You are on page 1of 3

 

I. Pamagat: Tahanan ng Isang Sugarol ni Rustica Carpio


II. Tauhan:
1. Lian-Chiao - Isang ina na inabuso ng kanyang asawa. Araw-araw siyang nagtitiis
sa pananakit at pang-aalipin nito.
2. Li Hua - Asawa ni Lian-Chiao. Isa siyang batugan at sugarol na asawa.
3. Siao-lan - Ang bunsong anak ni Lian-Chiao na tatlong taong gulang.
4. Ah Yue - Panganay na anak ni Lian-Chiao na may tatlo o apat na taong tanda niya
kaySiao-lan. 
III. Tagpuan: Malaysia. Sa bahay nila Lian-Chiao. 
IV. Banghay:
Ang maputing ulap sa maaliwalas na langit ay matingkad na nakukulayan, parang
bahaghari.Mabilis na papunta sa kanluran ang lumulubog na araw. Dahil tapos nang
magalaba, mabagal na tumayosi Lian-chiao sa tabi ng balon. Sandali siyang napapikit nang
maramdamang tila may mga bituinglumilipad sa harap niya, gustong mawala ang mga
bituing nakahihilo. Si Siao-lan, ang anak niyang babae na tatlong taong gulang ay hubad na
nakaupo sa tabi ng palanggana at naglalaro ng tubig. At si AhYue naman na mas matanda ng
tatlo o apat na taon kay Siao-lan ang siyang tumutulong sa mga gawaing bahay.Habang
tinutulungan ni Ah Yue ang kanyang ina, naitanong niya kung luto na ba ang
kanilanghapunan. Nakapukaw kay Lian-chiao ang huling sinabi niyon. Bigla siyang
kinabahan. Kahit mayroon pang kaning lamig na natira sa pananghalian, lulutuin pa ang mga
gulay. Kapag walang nakain, pag-uwiang asawa niyang sugarol, tiyak na may mangyayari.
Abala si Lian-Chiao sa pagluluto nang dumatingang kanyang asawang si Li Hua. Si Li Hua
na walang alam kundi humilata sa kama sa kuta ng opyo atmagmadyong araw-araw sa
Hsiang Chi Coffee Shop. Sa tono ng pananalita ni Li Hua alam na Lian-Chiao na mainit
nanaman ang ulo ng kanyang asawa dahil sa pagkatalo nito sa sugal. Pagkataposkumain ni Li
Hua ay humingi ng pera si Lian-Chiao para sa mga meteryales na gagamitin niya
sa panganganak. Sa halip na bigyan siya ng kanyang ay umalis ito at nagtungo nanaman sa
Coffee Shopupang magsugal ulit. Walang magawa si Lian-chiao kundi tahimik na pagtiisan
ang hindi makatwiran atkung minsan ay malupit na pakikitungo nito sa kanya.Malalim na
ang gabi nang biglang sumakit ang tiyan ni Lian-Chiao. Kahit na malakas anghangin, pinilit
ni Lian-Chiao na lumabas ng bahay at magtungo sa Coffee Shop upang puntahanang sugarol
niyang asawa. Nang marating na ni Lian-Chiao ang Coffee Shop, kahit na nakita nasiya ng
kanyang asawa, wala pa rin itong pakialam sa kanya. Sunod-sunod kasi ang panalo ni LiHua
sa sugal. Kung hindi pa pinilit ng may bahay si Li Hua na tulungan ang kanyang
asawa,ipagpapatuloy pa niya ang kanyang paglalaro ng sugal.Umiyak ang mga anak ni Lian-
Chiao ng malaman na dadalhin siya sa hospital. Malamig nakumislap ang mga bituin sa
langit. Malakas ang ihip ng hangin. Isang munting ilaw ang mabagal
 
na kumikilos sa daan. Si Ah Yue, pangko sa likod ang umiiyak at inaantok na kapatid, mabagalat
atubiling naglalakad patungo sa kanilang luma at hungkag na bahay.
 
V. Kasukdulan :
Habang namamahinga si Lian-Chao. Biglang naramadaman niya ang pagsakit ng
kanyangmga tiyan. Ito ang hudyat na manganganak na siya. Sa kadahilanang wala ang kanyang
asawa,nagpumilit siyang bumangon dala-dala ang gasera para puntahan ang kanyang asawa sa
HsiangChi Coffee Shop. Walang buwan nang gabing iyon. Kaya naman naapakadilim ng daan
lalo nanung namatay ang kanyang gasera. Narating din sa wakas ni Lian-Chiao ang Coffee
Shop.Pagkapasok niya, hindi man lang nag-alala ang kanyang asawa kundi nag-iinis pa ito sa
kanyadahil istorbo daw siya sa pagsusugal niya. Ngunit wala ring nagawa si Li Hua nang pilitin
siyang may bahay na tulungan niya ang asawa niya.
 
VI. Kakalasan
Bagama’t hindi na gaanong humihilab ang tiyan niya, balisa si Lian-Chiao. Bigla
siyangnakakita ng ilaw na mabilis na papalapit sa dako nila. Bahagyang kumislap ang munting
ilaw,dahil marahil sa hangin. Habang papalapit iyon, ay nakita niya si Ah Yue pangku-pangko
angnakababatang kapatid. Kapwa sila umiiyak at namumula na ang kanilang mga mata.
Nangmalaman ni Ah Yue na dadalhin ang kanilang ina sa ospital. Lalo siyang nalungkot at
luhaan angkanyang mga mata. At sa isang tahimik na gabi, si Ah Yue, pangko sa likod ang
umiiyak atinaantok na kapatid, mabagal at atubiling naglalakad patungo sa kanilang luma at
hungkag na bahay.
 
