Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian at uri ng pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng heterogenous na wika tayo ay nagkaroon ng iba’t-ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat ang mga variety ng wika, ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal. BARAYTI AT BARYASYON ◦ ay tinuturing na higit na mas masaklaw na konsepto kasa sa tinatawag na istilo ng prosa o istilo ng wika. ◦ isang pagkakaroon ng pagkakaiba depende sa istilo, punto at iba pang salik pangwika na ginagamit ng isang lipunan. 1. Idyolek ◦ bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod tangi at yunik. “Magandang gabi bayan!” - Noli de Castro
“Hindi naming kayo tatantanan”
- Mike Enriquez
“Ang buhay ay weather weather lang!”
- Kim Atienza 2. Dayalek ◦ Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. ◦Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan. ◦Tayo ay may iba’t-ibang uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay wikain. ◦Tagalog = Bakit? Batangas = Bakit ga? Bataan = Baki ah? Ilocos = Bakit ngay? Pangasinan = Bakit ei?
◦Tagalog = Nalilito ako
Bisaya = Nalilibog ako 3 uri ng dayalekto
Dayalektong Heograpiko (batay sa espasyo)
Dayalek na Tempora (batay sa panahon) Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan) 3. Sosyolek ◦ na minsan ay tinatawag na “Sosyalek” ◦Ito ay pansamantalang barayti lamang. ◦Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita. ◦ Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera) ◦ Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!) ◦ Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay pangit ng gelpren mo) ◦ Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!) ◦ May amats na ako ‘tol (may tama na ako kaibigan/kapatid o kaya ay lasing na ako kaibigan/kapatid) 4. Etnolek ◦Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek. ◦Taglay nito ang mga wikang naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko. ◦Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan ◦Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan ◦Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain Province ◦Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal ◦Kalipay – tuwa, ligaya, saya 5. Ekolek ◦barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. ◦Ito ang mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan ◦Palikuran – banyo o kubeta ◦Silid tulogan o pahingahan – kuwarto ◦Pamingganan – lalagyan ng plato ◦Pappy – ama/tatay ◦Mumsy – nanay/ina 6. Pidgin ◦Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. ◦ Ito ay binansagang “nobody’s native language” ng mga dayuhan. ◦Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag-uusap na may dalawa ring magkaibang wika. Sila ay walang komong wikang ginagamit. Umaasa lamang sila sa mga “make-shift” na salita o mga pansamantalang wika lamang. ◦Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.) ◦Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.) ◦Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.) ◦Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka na ng paninda ko. Bibigyan kita ng diskawnt.) 7. Creole ◦ mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar. Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang Chavacano), halong Arican at Espanyol (ang Palenquero), at ang halong Portuguese at Espanyol (ang Annobonese). ◦Mi nombre – Ang pangalan ko ◦Di donde lugar to? – Taga saan ka? ◦Buenas dias – Magandang umaga ◦Buenas tardes – magandang hapon ◦Buenas noches – Magandang gabi PIDGIN AT CREOL ◦Dalawang tao na ◦ ito ay produkto ng nag-uusap at hindi pidgin na wika, kung nagbabahagi ng saan, nadedebelop parehong wika. Tulay naman ang pormal sa gitna ng dalawang na estruktura ng wika wika. sa puntong ito. ◦“no ones native language” Halimbawa: ◦ PIDGIN – “Ikaw bili ◦ CREOLE – Wikang tinda, mura.” Chavacano na hindi puro dahil naiimpluwensyahan ito ng katutubong istruktura. s 8. Register/ Rejister ◦ ito ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn. Ito ay ma tatlong uri ng dimensyon: ◦A. Field o Larangan ◦B. Mode o Modo ◦C. Tenor A. Field o Larangan ◦ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong gumagamit nito. A. Mode o Modo ◦ paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon. A. Tenor ◦ ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap. Halimbawa ng Register ◦Mga salitang jejemon ◦Mga salitang binabaliktad ◦Mga salitang ginagamit sa teks ◦Mga salitang ginagamit ng mga iba’t-ibang propesyon gaya ng mga doktor ◦Ang wika ay makapangyarihan, ito ay nagsisilbing tulay tungo sa pagkakaunawaan at nagbibigay ito ng kapayapaan at katahimikan. Pero ito rin ay pwedeng magdulot ng polarisasyon o ang pagtanaw ng mga iba’t- ibang bagay sa magkakasalungat na paraan, na pwedeng lumikha ng hidwaan dahil sa maling paggamit ng mga salita. Tunay nga na ang wika ay buhay. ANTAS NG WIKA ◦Ang tao ay nilalang na may pinakamataas na antas ng kaanyuang pisikal at intelektwal. Dahil dito tayo rin ay nabiyayaang ng kakayahan na makapag-pahiwatig ng ating mga saloobin gamit ang sari-saring uri ng wika. ◦Wika na daan sa pagkakaisa, pakikisalamuha, pakikipagtalastasan at higit sa lahat, paglilinang ng katalinuhan ng buong sangkatauhan