You are on page 1of 21

SLA No.

1: Tekstong Impormatibo
Subject Code/Number:
Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Teacher: Jimwell Deiparine

I. Introduksiyon

Maraming ang nag-aakalang mas nagugustuhan ng mga mag-aaral ang magbasa ng mga tekstong
naratibo tulad ng maikling kuwento, tula, pabula, alamat at iba pa. Gayunpaman, sap ag-aaral ni Duke (2000),
ang dahilan kung bakit hindi gaanong nakapagbabasa ng tekstong impormatibo ang mga mag-aaral ay dahil
limitado ang ganitong uri ng mga babasahin sa kanilang kaligiran. Sa isang pag-aaral na isinagawa sa 20 silid-
aralan sa unang baiting, nakitang wala pang 10% ng mga aklat sa mg aklatan pansilid-aralan ang na bibilang
sa tekstong impormatibo. Lumabas din sa nasabing pag-aaral na wal pang 3% ng mga bagay o kagamitang
naka-displey sa paligid ng mga silid-aralan ang maibibilang sa tekstong impormatibo.

Mga kasanayang pampagkatuto


1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong
binasa

Detalyadong kasanayang Pampagkatuto


1. Nabibigyang-kahulugan abf tekstong impormatibo
2. Nakasusulat ng teksto impormatibo ukol sa napapanahong paksa

Pangkalahatang Paalala at Paunawa


Upang maisakatuparan an gang pagkatuto sa modyul na ito, kailangan mong alalahanin at gawin ang
mga sumusunod.
1. Maglaan ng panahon at maaliwalas na lugar upang mabigyang-tuon ang pagtugon sa modyul na ito, at
siguraduhing walang makasasagabal sa iyong pag-aaral.
2. Sikapin na magkaroon ng sapat na kagamitan, mapagkukunan ng impormasyon o sanggunian tungo sa
ikatatagumpay ng pag-aaral ng modyul.
3. Tandaang ang karunungan ay para sa lahat ng tao ngunit matatamo lang ang higit na dunong sa taong may
pagsusumikap.
4. Laging sumangguni sa inyong guro at sa iba pang makatutulong para masagot ang mga tanong para sa
modyul na ito, at
5. Manalangin sa Diyos upang lagi kang pagpalain ng karunungan, sapat na lakas at iba pang pangangailangan
tungo sa ikapagtatamo ng hinanangad mong tagumpay.
II. Pagtatalakay

Hulaan ko, naparito ka upang maggawa ng takdang aralin, o kaya naparito ka upang mangalap ng
impormasyon, tama ba? Alam mo ba na ang blog post na ito ay isang uri ng tekstong impormatibo? Sa ibaba,
iyong malalaman ang kahulugan at mga uri nito.

Ano ang kahulugan ng Tekstong Impormatibo?

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay makapagbigay ng


impormasyon. Naglalahad ito ng malinaw na paliwanag sa paksang tinatalakay. Sinasagot nito ang mga
tanong na ano, kailan, saan, sino at paano. Sa ibang terminolohiya, tinatawag din itong “ekspositori”.

Dahil layunin nitong maghatid ng tiyak na impormasyon, dapat ito ay madaling unawain.
Sa pagsulat ng tekstong impormatibo, ang mga manunulat ay gumagamit ng iba’t-ibang pantulong upang
magabayan ang mga mambabasa para mas mabilis nilang maunawaan ang impormasyon. Ang ilan sa
halimbawa ng mga pantulong ay talaan ng nilalaman, index at glosaryo. Maari ding gumamit ang mga
manunulat ng mga larawan, ilustrasyon, kapsyon, graph at talahanayan.
Sa pagbuo ng tekstong impormatibo, mahalagang isaalang-alang ang katumpakan ng nilalaman. Ang mga
sumusulat nito ay kinakailangang may sapat na kaalaman sa paksa, kung kaya’t dapat sila ay may mga
sangguniang pinagbabasehan. Dagdag pa, ang sanggunian o pinagkukunan nila ng datos ay kailangang
mapapagkatiwalaan at may kredibilidad. Makakabuti rin kung ang paksa ay napapanahon sapagkat ito ay
maaring makatulong upang maunawaan ng mambabasa ang mga isyu sa lipunan.
Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong impormatibo ay diksyunaryo, encyclopedia, almanac,
pamanahong papel o pananaliksik, siyentipikong ulat, at mga balita sa pahayagan.
Mga Elemento ng Tekstong Impormatibo
1) Layunin ng may Akda- Maaring magkaiba-iba ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya sa isang
tekstong impormatibo. Maaaring layunin niyang mapalawak pa ang kaalamn ukol sa isang
paksa: maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag: matuto ng maraming bagay
ukol sa ating mundo: masaliksik; at mailahad ang mga yugto sa buhay ng ng iba’t ibang uri
ng insekto, hayop, at iba pang nabubuhay; at iba pa. Gayunpaman, anuman ang layunin ay
mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad ng impormasyon.
2) Pangunahing Ideya- dito dagling inilalahad ang pangunahing ideya sa tekstong impormatibo.
Ginagamit nito Organizational Markers upang makita at mabasa agad ng mambabasa ang
pangunahing ideya.
3) Pantulong na kaisipan- Mahalaga rin paglalagay ng mga angkop mga pantulong na kaisipan o mga
detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais
niyang matanim o maiwan sa kanila.
4) Mga Estilo sa Pagsususlat, Kagamitan, Sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyan-diin:
a) Paggamit ng mga nakalarawang representasyon- paggamit ng larawan, diagramo chart.
b) Pagbibigay diin sa mga mahahalagang salita- pag bold ng letra, gawing italic o ang
paglalagay ng guhit sa mga salita. Upang mabigyan diin ang mahahalagang salita.
c) Pagsusulat ng mga Talasanggunian- paglalagay ng credits upang mapatunayan ang
totoo (Bibliography)

Iba’t-ibang Uri ng Tekstong Impormatibo


Mayroong iba’t-ibang uri ang tekstong impormatibo batay sa kung ano ang estraktura ng
pagkakalahad nito. Ito ay maaring maglahad ng sanhi at bunga, paghahambing, pagbibigay ng depinisyon, at
paglilista ng klasipikasyon.

