You are on page 1of 4

KOMUNIKASYON AT PANANALISIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

TEORYANG BOW-WOW
• Kilala sa tawag na cuckoo.
• Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan
TEORYANG DING-DONG
• Ito ay ginagaya diumano ng tao ang tunog ng mga bagay na nasa kanyang paligid.
• Ang mga primitibong tao ay gumagamit ng mga bagay sa kanyang paligid upang maisagawa ang isang gawain.
TEORYANG YOHEHO
• Ito nang nahinuha ni Noire na isang iskolar noong ika-19 na dantaon na nagsasabing natutong magsalita ang
tao sanhi ng pwersang pisikal sa pamamagitan ng mga taong magkakatuwang sa kanilang ginagawa.
TEORYANG TA-TA
• Batay sa teoryang ito, may koneksyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa paggalaw ng dila
TEORYANG POOH-POOH
• Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon sa teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga
ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa
TEORYANG LA-LA
• Nagmula ito kay Otto Jeppersen.
• Ito ay nagsasabing kaya nakapagsalita ang tao sanhi ng pwersang may kinalaman sa pag-ibig o romansa.
TEORYANG TARARA-BOOM-DE-AY
• Pinaninindidigan nito na ang mga ritwal na isinasagawa ng mga unang tao ang diumano’y pinagmulan ng wika.
TEORYANG YUM-YUM
• Ito ay nagsasabing may koordinasyon ang kilos ng sa tuwing siya ay may bayolohikal na pangangailangan gaya
ng pagkain at iba pa.
TEORYANG COO-COO
• Pananaligan nito na nagmula ang wika sa mga tunog na nililikha ng mga sanggol.
TEORYANG SING-SONG
• Ipinahahayag nito na ang mga unang salita ang mahahaba at may tono.
TEORYANG HEY YOU!
• Bunga diumano ng interpersonal na kontak ng tao sa kanayang kapwa ang wika.
TEORYANG BABBLE LUCKY
• Sinasabi na mula sa mga walang kabuluhang tunog ang wika at sinuwerte lamang nang maiugnay sa mga
bagay sa kanyang paligid.
TEORYANG HOCUS POKUS
• Ayon kay Boeree, ang wika ay mula sa mahika at relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng mga unang tao.
TEORYANG EUREKA!
• Pinaninindigan ng teoryang ito na sadyang inimbento ng tao ang wika.
TEORYANG MAMA
• Nagmula umano ang wika sa mga pinakamadadaling pantig na pinakamahahalagang bagay, gaya ng pagiging
mahalaga ng ina sa kanyang sanggol.
TEORYANG MUESTRA
• Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang pagsasalita ay nauuna sa pagmumuestra o pagkumpas ng kamay.
• Sinabi rin na ang pagsasalita at pagmumuestra ay magkaugnay sapagkat bahagi ng utak na kumukontrol dito
ay magkalapit lamang.
TEORYA NG MUSIKA
• Ayon kay Otto Jeppersen, ang wika noon ay lubhang mahahaba at karaniwan ay may tono at melodiya at
sinasabing nabubuto ito dahil sa damdamin kaugnay ng pag-ibig.
TEORYA NG PAKIKISALAMUHA
• Ipinahayag ni Revesz na ang wika ay nagmumula sa likas na pangangailangan ng tao upang ito ay makipag-
ugnayan o makisalamuha
UNANG WIKA
• Ito ang kinagisnang wika ng isang indibidwal, madalas na ito ang wikang ginagamit sa loob ng tahanan.
• tinatawag ding katutubong wika o sinusong wika (mother tongue).
PANGALAWANG WIKA
• Ito ang iba pang wikang nilalaman ng isang indibidwal matapos niyang maututhan ang kanyang unang wika
WIKANG PAMBANSA
• Ito ang wikang itinadhana ng batas upang maging pagkakakilanlan ng isang lahi o bansa.
WIKANG OPISYAL
• Ito ang wikang ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon na maaaring gamitin sa loob at labas ng bansa
WIKANG PANTURO
• Ito ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon.
Mother Tongue
• Unang wika. Naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang
pampubliko at pribado
LINGUA FRANCA
• Ito ang wikang sinasalita ng mga taong may magkakaibang wika.
HOMOGENOUS
• Nagaganap ito kung ang mga gumagamit ng wika ay pare-pareho o iisa ang paraan ng paggamit sa isang wika.
• Ito ay nangangahulugang isang klase mula sa iisang lahi o angkan.
HETEROGENOUS
• Ang pagkakaiba-iba ng uri at katangian ng isang wika.
DE FACTO
• Ito ay isang lingua franca at wikang ginagamit o laganap sa buong bansa
DE JURE
• ito ay wikang isinabatas ng konstitusyon

