Professional Documents
Culture Documents
2/05/24
Ba ráy ti
Baráytí
Variety
The Spanish-derived Filipino synonym is baryedád.
Baryedad: iba't ibang anyo, kalagayan, at yugto ng isang bagay. Halimbawa: baryedad
ng tinapay
Barayti ng Wika
Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawa lugar. Ito rin ay isang
simbolismo tungo sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng
wika, ay nailalabas o napapahayag natin ang ating mga emosyon at saloobin,
masaya man o malungkot. Ginagawa natin ito sa pamamaraan ng pagsusulat,
pakikipagtalastasan at iba pa.
Ang ating wika ay may iba't-ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng
lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad
at kasarian at uri ng pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa
pagkakaroon ng heterogenous na wika tayo ay nagkaroon ng iba't ibang
baryasyon nito, at dito nag-ugat ang mga variety ng wika, ayon sa pagkakaiba ng
mga indibidwal.
Idyolek
Bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba
sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na
nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang
namumukod tangi at yunik.
Hal.
"Magandang Gabi Bayan" ni Noli de Castro
"Hindi ka namin tatantanan" ni Mike Enriquez
"Ito ang iyong ka-Igan" ni Arnold Clavio
"Hoy Gising!" ni Ted Failon
Dayalek
Ito ay barayti ng wika na nalilikha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang
gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang
kinabibilangan. Tayo ay may iba't-ibang uri ng wikang panrehiyon na kung
tawagin ay wikain.
Meron tatlong uri ng Dayalek:
Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo)
Dayalek na Tempora (batay sa panahon)
Dayalek na Sosyal [batay sa katayuan)
Mga halimbawa ng Dayalek:
Tagalog = Bakit?
Batangas = Bakit ga?
Bataan = Baki ah?
Ilocos = Bakit ngay?
Pangasinan = Bakit ei?
Tagalog = Nalilito ako
Bisaya = Nalilibog ako(Bas2s)
Dayalek na sosyal
Kahit nasa iisang lugar daw ang mga tao at mayroong wika o diyalektong
kinalakihan, nagkakaroon pa rin daw ng pagkakaiba sa ginagamit na wika ang
mga tao ayon sa katayuan sa lipunan o trabaho nito. Para bang nagkakaroon ng
antas ang isang salita ayon sa kalagayan sa buhay.
Hal.
Sa wikang Tagalog ang salitang kotse ay may iba't ibang katawagan:
kotse
oto
Tsekot
Dayalektikal na baryasyon
May mga lugar sa Pilipinas na kahit magkaiba ng lugar ay pareho naman ng
wikang binibigkas ngunit nagkakaiba sa paraan ng pagbigkas. Ito ang ikatlong uri
ng dayalek na tinatawag na diyalektikal na baryasyon. Najiba ang aksent, punto, o
tono ng pagbigkas ng salita kahit pareho naman ang wikang sinasalita.
Hal.
Ang mga naninirahan sa Quezon Province, Batangas, at Bulacan ay pare-parehong
gumagamit ng salitang Tagalog. Nagkakaiba lamang sila sa aksent o punto. Ang mga
taga Quezon ay gumagamit ng 'baga' sa kanilang Tagalog, habang ang mga
Batangueñno naman ay may matigas na pagbigkas at diin sa mga salita. Ang mga
Bulakenyo naman ay mayroong malumanay na pagsasalita ng wikang Tagalog.
Sosyolek
Minsan ay tinatawag na "Sosyalek" Ito ay pansamantalang barayti lamang. Ito ay
uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay
may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na
gumagamit ng mga naturang salita.
Hal.
Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
Oh my God! It's so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay pangit
ng gelpren mo)
Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!)
May amats na ako 'tol (may tama na ako kaibigan/kapati o kaya ay lasing na ako
kaibigan/kapatid)
Etnolek
Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga
etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko
sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging
bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
Ekolek
Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga
salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda,
malimit itong ginagamit sa pang araw- araw na pakikipagtalastasan.
Hal.
