You are on page 1of 2

III.

PANUTO: Ayusin ang mga pangyayari sa akda ayon sa tamang pagkakasunod-sunod sa


pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1 hanggang 10 sa mga linya.

_______1. Kahit hirap na hirap dahil sa sunod-sunod na paghilab ng tiyan ay tinungo ni Lian-
Chiao ang hsiang Chi Coffee Shop para magpatulong sa asawang nadatnan niyang abalang-
abala sa pagsusugal.

_______2. Kinagalitan ni Li Hua ang mga batang sumunod sa kanilang ina at pagkatapos ay
pinaandar ang inarkilang sasakyan para madala sa ospital si Lian-chiao.

_______ 3. Habang abaa at hindi magkandaugaga si Lian-Chiao sa pagluluto ay naghanap ng


pampaligo ang kanyang asawa kaya’t mabilis niyang iniwan muna ang iniluluto at saka inihanda
ang inigib na tubig para sa pampaligo ni Li Hua.

_______4. Maya’t maya’y dumating si Li Hua, Malakas ang boses habang sinasabihan ang
nagsasampay na si Ah Yue.Pagkatapos ay mabilis na pumasok at nagalit dahil hindi pa luto ang
hapunan.

_______5. Habang inihahanda ang pampaligo ng asawa ay sumagitsit sa kawali ang inasnang
isda kaya minura at sinigawan ni Li Hua si Lian-Chiao dahil napakabagal daw nitong kumilos at
hindi naamoy ang nasusunog nang isda.

_______6. Naglalaba ang buntis na si Lian-Chiao katabi ang bunsong anak habang nagsasampay
ang panganay niyang si Ah Yue kahit hindi pa halos maabot ng bata ang sampayan.

_______7. Nang gabing iyon, kahit na pagod ay hindi makatulog si Lian-Chiao. Naalala niya kung
paano siya ipinagkasundo ng kanyang ina kay Li Hua sa edad na labinlima at ito ang naging
simula ng miserable niyang buhay. Maya’t maya’y biglang sumakit ang kanyang tiyan at
naramdamang manganganak na siya.

______8. Nang matapos kumain at paalis na muli ang lalaki ay nagmakaawa si Lian-Chiao na
bigyan siya ng isang dolyar na pambili ng itlog gagamitin sa nalalapit niyang panganganak
subalit hindi siya binigyan ni Li Hua dahil natalo raw ito ng dalawampung dolyar sa sugal.

______9. Pagod na si Lian-Chiao sa katatapos na labahin at sa walang tigil na pagtatrabaho,


ngunit hindi siya puwedeng magbagal ng kilos. Mabilis niyang sinindihan ang apoy sa pugon,
hiniwa ang mga gulay, pinakulo ang tubig, nilinis ang mga kawali at iba pang kasangkapan sa
kusina dahil baka magalit ang asawa kapag dumating ito mula sa pagsusugal nang wala pang
hapunan.

_______10. Sumunod sa ina ang magkapatid na sinaAh Yue at Siao-Lan dahil nagising ang bunso
kaya dinala ng ate sa Hsiang Chi Coffee Shop.

You might also like