Monolingguwalismo
• Ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa
Bilingguwalismo
• isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng
pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika.
• tumutukoy sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang wika.
Bilingguwal
• Pangunahing nilalaman ng polisiyang pangwikang ito ang paggamit ng Filipino at Ingles bilang mga wikang
panturo.
• Ipinatupad ng DECS sa ilalim ng Department Order No. 25, s. 1974 na may titulong Implementing Guidelines
for the Policy on Bilingual Education.
Multilingguwalismo
• Ang Pilipinas ay isang bansang miltilingguwal
• Mayroon tayong mahigit 150 wika at wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monolingguwal.
• Karamihan sa ating mga Pilipino ay nakakapagsalita at nakakaunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang
wikang katutubo o wikang kinagisnan.
• Ang Pilipinas kasama ng Kagawaran ng edukasyon ay ipinatupad ang "Order 16, s 2012 o mas kilalang
Guidelines on implimentation of the MTB - MLE.
Wika
• ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa kultura
Sintaks
• Pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan.
Ponema
• Makabuluhang yunit ng tunog na nakapagpapabago ng kahulugan kapag ang mga tunog ay pinagsama- sama
upang makabuo ng mga salita.
Morpema
• Ang pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan
Sintaksis
• sa Wikang Filipino kumbinasyon ng mga salita upang makabuo ng mga parirala at ang pagsasama-sama ng
mga pariralang ito upang makabuo ng pangungusap.
Diskurso
• nangangahulugan ng diskusyon o argumento. Ang pagpapabatid ng iniisip at nadarama sa hangaring
maunawaan at unawain angkausap na maaaring isagawa nang pasalita at pasulat
• Paggamit ng wika bilang paraan ng pagpapahatid ng mensahe
Interaksyunal
• Ang wika ay ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa kapwa at pagpapanatili sa relasyong sosyal. Sa bawat araw ay
nakikipaghalubilo tayo sa kapwa. Napapanatili natin ang magandang samahan sa tulong ng wikang ginamit.
Halimbawa: Pangungumusta, Pagbati, Pagbibiro
Heuristiko
• Ang tao’y mahilig mangalap ng impormasyon sa mga bagay-bagay na gusto nilang patunayan. Ang paghahanap
ng impormasyon o datos gamit ang wika ay tinatawag na heuristiko.
Halimbawa: Pagkakaroon ng sarbey, pananaliksik, pakikipanayam
Impormatibo
• Kung ang heuristiko ay paghahanap ng impormasyon ang impormatibo naman ang mga kasagutan sa
impormasyong hinahanap. Sa tulong ng wika ay naibibigay ang kaalaman o impormasyong hinahanap ng bawat
tao.
Halimbawa: Pag-uulat, pagtuturo, pagsulat ng pamanahong papel
Regulatoryo
• Ang isang “gas stove”ay may regulator upang makontrol ang apoy nito. Gayundin ang wika, kinokontrol nito
ang kilos at pag-uugali ng bawat tao.
Halimbawa: pagbibigay-babala, pagpapaalala, pagbibigay panuto
Instrumental
• Ang wika ay ginagamit bilang instrument sa pagtugon sa mga pangangailangan ng tao sa lipunan. Naibibigay
ang pangangailangan ng bawat isa sa tulong ng wikang kanyang ginamit.
Halimbawa: pag-uutos, pagtatanong, pakikiusap

Personal
• Likas sa tao ang makaramdam ng saya, lungkot, galit, pagkabigla at iba pa. Sa pamamagitan ng wika ay
naipapahayag ang kanyang sariling opinyon at saloobin sa kapwa.
Halimbawa: pagsulat ng sanaysay, pagtatalumpati, pagkakaroon ng pormal o di-pormal na talakayan

Pang-imahinasyon o Imahinatibo
• Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain. Sa pamamagitan ng wika ay napapagana ang imahinasyon ng tao.
Nakasusulat ito ng tula, maikling kwento at iba pa. Nakaukit sa isipan ng tao ang kanyang mga pangarap na
nagsisilbing gabay sa kanyang hinaharap.
Halimbawa: pagsulat ng akdang pampanitikan, pagguhit, paglalarawan

Ang Depinisyon ng Wikang Filipino: Ang Katawan at Kaluluwa..


