You are on page 1of 3

ALAMAT NG SAMPAGUITA

Noong unang panahon sa bayan sa gawing Norte,


may isang napakagandang dilag na nag ngangalang
Liwayway.

Ang kanyang ganda ay nakarating sa malalayong


bayan kaya't hindi na nakakapagtaka kung bakit
napakaraming manliligaw ng dalaga.

Isang araw, mula sa hilaga, ang isang grupo ng


mangangaso ay napadpad sa luagr nina Liwayway. Si
Tanggol, isa sa mga mangangaso ay lubhang
nasugatan ng inatake ito ng baboy-ramo.

Ang binata ay dinala sa ama ni Liwayway upang


gamutin at iyon ang nagbigay daan upang
magkakilala si Liwayway at Tanggol.

Umibig sila sa isa't isa.

Nang gumaling si Tanggol ay nagpaalam na ito kay


Liwayway at nangakong susundin ang magulang ni
Liwayway upang pormal na hingin ang kamay ng
anak.

Puno ng pag asa si Liwayway nang ihatid nito si


Tanggol.
Subalit ang pag-asang iyon ay naglaho sapagkat ilang
bwan na ay di pa bumabalik si Tanggol.

Isang dating manliligaw ni Liwayway ang nanira sa


binata.

Sinabi nitong si Tanggol ay di na babalik sapagkat


ito'y may asawa't anak na.

Puno ng lungkot, pangungulila at sama ng loob,


nagkasakit si Liwayway at kalaunay namatay.

Bago namatay si Liwayway ay binanggit nito ang


mga katagang.. "Isinumpa kita...sumpa kita!"

Ilang araw na ang nakararaan nang biglang bumalik


si Tanggol kasama ang magulang. Di ito nakabalik
agad sa kadahilanang nagkasakit ang ina niya.

Hindi matanggap ng binata ang balita na wala na si


Liwayway.

Araw araw ay halos madilig ng luha nya ang puntod


ng kasintahan

Isang araw ay may napansin ang binata sa ibabaw ng


puntod ni Liwayway.

Isang misteryosong halaman na ang bulaklak ay


ubod ng bango.

Tinawag iyong "sumpa kita".

Ang mga huling salitang binigkas ni Liwayway bago


namatay.

Ang sumpa kita ay ang pinang galingan ng salitang


"Sampaguita"

You might also like