You are on page 1of 8

Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa kapwa ay isang katangiang “unique” o natatangi

lamang sa tao.
Ayon kay Chomsky (1965), ang pagkamalikhain ng wika ay makikita sa kakayahan ng tao lamang. Nagagamit ng tao
ang wika upang makapagpahayag ng kanyang mga karanasan, kaisipan, damdamin, hangarin at iba pa batay sa
pangangailangan at sa angkop na sitwasyon o pagkakataon .

UNANG WIKA, PANGALAWANG WIKA AT IBA PA


Unang wika
• ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
• Tinatawag din itong “katutubong wika, mother tongue, arterial na wika”.
• L1
• Ito ang pinakamatatas o pinakamahusay na naipapahayag ng tao ang kanyang ideya, kaisipan at damdamin.

Pangalawang wika o L2
 ito ay natutunan habang lumalaki ang bata at nagkakaroon ng exposure sa iba pang wika sa kanyang paligid
na maaring magmula sa telebisyon o sa iba pang tao.

IKATLONG WIKA O
• Dahil dito, may ibang bagong wika pa ulit siyang naririnig o nakikilala na kalauna’y natutunan at nagagamit
na sa pakikipagtalastasan sa mga tao sa paligid niyang nagsasalita rin ng wikang ito. Nagagamit niya ang
wikang ito sa pakiki-angkop niya sa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan.

MONOLINGGUWALISMO
 tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad England, Pransya, South Korea at Hapon at kung
saan iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura.
 Hindi lang sa edukasyon gumagamit ang sistemang monolingguwalismo kundi pati na rin sa wika ng
komersyo, wika ng negosyo, at wika sa pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay

BILINGGUWALISMO :
• Ayon kay Leonard Bloomfield (1935), isang amerikanong linggwista- ang bilinggwalismo ay paggamit o
pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika o tinatawag na
ring “perpektong bilingguwal”.
• Ayon naman kay John Macnamara (1967), isa ring linggwista, ang bilingguwal ay isang taong may sapat na
kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita,
pagbasa at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika.
• Ayon naman kay Uriel Weinrich (1953), isang linggwistang polish-american,
ang paggamit ng dalawang wika para magsalita ay bilingguwalismo at ang taong gagamit nito ay bilingguwal.

Bilingguwal ang isang tao kung:


• Kung nagagamit ang ikalawang wika nang matatas sa lahat ng pagkakataon.
• Kung nagagamit ang dalawang wika nang halos hindi na matukoy kung alin sa dalawa ang una at
pangalawang wika o tinatawag itong “balanced bilingual”.

BILINGGUWALISMO SA WIKANG PANTURO:


Artikulo 15 seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973
- probisyon para sa bilingguwalismo o pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at
wikang opisyal na iiral sa lahat ng mga pormal na transaksyon sa pamahalaan man o kalakalan.

• Ayon kay Ponciano Pineda, naging basehan ng surian ng wikang pambansa na ipatupad ang patakarang
bilingual instruction na pinagtibay ng board of National education bago umiral ang martial law.
• Ang Surian ng Wikang Pambansa ang nagsumikap upang ingles at pilipino ang magiging midyum ng
pagtuturo at ituturo bilang asignatura sa kurikulum mula grade 1 hanggang antas unibersidad sa lahat ng
paaralan, publiko o pribado man.

Hunyo 19, 1974


- Naglabas ng guidelines ang Dep.Ed sa pagpapatupad ng edukasyong bilingguwal sa bisa ng department
order NO.25,s.1974.

MULTILINGGUWALISMO
• May 3 o higit pang wika na ginagamit.
• Pilipinas ay isang bansang multiligguwal dahil mayroon tayong mahigit 150 na umiiral na wika sa ating
bansa.
• Kaya sa pagpapatupad ng Dep.Ed ng K-12 curiculum ay ipinatupad din ang paggamit ng unang wika sa
pagtuturo partikular na sa kindergarten at sa grades 1, 2, at 3 o tinatatawa na MTB-MLE o mother tongue
based-multilinggual education.

