You are on page 1of 20

Sikolohikal

na pagtuturo
at pagkatutu
ng wika
Ang wika at ang kultura
• Ang wika ay bahagi ng kultura at
kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin ay isang
simbolismo tungo sa pagkakakilanlan ng
bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng wika
ay nailalabas at naipapahayag natin ang
ating emosyon at saloobin, masaya man o
malungkot.
• Ginagawa ito sa pamamaraanng
pagsusulat, pakikipagtalastasan at iba pa.
1. Dayalekto/ Dayalek
 Ito ay ang barayti ng wikang ginagamit sa isang
pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na
lugar tulad ng lalawigan, rehiyon at bayan.
 Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito ang
wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon,
lalawigan o pook, malaki man o maliit.
 Tayo ay may iba’t ibang uri ng wikang panrehiyon na
kung tawagin ay wikain. Meron tatlong uri ng
Dayalek:
1.Dayalek na Heograpiko ( batay sa espasyo)
2. Dayalek na Tempora (batay sa panahon)
3.Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan)

Mga Halimbawa ng Dayalek:

Tagalog- Bakit?
Batangas- Bakit ga?
Bataan- Baki ah?
Ilocos- Bakit ngay?
Pangasinan- Bakit ei?
2. Idyolek
 Ito ay pansariling paraan, nakagawiang pamamaraan
o istilo sa pagsasalita
 Makikita rito ang katangian at kakanyahang
natatangi ng taong nagsasalita o ng isang pangkat
ng mga tao. (uri ng wikang ginagamit at iba pa.)
 Ito rin ang indibidwal na estilo ng paggamit ng isang
tao sa kanyang wika
 Bawat indibidwal ay may sariling istilo ng
pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa.
Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng
wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang
pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod tangi at
yunik.
Halimbawa:

Mike Enriquez- hindi namin kayo tatantanan

Kris Aquino- Aha!, ha, ha… okey ! Darla!

Noli de Castro- Magandang Gabi Bayan

Arnold Clavio- Ito ang iyong Igan


3. Sosyolek
 Tawag sa nabubuo batay sa dimensyong sosyal o

nakabatay sa katayuan, antas o sa pangkat na


kanyang kinabibilangang panlipunan
 Tinatawag din itong sosyal( pamantayan) na barayti

ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat


panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad
at iba pa.
 Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang

sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na


gumagamit ng mga naturang salita.
Halimbawa:

• Repapips, ala nakong datung eh( Pare, wala na


akong pera)
• Sige ka jujumbagin kita (sige ka bubugbugin kita)
• Wa facelak girlash mo (walang itsura gelpren mo,
pangit)
• Oh my God it’s so mainit naman dito (Naku, ang
init naman dito!)
Iba’t ibang Sosyolek
a) Gay Lingo
• Ang wika ng mga bakla. Ginamit ito ng mga
bakla upang mapanatili ang kanilang
pagkakakilanlan kaya binago nila ang tunog o
kahulugan ng salita.

Halimbawa:
Churchill para sa sosyal
Indiana jones para sa hindi sumipot
Begalou para sa Malaki
Givenchy para sa pahingi
Juli Andrews para sa mahuli
b.) Cono
• Tinatawag din itong conotic o conyospeak isang
baryant ng Taglish o salitang Ingles na hinahalo sa
Filipino kaya nagkakaroon ng code switching.
• Minsan kinakabitan pa ito ng ingklitik na pa, na , lang
at iba pa.

Halimbawa:
Let’s make kain na … wait lang I’m calling Ana
pa.. We’ll gonna make pila pa.. It’s so haba na
naman for sure.
c.) Jejemon o Jejespeak
• Ito ay isang pagbabaybay ng hehehe at ng salitang
mula sa Hapon na pokemon.
• Ito ay nakabatay rin sa mga Wikang Ingles at Filipino
subalit isinusulat nang may pinaghalo-halong
numero, mga simbolo, at may magkakasamang
malalaki at maliliit na titik kaya’t mahirap basahin at
intindihin lalo na nang hindi pamilyar sa jejeje typing.
Madalas na nagagamit nag titik H at Z.

Halimbawa:
3ow phow, musZtah na phow kaow?
d.) Jargon
• Ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na

pangkat ng isang propesyon, artikula na trabaho, o


gawain ng tao.

Halimbawa:
Abogado- exhibit
Appeal- complainant
Guro- lesson plan, class record, Form 138
4. Etnolek
• Ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolingguwistikong
grupo. Ang salitang ito ay nagmula sa pinagsamang
etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging
bahagi ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.

Halimbawa:
Vakkul- gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init
man o ulan
Bulanon- full moon
Kalipay- tuwa o ligaya
Palangga- maha lo minamahal
Shuwa- dalawa
5.) Register
• Ito ay ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng
isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya
sa sitwasyon at sa kausap.
• Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng
pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may
mataas na katungkulan o kapangyarihan,
nakatatanda o hindi nya masyadong kakilala.
• Ito ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit
ng isang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri
ng dimensyon.
a) Field o larangan- ang layunin at paksa nito ay
naayon sa larangan ng mga taong gumagamit nito.
b) Mode o modo- paraan kung paano isinasagawa ang
uri ng komunikasyon.
c) Tenor- ito ay naayon sa relasyon ng mag-uusap.

Halimbawa:
• Paggamit ng porml na wika sa simbahan, talumpati ,
pagpupulong at pagsusulat ng mg aklat pangwika at
iba pa.
• Paggamit ng di pornal na wika sa pagsulat ng mga
komiks, talaarawan at liham pangkaibigan.
6.)Ekolek
• Ito ang barayti ng wika na karaniwang nabubuo at
sinasalita sa loob ng bahay.
• Taglay nito ang kaimpormalan sa paggamit ng wika
subalit nauunawaan ng mga gumagamit nito
• Ito ang mga salitang madalas na namumutawi sa
bibig ng mga bata at mga nakatatanda,malimit itong
ginagamit sa pang araw-araw na
pakikipagtalastasan.
Halimbawa:
Palikuran- banyo
Silid tulogan- kwarto
Pappy-tatay
7.) Pidgin
• Ito ay umusbong na bagong wika na tinatawag na

Ingles na Nobody’s Native Language o katutubong


wikang di pag aari ninuman.
• Ito ay bunga ng pag-uusap ng dalawang taong may

unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil hindi nila


alam ang wika ng isa’t isa kaya magkakaroon sila ng
makeshift language.
Halimbawa:
• Ako kita ganda babae(nakakita ako ng
magandang babae)
• Kayo bili alak akin(kayo na ang bumili ng alak
para sakin)
8.) Creole
• Ito ay isang wika na unang naging pidgin at

kalauna’y naging likas na.


• Nagamit ito sa mahabang panahon hanggang sa

magkaroon ng pattern o tuntuning sinusunod ng


karamihan.
• Barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga

pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa


magkaibang lugar hanggang sa ito’y naging
pangunahing wika ng partikular na lugar.
• Halimbawa dito ay ang pinaghalong salita ng Tagalog

at Espanyol(ang Chavacano), halong Arican at


Espanyol
Halimbawa:

Mi nombre- Ang pangalan ko

Buenas dias- Magandang umaga

Buenas tardes- Magandang hapon

Buenas noches- Magandang gabi


9.) Estilo
• Barayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa

kausap

10.) Mode
• Barayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa

pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat.

You might also like