Professional Documents
Culture Documents
ANTROPOLOGO
• naniniwala na ang wika ng kauna-
unahang tao sa daigdig ay katulad
ng sa mga hayop.
• likas na talino ng tao sa hayop,
napaunlad niya ang kanyang sarili -
walang taong may wikang tulad ng
sa hayop.
TEORYA NG WIKA
BALBAL/BARBARISMO O JARGON
Ito ay katumbas ng slang sa Ingles.
Hindi sumusunod sa wastong
gramatika at kadalasang sinasalita
ng mga taong di nakapag-aral. May
pinakamababang antas ng wika na
nagmula sa pangkat-pangkat upang
magkaroon ng sariling koda.
halimbawa: ermat, erpat, tsibog,
lispu, tsekot
PROSESO O PARAAN SA PAGBUO
NG SALITANG BALBAL
• Pagbabago sa mga salitang
katutubo/lalawiganin
Hal. Mabanas – maalinsangan
Harong – bahay (bikol)
Bayot – bakla
• Panghihiram sa wikang pambansa
Hal. Indian – di dumating sa usapan
Jinggle – ihi
Chicha - pagkain
• Pagbibigay ng bagong kahulugan sa
salitang Tagalog
Hal. Kamote – walang alam
Patola – walang silbi
• Pagpapaikli/ Reduksyon
Hal. Kumpare – pare
Amerikano- kano
• Paggamit ng akronim
Hal. Bff – best friend forever
Lol- laugh out loud
• Pagpapalit ng pantig
Hal. Buntis – jontis
Matanda- majonda
Asawa- jowa
• Paghahalo ng wika
Hal. Anong say mo?
Di ko carry
• Paggamit ng bilang
Hal. 70- kalbo
18- batang bata
• Pagdaragdag
Hal. Dead – dead ma
Cry- crayola
1935 Konstitusyon Artikulo 14 Seksiyon 3
nagpalabas si Kagawaran ng
Edukasyon Kalihim Jose Romero
ng Kautusang Blg. 7 na
nagsasaad na Pilipino ang opisyal
na tawag sa wikang pambansa.
Sa Konstitusyon 1973
noong kapanahunan ng diktador na
si Pangulong Ferdinand Marcos,
nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at
3 na “ang Batasang Pambansa ay
magsasagawa ng mga hakbang tungo
sa pagpapaunlad at pormal na
paggamit ng pambansang wikang
Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang
batas, ang Ingles at Pilipino ang
mananatiling mga wikang opisyal ng
Pilipinas."
Konstitusyon noong 1987
Noong panahon naman ng
Rebolusyonaryong Gobyerno sa
ilalim ni Pangulong Corazon C.
Aquino muling binago ang
Konstitusyon kung saan nakasaad sa
Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito
ay dapat payabungin at pagyamanin
pa salig sa umiiral na wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika."
VARAYTI NG WIKA
Ang ating wika ay may iba’t-ibang
barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng
uri ng lipunan na ating ginagalawan,
heograpiya, antas ng edukasyon,
okupasyon, edad at kasarian at uri ng
pangkat etniko na ating
kinabibilangan.
Dahil sa pagkakaroon ng heterogenous
na wika tayo ay nagkakaroon ng iba’t-
ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat
ang mga variety ng wika, ayon sa
pagkakaiba ng mga indibidwal.
IDYOLEK
Bawat indibidwal ay may
sariling istilo ng pamamahayag
at pananalita na naiiba sa
bawat isa. Gaya ng pagkakaroon
ng personal na paggamit ng
wika ng nagsisilbing simbolismo
o tatak ng kanilang pagkatao.
Ito ay mga salitang namumukod
tangi at yunik.
IDYOLEK
• Magandang gabi Bayan.
• Hoy gising.
• I shall return.
DAYALEK
Ito ay varayti ng wika na nalilikha
ng dimensyong heograpiko. Ito
ang salitang gamit ng mga tao
ayon sa partikular na rehiyon o
lalawigan na kanilang
kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-
ibang uri ng wikang panrehiyon
na kung tawagin ay wikain.
3 URI NG DAYALEK
• Dayalek na heograpiko (batay sa
espasyo)
Inihanda ni:
MENCHIE B. ELLAMIL