iyong pitaka!"
Ilang pang sandali pa ay lumangayngay ang ulo nito at ng pulsuhan ng isang naroon ay
marahan itong napailing. "Patay na" Naisaloob ni Aling Marta sa kanyang Sarili." "Patay
na ang dumukot ng kuwarta ninyo, " Matabang na nagsabi ang pulis sa kanya.
"Makaka alis na po ako?" Tanong ni Aling Marta. "Maari na" sabi ng Pulis.
Naalala nya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat na naiuwi nya sanay
nai- uwi na. Tanghali na sya ay umuwi. Sang ka kumuha ng pinamili mo nyan, Nanay?
"E. . . e," Hindi magkantuntong sagot ni Aling Marta. Nag ka tinginan ang mag-ama.
"Ngunit Marta" ang sabi ng kanyang asawa
"Ang pitaka mo, E naiwan mo" Kanina bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa Bestido mo
at kumuha ako ng pambili ng Tabacco. Pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha
ng ipangbili mo nyan?"
Biglang-bigla anki'y kidlat na gumuhit sa karimlan, Nag balik sa gunita ni Aling Marta
ang isang batang payat, "Duguan ang katawan at natatakpan ng dyaryo. Umikot ang
kanyang paligid. At tuluyang nawalan ng malay."
6. Sa Bagong Paraiso - Efren Abueg
Ang kwentong ito'y tungkol sa pagkakaroon ng lamat ng kawalang-Malay ng mga

batang si Ariel at Cleofe. Kapwa sila walong taong gulang at magkababata. Ang
kanilang daigdig ay umikot sa isang paraiso'y langit ang kawangis, madalas silang
maglaro sa bakuran ng kanilang bahay na malapit sa isang dalampasigan. Tahimik ang
kanilang mundo at mistulang walang suliranin. Ang kanilang mga magulang ay Hindi
nag-aaway at relihiyoso. Pareho silang nag-aaral kasama pa ng ibang bata sa isang
maliit na gusali sa may dakong timog ng kanilang nayon at marami silang pangarap.
Wala silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw na pista opisyal. Silang
dalawa'y madalas magpalipas ng oras sa loob ng kanilang bakuran, mula sa umaga
hanggang sa hapon. Umaakyat sila sa mga puno kahit na marurupok, maaligasgas at
malulutong na ang mga sanga nito. Nagagasgas ang kanilang mga tuhod, nababakbak
ang balat sa kanilang siko, nagagalusan ang kanilang mukha at kung minsan ay
nababalian pa ng buto dahil nahuhulog ngunit ang lahat ng iyon ay Hindi nila iniinda,
patuloy pa rin sila sa paglalaro. Sa may lilim ng punong mangga kung saan ay makapal
ang damo kung umaga ay nandun silang dalawa naghahabulan, nagsisirko,
nagpapatiran, at kung sila'y hinihingal na sa pagod ay hihiga sila sa damuhang iyon,
titingalain nila ang langit at magkukunwaring aanawin sa langit ang kanilang mukha.
Magtataka ang batang babae at tatanungin ang batang lalaki kung makikita nga ba ang
mukha sa langit at sasagutin ito ng batang lalaki ng bakit Hindi sapagkat ang langit daw
ayon sa kanyang itay ay isang malaking salamin. Pagkaraan tumingin ng matagal sa
langit sila'y parehong makakatulog at magigising na lamang sa tawag mula sa kanilang
bahay. Kung minsan, ang batang lalaki ang unang magigising; kung minsan naman ay
ang batang babae. Ngunit sinuman sa kanila ang unang magising, ay kukuha ito ng
kaputol na damo at kikilitiin ang tainga ng natutulog. At ang natutulog naman ay
magigimbala sa kanyang pagkakahimbing at pagkarinig na siya'y pinagtatawanan ay
magtitindig at ang nangiliti ay mapapaurong at anyong tatakbo at sila'y maghahabulan
sa damuhang iyon hanggang sa mapagod at sila'y muling babagsak na naman sa
damuhan sa kapaguran, magkatabi at Hindi nila pinapansin ang pagkakadantay ng
kanilang mga binti o ang pagkakatabi ng nag-iinit nilang mga katawan. At kapag sila
naman ay nagsasawa na sa looban ay sa dalampasigan naman sila pupunta kung
malamig na ang araw sa hapon. Namumulot sila ng kabibi, naghuhukay ng hilamis sa
talpukan, o kaya'y gagawa ng kastilyong buhangin, o kaya'y nanunugis ng mga lamangdagat na nagtatago sa ilalim ng buhangin. Ngunit Hindi lang yon ang kanilang
ginagawa: naghahabulan din sila dito at kapag napagod na ay mahihiga rin sila sa
buhanginan, tulad ng ginagawa nila sa damuhan sa looban, at sa kanilang pagkakatabi
ay nagkakatinginan sila. Minsan ay naitanong ng batang lalaki sa batang babae ang
tungkol sa tumutunog sa kanyang dibdib at kung ito'y kanya bang naririnig. Nagtaka ang
batang babae at bumangon ito at tumingin sa nakatihayang kalaro. Inilapit nito ang
kanyang tainga sa dibdib ng batang lalaki, dumadait ang katawan niya sa katawan ng
kalaro at nalalanghap naman ng nakahiga ang halimuyak ng kanyang buhok.
Nakangiting sinabi ng batang lalaki sa batang babae na mabango pala ito. Sinabi ng
batang babae na Hindi naman daw siya nagpapabango at lumupasay ito sa tabi ng
nakahigang kalaro. Sinabi niya pa na paglaki pa raw niya ay saka lamang siya
magpapabango dahil yon ang sinabi ng kanyang nanay. Tinanong ng batang lalaki kung
narinig ba ng kalaro ang tunog na nagmumula sa dibdib nito at sinagot siya ng batang
babae ng oo at tinanong kung ano ang ibig sabihin niyon. Nagkatinginan ang dalawa at
ang lalaki ang unang nagbawi ng tingin. Sinagot na lamang ng batang lalaki ang kalaro

