You are on page 1of 3

Neriah Daltonei M.

Vasquez
BEED 1-2
FINALS TRANSCRIPT

Sa Bagong Paraiso na isinulat ni Efren Reyes


a. Impresyon at reaksyon ukol sa pamagat
- Ang una kong impression ukol sa pamagat ng kuwento na aking pinili na “Sa Bagong
Paraiso” ay tungkol ito sa tao na nakatagpo ng bagong pag asa, bagong buhay, at ang
aking pinagbabasehan ay ang kagaya ng mga napapanood kong mga palabas o movie
na halos kapareho ng title ng kuwentong aking pinili ngunit nasa wikang Ingles at iba
din ang nilalaman nito. Sa pagkakataong ito ay hindi ko pa nababasa ang kuwento
upang mas maging totoo na impresyon ko pa lamang ito dahil wala din akong ideya
kung ano nga ba nilalaman ng kuwento at sa pamagat pa lamang ako bumabase.
Maaaring sa kabuuang reaksyon ko na lamang din isama ang pagbabahagi ng aking
reaksyon ukol sa pamagat.
b. Pagpapaliwanag sa elemento ng napiling panitikan.
i. Tauhan:
Cleofe- siya ang batang babaeng kalaro ni Ariel noong sila ay walong taong gulang
pa lamang at siya ay inaasahang maging doctor ng kaniyang magulang.
Ariel- ang batang lalake na kalaro ni Cleofe, sya naman ay kawalang malay ukol sa
pagbibinata at pagdadalaga.
Ama ni Ariel – Siya ang nag gagabay kay ariel at nagbibigay ng mga payo kay ariel
upang mamulat ito
Mga magulang ni Cleofe- sila naman ang hadlang sa pagkikita ng binate at dalaga
dahil naniniwala silang tukso lamang ito at nais nilang magpatuloy lamang si cleofe
sa kaniyang pagdodoctor.
Mga guro- binanggit sa kuwento na sila ang matang nagbabantay sa magkaibigan
kapag silaý nasa eskuwelahan.
ii. Tagpuan- ang tagpuan sa kuwento ay nahahati lamang sa apat, Sa Dalampasigan, Sa
malawak na looban, sa eskuwelahan, at sa bayan ng Maynila.
iii. Tema – ang hindi pagsunod sa bilin o payo ng magulang
iv. Buod ng mga pangyayari
Sina Ariel at Cleofe ay magkababata. Walong taong gulang pa lamang sila ay kilala na nila ang
isa’t isa. Itinuring nilang isang paraiso ang kanilang lugar, kasabay ng kanilang gawain at
paglalaro na sobra nilang kinatutuwa noon. Mahilig maglaro sa tabing-dagat at sa malawak na
bukirin sa kanilang lugar ang dalawang bata. Ang magandang samahan nina Ariel at Cleofe ay
nagtagal hanggang sa dumating ang panahon na sila ay dalaga at binata na. Sa panahong ito,
wala na ang kamusmusan at nag-iba na rin ang takbo ng kanilang isip, maging ang kanilang
damdamin. Batid ng kanilang mga magulang nila na higit na sa pagkakaibigan ang namamagitan
sa dalawa. Ang dating magkalaro ay alam nilang mahalaga na ang tingin sa isa’t isa. Kaya naman
gumawa ng aksyon ang kanilang mga magulang. Pinag-aral si Cleofe sa siyudad upang mailayo
kay Ariel. Paghahanda raw ito sa magandang kinabukasan niya na maging isa Doctor. Ngunit
ang paglayo ay hindi pa rin naging hadlang sa binata at dalaga. Pinilit pa rin nilang magkita sa
kabila ng pagbabawal. Sa kanilang muling pagtatagpo ay isang bagong paraiso ang kanilang
natagpuan. Ang init ng kanilang pagmamahalan ay tila ang init na naranasan nila sa paglalaro sa
malawak na taniman na kanilang kinalakihan .Ang bawat pagkikita at pagsasama nila ay tila
bagong paraiso para sa dalawa. At ang paraiso ay nagbunga na para sa iba ay parusa habang
biyaya naman sa kanilang dalawa.
c. Kabuuang reaksyon tungkol sa napiling akda
Ang aking kabuuang reaksyon tungkol sa akda ay labis nitong pinapakita kung paano namumulat
ang bawat isa sa bagong Paraiso na ating ikahaharap. Maganda at detalyado ang kuwento, sa
totoo lamang ay nakakabitin ito at maganda ang paraan ng pagkukwento ng may Akda. Labis
akong humanga kung paano nya ilarawan ang bawat eksena ng kuwento at ang mga salitang
kaniyang ginamit sa paglahad ng kuwento. At sa aking nabanggit nga kanina, ang reaksyon ko
ukol sa pamagat ay tama ang aking impresyon kahit papano. May nabago sa kanilang buhay
ngunit sa pagkakataong ito parte ng kanilang paglaki ang pagbabagong nangyari. Tungkol naman
sa Kuwento, sa aking palagay napaka halaga din na sumunod sa payo ng magulang ngunit
masyado naming mahigpit ang magulang ni Cleofe kaya’t napipilitan silang ilihim o itago ang
namamagitan sa dalaga at binata na sa tingin ko ay may pagkakamali din ang magulang dahil sa
aking palagay hindi din nila pinaliwanag masyado sa anak kung ano ba ang posibleng mangyare
at kung bakit hindi sila maaaring magsama hanggat hindi nakakapagtapos ng pag aaral si Cleofe
at Ariel.
d. Kaugnayan ng napiling akda sa sosyedad ngayon
Maraming kaugnayan ang akda sa sosyedad ngayon, maraming batang walang
kamuwang-muwang tungkol sa kanilang kinabukasan. Maraming kabataan ang hindi
sumusunod sa magulang kaya’t nagbubunga ito ng hindi magandang pangyayari na
maaaring makasira ng kanilang kinabukasan. Lahat tayo’y naranasan maging bata at
maraming bagay na hindi natin dati napapaliwanag kaya’t humihingi tayo ng gabay at
nagtatanong tayo sa ating mga magulang, hanggang sa ating pagtanda ay kinakailangan
parin natin ng gabay nila ngunit kadalasan nating isinasawalang bahala ito dahil sa sarili
nating mga kagustuhan. Sa hindi natin pagsunod sa ating magulang, maraming puwedeng
mangyari na hindi natin inakalang mangyayari kung hindi tayo mag iingat. Dapat nating
sundin ang mga payo ng ating magulang dahil alam na nila ang tama at mali at kung ano
ang ikabubuti natin at ang kinabukasan natin.

e. Isang kasabihan (quotation) na makukuha sa akda


At ngayon, ang kanilang paraiso ay hindi na ang malawak na looban, o kaya’y ang
dalampasigang malamig kung dapit - hapong ang silahis ng araw ay mapulang parang
dugo. Ang daigdig nila ngayon ay makitid, sulok-sulok, malamig din ngunit hinahamig
ng init ng kanilang lumayang mga katawan.
GOOGLE DRIVE LINK NG AKING VIDEO PRESENTATION:
https://drive.google.com/drive/folders/13GKfDw7kj0MQM2d7kUsKE8W1CkRNO0V0?
usp=sharing

You might also like