You are on page 1of 56

KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK SA
WIKA AT KULTURANG
PILIPINO
“Ang buhay ay weather weather lang”
Where na you ditto na me?
Check-up, Emergency, Dead on Arrival
Palikuran – banyo
“Excuse me po!” – Mike Enriquez
Trulala Girl!
MGA BARAYTI NG
WIKA
“Mga barayti ng wika’y mahalagang
matutuhan makatutulong ito upang tayo’y
higit na magkaunawaan.”
MAHALAGANG TANONG

1. Bakit mahalagang matutuhang tanggapin at


igalang ng isang tao ang iba’t- ibang barayti ng
wikang ginagamit ng iba’t- ibang tao sa paligid?

2. Sa paanong paraan maaring makatulong ang


ganitong pagtanggap
PALAWAKIN PA NATIN
1. Ano kaya ang mangyayari kung sa ganitong paraan
ng pagsasalita ang lahat ng mga Pilipino?

2. Paano kaya kung ang newscaster ka na ng isang


respetadong news and public affairs program sa
telebisyon subalit ganito ka magsalita: “Oh my gosh, I
have hot balita to everyone!” Paano maaapektuhan
nito ang kredibilidad mo bilang newscaster?
ALAM MO BA?
 Ang wika ay namamatay o nawawala rin. Mangyari ito kung
hindi naa ginagamit at nawala na ang pangangailangan dito
ng linguwistikang komunidad na dating gumagamit nito.

 Maari ding namatay ang wika kapag marami nang tao ang
nandayuhan sa isang lugar at napalitan na ang salitang dala
nila ang mga dating salita sa lugar.

 Minsan nama’y may mga bagong salitang umusbong para sa


isang bagay na higit na ginagamit ng mga tao kaya’t kaluna’y
nawawala o namamatay na ang orihinal na salita para rito
Homogenous at
Heterogeneous na
Wika
HOMOGENOUS AT HETEROGENOUS:

HOMOGENOUS HETEROGENOUS
Ito ang pagkaiba- iba ng
Ito ay pagkakatulad ng wika sanhi ng iba’t- ibang
mga salita, ngunit dahil Sali panlipunan tulad ng
sa paraan ng edad, hanapbuhay o
pagbabaybay at trabaho, antas ng pinag-
intonasyon o aksent sa aralan, kalagayang
pagbibigkas ito ay lipunan, rehiyon o lugar,
nagkakaroon ng ibang pangkat- etniko o
kahulugan.  tinatawag ding
etnolingguwistikong
komunidad.
HOMOGENOUS

Halimbawa:

Ang panghihiram natin ng mga salitang dayuhan at


pagbibigay ng sariling kahulugan dito. Halimbawa nito ay
kung paanong ang salitang "gimmick" na nasa wikang Ingles
ay may kahulugang "pakulo o paraan ng pagpukaw ng
atensyon." Habang ngayon nagkaroon ito ng kahulugan na
"pamamasyal kasama ng mga kaibiga
HETEROGENOUS

Halimbawa:

Tagalog ang pangunahing wika ng Timog


katagalugan ngunit bawat lugar dito ay
may ibat-ibang katangian ng wika
mayroong Tagalog Batangas, Tagalog
Laguna, Tagalog Quezon.
Barayti ng Wika
DAYALEK
 Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng partikular na
pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar
tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan.

 Maaring gumamit ang mga tao ng isang wikang katulad


ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may
magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba
ang gamit ng salita para sa bagay, o magkaiba ang
pagbuo ng mga pangungusap na siyang nagpapaiba sa
dayalek ng lugar sa iba pang lugar.
HALIMBAWA:
Ang isang bisayang nagsasalita ng Tagalog o Filipino
ay may tonong hawig sa Bisaya at gumagamit ng
mga leksikon o ilang bokabularyong may
pinagsamang Tagalog at Bisaya na tinatawag ding
“TagBis”.

Pinapalitan ang panlaping “um” ng “mag”


 MAGkain tayo sa mall- (Tagalog- Bisaya)
 “kUMain tayo sa mall- (Tagalog sa Maynila)
Ilang Bokabularyo na Ginamit ng Taong Pare-parehong
Nagsasalita ng Isang Wika:
IDYOLEK
 Ito ang dayalek na sinasalita ng pangkat ng mga
tao na mayroong pansariling paraan ng pagsasalita
ang bawat isa.

