You are on page 1of 4

Barayti ng Wika

HOMOGENEOUS ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit nito

HETEROGENOUS NA WIKA

Wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at pangangailangan ng paggamit nito, maraming baryasyon na
wika. Ito ay nagtataglay o binubuo ng magkakaibang kontent o elemento heteros –
nangangahulugang magkaiba samantalang ang genos – nangangahulugang uri o lahi.

Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-
kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.

Dayalek

 Ito ang barayti ng wikang ginagamit sa isang pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na
lugar tulad ng lalawigan, rehiyon at bayan. Ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong
heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang
partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.
o Hal. Maynila- aba, ang ganda!
o Batanggas – Aba, ang ganda eh!
o Bataan – ka ganda ah!
o Rizal-ka ganda, hane!

Idyolek

Tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal o nakabatay sa katayuan o antas


panlipunan. Tinatawag din itong sosyal (pamantayan) na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga
pangkat panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa.

Sosyolek

Ito ay pansariling paraan o istilo sa pagsasalita. Makikita rito ang katangian at kakanyahang natatangi
ng taong nagsasalita.

o Hal. Magandang Gabi Bayan” – Noli de Castro


o “Hoy Gising” – Ted Failon
o “Hindi ka namin tatantanan” – Mike Enriquez
o “Di umano’y -” – Jessica Soho

Iba’t Ibang Sosyolek

 Gay Lingo
 Coňo
 Jejemon o Jejespeak
 Jargon
 Etnolek
 Register
 Pidgin
 Creole
Gay Lingo

ang wika ng mga bakla. Ginamit ito ng mga bakla upang mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan
kaya binago nila ang tunog o kahulugan ng salita.

Halimbawa: Churchill para sa sosyal, Indiana jones para sa hindi sumipot, begalou para sa malaki,
Givenchy para sa pahingi, Juli Andrews para sa mahuli.

Coňo

tinatawag ding coňotic o conyospeak isang baryant ng Taglish o salitang Ingles na hinahalo sa Filipino
kaya nagkaroon ng coede switching. Kadalasan din itong ginagamitan ng pandiwang Ingles na make
at dinugtong sa Filipino. Minsan kinakabitan pa ito ng ingklitik na pa, na, lang at iba pa.

Halimbawa: Let’s make kain na… wait lang I’m calling ana pa… We’ll gonna make pila pa…It’s so haba
na naman for sure.

Jejemon o Jejespeak

Ay isang paraan ng pagbaybay ng hehehe at ng salitang mula sa hapon na pokemon. Ito ay


nakabatay rin sa mga wikang ingles at filipino subalit isinusulat nang may pinaghalo-halong numero,
mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na titik kaya’t mahirap basahin at intindihin
lalo na nang hindi pamilyar sa jejejetyping. Madalas na nagagamit ang mga titik h at z.

Halimbawa:

 3ow phow, mUsZtAh nA phow kaOw? -


 Hello po, kumusta po kayo?
 aQcKuHh iT2h - Ako ito
 MiszqcHyuH - I miss you

Jargon

Ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng isang propesyon, artikula na
trabaho, o gawain ng tao.

 Halimbawa: abogado – exhibit, appeal, complainant


 guro – lesson plan, class record, Form

Etnolek

Ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolengguwistikong grupo. Ang salitang ito ay nagmula sa
pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi ng pagkakakilanlan ng
isang pangkat-etniko.

Halimbawa: Vakkul – gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o ulan

 Bulanon – full moon


 Kalipay – tuwa o ligaya
 Palangga – mahal o minamahal
 Shuwa – dalawa
 Sadshak – kaligayahan
 Peshen - Preshen
Register

Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya
sa sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasaita ang pormal na tono ng pananalita kung ang
kausap niya ay isang taong may mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakatatanda o hindi niya
masyadong kakilala.

Halimbawa:

 Paggamit ng pormal na wika sa simbahan, talumpati, pagpupulong at pagsulat ng aklat


pangwika o pampanitikan o pormal na sanaysay.
 Paggamit ng di pormal na wika sa pagsulat ng komiks, talaarawan at liham pangkaibigan o di
pormal na paraan ng pagsasalita kung ang kausap ay kaibigan, malalapit na kapamilya,
kaklase o kasing-edad.

Pidgin

ito ay umusbong na bagong wika na tinatawag sa Ingles na Nobody’s Native Language o katutubong
wikang di pag-aari ninuman. Ito ay bunga ng pag-uusap ng dalawang taong parehong may
magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa kaya
magkakaroon sila ng makeshift language. Dahil dito makakalikha sila ng isang wikang pinaghalo ang
kanya-kanya nilang unang wika.

Hal.

 Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo.


 Hindi ikaw galing kanta – Hindi ka magaling kumanta.
 Sali ako laro ulan – Sasali akong maglaro sa ulan.

Creole

ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized) na ng mga
batang isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit ito sa mahabang panahon hanggang sa magkaroon
ng pattern o tuntuning sinusunod na ng karamihan.

Halimbawa: ang wikang Chavacano


ANTAS NG WIKA

Ang pagkakaroon ng antas ng wika ay isa pang mahalagang katangian nito. Tulad ng tao, ang wika ay
nahahati rin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaantasan nito. Kung tutuusin, ang antas ng wikang
madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung
sa aling antas- panlipunan siya nabibilang.

Mahalagang maunawaan ng lahat ng tao ang mga antas ng wikang ito nang gayo’y maibagay niya ito
sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon at pook at maging sa okasyong dinadaluhan.
Mahahati ang antas ng wika sa kategoryang Pormal at Impormal. Sa bawat kategorya, napapaloob
ang mga antas ng wika.

PORMAL

Ito ang mga salitang estandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo
na ng mga nakapag- aral ng wika. 1. Pambansa. Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga
aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng
pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.

a. Pampanitikan o Panretorika.
Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang
pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining.

IMPORMAL

Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-
usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.

a. Lalawiganin
Ito ang mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ang mga ito ang mga partikular na pook o
lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang
lugar dahil natural na nila itong naibubulalas. Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang
tono, o ang tinatawag ng marami na punto.
b. Kolokyal
Ito’y mga pang-araw- araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Maaaring
may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit maaari rin itong maging repinado
ayon sa kung sino ang nagsasalita nito. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita lalo
na sa mga pasalitang komunikasyon ay mauuri rin sa antas nito.

Halimbawa: nasa’n (nasaan), pa’no (paano), sa’kin (sa akin), sa’yo (sa iyo), kelan (kailan),
meron (mayroon)

c. Balbal
Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang mga ito upang
ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes. Mababang antas ng wika ito, bagamat may
mga dalubwikang nagmumungkahi ng higit pang mababang antas, ang antas-bulgar (halimbawa
nito ay ang mura at mga salitang may kabastusan).

Sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang pinakadinamiko. Maaari kasing ang usong salitang balbal
ngayon at laos na bukas. Nakatutuwa ring pang-aralan kung paano nabubuo ang mga salitang ito.
Minsan nga, dahil sa napakasalimuot na prosesong pinagdadaanan ng isang salitang balbal, nagiging
lubhang mahirap nang ugatin ang pinanggalingan nito. Kayrami ngang kabataang gamit nang gamit
ng mga salitang balbal na hindi nila alam kung paano nabuo.

You might also like