ng Malay daw niya at niyaya na nitong umalis na sila. Bumangon ang batang lalaki at
inayos ang sarili at nagsimula nang lumakad. Sinabayan ito ng batang babae at habang
isinasalisod nila ang kanilang mga paa sa buhanginan habang lumalakad, nakatanaw
sila sa papalubog na araw. "Ang ganda, ano?" naibulalas ng batang lalaki. "Parang may
pintang dugo ang langit." "Oo nga, ano? Bakit kaya kulay dugo ang araw kapag palubog
na?" tanong naman ng batang babae. Hindi sumagot ang batang lalaki. Ipinagmamalaki
ang dalawang bata ng kanilang mga magulang at ng kanilang mga kanayon. At
kinaiingitan naman sila ng ibang mga batang Hindi nagkaroon ng pagkakataong
makahalubilo sa kanila. "Siguro, paglaki ng mga batang 'yan, silang dalawa ang
magkakapangasawahan." Naririnig ng dalawang bata ang salitang iyon at sila'y
nagtataka. Hindi nila madalumat ang kaugnayan ng kanilang pagiging magkalaro sa
isang hula sa hinaharap. Higit pang nakaabala sa kanilang isip ang sinasabi ng kanilang
mga kaklase na silang dalawa'y parang tuko - magkakapit. At minsan nga ay napalaban
ng suntukan ang batang lalaki. Isang batang lalaking malaki sa kanya ang isang araw
na pauwi na sila, ay humarang sa kanilang dinadaanan at sila'y tinudyo nang tinudyo.
"Kapit-tuko! Kapit-tuko!" Umiyak ang batang babae. Napoot ang batang lalaki. Ibinalibag
sa paanan ng nanunudyong batang lalaki ang bitbit na mga aklat. Sinugod nito ang
kalaban. Nagpagulung-gulong sila sa matigas na lupa, nagkadugo-dugo ang kanilang
ilong, nagkalapak-lapak ang kanilang damit, hanggang sa dumating ang guro at sila'y
inawat at sila'y pinabalik sa silid-aralan at pinadapa sa magkatabing desk at tumanggap
sila ng tigatlong matinding palo sa puwit. Pagkaraan ng pangyayaring iyon, napagusapan ng dalawang bata ang bansag sa kanila. At sila'y nag-isip, na lalo lamang nilang
ikinalunod sa kanilang kawalang-Malay. Namulaklak ang mga manga, namunga,
nalaglag ang mga bugnoy, dumating ang mamamakyaw at sa loob ng ilang araw,
nasaid sa bunga ang mga sanga. Namulaklak din ang mga santol at iyon ay tinanaw ng
dalawang bata sa pagkakahiga nila sa damuhan at sila ang unang sumungkit sa mga
unang hinog. Nangalaglag ang mga dahon ng sinigwelas, namulaklak at dumaan ang
mahabang tag-araw, at ang damuhan ay natuyo at ang kanilang naging tagpuan ay ang
dalampasigan at madalas man sila roon ay Hindi nila masagut-sagot ang bugtong kung
bakit kulay-dugo ang silahis ng araw kung dapithapon. At sa wakas ay namunga ang
sinigwelas, mga luntiang bubot na pinitas nila ang ilan at pagkaraang isawsaw sa asin
ay kanilang tinikman at sila'y naasiman at idinalangin nila ang maagang pag-ulan --sapagkat sabi ng kanilang mga lola'y madaling bibintog at mahihinog ang bunga ng
sinigwelas kapag naulanan. Sila'y naniwala at hinintay nila ang ulan, at nang pumatak
iyon nang kalagitnaan ng Mayo silang dalawa'y naghubad, naligo sa ulan, naghabulan
sa looban at nayapakan nila ang mga tuyong damo, na waring bangkay ng isang
panahong hinahalinhan ngayon. Pagkaraan pa ng ilang araw, nadungawan nilang hinog
na nga ang sinigwelas. Nagmamadali silang nanaog at ang batang lalaki'y umakyat sa
puno at ang batang babae naman ay naghanap ng sungkit. At ang pamumulaklak at
pamumunga ng manga, santol, at sinigwelas at ng iba pang punungkahoy o halaman sa
loobang iyon ay nagpatuloy. Ang damuhan ay natuyo at muling sinibulan ng bagong
supling; ang araw ay lumubog at sumikat at Hindi pa rin nagbabago ang kulay ng silahis
niyon kung dapithapon. Ang paaralan sa nayon ay malapit nang magpinid; ang guro ay
naghanda na ng isang palatuntunan; ang mga magulang ay walang pinag-usapan kundi
ang katalinuhan ng kanilang mga anak. Mabilis na lumipas ang oras at dumating na ang
araw ng pasukan, ang batang lalaki at batang babae ay sakay ng kalesa patungo sa