Palikuran - banyo o kubeta
Silid tulugan o pahingahan - kuwarto
Pamingganan - lalagyan ng plato
Pappy-ama/tatay
Mumsy-nanay/ina
Pidgin
Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang
"nobody's native language" ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang
indibidwal na nag uusap na may dalawa ring magkaibang wika. Sila ay walang
komong wikang ginagamit. Umaasa lamang sila sa mga "make-shift" na salita o
mga pansamantalang wika lamang.
Hal.
Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)
Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.)
Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka na ng paninda ko.
Bibigyan kita ng diskawnt.)
Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado. (Mag-aral ka ng mabuti upang
mataas ang iyong grado.)
Creole
Mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng
indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing
wika ng partikular na lugar.
Hal.
Pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang Chavacano), halong Arican at
Espanyol (ang Palenquero), at ang halong Portuguese at Espanyol (ang Annobonese).
Mi nombre-Ang pangalan ko
Di donde lugar to? - Taga saan ka?
Buenas dias - Magandang umaga
Buenas tardes-magandang hapon
Buenas noches - Magandang gabi
Register
Minsan sinusulat na “rejister", ito ay barayti ng wikang espisyalisadong
ginagamit ng isang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensyon.
Field o larangan - ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong
gumagamit nito.
Mode o Modo- paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon.
Tenor - ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap
Hal.
Mga salitang jejemon
Mga salitang binabaliktad
Mga salitang ginagamit sa teks
Mga salitang ginagamit ng mga iba't-ibang propesyon gaya ng mga doktor
Permanente
Ang una ay Permanente na nauukol sa tagapagsalita/tagabasa (performer).
Binubuo ng ideolek at diyalekto ang permanenteng barayti.
Permanente: Idyolek
Ang Idyolek ay ang barayti ng wikang kaugnay sa personal na kakayahan o
katangian ng tagapagsalita gaya ng nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng
isang indibidwal o ng isang pangkat ng mga tao.
Permanente: Diyalekto
Ang Diyalekto ay ang barayting batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay.
Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng
tagapagsalita sa isa sa tatlong dimension: espasyo, panahon at katayuang sosyal.
Hal.
Pakiurong nga po ng plato (bulacan hugasan) Pakiurong nga po ng plato (Manila
iusog)
Pansamantala
Ang ikalawa ay Pansamantala dahil nagkakaroon ito ng pagbabago kung
nagbabago ang sitwasyon ng pahayag gaya ng kung sino o anong pangkat ng mga
tao ang kinakausap at ano ang paraan ng pakikipagusap. Ang register, mode at
estilo ay mga barayting kabilang dito.
Pansamantala: Register
Isang varyasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalita o gumagamit ng
wika o pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalita o gumagamit ng
wika ayon sa: Tono ng kausap, Paksa ng pinag uusapan at Paraan o paano nag
uusap.
Tono ng kausap-naaayon ang wika sa sino ang nag- uusap
Paksa ng pinag-uusapan-batay sa larangan na tinatalakay at sa panahon
Paraan o paano nag-uusap- pasalita o pasulat pagtalima sa mga panunturang
dapat sundin batay sa uri ng piniling paraan ng pag-uusap.
Pansamantala: Mode
Ang Mode ay barayting nauugnay sa midyum na ginagamit, maaaring pasalita o
pasulat.
Hal.
Mas pormal na naipahahayag mo sa iyong wika kung ito ay nakasulat kaysa sa
sinasabi lamang.
Pansamantala: Estilo
Ang Estilo ay barayting kaugnay sa bilang at katangian ng nagsasalita at ng
relasyon nito sa kanila.
Hal.
Iba ang estilo mo sa usapan ninyo ng iyong kaibigan kaysa ng iyong guro.
Baryasyon ng Wika
Ang dayalekto ay wika ng tao noong natutong magsalita, Ito ang wikang
ginagamit sa tahanan ng isang pamilya, ang wikang ginagamit sa limitadong pook
o pamayanan.
Ang dayalekto ay varyasyon ng wika. Sa dayalekto nakikita na may
pagkakaibaang salita, ang bigkas, ang tunog at sa tono o intonasyon, pagbuo ng
pangungusap. Maaaring mali ang istruktura at iba ang mga salita ngunit ang mga
gumagamit aymagkakaintindihan at magkakaunawaan.