Walong pangunahing wika sa pilipinas:


• Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloco, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray

Apat na iba pang wikain:


• Tausug, Maguindanaoan, Meranao at Chavakano
• 2013, pagdagdag ng pitong wikain kaya naging labinsyam (19) ang wikang ginagamit sa MTB-MLE.

Pitong wikain na naidagdag:


• Ybanag para sa Tuguegarao city, Cagayan at Isabela;
• Ivatan para sa mga taga-Batanes
• Sambal sa Zambales
• Aklanon sa Aklan at Capiz
• Kinaray-a sa Antique
• Yakan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM)
• Surigaonon sa Surigao City at karatig lalawigan nito.

“Ang bansang gumagamit ng multilingguwal na wika sa edukasyon ay isang magandang modelo.”


• Napalalakas nito ang pagkatuto ng isang mag-aaral sa kanyang unang wika. Ito ang mas kawili-wili ang
pagkatuto ng mag-aaral kung nauunawaan at naiintidihan ang mga aralin.
• Sabi nga ni dating Pangulong Benigno Aquino III, “We should become tri-lingual as a country. Learn English
well and connect to the world. Learn Filipino well and connect to our country. Retain your dialect and
connect to your heritage.”
BARAYTI NG WIKA

DAYALEK
• Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar
tulad ng lalawigan, rehiyon o bansa.
Halimbawa:
Dayalek ng wikang tagalog ang barayti niya ay morong, bisaya o cebuano. Dito pinapalitan ang panlaping “um” ng
“mag.”
• “MAGKAIN TAYO SA MALL”
• “Kumain tayo sa Mall”

Ganun din ang mga sumusunod na salita:


• Tagalog Ilokano o Tagalog sa Morong,Cardona at Baras
• Palitaw diladila
• Mongo balatong
• Tatay Tata
• Lola Nanang, Inda, Pupu
• Sitaw Gulay, Pinugo
• Latek Kalamay, Hati

IDYOLEK
Kahit iisang dayalek ang sinasalita ay mayroon pa rin pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa.
• Sa barayting ito ay lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita.
• Gaya nina: Marc Logan kung saan mahilig gumamit ng mga salitang magkatugma sa mga nakakatawang
pahayag.
• Noli de Castro, “Magandang gabi, bayan”
• Mike Enriquez, “Hindi namin kayo tatantanan”
• Ruffa Mae Quinto,”To the highest level na talaga to”
• Kris aquino, aha, ha, ha! Nakakaloka! Okey! Darla!

SOSYOLEK
Ito ay nakabatay sa katayuan o antas panlipunan ng mga taong gumagamit nito.
• Sapagkat nagpapangkat-pangkat ang mga tao batay sa ilang katangian tulad ng kalagayan sa lipunan, edad,
kasarian,paniniwala, oportunidad at iba pa. Kabilang din dito ang mga “wika ng mga beki” o tinatawag ding
“gay lingo” at “conyospeak” ang pinaghalong tagalog at taglish.
• Hindi lang para sa mga sosyal o pasosyal ang sosyolek kundi mayroon pang barayti ng wika na ginagamit ng
mga kabataang jologs, ang “jejemon o jejespeak”.
• “Jejemon o Jejespeak ay nakabatay rin sa wikang Ingles at Filipino ngunit isinusulat ito na may pinaghalo-
halong numero,mga simbolo, at may kasamang maliit at malaking titik kaya’t kung minsan mahirap basahin o
intindihin lalo na kapag hindi pamilyar sa jejetyping.
Halimbawa: “Nandito na ako”. Paano pinaikli?
• Sa kalaunan ay hindi lang pinaikli kundi dinagdagan na rin ng Z at H.
• Halimbawa: Isalin sa wikang Filipino.
3ow phow, mUztAh nA phow kaOw?
aQcKuHh iT2h
iMiszqcKyuH
MuZtaH?
• Ang sosyolek ay maari ring tumutukoy sa pangkat ng isang propesyon, particular na trabaho, o gawain ng
isang tao. Ang JARGON o mga natatanging bokabularyo ng particular na pangkat.
Halimbawa:
• Ang mga abogado ay makikilala sa mga jargon na tulad ng exhibit, appeal, complaint.
• Sa mga guro naman?
• Sa mga pari ?
• Sa mga doktor at narse?
• Sa mga magsasaka at mangingisda?