bayan. Doon sila mag-aaral ng hayskul. Ngunit iba na ang kanilang ayos. Ang batang
lalaki'y nakalargo na at pantay na ang hati ng kanyang buhok na nangingintab sa pahid
na pomade. Samantala, ang batang babae ay may laso sa buhok, na nakatirintas at
ang kanyang suot na damit ay lampas tuhod at Hindi nakikita ng batang lalaki ang alakalakan nito. Dito dumaan sa kanilang buhay ang isang pagbabago, na Hindi nila napigil
at siyang nagbukas sa kanila upang masaklaw ng tingin ang paraisong kanilang
kinaroroonan. Sa paglawak ng kanilang daigdig, ang batang lalaki'y Hindi na sa batang
babae lamang nakikipaglaro. Isang araw, sa likod ng paaralan, isang pangkat ng batang
lalaki ang nakapabilog at isang batang lalaki ang nasa loob niyon at may ipinakikita sa
mga kasamahan. Nakisiksik sa mga batang lalaki at nakita niya ang isang bagay na
natuklasan niyang kailangang mangyari sa kanya. Umuwi siyang parang tulala nang
hapong iyon at kinagabihan ay Hindi siya nag-aral. Naupo siya sa baitang ng kanilang
hagdan at nag-isip hanggang sa makita siya roon ng kanyang ama. Inusisa niya sa ama
ang kanyang natuklasan sa paaralan at itinanong niya rito kung bakit kailangang gawin
pa iyon. Napatawa ang kanyang ama. Tinapik siya nito sa balikat. At sinabi sa anak na
kailangan daw 'yon para siya'y maging ganap na lalaki. Natingala lamang niya ito at ang
pamimilog ng kanyang mga mata'y naghiwatig ng pagkakaroon ng lamat sa kanyang
kawalang-Malay. Sinabi pa ng ama sa anak na isang araw ay isasama daw siya nito
kay Ba Aryo. Maging matapang lamang daw siya sana. Ibig niyang ipagtapat iyon sa
batang babae, ngunit aywan niya kung bakit nahihiya siya. Ngayon lamang iyon. Kaya't
kahit patuloy pa rin silang naglalaro sa damuhan o kaya'y nagtutungo sa dalampasigan
tuwing wala silang pasok, ang alalahanin ukol doon ay nakabawas sa sigla ng batang
lalaki. At isang araw, Sabado ng umaga, isinama siya ng kanyang ama sa bahay ni Ba
Aryo sa tabi ng ilog. Ngumata siya ng dahon ng bayabas, pumikit siya at pagkaraan ng
iba pang ginawa, siya'y itinaboy ni Ba Aryo upang maligo sa ilog. "Ang damuho
pagkalaki-laki'y parang Hindi lalaki." Ang narinig niyang iyon kay Ba Aryo, kabuntot ng
malutong na halakhak ng kanyang ama ay natanim sa kanyang isip at patuloy na
nagpalaki sa lamat sa kanyang kawalang-Malay. Kasunod ng pangyayaring iyon, aywan
niya kung bakit iba na ang kanyang pakiramdam. Gayong magaling na ang sugat na
nilikha isang umaga sa harapan ng bahay ni Ba Aryo, Hindi pa rin nagbabalik ang
kanyang sigla. Natitigilan siya kung nakikipaglaro sa batang babae. Nangingimi siyang
tumabi rito kung ito'y nakahiga sa damuhan o sa dalampasigan. Hanggang isang araw
ay napansin niyang mapupula ang mga mata ng batang babae nang dumating ito isang
dapithapon sa tabing-dagat. "Bakit?" usisa niya. "Wa-wala..wala!" Nag-isip ang batang
lalaki. Naisaloob niyang baka ang kawalang-sigla niya sa pakikipaglaro rito ang dahilan.
Tinudyo niya ang batang babae, kiniliti, napahabol dito..hanggang sa mahawa ito at
sila'y naghabulan na sa buhanginan. Humahagikgik pa sila nang mapatong ang kamay
ng batang lalaki sa kanyang dibdib at madama niyang lalong Malakas ang pintig doon.
"Tignan mopakinggan mo ang tunog sa dibdib ko," anyaya ng batang lalaki. Ngunit
Hindi kumikilos sa pagkakahiga ang batang babae. Nakatitig lamang ito sa maaliwalas
nang mukha ng langit. Nagtaka ang batang lalaki. Bumangon ito at tinunghan ang
nakahigang kalaro. Nangingilid ang luha sa mga mata nito. "Bakit?" Saka lamang
tumingin ang batang babae sa batang lalaki. At ito'y umiyak at ang luhang tumulo sa
pisngi'y pinahid ng palad at ang palad na iyong ipinatong sa buhanginan ay pinaniktan
ng buhangin. At sa isang basag na tinig ay sinabi ng batang babae sa kalaro na Hindi
na daw sila maaring maglaro gaya ng dati. "Hindi na?" sagot ng batang lalaki na parang

