Professional Documents
Culture Documents
5.) Ekolek – barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga
salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit itong
ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.
Mga Halimbawa ng Ekolek:
Palikuran – banyo o kubeta
Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
Pamingganan – lalagyan ng plato
Pappy – ama/tatay
Mumsy – nanay/ina
6.) Pidgin – Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang
“nobody’s native language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag
uusap na may dalawa ring magkaibang wika. Sila ay walang komong wikang ginagamit. Umaasa
lamang sila sa mga “make-shift” na salita o mga pansamantalang wika lamang.
Mga Halimbawa ng Pigdin:
Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)
Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.)
Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka na ng paninda ko. Bibigyan
kita ng diskawnt.)
Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado. (Mag-aral ka ng mabuti upang mataas
ang iyong grado.)
7.) Creole – mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng
indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular
na lugar. Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang Chavacano), halong
Arican at Espanyol (ang Palenquero), at ang halong Portuguese at Espanyol (ang Annobonese).
Mga Halimbawa ng Creole:
Mi nombre – Ang pangalan ko
Di donde lugar to? – Taga saan ka?
Buenas dias – Magandang umaga
Buenas tardes – magandang hapon
Buenas noches – Magandang gabi
Pero ito rin ay pwedeng magdulot ng polarisasyon o ang pagtanaw ng mga iba’t-ibang bagay sa
magkakasalungat na paraan, na pwedeng lumikha ng hidwaan dahil sa maling paggamit ng mga
salita. Tunay nga na ang wika ay buhay.