You are on page 1of 2

Ang mahiwagang panyo

By: Lawrence D. Gallo

Sa isang lugar na napakalayo ay madami lumalaganap na


kababalaghan tuwing gabi, ni kahit sino walang makapag sabi kung
sino ang gumagawa nito.
Mayroong isang batang lalaki siya ay si ARTIKULO, siya ay
isang palabiro na anak pero masurnurin, mayroon siyang isang
nakababatang kapatid siya si BATAS. Halos mag kaaway ang dalawa
dahil magkaiba ang kanilang tatay. Kasalukuyang nasa puder ng
kanilang ina ang dalawa dahil tinakbuhan ang kanilang ina ng
kaiIyang mga naasawa.
Habang Si artiklo ay naglalakad papunta sa eskwelahan ng
kaniyang kapatid, nakita niya ang kaniyang kapatid na nakikipag
away,agad agad niyang pinuntahan ang kanyang naka babatang
kapatid at pinaglayo ang dalawa para matigil ang kaguluhan.
Pagkagaling sa eskwelahan ng dalawa ay sabay silang umuwi
pero dumaan muna si ARTIKULO sa ilog.
BATAS "mauna kanang umuwi may pupuntahan lang ako saglit"
"Sige kuya" sambit ni BATAS
Habang nag lalakad si ARTIKULO papuntang ilog ay mayroon
siyang nakitang kumikislap-kislap sa damuhan. Noong una ay
natakot si ARTIKULO na puntahan ito dahil baka ito ang manging
sanhi ng kaniyang pag kamatay. 
Hindi pinansin ni ARTIKULO ito at nagpaloy na siya sa ilog
upang maligo.
Nang pauwi na si ARTIKULO galing sa ilog ay pinuntahan na
nIya ang kumikislap-kislap na iyon at ng bahagyang pupulutin na
ito ni ARTIKULO ay biglang may lumitaw na diwata. Labis ang
pagkagulat ni ARTIKULO sinubukang tumakbo ni ARTIKULO ngunit
hindi sya maka alis sa kanyang kinatatayuan.
     
 "Sino ka?" Anong balak mo sakin? Sambit ni artikulo"
"Ako ang diwata ng ilog at matagal na kitang pinag-mamasdan"
sambit ng napakagandang diwata.
“Artikulo kunin mo na ang mahiwagang panyo upang ikaw ang
Maging susi para matigil ang kababalaghan na nagyayari sa gabi”
Sambit uli ng diwata
Agad-agad na kinuha ni ARTIKULO ang panyo ng walang pag
aalinlangan at agad-agad umuwi sa kanilang bahay
(Gabi na nang maka uwi si artikulo)
"O anak napano ka??  Bakit hingal na hingal ka??  Anong
nangyari??" Sunod sunod na tanong ng kanyang ina. Ngunit dali-
daling pumunta si ARTIKULO sakaniyang kwarto. Pawis na pawis si
ARTIKULO at di alam ang gagawin.
(Makalipas ang 3 oras)
Bago mag alas dose ng gabi ay nagsimula nanaman ang
kababalaghang nangyayari sa paligid. Agad agad na kinuha ni
ARTIKULO ang mahiwagang panyo at isinuot sa kanyang paa ngunit
bigla siyang nang hina at di makapag salita tinanggal nya ulit at
inilagay sa kanyang kamay ngunit siya ay naging kambing.
Tinangal nya ulit at inilagay niya sa kanyang ulo at nadama niya
ang napakalakas na enerhiya na nag mumula sa loob ng kaniyang
katawan at agad siyang lumabas at mayroon siyang nakitang babaeng
hinihila ang bata.
Nang nilapitan nya ang bata ay labis siyang na nagulat dahil
imahe ng kaniyang ina ang bumungad sakaniya Tinangka pa ng
kaniyang ina na tumakas ngunit pinigilan niya ito
Nag makaawa ang kaniyang ina na pakawalan na siya.

“Anak nag mamaka awa ako pakawalan mo na ako at hindi na ako


mangangambala ulit” sambit ng kaniyang ina
“Sige inay” sambit ni ARTIKULO

Lumipas ang madaming araw, buwan at taon ay di na nag


pakitang muli ang nanay ni ARTIKULO at wala nang nang yayaring
kababalaghan sa kanilang baryo, mag mula noon ay namuhay na ng
mapayapa ang baryong BERSIKULO at di na sila namumuhay na may
takot. WAKAS

You might also like