Paglalahad ng Totoong Pangyayari/kasaysayan


Sa uri ito ng tekston inilalahad ng mga totoong pangyayari naganap sa isang panahon o pagkakataon.
Maaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng mga balitang isinulat
ng mga reporter ng mga pahayagan o maaaring ding hindi direktang nasaksihan ng manunulat kunid mula sa
katotohanang nasaksihan at pinatunayan ng iba tulad naman ng saulating pangkasaysayan o historical
account.

Pag-uulat Pang-impormasyon
Sa uuring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba
pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid, ang ilang halimbawa ay
mga paksang kaugnay ng teknolohiya, global warming, cyberbullying, mga hayop na malapit nang maubos,
impormasyon kaugnay ng mga halaman, at iba pa. Ang pagsulat ng ganitong uri ng tekston ay
nangangailangan ng masusing pananaliksik sapagkat ang mga imporamsyon at detalyeng taglay nito ay
naglalahad ng katitihanan ukol sa paksa at hindi dapat samahan ng personal na pananaw o opinion ng
manunulat

Pagpapaliwanag
Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit nagana pang isang
bagay o pangyayari. Layunin nitong Makita ng mambabasa mula sa mga imporamsyong nagsasaad kung
paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan. Karaniwang itong ginagamitan ng mga larawan,
dayagram, o flowchart na may kasamang mga pagpapaliwanag. Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay ng mga
hayop at insekto tulad ng paroparo, palaka, at iba pA.
Gawain 1:_________________________________________________________________________________

Pagbasa sa halimbawang teskto

Orange Pangontra sa Sakit na Cancer

BURP TIPS

Sabi ng nanay nating kahit noong bata pa tayo ay kailangan ng gulay at prutas para may sustansya sa
katawan. Tama naman sila dahil may mga prutas at gulay pa nga na pangontra sa mga sakit. Tulad na lang ng
prutas na orange.

Alam n’yo ba na pangontra ito sa sakit na cancer? Tama, cancer nga. Mataas kasi ang taglay nitong citrus
limonoids at napatunayan nang mabisang pangontra sa cancer lalo na ang cancer sa skin, lung, breast,
stomach, at colon.

Ang pag-inom din ng orange juice ay magandang pang-iwas sa sakit sa kidney at nakakaiwas magkaroon ng
kidney stones o bato. ‘Wag lamang iinom ng sobra-sobrang orange juice dahil ang mataas na sugar content
nito ay maaaring magdulot ng tooth decay at ang matas na acid content nito ay maaring makasira sa enamel
ng ngipin.

Ayon din sa isang pag-aaral sa Japan, ang pagkain ng mandarin orange ay nakabababa ng tsansa para
makakuha ng sakit na liver cancer. Marahil dahil ito ay sa vitamin A compounds na carotenoids.

Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi,
maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Pagsusuri sa katangian ng teksto:

1. Saan nakapukos ang paksa ng teskto? Anong pangungusap ang nagpapahayag ng sinasabi ng
teksto tungkol sa paksa?
2. Sa paanong paraan inilalahad ang paksa sa teksto?
3. Nagbibigay ba ito ng mahahalagang impormasyon? Patunayan
4. Batay sa mga impormasyong nabanggit sa teksto, alin sa mga ito ang sa iyong palagay ay
makatotohanan?

Paraan ng pagkakalahad ng mga impormasyon


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Mga mahahalagang impomasyon


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
5. Nahahaluan baa ng tekstong ng personal na damdamin ng may-akda? Ano ang tono ng teksto?
Patunayan.

Gawain 2:_________________________________________________________________________________

Magsulat ng isang tekstong impormatibo ukol sa isang napapanahong paksa. Ang teksto ay lalamin ng 3 talata
(panimula, katawan, at wakas)

Tatayain ang teksto gamit ang mga pamantayan

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Pagsasanay pa


(20) (15) (10) (7)
Nilalaman
Gamit ng wika
Organisasyon ng
mga ideya

Sanggunian
 Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Manila,
Philippines. REX Book Store
 Feature Image by FreePik.com
 https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-impormatibo/
 Pinagmulang Pluma Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang teksto tungo sa Pananaliksik, Alma M. Dayag at
Mary Grace G. del Rosario
SLG No. 2: Tekstong Naratibo
Subject Code/Number:
Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Teacher: G. Jimwell Deiparine

I. Introduksiyon

Sa bawat araw sa buhay ng isang tao may pangyayaring naibabahagi o naikukuwento niya sa iba.
Maaaring mga simpleng pangyayaring nasaksihan sa kanyang pagpasok o kaya’y nama’y ang
ipinagpapalagay niyang pinakamahalaga o pinakamalaking pangyayari sa kanyang maghapon. Ang
pagsasalaysay o pangkukuwento ay karaniwang nangyayari kapag nagkita-kita o nagsalo na ang mag-
anak o maging ang magkakaibigan subalit minsan, ang salaysay ay hindi lang basta naibabahagi nang
pasalita. Sa halip, naitatala rin sa mga pahina ng isang talaarawan. Hindi halos nararamdaman ng
nagsusulat na siya’y bumubuo nap ala ng isang kuwento, ang kanyang sariling kuwentong bahagi ng
isang uri ng tekstong, ang tekstong naratibo.