 Napatunayan nito na hindi homogenous ang wika


sapagkat may pagkakaiba ang paraan ng
pagsasalita ng isang tao sa iba pang tao batay na
rin sa kaniya- kanyang inbidwal na estilo o paraan
ng paggamit ng wika kung saan higit siyang
komportableng magpahayag
“Magandang gabi Bayan”
“Hindi kayo tatantanan”
“Anak, paki- explain. Labyu”
HALIMBAWA:
 Marc Logan - kilala sa paggamit ng makatutugmang
salita sa mga nakatatawang pahayag.
 PabebeGirls - Nakilala at ginaya nang marami sa
nausong dub smash dahil sa kanilang “pabebeng”
idyolek.
 Noli De Castro- “Magandang gabi Bayan”
 Mike Enriquez- “Hindi kayo tatantanan”
 Kris Aquino - “Aha, ha, ha! Nakakaloka! Okey!Darla”.
 Ruffa Mae Quinto - ”To the highest level na talaga
itoh!”
 Donya Ina (Michael V) - “Anak, paki- explain. Labyu”
SOSYOLEK
 Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas
panlipunan o dimesiyong sosyal ng mga taong gumagamit
ng wika.

 Kapansi- pansin ang mga tao nagpapangkat- pangkat


batay sa ilang katangian tulad ng kalagayang panlipunan,
paniniwala, oportunidad, kasarian, edad, atbp.

 Magka- iba ang barayti ng nakapag- aral sa hindi ng


babae o sa lalaki; ng matanda sa mga kabataan; ng may
kaya sa mahirap; ang wika ng tindera sa palengke at iba
pang pangkat.
Ayon kay Rubrico (2009)

Ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan


ng istrapikasyon ng isang lipunan, na siyang
nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng
mga tao na nakapaloob dito batay sa kaniang
katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang
kinabibilangan.
MGA SOSYOLEK NA WIKA
1. Wika ng Beki o Gay Lingo
Ito’ y isang halimbawa ng grupong nais mapanatili
ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman binago
nila ang tunog o kahulugan ng salita.

Halimbawa:
 Churchchill
 Indiana Jones
 Givenchy
 JuliAndrew
 Bigalou
MGA SOSYOLEK NA WIKA
2. Coñoc (Coñoctic o Conyospeak)

Ito isang baryant ngTaglish na may ilang salitang


Ingles na I nihalo sa Filipino kaya’t masasabing code
switching na nagyayari. Naririnig sa mga kabataang
may kaya at nakapag-aral sa eksklusibong paaralan.

Halimabawa:
Kaibigan 1: Let’s make kain na.
Kaibigan 2: Wait lang. I’m calling Ana.
MGA SOSYOLEK NA WIKA
3. JOLOGS 0 “JEJEMON”
Ito ay nagmula saltang “jejeje” na isang paraan ng
pagbaybay ng “hehehe” at ng salitang Hapon na”pokemon”.
Ito ay nakabatay sa wikang Ingles at Filipino subalit
isinusulat nang may pinaghaha- halong numero, simbolo,
at Malaki at maliit na titik kayat mahirap o intindihin lalo
na hindi pamilyar ang tinatawag na jejetyping.
Halimbawa:
Nandito na ako- “D2 na me”
MuZtaH - “Kamusta?”
iMisqcKyuH - “I miss you”
aQcKuHh iT2h -“Ako ito.
MGA SOSYOLEK NA WIKA
4. JARGON
Ito ang mga natatanging bokabularyo ng
partikular na pangkat ay may pagkilala sa
kanilang trabaho o gawain.

Halimbawa: Exhibit, Appeal, Compliant


(Abogado).
ETNOLEK
 Ang salitang ito ay nagmula sa etniko at dayalek na taglay
nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng kanilang
pagkakakilanlan ng isang pangkat- etniko.

Halimbawa:
Vakkul- Pantakip sa ulo
Bulanon- full moon
Kalipay- tuwa o ligaya
Palangga- mahal o minamahal
REGISTER
 Ito ang barayti ng wika kung saan naiiangkop
ng isang nagsasalita ang uri ng wikang
ginamit niya sa sitwasyon at sa kausap.

 Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono


ng pananalita kung ang kausap niya ay isang
taong may mataas na katungkulan o
kapangyarihan, nakakatanda, o hindi niya
masyadong kakilala.
REGISTER
 Pormal na wika ang ginagamit sa mga pormal
na pagdiriwang o pangyayari tulad ng
pagsimba o pagsamba, sa mga seminar o
pagpupulong, sa mga talumpati, sa korte, sa
paaralan atbp.

 Di- pormal na pagsalita naman ang ginagamit


kapag ang kausap kaibigan, malalapit na
pamilya, mga kaklase, o mga kasing edad, at
matagalna kakilala.
MLNNNNNNNNNN
NNNNNNNNNNNN
NNNNNNNN
PIDGIN O CREOLE
 Pidgin ang tawag sa umusbong na bagong wika o tinatawag
sa Ingles na “nobody’s native language” o katutubong wika na
di pag- aari ninuman.

