You are on page 1of 1

ANG BAGONG PARAISO

I. LAYUNIN

 Ang layunin ng kwento ni Efren Reyes Abueg na “SA BAGONG PARAISO” ay


upang tumatak sa isipan ng mga mambabasa ang kahalagahan na sundin ang payo
ng mga magulang lalong-lalo na sa mga nakakatanda. Dahil ang pag sunod ng payo
ng sting mga magulang ay isang landas sa ating magandang kinabukasan.

I. WAKAS

 Napabulalas sa iyak ang dalaga at lalong bumuhos ang napakalakas na ulan


at kumukulog na kalawakan kasabay sa kanyang takot at lungkot na nadarama.
Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin kung paano niya sasabihin kay Ariel
at lalo na sa kanyang mga magulang na hindi nagkulang sa mga payo nito.Hindi
pumasok ang dalaga sa paaralan at nagmumok lamang ito sa kwarto. Ilang araw na
hindi pumasok sa paaralan ang dalagita at hindi narin nakikipagkita sa binata.
Nagtaka ang binata at ito'y pinuntahan sa kinaroroonan ng dalagita. Ngunit wala na
ang dalaga doon. Umuwi ang dalaga sa kanilang nayon at nalaman ng kanyang
mga magulang ang nangyari nito .Lubos na hindi natanggap ng ina ang nangyari sa
kanilang anak at ito'y napabulalas sa iyak paano na ang pag aaral nito sa kolehiyo at
ang kinabukasan nito. Nalaman nang lalaki ang pagbubuntis ng dalaga ngunit
masama ang loob nang mga magulang ng babae sa lalaki kaya hindi pinagtagpo
ang dalawa. Ngunit lubos na sinuportahan at laging sinusuyo ng lalaki ang mga
magulang nito at sa huli”y natanggap narin ng mga magulang ni Cleofe ang
pangyayari sa kanila. sa kabila ng mga pangyayari pinagpatuloy parin nila ang
kanilang pag aaral at hanggang naisilang na nila ang kanilang munting anghel na
sumisimbolo sa kanilang matagal na pagmamahalan. Nakapagtapos silang dalawa
ng kolehiyo sa unibersidad Si Cleofe ay nakapagtapos sa pag aaral ng medisina at
si Ariel naman ay may maayos na trabaho. Hindi hadlang sa kanila ang lahat, sila'y
bumangon at nasumikap upang mapanagutan ang kanilang tuksong nagawa.

I. PAG-UUGNAY

 Sa kwentong ito, dapat parin tayong magising sa larangan ng pag-ibig. Ito'y


nagpapahiwatig na kahit ano man ang naging dahilan mo dapat parin tayong
magising sa ating munting pagiisip.Aral muna ang dapat asikasuhin upang mas
maabot natin ang ating mga pangarap sa buhay at makatulong sa ating mga
magulang dahil ang totoong pag-ibig ay nakapaghihintay. Labanan ang tukso upang
landas natin ay di lumiko. Oo marami na ang nakararanas nito sa panahon natin
ngayon ngunit marami pang pagkakataon upang ayusin natin ang ating buhay at
magsimula ulit sa mga pagkakamaling ating nagawa.

You might also like