Mga kasanayang pampagkatuto at mga layunin


1. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa
2. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto

Detalyadong kasanayang Pampagkatuto


1.Natutukoy ang paksang tinalakay sa tekstong binasa
2.Nakapagbigay-opinyon ukol sa isang paksa
3. Nasusuri ang mga element ng tekstong binasa

Pangkalahatang Paalala at Paunawa


Upang maisakatuparan ang pagkatuto sa modyul na ito, kailangan mong alalahanin at gawin ang
mga sumusunod.:
1. Maglaan ng panahon at maaliwalas na lugar upang mabigyang-tuon ang pagtugon sa modyul na ito, at
siguraduhing walang makasasagabal sa iyong pag-aaral.
2. Sikapin na magkaroon ng sapat na kagamitan, mapagkukunan ng impormasyon o sanggunian tungo sa
ikatatagumpay ng pag-aaral ng modyul.
3. Tandaang ang karunungan ay para sa lahat ng tao ngunit matatamo lang ang higit na dunong sa taong
may pagsusumikap.
4. Laging sumangguni sa inyong guro at sa iba pang makatutulong para masagot ang mga tanong para sa
modyul na ito, at
5. Manalangin sa Diyos upang lagi kang pagpalain ng karunungan, sapat na lakas at iba pang
pangangailangan tungo sa ikapagtatamo ng hinanangad mong tagumpay.

II. Pagtatalakay
Ikaw ba ay nakaranas nang basahan ng kwento ng iyong mga magulang, guro, iyong kaibigan, o
ng ibang tao? Alam mo ba na ang kanilang sinasalaysay sa iyo ay nabibilang sa tekstong naratibo?
Halina’t ating alamin ang kahulugan ng tekstong ito at kung anu-ano ang elemento nito!

Ano ang Kahulugan ng Tekstong Naratibo?

Ang tekstong naratibo ay isang uri ng tekstong naglalayong magsalaysay ng kwento o


pangyayari. Ang pagsulat nito ay maaring batay sa obserbasyon o nakita ng may akda, maari din namang
ito ay nanggaling mula sa sarili niyang karanasan. Ito ay maaring hinango sa totoong pangyayari sa
daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa kathang-isip ng manunulat (piksyon).

Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong nagkukuwento na nabibilang sa akdang piksyon


ay nobela, maikling kwento, at tulang nagsasalaysay. Ang halimbawa naman ng hindi piksyon ay
talambuhay, balita at maikling sanaysay. Lahat ng halimbawang nabanggit ay nagtataglay ng masining na
pagsasalaysay, nagpapahayag ng emosyon sa mga mambabasa, at nagpapakita ng iba’t-ibang imahen,
metapora at mga simbolo.

katangian ng Tekstong Naratibo


Ang bawat uri ng tekstong ito ay may kanya-kanyang taglay na katangian subalit ang mababasa
mo sa ibaba ay pangkalahatang katangiang taglay ng bawat uri ng tekstong naratio.

May iba’t ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of View) sa Tekstong


Naratibo
Sa pagsasalaysay o pangkukuwento ay may mga matang matutunghay sa mga pangyayari. Ito ang
ginamit ng manunulat na paningin o pananaw sa pagsasalaysay. Ang pinakakaraniwang gigamit para sa
naratibo ay ang una at ikatlong panauhan. Bihirang-bihirang magamit ang ikalawang panauhan. Sa mas
mahahabang naratibo tulad ng nobela ay maaaring hindi lang iisa kundi nagbabago-bago ang ginagamit
na pananaw.
1. Unang Panauhan – – Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na
kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako.
2. Ikalawang Panauhan – Dito mistulang kinasausap ng manunulat ang tauhang
pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na ka o
ikaw, subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat
sa kanilang pagsasalaysay.
3. Ikatlong Panauhan – Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinilaysay ng isang taong walang
relasyon sa tauhan kaya ang pangghalip na ginagamit nia sa pagsasalaysay ay siya. Ang tagapagsalaysay
ay tagapag-obserba lang at nasa labasa siya ng pangyayari. May tatlong uri ang ganitong uri ng pananaw.

 Maladiyos na panauhan- Nababatid niya ang galaw at naiisip ng lahat ng tauhan. Napapasok niya
ang isipan nng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito
sa mga mambabasa.
 Limitadong panauhan - Nababatid niya ang naiisip o kinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi
ang sa iba pang tauhan.
 Tagapag-obserbang panauhan - Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at
damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga nakikita o naririnig niyang mga pangyayari, kilos, at
sinasabi lang ang kanyang isinasalaysay.
 4. Kombinasyong Pananaw o Paningin – Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t
iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa
isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang panahon at mas
maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata.

Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo,Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo

May dalawang paraan kung paano inilalahad o ipinahahayag ng mga tauhan ang kanilang
diyalogo, saloobin, at damdamin.

1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag


Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng
kanyang diyalogo, saloobin, at damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi. Sa ganitong paraan ng
pagpapahayag ay nagiging natural at lalong lumulutang ang katangiang taglay ng mga tauhan. Higit din
nitong naakit ang mga mambabasa sapagkat nagiging mas malinaw sa kanya ang eksaktong, mensahe o
sinabi ng tauhan at ang paraan ng pagkakasabi’y naghuhudyat di sa uri ng damdaming taglay kaysa kung
lalagumin o hindi direktang sasabihin ng tagapagsalaysay.

Halimbawa:

“Donato, kakain na, Anak.” Tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y abalang-abala sa ginagawa at hindi
halis napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan. “Aba’y kayganda naman nireng
ginagawa mo, Anak! Ay ano ba talaga ang balak mo, ha?”
Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa kanilang kusina.

-Mula sa “ Ang Karaan ni Donato”

2. Di-direkta o Di-tuwirang Pagpapahayag


Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong
uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi.

Halimbawa:
Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain habang ito’y abalang-abala sa ginagawa at hindi
halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda ng ginagawa
ng anak at tinanong din niya kung ano ba talaga ang balak niya.
Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa kanilang kusina.

May mga Elemento ng mga Tekstong Naratibo

1. Tauhan
Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o bilang ng tauhan ay dapat
umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda ang bilang ng tauhang magpapagalaw sa tekstong naratibo
ang pangangailangan lamang ang maaaring magtakda nito. May dalawang paraan sa pagpapakilala ng
tauhan—ang expository at dramatika. Expository kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o
maglalarawan sa pagkatao ng tauhan at dramatiko naman kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa
kanyang pagkilos o pagpapahayag.