VII. Suliranin
Ang pagwawalambahala ni Lian-Chiao sa kalupitan ng kanyang asawa o sa pang-
aabusonito. Hindi naman dapat siya aabot sa ganitong kundisyon, kung ipinaglaban niya ang
kanyangkarapatan. Hindi rin namam natin masasabi na ang suliranin ay ang pang-aabuso ni Li
Hua dahilalam naman nating walang mang-aabuso kung walang magpapaabuso.

VIII. Simbolismo
Para sa akin ang larong mahjong ang sumisimbolo sa akdang ito. Dahil sa larong ito,
ditonakabatay kung anu ang magiging kondisyon ni Li Hua na nakakaapekto naman sa
kanyang pamilya. Kung mamalasin siya sa larong ito. Ang galit at inis niya ay ibubunton niya sa
kanyangasawa. Ang pinakamasa pa¶y dahil dito namumuhay sila tahanang pinamumunuan ng
isangsugarol.
Book Report in Filipino III

I. Pamagat : Ang Baboy-damo at ang Matsing


II. Tauhan : Si Baboy-damo at si Matsing
III. Lugar : Sa isang kabukiran
IV. Buod :
Isang araw ay nagkita ang magakibigang matsing at baboy-damo. Nagkamustahan sila at
sa kahabaan ng kanilang pag-uusap at nawika ng matsing. “ Kung gusto mo, magtanim tayong
dalawa para mayroon tayong makain. Ano, payag ka ba?”
“Aba, oo.” Mabilis na sagot ng baboy-damo. “Ngunit ano ang itatanim natin?”
“Palay ang mabuti.” Tugon ng matsing. “Tayo na, umpisahan na natin ngayon ang
pagtatanim.”
Noon din ay nagtanim ang magkaibigan. Nang dumating ang anihan, nagpunta ang
dalawa sa bukid para paghatian ang kanilang aanihin.
“Papaano tayo maghahati?” tanong ng baboy-damo.
“Madali!” sagot ng matsing. “Mula sa gitna, pataas ay akin.”
“Sige,” ayon naman ng tangang baboy-damo. “Mabuti nga ang gayon, walang
lamangan.”
Ganoon nga ang ginawa ng dalawa. Subalit nang matapos, naisip ng baboy-damo na
nalamangan siya sapagkat napuntang lahat sa matsing ang bunga ng palay at ang natira sa kanya
ay panay na puno at ugat. Hinabol ng baboy-damo ang matsing na mabilis na umakyat sa isang
punongkahoy at tigas sa katatawa ang tusong matsing.
“Hindi na bale bumawi ka na lang sa susunod,” wika ng matsing. “Magtatanim naman
tayo ng gabi at ang itaas naman ang sa iyo, akin naman ang ibaba.”
Pumayag uli ang baboy-damo na hindi na nag-isip. Kinabukasan, nagtanim naman ng
gabi ang dalawa.
Hindi nagtagal ay lumaki at naglaman ang gabi at nang aanihin na ng dalawa ay nakitang
“Kumuha ka ng basket at kunin mo na ang mga dahon,” anang matsing.
“Ayoko hindi ko kailangan ng mga tuyong dahon na hindi na makakain!” yamot na tugon
ng baboy-damo. “Ang ibig ko’y ang laman.”
“Pero ang laman ng gabi’y nasa ibaba,” katuwiran ng matsing. “At ang usapan natin ay
lahat ng nasa ibaba ay sa akin mapupunta. At lahat naman ng nasa itaas ay sa iyo ano, hindi ba?”
Galit na galit ang baboy-damo noon dinay napagwari niya na talagang niloloko siya at
ginugulangan ng tusong matsing. Hinabol ng baboy-damo ang matsing, subalit mabilis itong
nakaakyat sa isang puno at mula rito’y nagtawang muli. Ang buong akala niya’y ligtas na siya.
Noon nakaisip na gumanti ang baboy-damo hindi siya umalis sa ibaba ng punoat tinitingala ang
matsing.
“Hindi ka na makababa diyan,” pauyam na sabi ng baboy-damo. “Oras na bumaba ka’y
patay ka, kakainin kita ng buo!” Subalit makaraan lamang ang ilang sandali ay nagbago ng isip
ang baboy-damo. Ang ginawa niya’y isa-isang hinukay ang mga gabi at kinain ang laman.
Nakatuon din ang kanyang paningin sa matsing.
Nang mahukay na lahat ang mga gabi at makain niya ang lahat ng laman ay tiningala ng
baboy-damo ang matsing. Matagal niya itong tinitigan. Pagkuwan ay tumawa siya ng mahaba at
malakas. “Kaibigang matsing,” aniyang namumugikgik, “Makabababa ka na riyan. Hindi na kita
kakainin. Heto’t busog na busog na ako at mailalagay mo na sa basket ang iyong mga tuyong
dahon.

V. Aral :
Ang sobrang katusuhan ay masama dahil minsan naiisahan din.

You might also like