 Nangyari kapag may dalawang taong nakikipag- usap subalit


pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t ‘di
magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t- isa.

 Creole naman ang tawag sa wikang nagmula sa isang pidgin


at naging unang wika ng mga batang isinilang sa komunidad
kapag ito’y nabuo hanggang sa magkaroon ng pattern o mga
tuntuning sinusunod ng karamihan.
HALIMBAWA NG CREOLE:
 Mi Nombre – Ang pangalan ko
 Di donde lugar to? – Anong lugar to?
 Buenas Dias – Magandang Umaga
 “Suki ikaw bili tikoy, Sarap, mura”
 “Ikaw wag upo d’yan. Para di luge”
 Chavacano (Zamboanga) – Hindi masasabing purong
Kastila dahil sa impluwensya ng ating katutubong wika
sa istruktura nito.
HALIMBAWA NG CREOLE
BUOD AT PAGLALAHAT
  Mahalaga ang pag-aaral ng barayti ng wika sa atin, dahil dito nagkakaroon
ng pagkakaunawaan at pagkakaisa ang lahat ng tao. Kung wala ito mawawalan ng
saysay ang lahat ng ating sinasabi. Mahalagang pag-aralan ang iba't ibang barayti
ng wika upang:
 Maintindihan natin ang ating kapwa. Balik- tanaw sa ating kasaysayan at mga
pamumuhay ng mga tao noong unang panahon.

 Ito ang sumisimbolo ng pakakakilanlan ng isang indibidwal.

 Mas naipapahayag ng isang tao ang kanyang emosyon at damdamin kapag


mayroon siyang gustong sabihin

 Mas napapaliwanag ng isang tao ang gusto niyang ihayag kung gagamitin niya
ang kanyang sariling dayalekto kumpara sa kung gagamit siya ng wikang
Ingles kung siya ay purong Pilipino.
GAWAIN 1:
Sa araling ito, makabubuting pahalagahan natin ang
tungkol sa barayti ng wika. Pahalagahan ito sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Isulat ang sagot
sa hiwalay na sagutang papel o notbuk. 

1. Tungkol saan ang ilustrasyon?


2. Paano ginagamit ang mga salita sa ilustrasyon? May
panghihiram ba ng mga salita o wala?
3. Ano-ano ang barayti ng wikang ginagamit?
PAGSUSURI
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga   pagpipilian sa
bawat aytem. Isulat lamang ang titik o letra ng mapipili mong
sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

1. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng


pagsasalita ni Noli De Castro lalo na kapag sinasabi niya ang
pamoso niyang linyang “Magandang Gabi, Bayan!”.

2. Nagtatagalog din ang mga taga- Morong, Rizal pero may punto
silang kakaiba sa Tagalog ng mga taga- Metro Manila.
PAGSUSURI
3. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ng Kris Aquino lalo na
ang malutong niyang “Ah, ha, ha! Okey! Darla! Halika!”

4. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa


Binondo bago pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong
walang alam sa wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng wikang walang
sinusunod na estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.

5. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay


nagpakasal sa mga dalagang taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo
na maituturing na hindi pag-aari ninuman ay siyang naging unang wika
ng mga naging anak nila.
PAGSUSURI
6. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya
si Danilo a.k.a. “Dana” ang mga salitang charot, bigalou at iba pa.

7. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap


ang dalawang babae sa unahan. Narinig niya sa usapan ang mga
salitang lesson plan, quiz, essay, at grading sheets. Mula rito’y alam
niyang mga guro ang mga nakaupo sa harap niya.

8. Habang nakahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len


ay maharot at nakatatawa ang ginagamit nilang mga salita subalit
nang maihanda ang mga kagamitan at magsimula silang mag-ulat sa
harap ng klase at ng guro ay biglang nag-iba at naging pormal na
paraan nila ng pagsasalita
PAGSUSURI

9. Natutuhan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan


nang mamasyal siya sa Batanes. Saanman siya mapunta
ngayon, kapag narinig niya ang salitang vakkul ay alam niyang
ang salitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy sa gamit nilang
pananggalang sa init at ulan.
     

10. “Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni


Korina Sanchez sa kanyang programang Rated K. 
         
Subukin at Tayahin
1.D
2.A
3.B
4.C
5.A
6. D
7.D
8.C
9.B
10. A

Gawain 1
GURO: Magandang umaga po Bb. Reyes.
Kaibigang BAKLA:  beautilicious day! Wit kalorkey itey bakla.
Probinsyano: Pare magandang umaga sa iyo.

Gawain 3
1. barayti ng wikang ginamit sa loob ng klasrum
2. pagpapakilala sa sarili, pagpapaliwanag-may panghihiram ng wika
3. Sosyolek, Pidgin

You might also like