Ang karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo ay ang sumusunod:

a. Pangunahing Tauhan

Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula sa simula
hanggang katapusan. Karaniwang iisa lamang ang pangunahing tauhan. Ang kanyang mga
katangian ay ibinabatay sa tungkulin o papel na kanyang gagampanan sa kabuoan ng akda.

b. katunggaling Tauhan

Ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahing


tauhan. Mahalaga ang papel ng tauhang ito sapagkat sa mga tunggaliang nangyayari sa pagitan
nila, nabubuhay ang mga pangyayari sa kuwento at higit na napatitingkad ang mga katangian ng
pangunahing tauhan.

c. kasamang Tauhan

Gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan ang kasamang tauhan ay karaniwang kasama o


kasangga ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta,
magsilbing hingahan, o kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan.

d. Ang May-akda

Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang magkasama sa


kabuoan ng akda. Bagama’t ang namamayani lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay
lagging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.

Ayon kay E. M Forster, isang Ingles na manunulat, may dalawang uri ng tauhan ang
maaring makita sa isang tekstong naratibo tulad ng
a. Tauhang Bilog (Round Character) – Isang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw
ang personalidad. Tulad ng isang tunay na katauhan, nagbabago ang kanyang pananaw, katangian, at
dadamin ayon sa pangangailangan. Ang isang tahimik at mapagtimping tauhan.halimbawa, ay
maaaring magalit at sumambulat kapag hinihingi ng sitwasyon o pangyayari sa kuwento at
pangangailangang magbago ang taglay niyang katangian at lumulutang ang nararapat a emosyon o
damdamin.

b. Tauhang Lapad (Flat Character) - Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang
katangiang madaling matukoy o predictable. Madaling mahulaan at maituturing na stereotype tulad
ng mapang-aping madrasta, mapagmahal na ina, tin-edyer na hindi sumusunod sa magulang, at iba
pa. karaniwang hindi nagbabago o nag-iiba ang katangian ng tauhang lapad sa kabuoan ng kuwento.

Sinasabi ri ni Forster na kinakailangang makita ang dalawang uring ito ng tauhan sa tekstong
naratibo. Bagama’t madaling matukoy o predictable ang tauhang lapad ay hindi niya iminunungkahi
ang pagtatanggal sa ganitong uri ng tauhan sa pagsulat ng akda upang masalamin pa rin nito ang
tunay na kalakasan ng ga tauhan sa ating mundo.

2. Tagpuan at Panahon
Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganapa ang mga pangayayari sa akda
kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang
maganap ang mga pangyayari tulad ng kasayahang dala ng pagdiriwang sa isang kaarawan, takot na
umiiral dahil sa malakas na hampas ng hangin at ulang dala ng gabyo, romantikong paligid sanhi ng
maliwanag na buwang nakatunghay sa magkasintahang naghahapunan sa isang hardin,matinding pagod
ng magsasakang nag-aararo sa ilalim g tirik na araw, kalungkutan ng pamilyang nakatunghay habang
ibinababa sa kanyang huling hantungan ang isang minamahal, at iba pa.

3. Banghay
Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong
naratibo upang mabigyang-linaw ang tamang taglay ng akda.
Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay o balangkas ng isang naratibo.
 Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan, at
tema.(orientation or introduction)
 Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan particular ang pangunahing
tauhan(problem)
 Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksiyong gagawin ng tauhan
tungo sa paglutas sa suliranin(rising action)
 Patuloy na pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan(climax)
 Pababang pangyayari na humahantong sa isang resolusyon o kakalasan (falling action)
 Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas(ending)

Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula-gitna-wakas. May mga akdang


hindi sumusunod sa ganitong kalakaran at tinatawag na anachrony o mga pagsasalaysay na hindi
nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod. Mauuri ito sa tatlo.
a. Analepsis (flashback)-Dito ipinapasok ang mga pangyayari naganap sa nakalipas.
b. Prolepsis (flash-forward)-Dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa
hinaharap.
c. Ellipsis- May mga puwang o patlang sa pagkasunod-sunod ng pangyayari na nagpapakitang may
bahagi sa pagsasalaysay na tinatangahal o hindi isinama.
4. Paksa o Tema – Ito ang sentral na ideya na kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong
naratibo. Mahalagang malinang ito ng husto sa kabuoan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang
pinakamahalagang mensahengnais niyang maiparating sa kanyang mambabasa.dito rin mahuhugot ang
mga pagpapahalaga, mahalagang aral, at iba pang pagpapahalagang pangkatauhang nagagamit sa
mabuting pamumuhay at pakikisalamuha sa kapwa.

Ang Maling Pag-ibig


Ni Edilou A. Mangogtong

Sa loob ng isang "covered court" naglalakad si Johnny upang makahanap ng upuan. At hindi
sinasadya ni Johnny na mabangga ang isang babae. Habang si Johney naman ay humihingi ng tawad sa
ginawa niya sa isang babae. Ngunit ito'y naiintidahan ng babae. Dahil sa pagkabannga sa isa't isa
nagkakilala sila Johnny at ang babae na ang ngalan ay Eloisa. At humantong ito sa pagbibigayan ng
"Cellphone number".