sasabog sa kawalang-Malay ang katauhan ng batang lalaki. "Malalaki na raw tayo


malalaki nang tao. Hindi raw maglalaon, tayo'y magiging dalagaat binata." "Sinabi
'yon ng Nanay mo?" "Oo, sinabi niyana Hindi na tayo maaring maghabulan, o kaya'y
umakyat sa punongkahoy o kaya'y pagabi rito sa tabing-dagat," sabi pa ng batang
babae. "Kangina sinabi sa'yo ng Nanay mo?" Tumango ang batang babae. "Ngayon
dawHindi na tayo bata. Ako raw ay dalagita naat ikaw raw ay binatilyo na!" At
waring ang batang lalaki'y nagising, napagmasdan niya ang kanyang mga bisig, ang
kanyang katawan at sa harap ng kanyang kalaro ay nauunawaan niyang totoo ang
sinabi nito. "Ayaw ka na palang papuntahin dito'ybakit narito ka pa gabi na!"
Nagbangon ang kanyang kalaro. Humarap sa kanya. Palubog na noon ang araw at
mapula ang silahis niyon sa langit. Ang mukha ng dalawa ay animo mula sa malayo at
ang pakakahawak nila sa bisig ng isa't isa ay parang isang pagpapatunay ng tibay ng
tanikalang bumibidbid sa kanilang katauhan. Hindi na nga sila mga bata. Siya'y dalagita
na. Siya naman ay binatilyo na. Ang pagbabagong iyon ang nagpaunawa sa kanilang
may tumataas nang dingding sa pagitan nila. Nagkikita pa rin sila sa looban, ngunit
Hindi lamang tulad nang dating nagtatagal ang kanilang pag-uusap. Ngayon, parang
lagging may nakatingin sa kanilang mga matang nagbabawal. Sa looban, ang kanilang
mga magulang; sa paaralan, ang kanilang guro. At ang kanilang tawa tuloy ay Hindi na
matunog; ang hiyaw ng dalagita ay Hindi na matinis, Malayo sa hiyaw nito noong araw;
ang kanilang pag-uusap ay Hindi na Malaya at pumipili na sila ng mga salitang kanilang
gagamitin. At buwan-buwan, ang dalagita ay may kapirasong damit na itinatago sa
ilalim ng kanyang katre at kapag tapos na sa paglalaba ang kanyang ina ay palihim
niyang lalabhan sa silong at ikukula sa kubling bahagi ng kanilang likod-bahay. Minsan
ay natutop siya ng kanyang ina sa paglalaba sa silong at sinabi nito sa kanya: "Hindi mo
na kailangang dito pa labhan 'yan" Nagtapos sila ng hayskul. Nagkamay sila
pagkaraang maabot ang kani-kanilang diploma. At nang magsasayawan nang gabing
iyon, magkatambal sila. Gayong Hindi naman sila nahapo, ang tibok sa kanilang dibdib
ay mabilis at malakas at ngayon ay Hindi maungkat iyon ng binatilyo. Nagsayaw sila,
nag-uusap ang kanilang mga mata ngunit ang kanilang labi'y tikom at kung gumalaw
man ay upang pawiin ang panunuyo o paglalamat niyon. At Hindi nila alam na ang tibok
ng pusong iyon ay isa pang pangyayaring nagpapalaki sa lamat sa kanilang kawalangMalay. Maliwanag ang narinig na salita ng dalagita: Kung gusto mong makatapos ng
karera, huwag muna kayong magkita ni Ariel. Naunawaan niya ang ibig sabihin niyon,
ngunit ang pagtutol ay Hindi niya maluom sa kanyang kalooban. "Pero, Inaykaibigan
ko si Ariel." May himagsik sa kanyang tinig. "Kahit nakayo'y dalaga at binata na. Alam
mo na siguro ang ibig kong sabihin." May langkap na tigas ang sagot na iyon. Alam niya
ang kahulugan niyon: Masama: Parang pait iyong umuukit ng kung anong bagay sa
kanyang isip. At saglit iyong inagaw ng tinig ng kanyang ama. "Ibig kong magdoktora
ka, kaya kalimutan mo muna ang mga lalaki!" At ang pait na may iniukit sa kanyang isip
ay parang pandalas na pinukpok at ang kanyang katauhan ay nayanig at ang tunog ng
pagpukpok ay nag-aalingawgaw ng: Lalaki! Lalaki! Hindi siya nakatagal sa harap ng
kanyang mga magulang. Nakatiim ang mga labing pumasok siya sa kanyang silid.
"Ayaw nilang Inayng Itaymasama raw," at ang mga labi niya'y nangatal, kasabay
ng luhang umahon sa kanyang mga mata. Nang minsang dalawin ng binata ang dalaga
sa dormitoryo ay pinakiusapan siya ng dalaga na huwag na muna silang magkita.
Napatitig lamang ang binata sa dalaga. Minsan, ang binata ay umuwi sa lalawigan.