Samantala ang wika ay may higit na malawak ang nasasakupan at higit na
marami angmga gumagamit. Ang wika gaya ng Filipino at Ingles ay higit na
maunlad dahil sa mayma-agham na pag- aaral sa wika, may sariling tuntunin sa
istruktura sa grammar at sintaksis.
Nagkakaroon ng pagbabago ang wika batay sa ibat ibang sitwasyon gaya ng
pook, antas ng buhay, propesyon o pinagaralan at lipunang ginagalawan o
kinabibilangan.
Istandard na Dayalekto
Ang wikang ginagamit ay katanggap-tanggap sa lahat ng antas ng lipunan sa mga
pormal na usapan, sa paaralan, unibersidad, pamamahayag o broadcast o ng
anumang pagpupulong.
02/07/24
Idyolek
Nagpapakilala ng kakayahan ng nagsasalita bunga ng kaalaman, karanasan o pag-
aaral, paraan ng pagsasalita o uri ng wikang ginamit, timbre ng boses o kwaliti ng
boses o paboritong ekspresyon ng nagsasalita.
Hal.
Ano, alright, okay, actually, by the way, as a matter of fact. Maaring makilala ang
nagsasalita kung si Pangulong Ramos, Pangulong Estrada o Pangulong Arroyo, ayon
sa tono o timbre ng boses.
Dayalektong Pampook
Ang mga salita ay nagkakaibaiba dahil sa pook na pinagmulan.
Hal.
Sa Batangas “Mabanas” pero sa Bulacan “Mainit. Malibag sa Batangas pero sa
Bulacan Marumi
Dayalektong Pamanahon
Ang wika ay nababago sa paglipas ng panahon. Ang mga panitikan na nasulat sa
panahon nina Balagtas, Rizal, Lope K. Santos ay naiiba sa kasalukuyang
panahon. Maliban sa nabagong istruktura, maligoy ang mga pangungusap at may
mga salitang hindi na ginagamit sa pagsasalita at pagsulat.
Hal.
Pinipintuho - minamahal
Kaisang dibdib - mag-asawa
Marikit - maganda
Iniiro- iniibig
Rehistro ng Wika
Nagkakaroon ng pagbabago ang wika sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika.
Kung sino ang kausap o tagapakinig (tenor of discourse) anong paksa ang pinag-
uusapan (field of discourse) at paraan o paano nag-uusap (mode of discourse).
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Paraan o Paano nag-uusap(Mode of Discourse)
Usapang pasalita o usapang pasulat. Sa usapang pasulat mas pormal ang mga
salita, sumusunod sa mekaniks ng pagsulat, gumagamit ng bantas at sa pagsulat.
Kung pasalita maaring nangangatwiran, may pagkamagalang, nagliligawan, nag-
aaway, balita, showbiz.
Hal.
Nagbayad po kami nang tama at nasa oras, bakit po kami pinutulan ng linya ng
ilaw?
Magandang araw po. Kami po ay kasapi ng Kabataang Barangay, naatasan po
kami na gumawa ng sensus tungkol sa bilang ng mgananinirahan sa ating pook.
Mag-aral kayong mabuti para sa inyong kinabukasan
Nakalulungkot isipin na pumanaw na ang pinagpipitaganan at hinahangaan
naalagad ng sining.
2/12/24
Barayti
Ang pagkakaroon nito ay bunga ng paniniwala ng mga linggwistika na ang wika
ay heterogeneous o nagkakaiba- iba. Sala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na
may iba't ibang lugar na tinirahan, interes, gawain, pinag-aralan atbp.
Ito ay mula sa sariling salitang "heterous" na nangangahulugang magkaiba at
"genos" naman ay uri o lahi. Sinasabi na ang bawat wika ay mayroong mahigit
isang barayti.
Baryasyon
Sa pagdaan ng panahon nagiging ispesyalisado ang gawain at tungkulin ng tao at
ito ay nagreresulta ng pagkakaiba-ibang kultura at wika na siyang nagiging
panukat sa progreso ng tao.
Permanente
Likas na gamit at linang sa sinumang tagapagsalita o tagabasa.