Isang araw nagtext si Eloisa kay Johnny na uminom sila ng alak. Napailing nalang habang nagtetext
si Johnny. Pero  nagpumilit si Eloisa na makipag inuman at sumunod naman itong si Johnny. At sabi ni
Eloisa na magkikita daw sila sila sa kanilang bahay sa barangay ilocanos  sa San Fernando. Habang nasa
dyip si Johnny galing Bacnotan iniisip niya si Eloisa ay napakagandang babae ngunit isa pala siyang
manginginom. Pagkarating ni Johnny sa San Fernando ay sumakay na siya sa "tricycle" papunta sa
Barangay Ilocanos Norte. Pagkababa pa lang ni Johnny sa bahay ni Eloisa nakita niya na marami siyang
kasamang lalaki at babae. Dito na lumaban ng inuman si Johnny kasama si Eloisa. Mag-aalauna na
matapos na ang inuman nilang magbabarkada. Ngunit si Eloisa ay nasobrahan sa kalasingan kaya
pasuray-suray na naglalakad si Eloisa at Johnny at nakarating sila sa kwarto ni Eloisa sa pagtitig ni Eloisa
kay Johnny ito ay natukso. Bigla nalang hinalikan ni Eloisa si Johnny. Ngunit nagpumiglas si Johnny
pero hindi siya makawala kay Eloisa dahil si Johnny mismo ang tumuloy sa kanilang nag-iinit na halikan
kaya dito nag-umpisa ang halikan sa iba't ibang parte ng katawan ni Eloisa hanggang nangyari ang hindi
inaasahang pagtitikiman sa isa't isa hinubad nila ang kanilang kasuotan at sa bawat dampi ng labi ito'y
kanilang ninananmnam. Nang malapit na matapos ang kanilang pagtitikiman sa isa't isa. Pagod na pagod
at hingal na hingal sila dahil sa sobrang kasarapan. Nakatulog sila ng mahimbing at walang saplot. 

Alas diyes na ng umaga na sila ay magising at nagulantang sila sa isa't isa sapagkat kitang kita nila
ang buo nilang katawan na walang saplot. Agad na sila'y nagbihis at upang umatend sila sa kanilang
klase. Hindi man lang sila nag umagahan dahil mahuhuli na sila sa kanilang klase.Pagdating ng tatlong
buwan kinaumagahan si Eloisa ay nagduduwal . Dahil dito tinawag ni Eloisa si Johnny sa cellphone
upang sabihin kay Johnny ang kanyang sitwasyon. Nagduda agad si Johny kung totoo o hindi para
malaman niya ay bumili siya ng pregnancy test para makasigurado. At itoy ibinigay kay Eloisa para
magamit. Nang maihi sa banyo si Eloisa at ginamit niya ang Pregnancy test ito'y nagpositibo. Kaya
labis nalang ang pagsisis ng dalawa hindi malaan ang kanilang gagawin dahil sa takot at iniisip nila ang
kanilang pangyayari sa darating na panahon. Dumating sa bahay ang kanyang magulang at ito ay may
dalang pagkain. Habang kumakain si Eloisa kasama ang kaniyang magulang pinagmamasdan siya ng
kaniyang magulang dahil napakatakaw niya at laging mangga ang gusto niyang kainin. 

Dumating ang dalawang buwan napapansin ng kanyang magulang ang paglobo ng kanyang
sinapupunan kaya nagpasya itong magimpake at pumunta sa bahay ni Johnny para doon muna tumira.
Nakapunta na siya sa bahay ni Johnny na may dalang bagahe kumatok at si Johnny mismo ang nagbukas
ng pinto para salubungin niya si Eloisa. Pero si Johnny ay naluluha dahil hindi alam ang sasabihin niya sa
kanyang magulang dahil siya ay nakabuntis. Handa naman panagutan ni Johnny ang kanyang sariling
anak nila ni Eloisa. At sa ganitong paraan  niyakap niya ang kanyang ina at sinabi niya sa kanyang
magulang na nakabuntis siya at handa niyang panagutan si Eloisa kahit ano mang mangyari. Imbes na
magalit ang kanyang magulang agad nitong binati at sinabi sa kanya na magiging ama na siya. Kaya
panatag ang loob ni Johnnny at Eloisa sa pagtanggap sa kanila. Hindi akalain ni Johnny na napakabuti ng
kanyang magulang. Alam niyang masakit sa kanila ang pangyayari ngunit malugod siyang tinanggap.
Napagisipan ni Johnny na magtungo sa bahay nila Eloisa upang sabihin sa kanila buntis ito at handa
niyang panagutan ang bata. Tinanong niya ito kay Eloisa ngunit takot ang nanaig sa kanya dahil baka
hindi tanggapin ng kanyang magulang ang kaniyang sitwasyon. Kaya Kaya siba ni Johnny sa kanyang
magulang na pumunta sila sa bahay ni Eloisa para sa kanilang ikabubuti. Kaya para matapos ang
kaniyang problema sumama si Eloisa at kaniyang magiging manugang kasama si Johnny. Habang
nakasakay sila sa jeep ay hindi maiwasan ni Eloisa na humagulgol dahil namimiss niya ang kaniyang
magulang. Kaya pinapakalma ito ni Johnny. At nakarating na sila sa kanilang kinapaparoonan. Si Eloisa
ay humahagulgol at humihingi ng tawad sa kaniyang magulang dahil sakanyang pagkakasala. Nang ang
ama ni Eloisa ay hindi makapagtimpi agad niya itong sinampal sa harap mismo ng kanyang magiging
manugang at ang kanyang sariling ina. Sa kasamaang palad itinakwil siya ng kanyang ama at ang ina niya
naman ay walang magawa kundi sumunod sa kanyang asawa kahit masakit man ito sa kanyang
damdamin. Kaya umuwing luhaan si Eloisa dahil hindi niya matanggap ang kanyang sinapit. 

Pagkarating ng siyam na araw itinakbo sa ospital si Eloisa dahil manganagnak na ito kasama niya
ang kanyang asawa at ang kaniyang biyenan na babae para asikasuhin ang kanyang panganganak. Habang
nasa bahay anakan isinilang na niya ang sanggol na lalaki kaya masayang masaya sila at sa tuwa nila
napaluha sila dahilisinilang nila ang sanggol na mgiging saksi sa kanilang pagmamahalan.