Mapanglaw ang kanyang mukha at napuna iyon ng kanyang ama. Nalulungkot ang
binata sapagkat ayaw ng makipagkita sa kanya ni Cleofe. Nagtawa ang kanyang ama,
tulad ng nakaugalian nito tuwing may ilalapit siyang suliranin. Sinabi ng ama sa anak na
magkakalapit din namang sila muli pag nakapagtapos na ang dalaga. At gusto ng mga
magulang nito na maging doktora ang anak. Pasigaw ang alingawgaw ng kanyang tinig
sa kanyang isip. "At habang nagdodoktora siya ay masama kaming magkita?" "Tama
ka!" maagap na pakli ng ama. "Hindi mo ba alam na kapag malapit ka sa babae ay
malapit ka rin sa tukso!" At ang dalawa'y Hindi na nga nagkita, gayong nasa lungsod na
maliit at maglakad ka lamang sa mga lansangan ay Hindi ka mawawalan ng
makakasalubong na kakilala. Mangyari'y iniwasan nila ang magkita, at Hindi sila nagkita
sapagkat inihasik sa kanilang isip na ang pagkikita nila ay masama, tukso. Nabubuhay
sila ngayon sa isang bagong daigdig, daigdig ng aklat, ng matataas na gusali ng
malalayong kabataan sa kapaligiran. Hindi sila nagkita sa loob ng mahabang panahon.
Hindi sila nakatiis. Isang araw na Hindi sinasadya'y nagkasalubong sila sa pamimili ng
kagamitan. Kapwa sila napahinto sa paglalakad at nabangga na sila ng mga tao sa
bangketa ay Hindi pa rin sila makakilos. Ang binata ang naglakas-loob at binati niya ang
dalaga. Hindi nakasagot ang dalaga. Nakatitig lamang siya sa mukha ng binata at nang
anyayahan siya nitong magpalamig sila sa isang kanugnog na restawran ay napasunod
lamang siya, napatangay sa agos kanyang damdamin. At sa harap ng kanilang
hininging pagkain, sila'y nagkatitigan at sila'y nakalimot at akala nila'y nasa luntiang
damuhan sila sa looban sa lalawigan, nakahiga at nakabaling sa isa't isa. At sila'y
nagkita sa Luneta, Hindi lang minsan kundi maraming pagkikita, maraming-marami at
ang kanilang sikil ng damdamin ay lumaya at sa unang pagkakataon, pagkaraan ng
ilang buwan, sila'y lumigaya. Ngunit ang inihasik na binhi ng pagkakilala sa masama at
sa mabuti sa kanilang isipo ay sumibol na at nagpaunawa sa kanilang ang ginagawang
iyon ay masama. Ngunit sila'y naghihimagsik. Nakatanggap ng sulat ang dalaga mula
sa kanyang mga magulang. May nakakita sa kanilang dalawa ni Ariel na magkahawakkamay sa Luneta, sa pook na dapat pakaiwasan. Hindi man lang daw sila nahiya. Hindi
na ipinagpatuloy ng dalaga ang pagbasa sa liham. Nagbabanta ang mga sumusunod
pang talata: luluwas ang ama mo kapag Hindi mo itinigil ang kabaliwang yan.
Pinagsabihan din ang binata ng mga magulang nito sapagkat nakaabot na pala sa mga
ito ang nangyari. Muli na namang ipinaalala sa binata na ang babae ay isang tukso. Ibig
niyang umalis sa silid na iyon at upang Hindi na marinig ang alingawngaw ng katagang
iyon: tukso --- tukso ---- tukso! Sinabi ng dalaga: Hindi na ngayon tayo maaaring
magkita. Sinasabi ng binata: magkikita tayo magtatago tayoililihim natin sa kanila
ang lahat. At sila nga ay nagkita, sa mga pook na Hindi sana nila dapat pagkitaan,
ngunit doon sila itinaboy ng kanilang paghihimagsik ng takot na matutop at ng
pangangailangan. Ang daigdig nila ngayon ay makitid, suluk-sulok, malamig din, ngunit
hinahamig ng init ng kanilang lumayang mga katawan. Maligaya sila sa kanilang
daigdig. Maligaya sa kanilang bagong paraiso. Hanggang isang araw ay kumulog,
dumagundong ang kalawakan, at nangagulat ang mga tao sa lansangan; pamayaMaya, pumatak ang ulan, na ang pasimulang madalang ay naging masinsin. Ang
dalaga ay dumungaw sa bintana - masama ang kanyang pakiramdam. May kung anong
nakatatakot na bagay sa kanyang katawan na ibig niyang ilabas, na ibig niyang itapon.
At iyon ay umaakyat sa kanyang lalamunan. Humawak siya sa palababahan ng bintana.
Tumingala siya upang pawiin ang pagsama ng kanyang pakiramdam. Natanaw niyang

maitim ang langit at naisip niyang magtatagal ang ulan. Tumungo siya at nakita niyang
nilinis ng tubig ang bangketa at kasabay ng kanyang pagtungo, parang may isinikad na
pataas sa lalamunan ang kanyang bituka at siya'y napanganga at siya'y napapikit at
siya'y napaluha at paghigpit ng kanyang hawak sa palababahan ng bintana ay
napaduwal siyaat ang lumabas sa kanyang bibig ay tumulo sa bangketa at sandaling
kumalat doon at pagkaraa'y nilinis ng patak ng ulan, inianod ng nilikhang mumunting
agos sa gilid ng daan. At ang dalaga'y napabulalas ng iyak.
7. DAYUHAN - Buenaventura S. Medina, Jr.
Isang gabi, napakislot sa pagkakahiga ang persona ng maikling kwentong ito (mayakda) nang marinig na naman niya ang daing ng kanyang masakiting ama mula sa silid
nito. Nagbalikwas siya para tunguhin ang silid ng kanyang ama, subalit nagbaga na
naman ang kanyang damdaming hindi maipaliwanag. Nang buksan niya ang kanyang
pinto, nakita niya ang kanyang ina at sa pamamagitan ng tingin nito'y alam na niya ang
dapat gawin. Pumunta siya sa lansangang-bayan para tawagin si Dr. Santos. Sumama
naman ang doktor para tingnan ang kalagayan ng kanyang ama. Matagal ng may sakit
ang kanyang ama ngunit hindi rin lubusang gumaling dahil sa lagi nitong sinusuway ang
bilin ng doktor. Kung paalalahanan naman ng kanyang ina, nagagalit ang kanyang ama
dahil alam daw nito ang kanyang ginagawa. Dahil tanging lalaking sa pamilya, ay inako
na niya ang tungkuling tumawag ng manggagamot sa anumang oras naroroon siya
tuwing maririnig niya ang daing ng kanyang ama.
Iyon ay isang gawain na matapat na niyang nagagampanan matapos ibinilin sa kanya
ng mga kapatid ang kalagayan ng kanilang ina nang nagsisama ang mga ito sa
kanilang napangasawa sa Kabisayaan. At ito nga ang kanyang ginagawa, ang tulungan
ang ina sa pag-aalaga sa kanyang ama. Lubos na lamang ang kanyang pagtataka kung
bakit nasabi ng kanyang mga nakakatandang kapatid na siya na ang bahala sa
kanilang ina. May mga bagay siyang hindi nalalaman na tanging mga kapatid lamang
niyang nakakatanda ang nakakaalam mula sa kanilang pinag-uusapan. Ngunit nabuo
na sa isip nito ang pinag-uusapan nila, sapagkat sa ibang umpukan sa maliit na
pamayanang iyon, ay narinig niya: Ang kanyang ama, si Ading at isang sanggol. At sa
isip niya, marahil ay marami pang Ading at marami pang sanggol sa buhay ng kanyang
ama.
Ang mga luhang nakikita niya sa kanyang ina, ang hinanakit ng kanyang mga kapatid
sa ama, ang natuklasang katotohanan tungkol sa ama at kay Ading at sa sanggol ay
ang mga rason marahil kung bakit nakakaramdam siya ng isang damdaming dayuhan.
At iyon nga ang kanyang nararamdaman sa tuwing makikita niya ang ama sa silid nito
at tila ba isa siyang dayuhan sa pook na iyon.
Nang marating na niya at ni Dr. Santos ang kanilang bahay, nakita niya ang ina at
dalawang nakakabatang kapatid sa pinto ng silid ng kanyang ama. Pumunta siya sa
sariling silid ngunit muling nagbalikwas ng marinig ang mga hirap na paghingal at pigil
na pag-iyak. Nasalubong niya si Dr. Santos at sinabihan na maiwan nalang at huwag na
siyang ihatid dahil kakailanganin daw siya. Mula sa mga sinasabi ng kanyang ina,
iyakan ng mga kapatid hanggang sa nakaratay na ama, napagtanto niyang nalalapit na
talaga ang oras ng kamatayan ng kanyang ama. May kumurot sa kanyang laman, at
bigla ay nadama niyang kilala na niya ang silid na iyon at lumapit siya siya sa ama.