Dayalek, Idyolek, Etnolek, Ekolek
Dayalek
Ang dayalek ay isang barayti ng wika na tumutukoy sa mga salita at paraan ng
pananalita ng mga tao ayon sa kanilang lokasyong heograpikal.
Hal:
Cebuano-Gihigugma ko ikaw
Waray-Maupay nga adlaw
Hiligaynon-Nagakadlaw na siya
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
May tatlong Uri ng Dayalek
Dayalek na Sosyal
Diskretong Dayalek
Dayalektikal na Barasyon
Sabi ni Curtis McFarland
Dayalek na Sosyal
Kahit nasa iisang lugar daw ang mga tao at mayroong wika o diyalektong
kinalakihan, nagkakaroon pa rin daw ng pagkakaiba sa ginagamit na wika ang
mga tao ayon sa katayuan sa lipunan o trabaho nito. Para bang nagkakaroon ng
antas ang isang salita ayon sa kalagayan sa buhay.
Diskretong Dayalek
Ito ay sumasalamin sa direktang pagkakaiba ng mga diyalekto o wika mula sa
iba't ibang mga lugar. Nakaaapekto na sa uring ito ang lokasyon o heograpiya ng
isang lugar. Sa bansa, madaling malalaman ang pagkakaiba ng mga wika dahil
laganap ito sa maraming lugar sa Pilipinas.
Dayalektikal na Barasyon
May mga lugar sa Pilipinas na kahit magkaiba ng lugar ay pareho naman ng
wikang binibigkas ngunit nagkakaiba sa paraan ng pagbigkas. Ito ang ikatlong uri
ng dayalek na tinatawag na diyalektikal na baryasyon. Najiba ang aksent, punto, o
tono ng pagbigkas ng salita kahit pareho naman ang wikang sinasalita.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Idyolek
Kahit na mayroong itinakdang pamantayan ang pagbigkas ng mga salita,
nagkakaroon pa rin iba't ibang paraan ang mga indibidwal sa pagsasalita.
Nagkakaiba-iba sa pagdiin sa mga salita, sa punto, at maging sa paraan ng
paggamit ng tono o ritmo sa pagbibigkas ng mga salita.
Tumatatak ang kakaibang paraan ng pagsasalita, higit kung mga sikat na
personalidad ang nagbibigkas ng mga ito. Kahit hindi nila orihinal na likha ang
mga salita, parirala, pangungusap, o mga kasabihan, basta't nabanggit nila ito sa
isang kakaibang paraan ay tiyak na tatatak ito.
Greek na 'idio' na ang ibig sabihin ay "pansarili o kakaiba," at 'lect' ang ibig
sabihin ay "pagkakaiba ng wika." Ayon sa mga linggiwistiko, wala raw kasing
dalawang tao ang may eksaktong paraan ng pananalita, maging sa mga pangkat
ng salitang ginagamit nito.
Hal.
Yung Alright ni Sir
Etnolek
Bahagi ng tinatawag na barayti ng wika ang mga salita ng ilang pangkat etniko sa
bansa. Tinatawag itong etnolek na batay sa sinasabing etnolonggwistikong
pangkat sa Pilipinas.
Ang mga salitang napapaloob sa etnolek ay ang mga salitang ginagamit ng mga
mamamayan sa isang lugar o pangkat na likas lamang sa kanila.
Gayunman, dahil ang ilang pangkat etniko o mga katutubo sa bansa ay mayroong
kaugnayan, ang salitang salita na napapaloob sa kanilang wika ay mayroong
pagkakatulad, lalo na kung nasa iisang rehiyon, lalawigan, o bayan ang mga ito.
Hal.
Vakuul - salitang Ivatan na tumutukoy sa kanilang panakip sa ulo .
Palangga- Iniirog sa salitang Cebuano .
Solutan- tumutukoy sa pinuno ng isang komunidad o kaharian sa salitang Maranaw;
Sultan.
Munsala- - tawag sa isang uri ng tradisyonal na sayaw ng mga Ifugao.
Banas- tumutukoy sa mainit na pakiramdam o pagkabalisa sa wika ng mga Tagalog
Batuk.
isang uri o paraan ng paglalagay ng tradisyonal na marka sa katawan mula sa Kalinga
Adlaw- salitang Visaya na tumutukoy sa araw, panibagong umaga.