(Bahagi ng pagtalakay ni Efren Abueg)
• Komisyoner Wilfredo Villacorta – Ang pormalisasyon ng Filipino ay kailangang isagawa sa sistemang pang-
edukasyon at iba pa, subalit hindi nangangahulugan na dahil hindi pa ito pormalisado ay hindi umiiral. Ito ay
isang lingua franca.
• Ponciano Bennagen – kailangang magkaroon ng isang midyum ng komunikasyong magbibigkis sa atin, ang
Filipino. Ang Filipino ay lumalawak na bersyon ng Pilipino.
• Komisyoner Francisco Rodrigo – Ang Filipino ay hindi isang bagong kinatha o kakathaing lenggwahe. Ito ay
batay sa Pilipino. Papalawakin lamang ang saklaw ng Pilipino. Kaya nga’t ang Pilipino ay batay sa Tagalog, at
ang Filipino ay batay sa Pilipino.
Pambansa
• Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wikang
kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.
Pampanitikan
• Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga
salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay, talinghaga at masining.
Pormal
• Ito ay ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng
mga nakapag-aral ng wika.
Impormal
• Ito ang mga salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
Lalawiganin
• Ito ang mga bokabularyong pandayalekto. Gamitin ang mga ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang,
maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar dahil natural na nila itong
naibubulalas. Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang tinatawag ng marami na punto.
Kolokyal
• Ito’y mga pang-araw- araw na mga salita ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagamat may anyong
repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita ay
mauuri rin sa antas na ito.

Balbal
• Ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na SLANG. Ang nga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng
matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw magandang pakinggan. Tinatawag ding SALITANG KANTO
o SALITANG KALYE
Pidjin
• barayti ng wikang nangyayari kapag may dalawang taong nagtatangkang mag usap subalit PAREHO SILANG
MAY MAGKAIBANG UNANG WIKA at di nakakaalam sa wika ng isa't isa.
Creole
• ay isang wika na sinasabing likas at nagmula sa mga salitang pidgin.
• ang creole ay isang pidgin na naging likas sa paglipas ng panahon.
Idyolek
• personal sa isang ispiker. indibiduwal na katangian ng bawat tao ay nakaiimpluwensya pa rin sa pag gamit ng
wika.
Jargon
• tanging bokabularyo ng isang particular na pangkat na gawain
• Sinasabi ring ang barayti ng wikang ito ay ang mga wikang epsisyalisado sapagkat ito ay ginagamit ng mga
propesyonal sa kanilang kinabibilangang larangan o professional field.
• mahalaga sapagkat ito ay isang wikang espesipikong ginagamit sa isang larangan na nagpapaliwanag ng isang
mahalagang impormasyon, detalye, o konsepto.
Sosyolek
• ang tawag sa barayti ng wika kung saan ang wikang nagsimula bilang pidgin ay naging likas na wika o unang
wika na ng BATANG ISINILANG SA KOMUNIDAD
Dayalek
• ito ang barayti ng wikang ginagamit na partikukar na pangkat ng nga tao mula sa isang PARTIKULAR NA
LUGAR
Etnolek
• barayti ng wika na nagiging bahagi sa pagkilanlan ng isang pang-etniko
Ekolek
• Ito ay tumutukoy sa mga salita, kataga, o mga pararila na ginagamit ng bawat miyembro ng pamilya sa loob ng
bahay. Ito ay ang mga nakasanayang tawag sa bawat miyembro, bahagi ng tahanan, o kanilang mga gawain sa
loob ng bahay.
Sanhi
• Ang Sanhi ay tumutukoy sa "pinagmulan" o "DAHILan"ng isang pangyayari.
Bunga
• Ang Bunga ang siyang "kinalabasan" o "dulot" ng naturang pangyayari.

You might also like