SLA No. 3: Tekstong Deskriptibo


Subject Code/Number:
Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Teacher: Jembel A. Montalla

I. Introduksiyon
Hindi miminsang itinuring na magandang destinasyon ang Pilipinas sa mga dayuhan at maging
lokal na turista. Hindi rin miminsang naririnig o nabasa ang napakahusay na paraan ng pagtangkilik ng
mga Pilipino sa mga bisita. Sa kabila ng maraming di magandang balita gaya ng krimen at katiwalian na
naririnig natin sa Pilipinas, hindi maikakaila na ang likas nitong kagandahan ay patuloy pa ring
humahalina sa karamihan.
Nasaksihan mo na ba a ng mga kagandahang ito? Marahil nga napuno ng mga larawan ang
memory card mo sa pagnanais na maiuwi kahit man lamang sa larawan ang kagandahang nasilayan mo.
Mga kasanayang pampagkatuto at mga layunin
1. Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto
2. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa

Detalyadong kasanayang Pampagkatuto


1.Nakapagbibigay-opinyon ukol sa isang kaisipan
2. Nabibigyang-kahulugan ang tekstong deskriptibo

Pangkalahatang Paalala at Paunawa


Upang maisakatuparan an gang pagkatuto sa modyul na ito, kailangan mong alalahanin at gawin
ang mga sumusunod.:
1. Maglaan ng panahon at maaliwalas na lugar upang mabigyang-tuon ang pagtugon sa modyul na ito, at
siguraduhing walang makasasagabal sa iyong pag-aaral.
2. Sikapin na magkaroon ng sapat na kagamitan, mapagkukunan ng impormasyon o sanggunian tungo sa
ikatatagumpay ng pag-aaral ng modyul.
3. Tandaang ang karunungan ay para sa lahat ng tao ngunit matatamo lang ang higit na dunong sa taong
may pagsusumikap.
4. Laging sumangguni sa inyong guro at sa iba pang makatutulong para masagot ang mga tanong para sa
modyul na ito, at
5. Manalangin sa Diyos upang lagi kang pagpalain ng karunungan, sapat na lakas at iba pang
pangangailangan tungo sa ikapagtatamo ng hinanangad mong tagumpay.

II. Pagtatalakay
Ano ang kahulugan ng Tekstong Deskriptibo?

Ang tekstong deskriptibo ay nagtataglay ng mga kaukulang detalye sa katangian ng isang tao,
lugar, bagay, o pangyayari. Ang tekstong ito ay laging sumasagot sa tanong na “Ano“. Sa Tekstong
Deskriptibo, kahit hindi ka pintor ay makakabuo ka ng isang larawan gamit ang mga salitang
magmamarka sa damdamin at isipan ng mambabasa. Upang mailarawan at mabigyang buhay sa
imahinasyon ng mambabasa ang isang tauhan, tagpuan, bagay, galaw o kilos,karaniwang gumagamit ang
may akda ng pang-uri at pang abay. Gumagamit din ng manunulat ng iba pang paglalarawan tulad ng
panggalan, pandiwa, tayutay, pagwawangis, pagsasatao at iba pa. Ang tekstong deskriptibo ay laging
kabahagi ng iba pang uri ng teksto, partikular sa tekstong naratibo.

Dalawang uri ng paglalarawan sa Tekstong Deskriptibo


 Subhetibo – Nakabatay sa mayamang imahinasyon.
 Obhetibo – Ito ay may pinagbatayang katotohanan

Cohesive Devices sa Tekstong Deskriptibo


Ito ang ginagamit ng manunulat o naglalarawan upang magkaroon ng mas maayos at mas
malinaw na daloy ng kaisipan sa isang teksto. Ang cohesive devices ay kailangan upang mas higit na
makita at maunawaan ang kahulugan o kabuluhan ng bawat bahagi ng teksto.

Limang pangunahing Cohesive Device

1. Reperensiya (Reference)

Ang cohesive device na ito ay ang paggamit ng mga salitang maaring tumukoy sa paksang pinag-
uusapan.
Dalawang uri ng reperensiya
 Anapora
Kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung sino o ano ang tinutukoy.

 Katapora
Nauna ang panghalip at malalaman lamang kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa

2. Subtitusyon
Ito ay ang paggamit ng ibang salita na ipapalit aa halip na maulit ang salita.
Halimbawa:
Sa halip na “Nawala ko ang iyong ballpen. Palitan ko nalang ang iyong ballpen.” ay gagawing “Nawala ko
ang iyong ballpen, papalitan ko nalang ng bago.”

3. Ellipsis
Ito ay ang pagbabawas ng ibang parte ng pangungusap pero hindi mababawasan ang diwa at sapagkat
makakatulong na ang naunang pahayag upang matukoy ang nais iparating o ipahiwatig.
Halimbawa:
Bumili si Gina ng limang aklat at si Rina nama’y dalwa.

4. Pang-ugnay
Ang paggamit ng pag-ugnay na “at” para pag-ugnayin ang mga pangungusap, parirala o sugnay.

5. Kohesyong Leksikal

Ito ay mabibisang salita na ginagamit sa teksto para magkaroon ito ng kohesyon.

Dalawang uri ng kohesyong leksikal

A.Reiterasyon

Kapag ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses. Ang reiterasyon ay may tatlonguri:

Pag-uulit
Pag-iisa-isa
Pagbibigay-kahulugan

B.Kolokasyon

Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan aa isa’t isa kaya pag nabangit
ang ang isa ay maari din maisip ang isa.

Halimbawa
nanay- tatay, guro mag-aaral,hilaga-timog, doctor-pasyente
puti-itim, Malaki-maliit, mayaman-mahirap
Gawain 1: ____________________________________________________________________________

A.Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin kung ang may salungguhit na cohesive devices ay
isang anapora o katapora. Isulat sa patlang ang sagot.
____________1. Kapag nagpatuloy ang pag-alis ng mga doctor at narses patungong abroad, magiging
Advantage ito sa mga maiiwang doktor at narses.
____________2. Matutuwa sila, dahil makakakuha na ng mataas na suweldo ang mga maiiwang doctor
at narses.
____________3. Sinabi ni Sec. Sto. Tomas sa kanila ito at natuwa naman ang mga maiiwan.
____________4. Kapag tumaas na ang suweldo ng mga doktor at nars hindi na nila iisipin pang mag
abroad.
____________5. Hindi sila masisisi na umalis ng bansa dahil kakarampot ang kinikita rito ng mga doctor
at narses.