8. Kwento ng Isang Dayuhang Pinoy - Unknown


Si Ryeowook Camorra ay isang guro na nagtuturo sa isang pribadong paaralan.Ang
kanyang tinituro ay tungkol sa asignaturang Agham ukol sa Kimiko (Chemistry III).Sa
kanyang pangalan ay isang Koreano pero lahing Pinoy.Ang ina niya ay isang Koreano
habang ang kanyang ama ay isang Pilipino.Si Ryeowook ay matangkad,mabait at
matalino pero siya ay isang maykaya lamang sa buhay.Nang mga ilang taon ay
namatay ang kanyang Ina dahil sa sakit na kanser.Nagdesisyon ang kanyang ama na
bumalik siya sa ibang bansa upang magtrabaho bilang isang doktor.si Ryeowook ay
laging iuugnay sa kanyang kariktan ng buhay o kahit saan mang kagandahan sa isang
tanawin, sa isang kaisipan o maging sa isang tunog.Nagsisikap siyang magtrabaho
para sa kanyang pamilya.Si Ryeowook ay pangkaraniwang lamang. May nakapansin sa
sanya bakit guro ang kinuha niyang trabaho imbes na ang kanyang itsura ay pwedeng
ipasok sa mga pang opisinang trabaho.
Tinawag si Ryeowook na "G. Mabuti"dahil siya ay magaling magturo at mabait sa mga
estudyante.Minsan siyay palabiro sa mga estudyante.Nang minsan papunta si
Ryeowook sa isang gilid ng silid-aklatan upang doo'y umiyak. Naalala niya ang mga
pangyayaring naganap sa kanyang mga magulang. Napansin niyang mayroon ding
isang babaeng estudyante na kanyang kaeskwela na doo'y umiiyak. Tinanong niya ito
ngunit ito'y di-nagsalita
Nagkasabay sa pag-uwi si Ryeowook at ang batang babae na si Anita. Nang mga oras
na iyon,naalala ng bata ang itatanong niya kay Mabuti. Nag uusap sila bakit umiyak si
Anita sa gilid ng silid aklatan.Sinagot niya na "Kasi po G.,naalala ko po ang aking nmga
magulang.Iniwan nila ako sa aking lola,at hindi ko po alam kung buhay pa po ba sila sa
ngayon?".Nadama ni Ryeowook ang lungkot at lumuha ang kanyang mga mata.Habang
nag-uusap sila pa-uwi,ang sinabi ni Ryeowook,"Huwag kang umiyak,ipagdasal mo ang
mga magulang mo kung silay nabubuhay pa ngayon."Pagkatapos ay may halong biruan
si Ryeowook at humalakhak ng malakas si Anita.
Sa tuwing nagtuturo ng asignaturang Kimiko III,si G. Mabuti ay walang siyang binigkas
kundi ang kanyang buhay.Ikinuwento niya iot at ibinahagi sa kanyang magaaral.Makalipas ang pagkukuwento ng isang oras,umiyak at naawa ang mga magaaral.Alam nila kung gaano kahirap ang buhay ng gurong si Ryeowook.
Mataas sana ang pangarap ni Ryeowook para sa kanyang magulang.Nang dumating
ang kanilang kahirapan sa kanilang buhay,hindi na niya ito natuloy ang pag-aaral
niya.Gusto niya sana itong magiging isang magaling na doktor tulad ng kanyang
ama.Kapag naituloy niya ang pagiging isang magaling na doktor ay gagamutin niya ang
kanyang Ina, pero wala na siyang pera pampaaral niya sa medisina dahil ang pera ay
ibinili niya ng gamot sa kanyang Ina.May pag asa pa si Ryeowook na pumasok ulit at
mag-aral ng medisina para mabago ang kanyang buhay sa pagiging mahirap,at
gagamutin niya ang mga taong maysakit.Ipapakita niya ito sa mga mamamayan kung
gaano ba ito kagaling si Ryeowook magturo sa paaralan at sa pagiging niyang doktor.