Bagnet- isang uri ng pinrosesong karne na kilala sa pagiging malinamnam kapag
niluto.
Etnolek sa Pilipinas
Dahil likas sa Pilipinas ang iba't ibang pangkat ng mga katutubo, ang mga ito rin
ay tahanan ng iba't ibang wika sa bansa na isang magandang halimbawa ng
etnolek. Iba-iba ang mga pangkat mula Luzon hanggang Mindanao tulad ng mga
Tausug, T'boli, Mangyan, Tagalog, Kankanaey, Ifugao, at Maranaw.
Etnolek sa Ibang Bansa
Ngunit hindi eksklusibo sa Pilipinas ang konsepto ng etnolek. Maging sa ibang
bansa ay kinikilala ang barayiti ng wika na ito. Basta mula sa isang pangkat na
mayroong pansariling wikang sinasalita, pasok ito sa konsepto ng etnolek.
Ekolek
Nagkakaroon ng barayti ang wika dahil sa mga lugar o pangkat na kinabibilangan
natin. Ang bawat lugar sa bansa ay mayroong tahanan. Sa loob ng tahanan ay
mayroong isa o higit pang pamilyang naninirahan.
Ang maliit na yunit ng mga mamamayan na ito ay mayroon ding mga natatanging
wika na ginagamit sa loob ng bahay na sila-sila lang din ang nakagagamit sa
kanilang pamumuhay o pantawag sa bawat miyembro.
Dito pumapasok ang barayti ng wika na ekolek. Ito ay tumutukoy sa mga salita,
kataga, o mga pararila na ginagamit ng bawat miyembro ng pamilya sa loob ng
bahay. Ito ay ang mga nakasanayang tawag sa bawat miyembro, bahagi ng
tahanan, o kanilang mga gawain sa loob ng bahay.
May mga pagkakataon sa loob ng tahanan na nagiging hudyat upang makabuo ng
katawagan sa isang bagay tulad ng mga nakatutuwang pangyayari. Sakop din nito
ang tradisyon o paniniwala ng isang pamilya.
Kahalagahan
Maging ang kanilang kultura sa lalawigang kinabibilangan ay isa ring
mahalagang salik ng ekolek. Kahit nasa ibang lugar sila, dala nila ang mga
nakasanayan at tradisyonal na wika sa kanilang probinsya na nagiging dahilan
upang maging kakaiba ang kanilang tawagan sa loob ng bahay.
Hal.
Nanay-mom-inay-nanay-mudra-mamshie
Tatay-dad-itay-tatay-pudra-pappy
Lababo-batalan-hugasan-urungan
bunso-baby-beh
lola-apo-inay-mamu-granny-inang-mommy
lolo-ingkong-itay-papu-lo-itang-papa
silid-room-guest room-kuwarto
banyo-palikuran-kubeta-CR
platuhan-pamingganan-dispenser - dishrack
kain-am-am-papa-lantak
diko-ditse-sangko-sanse-ate-kuya
Parusa-palo-sinturunin-pingutin-hatawin
Pansamantala
Nagbabago batay sa pagbabago ng sitwasyon.
Sosyolek, Register, Pidgin, Creole
Sosyolek
Karaniwang ginagamit ang sosyolek nang pansamantala lamang, at hindi talaga
malaking bahagi ng pamumuhay ng tao. Nag-iiba lamang daw kasi ang paggamit
natin sa wika, depende kung sino ang kausap natin. Inaayon ito sa kung sino ang
kaharap at kung may kapasidad ba itong intindihin ang wikang gagamitin.
Hal.
Wikang balbal/kanto:
"Lakas ng amats ko sa nomo natin kagabi. Galit si mudra ko at senglot na naman!"
(Ang lakas ng tama ko sa ininom natin kagabi. Nagalit ang nanay ko at lasing na
naman ako)
Wikang conyo:
"OMG! Lakas naman the rain. And there is a baha na out there. So yuck talaga!
Sheeeeeeeeeeeeeesssshhhhhhhh”
(Ang lakas naman ng ulan at baha na sa labas. Nakakadiri talaga!)