B.Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang kung ang panandang leksikal o
sintaktik ay isang referens, substitusyon, elipsis,o leksikal .
_____________ 1. Nakita mo ba ang aksidente? Oo, nakita ko.
_____________2. Kailangang ingatan ang mga balotang gagamitin sa halalan. Talagang siyang
kailangan.
_____________ 3. Mayaman si Gil samantalang si Ding ay mahirap. Kapwa sila kandidato sa Student
Council.
_____________ 4.Matulungin si Anna sa mahihirap siya ay pinagpapala ng ating Panginoon.
_____________ 5. Maraming bumoto kay Ding ngunit bakit siya natalo?

Sanggunian
 Feature Image Provided by FreePik.com
 Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Manila, Philippines. REX Book Store
 Pinagmulang Pluma Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang teksto tungo sa Pananaliksik, Alma M. Dayag at
Mary Grace G. del Rosario
 http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_3__PAGPAPAHAYAG_SA_IBA_T.PDF
SLA No. 4: Tekstong Deskriptibo
Subject Code/Number:
Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Teacher: Jembel A. Montalla

I. Introduksiyon
Hindi miminsang itinuring na magandang destinasyon ang Pilipinas sa mga dayuhan at maging
local na turista. Hindi rin miminsang naririnig o nabasa ang napakahusay na paraan ng pagtangkilik ng
mga Pilipino sa mga bisita. Sa kabila ng maraming di magandang balita gaya ng krimen at katiwalian na
naririnig natin sa Pilipinas, hindi maikakaila na ang likas nitong kagandahan ay patuloy pa ring
humahalina sa karamihan.
Nasaksihan mo na ba ang mga kagandahang ito? Marahil nga napuno ng mga larawan ang
memory card mo sa pagnanais na maiuwi kahit man lamang sa larawan ang kagandahang nasilayan mo.

Mga kasanayang pampagkatuto


1. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat
2. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at
daigdig

Detalyadong kasanayang Pampagkatuto


1.Nakapagbibigay-opinyon ukol sa isang kaisipan
2.Naksusulat ng isang sanaysay batay sa binigay na sitwasyon

Pangkalahatang Paalala at Paunawa


Upang maisakatuparan an gang pagkatuto sa modyul na ito, kailangan mong alalahanin at gawin
ang mga sumusunod.:
1. Maglaan ng panahon at maaliwalas na lugar upang mabigyang-tuon ang pagtugon sa modyul na ito, at
siguraduhing walang makasasagabal sa iyong pag-aaral.
2. Sikapin na magkaroon ng sapat na kagamitan, mapagkukunan ng impormasyon o sanggunian tungo sa
ikatatagumpay ng pag-aaral ng modyul.
3. Tandaang ang karunungan ay para sa lahat ng tao ngunit matatamo lang ang higit na dunong sa taong
may pagsusumikap.
4. Laging sumangguni sa inyong guro at sa iba pang makatutulong para masagot ang mga tanong para sa
modyul na ito, at
5. Manalangin sa Diyos upang lagi kang pagpalain ng karunungan, sapat na lakas at iba pang
pangangailangan tungo sa ikapagtatamo ng hinanangad mong tagumpay.

Mga Uri ng tekstong deskriptibo


 Paglalarawan sa Tauhan
Ang paglalarawan sa tauhan ay ang paglalarawan sa pisikal na anyo at katangian ng bibigyang buhay na
tauhan, ngunit hindi sapat na mailarawan lang ang itsura at mga detalye ng tauhan, sa halip dapat
maging makatotohanan din ang paglalarawan dito. Halimbawa, hindi sapat na sabihing “Ang aking
kaibigan ay maputi, matangkad, at may matangos na ilong”. Bagamat tama ang mga detalye sa
paglalarawang ito ay hindi ito magmamarka sa isipan at damdamin ng mambabasa. Ang mga salitang
tulad ng maliit, matangkad, maganda, bata, matanda at iba pa ay ang mga halimbawa ng
pangkalahatang paglalarawan, kung saan ito ay hindi nakakapagbigay ng mas malinaw o mabisang
imahe sa imahinasyon ng mambabasa. Sa paglalarawan ng tauhan dapat mabubuo sa isipan ng
mambabasa ang anyo, gayak, amoy, kulay at iba pang mga katangian sa pamamagitan ng paggamit ng
pinaka angkop na mga pang-uri. Mahalaga ding mabigyan ng paglalarawan ang mga kilos ng tauhan para
mas lalong magmarka sa mambabasa ang mga katangiang taglay niya, halimbawa ay kung paano sya
maglakad, tumawa, makipag-usap at iba pa. Ang pinaka mahusay na paglalarawan sa tauhan ay yaong
nabubuhay hindi lang sa pahina ng akda kundi sa puso at isipan ng mambabasa. Kahit na ang tauhan ay
produkto lamang ng mayamang imahinasyon ng akda, hindi sila basta makakalimutan.

Si Jet, ang panganay na anak na babae, ay medyo naging maunlad na sana ngunit ang kanyang asawa
ay naospital. Nais sana niyang bigyan ang kanyang lolo ng bagong Bibliya na may ginituang hawakan,
samantalang ang ibang mga apo ay magbibigay rin ng mga maliliit na regalo. Hindi kinakailangan ng
planong ito ng malaking halaga na maaari nilang pagsisihan na bayaran sa bandang huli.

-Ang Aginaldo ng Lolo sa Kanyang Kaarawan


ni Herman Heijermans, Jr.

Si Dirk ang kasunod. Siya ay mas nakababata ng anim na taon sa kanyang ate. Tatlo pang mga
kapatid na lalake at babae ang humiwalay na nang ang kanilang ina ay nabubuhay pa. Ang
paniniwala ni Dirk ay dapat lamang ituloy ng kanyang lolo ang pagbabasa ng lumang Bibliya
na lagi nitong binabasa kasama ang kaniyang asawa. Bukod dito, may iba pang sariling balak
si Dirk. Kung lahat sila ay magbibigay ng regalo, dapat na ito ay pinagkasunduan ng lahat.
Mayroon kasi siyang nakita na napakagandang silya sa isang tindahan ng gamit-pambahay na
kung saan ang halaga nito ay binawasan ng dalawampung porsiyento. Ilang piling kataga ang
maaaring ialay sa pagdaan ng panahon ng pamamahinga ng Lolo dito. Bukod dito, ang silyang
ginagamit niya sa pagbabasa ng pahayagan sa may bintana ay sira na: ang mga ispring nito ay
nakausli na.