HALIMBAWA: “BILISAN MO AT LATE NA TAYO”
• Ang tawag dito ay code switching- ang pinaghalong ingles at tagalog at mayroon din conyospeak na
karaniwang ginagamitan ng pandiwang ingles na “make” na ikinakabit sa mga pawatas na filipino tulad ng
“make basa, make kain,make lakad” na may ingklitik na “pa,na, lang at iba pa.” Ito rin ay kadalasang naririnig
sa mga kabataang nag-aaral sa mga ekslusibong paaralan.

BASAHIN ANG ISANG HALIMBAWA NG CONYOSPEAK


• KAIBIGAN 1: Let’s make kain na.
• KAIBIGAN 2: Wait lang. I’m calling Anna pa.
• KAIBIGAN 1: Come on na, We’ll gonnamake pila pa. It’s so haba na naman for sure.
• KAIBIGAN 2. I know, right. Sige, go ahead na.

ETNOLEK
Ito ay barayti ng wika mula sa mga etno-linggwistikong grupo.
• Ito ay pinasamang etniko at dyalek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng
isang pangkat-etniko.
• Halimbawa:
• Vakkul-gamit ng mga ivatan na pantakip sa ulo sa init man o sa ulan.
• Bulanon- ibig sabihin ay full moon
• Kalipay- tuwa o ligaya
• Palangga- mahal o minamahal
• Ang paggamit ng mga ibaloy ng “sh” sa simula, gitna o dulo ng salita tulad ng shuwa (dalawa), sadshak
(kaligayahan), peshen (hawak)

REGISTER

• Ito ang barayti ng wika kung saan naiiangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa
sitwasyon at kausap.
Nagagamit ang pormal na tono o di-pormal na paraan ng pagsasalita.
• Isang halimbawa nito’y ang pagsasabing,
”Hindi ako makakasama, wala akong datung,” kapag kaibigan ang kausap pero nagiging
“Hindi po ako makakasama dahil wala po akong pera” kapag sa guro na sinasabi ang sitwasyon.

PIDGIN AT CREOLE
• Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa ingles na “nobody’s native language o katutubong
wika na di pag-aari ninuman.”
CREOLE
Ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar
• Halimbawa, ang sinimulang wika ng mga espanyol at wikang katutubo sa Zamboanga ay pidgin subalit nang
maging unang wika na ito ng mga batang isinilang sa lugar at nagkaroon ng sariling tuntuning pang-gramatika
at tinawag na chavacano, ito na ang tinatawag na creole.
• Chavacano- pinaghalong wikang katutubo at bokabolaryo ng wikang espanyol o kastila)
SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS

Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon


 Itinuturing na pinaka-makapangyarihang medya sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naabot
nito.
 Sa paglaganap ng cable at satellite connection ay lalong dumami ang manonood ng telebisyon saan mang
sulok ng bansa dahil nararating na nito maging ang malalayong pulo ng bansa at maging ang mga Pilipino sa
ibang bansa.
 Wikang Filipino ang gamit na midyum sa telebisyon sa ating bansa.
 Ito ang wika ng mga teleserye, mga pangtanghaling palabas, mga magazine show, news and public affairs,
komentaryo, dokumentaryo, reality TV, mga programang pangshowbiz at pang-edukasyon.

Mga dahilan kung bakit nakauunawa at nakapagsasalita ang bawat mamamayan ng wikang Filipino:
a. Malaki ang impluwensya ng mga noon time shows dahil Filipino ang gamit nila.
b. Marami ang nanonood sa mga ito.
c. Hindi uso ang-dub o mag-subtitle ng mga palabas sa mga wikang rehiyonal.
d. Madalas ang exposure sa telebisyon.
e. Maraming kabataan ang namumulat sa wikang ito bilang unang wika maging sa lugar na hindi katagalugan.
f. Nababasa at nakikita rin sa mga paksil o babala na nasa paligid.
g. Kapag nagtanong ka ng direksyon sa wikang Filipino ay sasagutin ka rin sa wikang ito.