9. Tata Selo - Rogelio Sikat


Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit
nang tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano,
ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan. Naggitgitan ang mga tao,
nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa'y naghahangad makalapit sa istaked.
"Totoo ba, Tata Selo?"
"Binabawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya."
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang
putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na
mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod
niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap
niya at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa
mga pulis na sumasawata sa nagkakaguluhang tao.
"Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo," umiling na wika ng kanyang kahangga,
"talagang hindi ko mapaniwalaan."
Hinaplus-haplos ni Tata Selo ang ga-dali at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa
kanyang harapan, di-kalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga taong
ibig makakita sa kanya. Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang
humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nasasalisod na alikabok.
"Bakit niya babawiin ang aking saka?" tanong ni Tata Selo. "Dinaya ko na ba siya sa
partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako.
Hindi ba't kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit
isang pinangko kung anihan?" Hindi pa rin umaalis sa harap ng istaked si Tata Selo.
Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang
tinitingnan.
"Hindi mo na sana tinaga si kabesa," anang binatang anak ng pinakamayamang
propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na pinunong-bayang malayang
nakalalakad sa pagitan ng maraming tao at ng istaked. Mataas ito, maputi,
nakasalaming may kulay at nakapamaywang habang naninigarilyo.
"Binabawi po niya ang aking saka," sumbong ni Tata Selo. "Saan pa po ako pupunta
kung wala na akong saka?"
Kumumpas ang binatang mayaman. "Hindi katwiran iyan para tagain mo ang kabesa.
Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaaalis ka niya
anumang oras."
Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.
"Ako po'y hindi ninyo nauunawaan," nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa
binatang nagtapon ng sigarilyo at mariing tinakpan pagkatapos. "Alam po ba ninyong
dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa,
naembargo lamang po ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga
po hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po
mababawi, masaka ko man lamang po. Nakikiusap po ako sa kabesa kangina, "Kung
maari akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, 'Besa. Totoo pong ako'y matanda na,

ngunit ako po nama'y malakas pa.' Ngunit... Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod,
tingnan po n'yong putok sa aking noo, tingnan po n'yo."Dumukot ng sigarilyo ang
binata. Nagsindi ito at pagkaraa'y tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang pulis.
"Pa'no po ba'ng nangyari, Tata Selo?"
Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang
magbubukid na na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang
magbubukid, o anak-magbubukid, na maniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na
sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas.
May sukbit itong lilik.
"Pinutahan niya ako sa aking saka, amang," paliwanag ni Tata Selo. "Doon ba sa may
sangka. Pinaalis sa aking saka, ang wika'y tinungkod ako, amang. Nakikiusap ako,
sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?"
"Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo."
Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.
"Patay po ba?"
Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa
balikat.
"Pa'no pa niyan si Saling?" muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong
taong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at
kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. Ginagawang reyna sa pista ng mga
magbubukid si Saling nang nakaraang taon, hindi lamang pumayag si Tata Selo. "Pa'no
po niyan si Saling?"
Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas.
Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito,
kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina
ng diyip na kinasasakyan ng dalawa upang mahawi ang hanggang noo'y di pa nagaalisang tao.
Tumigil ang diyip sa di-kalayaun sa istaked.
"Patay po ba? Saan po ang taga?"
Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpapawisang tao. Itinaas ng may-katabang
alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang
malaking hepe.
"Saan po tinamaan?"
"Sa bibig." Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing
inihagod hanggang sa kanang punong tainga. "Lagas ang ngipin."
"Lintik na matanda!"
Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw
na ng batuta ang mga pulis. Ipinasiya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at
dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked.
"Mabibilanggo ka niyan," anang alkalde pagpasok ni Tata Selo sa kanyang tanggapan.
Pinaupo ng alkalde ang namumutlang si Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa
harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa
nasasalaminang mesa.\
"Pa'no nga ba'ng nangyari?" kunot-noo at galit na tanong ng alkalde.
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
"Binabawi po niya ang aking saka, Presidente," wika ni Tata Selo. "Ayaw ko pong umalis

doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin po, naisangla lamang po at naembargo."
"Alam ko na iyan," kumukumpas at umiiling na putol ng nagbubugnot na alkalde.
Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw na
luha sa kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.
"Ako po naman, Presidente, ay malakas pa," wika ni Tata Selo. "Kaya ko pa pong
magsaka. Makatwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente,
malakas pa po."
"Saan mo tinaga ang kabesa?"
Matagal bago nakasagot si Tata Selo.
"Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas sa
pilapil. Alam ko pong pinanood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang
paggawa, para malaman niyang ako po'y talagang malakas pa, na kaya ko pa pong
magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at ako po'y lumapit, sinabi niyang
makaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka."
"Bakit po naman, "Besa?" tanong ko po. Ang wika'y umalis na lang daw po ako. 'Bakit
po naman, 'Besa?' tanong ko po uli, 'malakas pa po naman ako, a.' Nilapitan po niya
ako nang tinungkod."
"Tinaga mo na n'on," anang nakamatyag na hepe.
Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin - may mga eskribiyente pang
nakapasok doon - ay nakatuon kay Tata Selo. Nakauyko si Tata Selo at gagalaw-galaw
ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab
na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang paa.
"Ang inyong anak, na kina Kasesa raw?" usisa ng alkalde.
Hindi sumagot si Tata Selo.
"Tinatanong ka," anang hepe.
Lumunok si Tata Selo.
"Umuwi na po si Saling, Presidente."
"Kailan?"
"Kamakalawa po ng umaga."
"Di ba't kinatatulong siya ro'n?"
"Tatlong buwan na po."
"Bakit siya umuwi?"
Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiyak na napayuko siya.
"May sakit po siya?"
Nang sumapit ang alas-dose - inihudyat iyon ng sunud-sunod na pagtugtog ng
kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo - ay umalis ang alkalde upang
manghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis.
"Napatay mo pala ang kabesa," anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata
Selo na nakayuko at din pa tumitinag sa upuan.
"Binabawi po niya ang aking saka," katwiran ni Tata Selo.
Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag, halos mangudngod si Tata Selo.
"Tinungkod po niya ako nang tinungkod," nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing
katwiran ni Tata Selo.
Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig,
napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa umipormeng kaki ng hepe.
"Tinungkod po niya ako nang tinungkod...Ay! tinungkod po niya ako nang tinungkod..."

Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.


"Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kat Tsip, e," sinasabi ng isa nang si Tata Selo ay tila
damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.
Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo, nagkalat ang
papel na naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa
pagdating ng uwang iyo'y dapat nang nag-uulan. Kung may humihihip na hangin, may
mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas.
"Dadalhin ka siguro sa kabesera," anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa
matandang nasa loob ng istaked. "Doon ka siguro ikukulong."
Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruing sementadong lapag nakasalampak si
Tata Selo. Sa paligid niya'y may natutuyong tamak-tamak na tubig. Nakaunat ang
kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang kanyang tila walang butong mga
kamay. Nakakiling, nakasandal siya sa steel matting na siyang panlikurang dingding ng
istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi nagagalaw ang sartin ng maiitim na kape
at isang losang kanin. Nilalangaw iyon.
"Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo," patuloy ng alkalde. Nagsindi ng tabako at
lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde.
"Patayon na rin ninyo ako, Presidente." Paos at bahagya nang marinig ang rehas
nguni't pinagkiskis niya ang mga palad at tiningnan kung may alikabok iyon. Nang
tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito.
May mga tao na namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti iyon kaysa kahapon.
Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis.
Kakaunti ang magbubukid sabagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo.
Karamihan ay mga taga-poblacion. Hanggang noon, bawat isa'y nagtataka, hindi
makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang kabesa.
Nagtataka at hindi nakapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di
pangkaraniwang hayop na itinatanghal.
Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdakong alas-dos, dumating
ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa
rehas at malakas na humagulgol.
Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito'y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di
nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umaalalay kay Tata
Selo. Nabubuwal sa paglakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap
ng mesa ng presidente.
Nagyakap ang mag-ama pagkakita.
"Hindi ka na sana naparito, Saling" wika ni Tata Selo na napaluhod. "May sakit ka
Saling, may sakit ka!?
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab
niyang buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang dalawang araw.
Matigas ang kanyang namumutlang mukha. Pinaglilipat-lipat niya ang tingin mula sa
nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis.
"Umuwi ka na, Saling," hiling ni Tata Selo. "Bayaan mo na...bayaan mo na. Umuwi ka
na, anak. Huwag ka nang magsasabi..."
"Kinabog kagabi," wika ng isang magbubukid. "Binalutan ng basang sako, hindi nga
halata."
"Ang anak, dumating daw?"

"Naki-mayor."
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata
Selo pagakaraang siya'y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinapakaw ang
pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas, mahigpit na
humawak doon at habang nakadapa'y ilang sandali ring iyo'y tila huhutukin. Tinawag
niya ang mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang
kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapah.
Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila gumigisang sa kanya.
"Tata Selo...Tata Selo..."
Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng may luha niyang mata ang tumatawag
sa kanya.
Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.
Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umaabot sa kanya.
"Nando'n, amang, si Saling sa Presidente," wika ni Tata Selo. "Yayain mo nang umuwi,
umuwi na kayo. Puntahan mo siya, amang. Umuwi na kayo." Muling bumagsak ang
kanyang mukha sa lapag. Ang bata'y saglit na nagpaulik-ulik, pagkaraa'y takot na
bantulot na sumunod...
Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May
kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si Tata Selo'y
wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin
sitya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata'y tumatama
ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang
inutusan niya kangina. Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng
alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayo'y hindi na pagbawi ng
saka ang sinasabi.
Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na
sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kihuan na sa kanila...

10. Titser - Unknown


Ang maikling kwentong ito ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro
na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing dipagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat
ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling
Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang
hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong
nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni
Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita.
Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y
walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan.
Sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang
propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling

Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na
anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng
kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong
maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng
anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo,
isang binata mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit
nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang
iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan.
Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na
nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot
sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na
nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang
kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na
lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa
probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at
magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na
plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin si
Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan
sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro.
Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang
kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong
manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng
hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa
pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya
ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro.
Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang
araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang
para sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit
kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang
pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong
may plano itong masama laban sa kanyang pamilya.
Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak
pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang
loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang
hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang magasawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di
naglaon ay nagbalik rin ang bata, ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni
Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang
bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita.
Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga
anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso

sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At
doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali.

You might also like