-Mula sa “Ang Aginaldo ng Lolo sa Kanyang Kaarawan “


Ni Herman Heijermans, Jr.

Si Marianito ang pinakakilabot na bata sa buong kapitbahayan. Ang pangalan niya ay


singkahulugan ng bandalismo. Wala ni isang bata ang nakaligtas sa kaniyang kapilyuhan sa
buong parihabang bloke kung saan kami ay nakatira. Lagi siyang naghahanap ng gulo. Walang
araw ang nagdaan na hindi nagreklamo ang isang galit na galit na magulang sa kaniya.

- Mula sa “Pilyo “
ni Leticia F. Fariñas
 Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon
Ito ay bahagi rin ng paglalarawan sa tauhan subalit ito ay nakatuon lamang sa damdamin o emosyong
taglay ng tauhan. Sa pamamagitan ng paglalarawang ito, madadama ng mambabasa ang mga emosyon
ng tauhan.

May kumurot sa aking laman. Pilit kong nilunok ang panunuyo ng aking bibig. Saka ako
napabuntunghininga. Nararamdaman kong may nagpupumilit bumalong sa aking mata. Ngayon ko
lamang nadamang kilala ko ang silid ng aking ama; dati-rati ko nang napapasok ang kapirasong pook
na ito.

- Mula sa “ Dayuhan”
Ni Buenaventura S. Medina

Kumikinig ang kanyang katawan sa poot. Sa naglalatang na poot. At nang Makita muling aangat ang
kanang paa ni Ogor upang sipain niyang muli, ay tila nauulol na asong sinunggaban niya iyon. Niyakap.
Kinagat. Mariin…

Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si Ogor. Nayakap sila. Pagulong-gulong. Hindi siya bumitaw.
Nang siys’y mapaibabaw, sinunod-sunod niya- --dagok, dagok,dagok,dagok. Pahalipaw. Papaluka. Papatay.

-Mula sa Impeng Negro


Ni Rogelio R. Sikat

 Paglalarawan sa Tagpuan
Ang paglalarawan sa tagpuan ay ang paglalarawan sa tamang lugar at panahon kung saan at kailan
naganap ang akda.

Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalakit maliliit na lansangan, dumantay sa
mukha ng mga taong pagal sa paghanap ng lunas sa mga suliranin sa araw-araw. Ngunit ang gabi ay waring
manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga
gusali. ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay inihamig ng
mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.

-Mula sa "Mabangis na Lungsod"

ni Efren R. Abueg

At sa kaniyang diwa ay naguhit ang larawang binubuo ng mga pagsalaysay ng social worker. Walang dakong
may lupang tuyo na maaaring maayos na makaraan. Walang madaraanan kundi ang andamyong kahoy. Ang
tawirang bato. Walang makikita sa paligid kundi putik. Burak. Mamasa-masang lupang natatambakan ng
basura. Ang karaniwang barung-barong,tulad ng tinitirhan ni Paz Cruz ay walang iniwan sa isang malaking
kahon, na pintuan at siya ring bintana. Matigas na karton ang tabiki o kahoy mula sa mga kahon ng
mansanas at kahel. yerong butas butas na nabibili sa magbubulok. Ang sahig ay silat-silat na kahoy na halos
nakadikit sa pusali. Sa kapirasong paligid niyon ay nagaganap ang lahat ng dula ng bahay, pati ang pasaglit-
saglit na pag lasap ng kuwalhatian ng pag ibig.
-Mula sa "Canal dela reina"
ni Liwayway A. Arceo

Sa isang maliit na dampang nakatayo sa may tabi ng munting ilog na tinatakbuhan ng malinis at malinaw
na tubig nakatira sina Irene. Ang maliit na dampang yaon ay nalilibiran ng isang bakurang sa loob ay may
mga sarisaring pananim na sa isang maayos npanulukan ay may malalagong sampaguita na dahil sa
kagaanan di umano ng kamay ng nag aalaga ay kinapipistahan ng masaganang bulaklak.

Mula sa "Ang Dalaginding"

ni Inigo Ed. Regalado

 Paglalarawan sa mahahalagang bagay


Ito ay ang paglalarawan sa isang napaka-halagang bagay sa akda. Sa maraming pagkakataon, sa isang
mahalagang bagay umiikot ang mga kaganapan sa akda at ito rin ay nagbibigay ng mas malalim na
kahulugan.

Sa tuwing itatayo ko ang krismas tri kapag nalalapit ma amh kapaskuhan ay parangg lagging
may kulang, pilit kong dinadagdagan ng mga palamuti. At hindi basta-basta palamuti, yung
mamahalin. Pagkatapos ng mamahaling bola, nang sumusunod na taon ay magagandang bulaklak
naman ang binili ko. Maraming pulang poinsettia na nakapaligid sa krismas tri.” Ang ganda”. Ang may
pagkamanghang sabi ng bawat nakakikita. Malalaki at makikintab na pulang bol, malalaki at
magagandang pulang poinsettia…ah! Pero bakit ba tila may kulang pa rin?

Mula sa “ Ang Aking Krismas Tri”

ni Mary Grace Del Rosario

Ang puno ng ginto ay dinumog. Hwak ang matatalim na bakal, tinaga, tinapyas, binali-bali.
Pinagtutuklap ang puno. At sila’y nag-agawan, natutulakan, nasasakitan na, nagsisipaan,
nagkakabalian ng buto

Patuloy sa pagtaas sa pagyabong ang puno; patuloy rin ang pagkaubos ng katawan ng puno.
Bumibigat na ang yumayabong at patuloy na tumataas na puno.

Mula sa “ Isang Matandang Kuba sa Gabin ng Canao”


ni Simplicio P. Bisa

You might also like