Sitwasyong Pangwika Radyo at Dyaryo


 Filipino rin ang nangungunang wika sa Radyo. Lahat ng mga istasyon na AM at FM ay gumagamit ng Filipimo
at iba pang barayti nito.
 Sa mga dyaryo naman ay Wikang Ingles ang ginagamit sa mga broadsheet at wikang Filipino sa mga tabloid
maliban sa People’s Journal at Tempo na nakasulat din sa wikang Ingles. Subalit tabloid ang mas binibili ng
masa dahil dito at mas mura, nakasulat sa wikang higit nilang naiintindihan, nagtataglay ng malalki at
nagsusumigaw na headline, ang nilalaman ay karaniwan ding sensyunal at litaw ang mga barayti ng wika.

Sitwasyong Pangwika sa Pelikula


 Bagama’t mas maraming banyaga kaysa local na pelikula ang naipapalabas sa ating bansa taon-taon ang mga
local na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino ay mainit din ang pagtanggap o pangtatangkilik ng mga
manonood. Iyon ngalang, Ingles ang karaniwang pamagat ng mga ito at gumagamit ng Taglish at iba pang
barayti ng wika.
 Kaya hindi maitatatwa na sa paggamit ng wikang Filipino bilang lingua franca ng telebisyon, radio, dyaryo at
pelikula ay mabuting senyales para sa lalong pag-unlad at paglago n gating wikang pambansa.

Sitwasyong Pangwika sa iba pang anyo ng Kultural Popular


 Sa kasalukuyan ay may iba’t ibang nauusong paraan ng malikhaing pagpapahayag na gumagamit ng wikang
Filipino at mga barayti nito.
Halimobawa:
Boy: Google k aba?
Girl: Bakit?
Boy: Kasi nasayo iyo na lahat ng hinahanap ko

Flip top
 Pagtatalong oral na isinagawa nang pang-rap.
 Nahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersyong nira-rap ay magkatugma bagama’t ang Flip Top ay hindi
nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan.

Pick Up Lines
 Makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiiugnay sa pag-ibig
at iba pang pang aspekto ng buhay.
 Nagmula ito sa boladas ng mga binatang manliligaw na nais magpapansin, magpakilig, magpangiti at
magpaibig sa mga dalagang nililigawan.
 Nauso ang pick-up lines dahil sa impluwensya ni “Boy Pick-Up” o Ogie Alcasid sa programa nilang Bubble
Gang.
 Naging matunog din ito ng gamitin ni Senadora Miriam Defensor Santiago sa kanyang mga talumpati at sa
kanyang aklat na Stupid is forever.

Hugot Lines
 Tinatawag din love lines o love quotes. Ito ang tawag sa mga linyan ng pag-ibig na nakakakilig, nakatutuwa,
cutr, cheesy, o minsay nakaiinis.

Sitwasyong Pangwika sa Text


 Ang pagpapadala ng SMS na lalong kilala bilang text message o test ay isang mahalagang bahagi ng
komunikasyon sa ating bansa. Kaya, tayo ay tinaguriang “Texting Capital of the World.”

Subalit ano ba ang katangian ng wika sa SMS o text?


 Madalas ginagamit ang code switching
 Binabago o pinaikli ang mga salita
 Walang sinusunod na role sa pagpapaikli ng salita
 Sa salitang Ingles ay ginagamit na lng ang title o numerong katunog ng salita
 Paggamit ng mga daglat bilang shortcut

Sitwasyong Pangwika sa Sosyal Media at Internet


 Madaling makabalita sa mga nangyayari sa buhay sa pamamagitan ng mga nakapost na impormasyon,
larawan at pagpapadala ng pribadong mensahe gaamit ang mga ito.
 Sa paggamit ng wika ay mas pinag-iisipan ang mga salita o pahayag bago i-post dahil mas maraming tao ang
maaring makabasa nito kaysa sa SMS na iisang tao lamang.

Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan


 Wikang Ingles ang higit na ginagamit sa mga boardroom ng malalaking Kompanya at korporasyon lalo na sa
mga pag-aari o pinamuhunan ng mga dayuhan at tinatawag na multinational companies. Ito rin ang wika sa
mga Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center, Memo, Kutusan at iba pa.
 Subalit nananati;ing Filipino at iba’t ibang barayti nito ang wika sa mga pagawaan o production linr, mga
mall, mga resturan, mga pamilihan, mga palengke at maging sa direct selling. Ito rin ay ay ginagamit sa mga
komeesyal o patalastasan, pantelebisyon o panradyo.

Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan


 Batas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1998 dahil din sa inisyatibo ni dating Pangulong Cory Aquino sa
pagpalaganap sa paggamit ng paggamit ng Wikang Filipino na sinusuportahan din ni dating Pangulong
Benigno Aquino sa pamamagitan nga paggamit niya ng wikang ito sa panayam at mga talumpati para ang
mga ordinaryong mamamayan ay maintindihan at mauunawaan.

Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon


 Sa mababang paaralan (K hanggang Grade 3) ay unang wika ang gamit bilang wikang panturo at bilang
hiwalay na asignatura, ang samantalang at at Filipino itinuturo bilang magkahiwalay na asignatura.
 Sa mas mataas na antas ay bilingual ang ginagamit sa pagtuturo.

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO

Kakayahang Linggustiko o Gramatikal


 Si Del Hathway Hymes ay isang mahusay, kilala at maimpluwensya at anthropologist at maituturing na
“higante” sa dalawang nabanggit.
 Siya ay higit na interesado sa simpleng tanong na “Paano ba nakikipagtalastasan ang isang tao.”
 Mula sa kanyang pag-aaral ay ipinakilala niya ang konsepto ng kakayahang pangkomunikatibo o
communicative competence na nakakapekto nang malaki sa mundo ng lingguwistiko.
 Ang kakayahang lingguwistiko ay tumutukoy sa abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos
at makabuluhang pangungusap.
 Ang kakayahang kumunikatibo naman ay tumutukoy sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay na
hinihingi ng isang interaksyon sosyal.
 Hinihimok ni Dr. Hymes ang kanyang mga tagasunod na pag-aaralan ang lahat ng uri ng diskursong
nangyayari sa buhay tulad na usapan ng mga tao sa mesa, mito, alamat at mga bugtong mga testimonya sa
korte, talumpating pampolitika, mga elehiya, ito ang mga salitang ginagamit sa pamahalaan.
 Bahagi na gusto niyang malaman ay kung paano nagkakaiba-iba ng mga ito sa iba’t ibang kultura.

Kakayahang Komunikatibo
 Sa pagtuturo at pagtatakbo ng wika, hindi sapat na matutuhan lang ang mhga tuntuning panggramatika.

Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito ng wasto sa mga angkop na sitwasyon:
1. Mahing maayos ang komunikasyon
2. Maipahatid ang tamang mensahe at
3. Magkaunawaan nang lubos ang dalawang taong naguusap

Ang kakayahang lingguwistiko ay naayon sa mga tuntunin ng wika o balarilang kayarian na alam ng taong
nagsasalita ng wikang ito. Ito ang kakayahang umunawa at makabuo ng mga estruktura sa wika na sang-ayon sa
tuntunin ng gramatika.

Mungkahing component ng kakayahang lingguuwistika o kakayahang Grammatikal (Celce-Murica, Dornyel, at


Thurell 1995):
1. Sintaks
 Pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan
 Estruktura ng pangungusap
 Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita
 Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay, patanong, pautos, padamdam)
 Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan)
2. Morpolohiya
 Ang makaagham na pag-aaral ng mga morpema o makabuluhang guhit ng mga salita
 Ito ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang morpena.
 Ito ay itinuturung na pinakamaliit na guhit ng isang salita na may angking kahulugan.
 Ito ay maaaring panlapi o salitang ugat.
3. Leksiyon (mga salita o bokabularyo)
 Pagkilala sa mga content words (pangalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay)
 Function words – panghalip, mga pang-ugnay tulad ng pangatnig, pang-ukkol, pang-angkop
4. Ponolohiya o Palaturingan
 Segmental
 Katinig, patinig, tunog
 Suprasegmental
 Diin, intonasyon, hinto
5. Ortograpiya
 Mga grafema
 Titik at di titik
 Pantig at palapantigan
 Mga bantas
 tuldok

You might also like