Register
Isa sa mga barayti ng wika ang register, rejister, o rehistro. Ayon sa mga eksperto
ng wika, ang register ay ang wikang espesyalisadong ginagamit ng isang
partikular na domeyn o isang teknikal na lipon ng mga salita sa isang larangan o
disiplina.
Malawak ang maaaring maging saklaw ng register ng wika sapagkat maraming
maaaring maging larangan. Ito ang nagbibigay ng highlight o diin sa mga salitang
ginagamit sa iba't ibang propesyon, disiplina, o sangay ng paggawa.
Kahalagahan
Mahalaga ang register ng wika dahil ito ang nagbibigay ng mas malinaw o
espesyalisadong mga salita upang mas epektibong maipahayag ang damdamin,
ideya, o mga konsepto ng isang larangan.
Dahil may mga salitang walang direktang salin sa wikang Filipino, at may mga
terminong teknikal man ay mas madaling maunawaan kung nasa anyong register,
mas napadadali ang pagkuha ng kahulugan o konsepto ng mga nakikinig o
bumabasa.
Pidgin
Sinasabing ang pidgin ay isang bagong wika na nabubuo kung mayroong
dalawang tao na magkaiba ang wika at naipagsasama ang paraan ng pagsasalita at
paggamit ng wika.
Ang dalawang tao na may magkaibang wika at kultura ay pinagsisikapang
mairaos ang kanilang pag-uusap sa paghahalo ng wikang alam nila at likas sa
kanila at ang mga salitang madalas ding gamitin ng kausap.
Taglish at salitang "barok" ang ilan sa mga sikat na halimbawa ng pidgin sa
Pilipinas. Ito ay ang pinaghalong mga wika na ginagamit ng mga Pilipino, mga
dayuhan, o mga Pilipinong may ibang lahi upang magkaunawaan. Habang ang
ilan namang hindi natural sa wikang Filipino, nakapagsasalita sila ng wika natin
ngunit utal-utal o hindi buo ang pagkakagamit ng wika.
Taglish
Grabe naman so init naman here. (Grabe naman, napakainit naman rito.)
I don't like nga sabi! (Ayaw ko nga, sabi!)
You're so funny talaga! (Nakakatawa ka talaga)
You make pili na sa mga dress here. (Pumili ka na sa mga damit dito.)
There is baha outside because of the ulan! (May baha sa labas dahil sa ulan!)
Barok na Pilipino
Ako bigay sa iyo discount pag bili ka dami. (Ako'y magbibigay sa tyo ng discount
kapag bumili ka nang marami.)
Ako punta muna banyo sakit tiyan ko. (Ako ay pupunta muna sa banyo dahil masakit
tiyan ko.)
Mas galing ako sa iyo sayaw. (Mas magaling akong sumayaw sa iyo.)
Saan ikaw punta kagabi ikaw bigla nawala? (Saan ka nagpunta kagabi at bigla ka na
lang nawala?)
Gusto ko punta Baguio init dito Manila. (Gusto kong pumunta sa Baguio dahil ang
init dito sa Manila.)
Kahalagahan
Sa ibang konsepto, sinasabing ang pidgin ay nagiging makeshift language ng
dalawang taong hindi pareho ang wika upang maging tuloy-tuloy ang kanilang
usapan o komunikasyon. Sabi pa nga ng ilang eksperto sa wika, ang pidgin ay
"nobody's native language" o wikang hindi katutubo kanino man.
Creole
Ang creole ay isang wika na sinasabing likas at nagmula sa mga salitang pidgin.
Sa paglaon ng panahon, ang pidgin ay nagiging likas na wika o unang wika ng
ilang mga bahagi ng komunidad na isinisilang sa panahong umiiral na ang pidgin.
Sa madaling sabi, ang creole ay isang pidgin na naging likas sa paglipas ng
panahon.
Kahalagahan
Malaking bahagi ng pagiging creole ng isang wika ay ang madalas na paggamit ng
mga tao sa paligid. Ayon sa konsepto ng wika, nagiging native sa isang lugar ang
wika dahil sa madalas na pagsasalit at paggamit nito.
Sa bansang Pilipinas na nasakop ng ilang bansa na may ibang wika, mayroong mga
lugar na gumagamit na ng halong wika.